12
0 | Page Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 6: Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

  • Upload
    others

  • View
    71

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

0 | P a g e

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan – Modyul 6:

Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya

Zest for Progress

Zeal of Partnership

10

Pangalan: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Page 2: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

1 | P a g e

Napagnilayan mo na ba ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay

bunga ng iyong pagpapasiya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan,

siya ang may hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang

direksiyon niya nais pumunta. Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya

na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung

kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit ang talino na

ibinigay ng Diyos.

Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas

mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Mula sa iyong

karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang mga

ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdudulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan?

Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos?

Sa modyul na ito mauunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan

ng paggawa bilang paglilingkod at pagtataguyod sa dignidad ng tao na

may kaakibat na tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan.

Kasama sa pananagutan niya na ang pangangalaga at pamamahala sa lahat

ng nilikha ng Diyos.

7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay

kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa

paggawa ng moral na pasya at kilos. (EsP10MK-IIf-7.4)

7.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng

makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya.

(EsP10MK-IIg-8.1)

ALAMIN

Page 3: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

2 | P a g e

Ngayon ay inaanyayahan kitang balikan mo ang mga sitwasyon

kung saan gumawa ka ng pagpapasiya. Isipin mong mabuti kung anu-ano ang mga ito mula sa pinaka-simple at pinakamahirap na pasiya.

Sitwasyon sa buhay

na nagsagawa ng pasiya

Kilos na isinagawa Epekto ng

isinagawang pasiya

Mga

realisasyon

Gawain 1

Panuto:

1. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang

sagot sa iyong kuwaderno.

2. Sa susunod na pahina lagyan ng tsek(/) ang loob ng panaklong

kung ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis (x) kung

hindi.

3. Isulat ang paliwanag sa ibaba nito.

Sitwasyon A

Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi

pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si Omar kahit

ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang.

Nagpapakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )

Bakit: ____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Sitwasyon B

Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon

silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi

niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya

ng sagot subalit tinanggihan niya ito.

Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )

Bakit: ______________________________________________________________

______________________________________________________________

BALIKAN

TUKLASIN

Page 4: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

3 | P a g e

Sitwasyon C

Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima ang

kumuha ng cellphone ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na lamang

siya upang huwag nang madamay pa.

Nagpapakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo( ) Hindi( )

Bakit: ______________________________________________________________

_______________________________________________________________

Sitwasyon D

Si Ella ay labinlimang gulang pa lamang. Niyaya siya ng kaniyang

kasintahan na sila ay magsama na. Ngunit kahit mahal ni Ella ang

kasintahan ay hindi siya sumama rito.

Nagpapakita ba si Ella ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( )

Bakit: _________________________________________________________________

Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na

mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat

mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ito ba

ay makabubuti o makasasama hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa

kapuwa? Kaya nga, madalas nating marinig sa isang tao na magsasagawa

ng pasiya ang mga salitang ito, ―Bigyan mo ako ng sapat na panahon.‖

Mapapansin natin na ang tao na nagsasagawa ng mga pagpapasiya nang

hindi dumadaan sa tamang proseso at hindi nabibigyan ng sapat na

panahon ay may malaking posibilidad na hind imaging mabuti ang resulta

ng kaniyang pagpapasiya.

Sinabi ni Fr. Neil Sevilla simula nang magkaroon ng isip ang tao

hanggang sa kanyang kamatayan, nagsasagawa siya ng pagpapasya araw-

araw. Bahagi na ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasya sa araw-araw.

Mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamahirap na pasya.

Ang bawat kilos at pasya na kanyang gagawin ay may epekto sa

kanyang sarili at kapwa kung kaya’t dapat itong isagawa nang maingat

gamit ang talino na regalo ng Diyos.

May mga kilos at pasya na kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung

ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin.

SURIIN

Page 5: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

4 | P a g e

Mahalaga na sa bawat pagkilos at pagpapasya ay nakabatay sa makataong pagkilos. May pagkakasunod-sunod ang pagsasagawa ng makataong kilos.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may 12 yugto ang makataong kilos at

nahahati sa 2 kategorya, ang isip at kilos-loob.

Kaalaman….Kakayahan at Pag-unawa

GAWAIN 2:

Panuto: 1. Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat sa

Gawain Bilang 1. Suriin kung ang bawat isa ay kung nagging mapanagutan bas a iyong piniling pasiya at ito ba ay nagpakita ng

makataong kilos. 2. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

ISIP KILOS-LOOB

1. Pag-unawa sa layunin 2. Nais ng layunin

3. Paghuhusga sa nais na makamtan 4. Intensiyon ng layunin

5. Masusing pagsusuri ng paraan 6. Paghuhusga sa paraan

7. Praktikal na paghuhusga sa pinili 8. Pagpili

9. Utos 10. Paggamit

11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin

12. Bunga

PAGYAMANIN

Nagpapakita ba ito ng

mapanagutang pasiya at

makataong kilos? Ipaliwanag. Mga Sitwasyon (1-5)

Page 6: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

5 | P a g e

Sagutin ang mga tanong:

1. Sa kabuuan, nakita mo ba ang mahalagang pananagutan mo sa

bawat pasiya na iyong ginagawa? Ipaliwanag.

2. Matapos mong pagnilayan kung naging mapanagutan ka o hindi, ano

ang nararamdaman mo ukol dito?

3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyo bilang isang

kabataan?

Panuto: Base sa sinagot mo sa Gawain 1 ipaliwanag ang mga sumusunod

na tanong, sagutin ito sa iyong kuwaderno.

1. Sino-sino ang tauhan na nagpakita ng makataong kilos? Ng hindi

makataong kilos?

2. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos?

3. Nakatutulong bas a isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos?

Mga pasiyang gagawin

Paano isasabalikat ang

pananagutan?

Ano ang mangyayari

kung hindi magiging

mapanagutan sa

gagawing pasiya?

1.

2.

3.

ISAISIP

Page 7: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

6 | P a g e

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Si Ana ay namamasyal sa isang mall nang makita niya na may bagong mga damit. Napatigil siya at nag-iisip kung bibili ba siya o hindi. Nasa

anong yugto ng makataong kilos si Ana?

A. Pagpili B. Nais na layunin

C. Intensyon at Layunin D. Sanhi at Bunga

2. Kailangan ang maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kilos na gagawin dahil;

A. Makatutulong ito sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

B. Bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan. C. Masisiguro ang tamang pasya ng tao. D. Makatutulong ito sa tao upang matimbang ang pamimilian.

3. Pinag-isipan ng isang bata kung paano siya makabibili ng bagong damit.

Mangungutang ba siya, mag-iipon o nanakawin niya ang pera ng kaklase? Nasa anong yugto ng kilos ang bata?

A. Intensiyon ng layunin B. Pagkaunawa sa layunin C. Paghuhusga sa nais makamtan

D. Masusing pagsusuri ng paraan

4. Bakit kailangang bigyan ng sapat na panahon ang pagpapasya ng tao?

A. Upang magsilbing gabay sa araw-araw na pagpapasya B. Upang matimbang ng maayos ang mga pamimilian. C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pagpipili.

D. Upang mapagnilayan ng mabuti ang bawat panig ng isasagawang pamimili.

5. Si Lito ay nakapulot ng wallet sa silid-aralan na may lamang 3 libong

piso. Inisip ni Lito kung isasauli ito sa may-ari o ipambili ito ng gamut para sa inang maysakit. Subalit, mas pinili ni Lito na ipambili ito ng gamut. Tama ba ang naging pagpili ni Lito?

A. Tama dahil wala namang nakakita sa kanya. B. Tama dahil para rin naman ito sa ikabubuti ng kanyang ina.

C. Mali dahil hindi ito sa kanya at nararapat lamang na isauli ito sa may-ari

D. Mali dahil para na rin niya itong ninakaw.

TAYAHIN

Page 8: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

7 | P a g e

6. Niyaya si Owen ng kanyang mga kamag-aral na mag-cutting classes. Bago pa niya ito sinagot ay inisip niyang mabuti ang magiging epekto ng

kanyang pagsama. Anong proseso ng hakbang ang kanyang ginamit?

A. Magsagawa ng pasya B. Tingnan ang kalooban

C. Magkalap ng patunay D. Isaisip ang mga posibilidad

7. Si Jen ay kinausap at sinabihan ng kanyang kamag-aral na ito raw ay sinisiraan ng kanyang mismong kaibigan. Sa sobrang galit ni Jen, walang

anu-ano ay bigla nitong sinugod ang kaibigan at pinagsasampal. Ano sana ang unang hakbang na dapat ginawa ni Jen?

A. Isaisip ang posibilidad C. Magsagawa ng Pasya B. Magkalap ng patunay D. Maghanap ng ibang kaalaman

8. Tinulungan ni Jan ang isang pangkat sa Baitang 7 ng kanilang paaralan

para sa paglahok nito sa paligsahan ng interpretatibong sayaw sa pakiusap ng kanyang guro. Subalit, isang lingo bago ang paligsahan ay hindi na ito

nagpakita at sinabing may family problem. Ngunit ang totoo ay, inalok siya ng isang pangkat at binigyan ng mas malaking halaga. Ano dapat ang ginawa ni Jan?

A. Sabihin ang totoo sa baitang na una niyang pinangakuan. B. Kausapin ang kanyang guro bago tanggapin ang alok ng ibang

pangkat. C. Kausapin ang ibang pangkat na mayroon na siyang pangkat na

tinutulungan para sa paligsahan. D. Manatili sa naunang pangkat bilang respeto sa guro na kumausap sa

kanya at upang maipakita na mayroon siyang isang salita.

9. Si Anne ay nasa edad na 15 nang magkaroon ng kasintahan. Niyaya siya

nito na sila ay magsama na. Naisip agad ni Ella ang mga posibleng mangyayari sa kanya kaya’t tinanggihan niya ito. Anong hakbang ginamit ni Ella?

A. Tingnan ang kalooban C. Isaisip ang mga posibilidad B. Maghanap ng kaalaman D. Magsagawa ng desisyon

10. Nakita ni Abby ang kumuha ng pera sa bag ng kanyang kaklaseng si

Anne. Ang perang ito ay gagamitin sanang pambili ng gamot ng kanyang kapatid na maysakit. Nang uwian na at hinanap ni Anne ang pera ay wala na ito. Subalit mas pinili ni Abby na manahimik upang hindi madamay.

Naging makatao ba ang pasya ni Abby? A. Hindi. Dahil hindi niya sinabi ang totoo.

B. Hindi. Dahil nanahimik siya sa kabila ng kanyang kaalaman sa kumuha ng pera at hindi niya naisip na ang perang iyon ay para sa

gamut ng kapatid ni Anne na maysakit. C. Oo. Dahil hindi naman siya tinanong at ayaw lang naman niyang

madamay.

D. Oo. Dahil hindi naman siya ang kumuha ng pera.

Page 9: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

8 | P a g e

11. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang

tao? A. Upang magsilbing gabay sa buhay.

B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.

D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

12. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at

binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?

A. Magkalap ng patunay

B. Maghanap ng ibang kaalaman C. Tingnan ang kalooban

D. Umasa at magtiwala sa Diyos

13. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Ana ang pagpapasiya palagi niyang

tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang

ng pagpapasiya sa Ana?

A. Tingnan ang kalooban

B. Isaisip ang posibilidad C. Maghanap ng ibang kaalaman

D. Umasa at magtiwala sa Diyos

14. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

A. Isip at Kilos-loob B. Intensiyon at Layunin

C. Paghuhusga at Pagpili D. Sanhi at Bunga

15. Si Maria ay laging nagpapasiya nang hindi nag-iisip kaya pagdating sa huli lagi siyang nagsisisi. Sa iyong palagay siya ba ay sumusunod sa

hakbang ng moral na pagpapasiya?

A. Hindi, dahil siya ay may sariling mundo. B. Oo, dahil sinusunod niya ang kaniyang gusto.

C. Hindi, dahil hindi siya nag-iisip kung anong mabuting maidududlot ng kaniyang pasiya.

D. Oo, dahil ito ay gusto naman niya.

Page 10: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

9 | P a g e

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung

Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015, pahina 146-159

Tayahin 1. B

2. A 3. A 4. D 5. C

6. D 7. B 8. D 9. C 10.B

Page 11: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

10 | P a g e

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheila T. Jaman , SST-I

Basilan NHS, Isabela City Division

Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

Page 12: 10 · 2021. 1. 27. · 7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at

11

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX Our..

Eden... Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

'T is I, O my country, raising a song unto thee.

And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo

I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖