4
P ebrero 2 – Nagpatawag ng Student Summit ang Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) upang talakayin ang pag-aamyen- da ng Konstitusyon ng Konseho na may diin sa pagpapalit ng petsa ng eleksyon mula Pebrero patungong Setyembre. Sa pinakahuling Student Council Assembly (SCA), napagkasunduan ang pagsusulong ng nasabing pag-amyenda. Upang maisakatu- paran ito, kinakailangan ang tinatayang 22,000 pirma o 2/3 ng kabuuang populasyon ng mga estudyante ng PUP. Batayan ng SCA Ayon kay Charley Urquiza, Treasur- er at Councilor ng SKM, ang bilang ng turn-out votes ang mayor na dahilan kung bakit kinakailangang ilipat ang eleksyon sa Setyembre. Sa nakaraan umanong eleksyon, 4000 lamang ang lumahok at bu- motong estudyante. Nanggaling na umano sa admin na sa buwan ng Pebrero karaniwang abala ang mga estudyante dahil ito umano ang panahon na nagaganap ang college week, thesis, pagkuha ng major subjects at iba pang academic activities dahilan upang mawalan ng panahon ang mga es- tudyante sa paglahok sa botohan. Isa pa sa binanggit na dahilan ay ang reorganization o pagbabago sa istruktura ng pamantasan kung saan ilang mga kolehiyo ang magmemerge. Apektado umano ang pamumuno ng local colleges council kagaya na lamang sa Col- lege of Arts and Letters( pinagsa- mang College of Arts at College of Language and Linguistic) at College Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena ng The Catalyst sa mahigit tatlong taong kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, kung saan 32 ay mula sa larangan ng pamamahayag. Wall News February 2013 EDITORYAL I nakalang hulog ng langit ang pagdating ng Student Information System(SIS) sa buhay ng bawat PUPian dahil sa kasama nitong pangakong mabilis na proseso ng enrolment, admission, at records. Ngunit sa mahigit apat na taon ng implementasyon ng SIS, ang Pila-Ulit-Pila na dating bansag sa ating sintang paaralan ay naging Problema-Ulit-Problema. Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi- kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta ng Developmental/SIS fee at mga dagdag bayarin na bigla na lang isinasama sa miscellanous fees. Taong 2007 ipinakilala ang makabagong sistema sa PUP kaugnay ng Ten-Point Agenda Towards a Total University ni dating Presidente Dante Guevarra. Ipinataw ang P250 Developmental fee na kalaunaý tinawag na Student Information System fee sa kabila ng hindi nito pagdaan sa tamang proseso at hindi pagkonsulta sa mga estudyante – ang pinakamalaking stakeholder ng pamantasan. Iligal ang paniningil ng P250 Dev’t fee sa mga freshman noong 2008 sapagkat hindi ito dumaan sa tamang proseso sa meeting ng Board of Regents. Nagtagumpay man ang protesta at panawagan laban sa SIS fee na humantong sa pag- uutos ng BOR at CHED noong Disyembre 2008 na irefund ang iligal na bayaring ito, agad nabaligtad ang desisyon dahil maaari umanong sampahan ng breach of contract ng Pinaccle Technologies INC, software provider ng SIS ang administrasyon ng PUP kapag hindi ipinagpatuloy ang SIS. Bunga nito, naging malaya ang administrasyon, sa pamamagitan ng SIS na itulak sa mas matinding komersyalisasyon ang pamantasan. Nagawa ng nagdaang administrasyon ni Dr. Dante Guevarra na magdagdag ng mga bayaring hindi pa aprubado ng BOR, labag sa nakasaad sa Student Handbook at wala pang konsultasyon sa mga estudyante. Una dito ay ang sapilitang pagpapabayad ng P300 para sa PE uniform sa mga estudyante para lamang makapagenroll noong ikalawang semestre ng 2008. Nitong unang semestre ay idinagdag din sa mga babayaran ng mga first year ang PE uniform (P305), Medical Examination fee (P150.00) at Accident Insurance fee (P35.00). Kabilang din ang ilan pang mga biglaang pinapabayaran na hindi naman malinaw kung ano sa tuwing nalalapit ang enrollment. Kasabay naman ng pagpapatupad ng SIS ay ang pagtanggal ng Student Council fee at ng The Catalyst fee sa proseso ng enrolment,dalawang institusyon na pawang naging kritiko sa nagdaang administrasyon. Saksi ang publikasyong ito sa represyon ng nakaraang administrasyon upang maipagpatuloy ang komersyalisadong edukasyon na kanyang ninanais. Tinanggal sa proseso ang fees para sa mga institusyong ito dahil lamang sa mababaw at hindi makatotohanang batayan. At sa kabila ng pagbalik nito sa proseso ng enrolment noong 2011, nagpatuloy ang kahirapan sa pagkuha ng pondo ng dalawang institusyon. Sa usapin naman ng academic profile ng mga estudyante, nagkakaroon ng mga iregularidad sa mga grades, katulad ng pagbibigay ng Honorable Dismissal, kung saan itinuturing na 5.00 ang Incomplete, Withdrawn, at Dropped, na labag sa nakasaad sa Student Handbook. May mga ilang estudyante din na nilalagay sa ROTC kahit na CWTS ang gusto nilang i-enroll. Ang SIS ay apat na taong proyekto ng admin ng PUP at ng Pinnacle Technologies, INC. Matapos ang apat na taon, dapat ay pagmamay ari na ng PUP ang SIS. Kung gayon, kung may dapat mang bayaran ang mga estudyante ay para na lamang sa maintenance nito. Sa ganitong lohika, makatuwirang sabihing panahon na upang itigil ang paniningil ng P250 SIS fee na di hamak na mas malaki at mas mabigat kesa sa binabayarang matrikula ng mga Iskolar ng Bayan. Hindi maikakaila na isa ang SIS fee sa income generating projects ng PUP. Natutulak ang ating pamantasan sa pagpapataw ng mga dagdag na bayarin upang mapunan ang kakulangan ng subsidyong inilalaan ng gobyerno. Ang pagpapabaya ng gobyerno sa mga State Universities and Colleges na gaya ng PUP ay nagbubunga lamang ng mataas na matrikula at napakaraming bayarin.Marapat lamang na muling magkaisa ang mga Iskolar ng Bayan upang ipanawagan ang pagpapatigil sa paninigil ng SIS fee. Kasabay nito, dapat nating singilin ang gobyerno sa kaniyang pagpapabaya sa mga pamantasan ng bayan. Sa huli, walang ibang patutunguhan ang sama- samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan kundi ang tarangkahan ng kapangyarihan upang muling irehistro ang laban para sa mas mataas na badyet para sa edukasyon. BALITA K a l i o o n m s y y er sis Sa huli, walang ibang patutunguhan ang sama- samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan kundi ang tarangkahan ng kapangyarihan upang muling irehistro ang laban para sa mas mataas na badyet para sa edukasyon. S a ika-17 ng Pebrero muling dadagsain ng tinatayang 17, 000 mag-aaral mula sa iba’t- ibang sekundaryang paaralan ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Mabini kampus upang sumalang sa Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test o PUPCET. Bago ito, nauna nang sumabak sa pagsusulit ang unang batch na may bilang na 16, 590, ayon kay Propesor Elena Abeleda, direktor ng Admission Services. Aniya, sa kauna-unahang pagkakataon, ang buong proseso ng pag-aaplay para sa PUPCET ay online na. Sa tinatawag na ePERMIT, kung dati ay kinakailangan pang pumila ng mga aplikante para makuha ang kanilang test permit, sa bagong proseso ay mismong mga estudyante na ang mag-priprint nito. Ang nasabing proseso ay inobasyon para sa mga mag- aaral na manggagaling pa sa probinsiya. As of press time, mahigit 500 slot na lamang ang natitira para sa mga nagnanais pang kumuha ng naturang pagsusulit. Ang PUPCET application ay bukas pa hanggang sa ika-8 ng Pebrero samantalang ang pagkuha ng test permit ay hanggang sa ika-13 ng Pebrero na lamang. 158 klasrum ang gagamitin para sa 2 nd batch ng PUPCET examinees sa darating na Pebrero 17. Libo-libong mag-aaral, dumagsa para sa PUPCET Sa pagnanais na maging Iskolar ng Bayan, Photo by: Kryzl S. Mendez Stella Marie Maragay Student Council Elecon, ililipat sa Setyembre Abigael De Leon of Social Science and Develop- ment (pinagsamang College of Cooperatives at Department of Economics, History, Sociology and Psychology), College of Accoun- tancy and Finance (dating College of Accountacy),College of Business Administration (dating College of Business) at College of Computer and Information Services (dating College of Computer Manage- ment and Information Technology. At dahil umano sa reorganization, kinakailangan ang sapat na pana- hon para makapag-adjust ang mga estudyante sa kanilang bagong kolehiyo. Plebiscite Matapos ang konsultasyon at diskusyon sa nagdaang Student Summit at sa bisa ng nauna ng de- sisyon ng SCA, sinisimulan na ang plebiscite o ang pagpapapirma sa mga estudyante upang makuha ang kanilang pulso hinggil sa pa- glilipat ng petsa ng eleksyon. Mula sa mga batayang inihapag sa SCA, malinaw na ang paglilipat ng eleksyon sa Setyembre ang lulutas sa usapin ng pababang bilang ng bumoboto at ng conflict sa reor- ganization. Inaasahan namin na ito ay susuportahan ng mga estudy- ante dahil unang una, sila rin ang makikinabang dito. Ayaw naman nating magkaroon ng tunggalian kung anong konseho ang mananatili halimbawa sa CAL kung saka-sakali. Mula sa mga partikular na usaping ito isinulong ang plebiscite,” ayon pa kay Urquiza. Nilinaw din sa Student Summit na tanging ang petsa lamang ng eleksyon ang aamyendahan saka- ling magtagumpay ang plebiscite. Jan. 27 - Libo-libong estudyante ang nakipagsapalaran at kumuha ng PUPCET upang makapasok sa PUP at maging Iskolar ng Bayan. S a nalalapit na muling paglalabas ng diyaryo ng Cata, kinakailangan namin ng mga taong magpapasikip muli sa aming opisina! Kung gusto mong maging writer, artist, layout artist o photographer ng opisyal ng pahayagang pangkampus ng PUP, magsadya sa aming opisina at kindatan ang unang taong iyong makikita. Magdala lamang ng copy ng iyong registration card, 1x1 picture at isang libo’t isang lakas ng loob. Orayt! Takits! Ang aming cata opis ay matatagpuan sa 2nd floor ng Charlie del Rosario Bldg. room 206. WANTED

Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena saan 32 ay ... · Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi-kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena saan 32 ay ... · Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi-kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta

Pebrero 2 – Nagpatawag ng Student Summit ang Sentral

na Konseho ng Mag-aaral (SKM) upang talakayin ang pag-aamyen-da ng Konstitusyon ng Konseho na may diin sa pagpapalit ng petsa ng eleksyon mula Pebrero patungong Setyembre.

Sa pinakahuling Student Council Assembly (SCA), napagkasunduan ang pagsusulong ng nasabing pag-amyenda. Upang maisakatu-paran ito, kinakailangan ang tinatayang 22,000 pirma o 2/3 ng kabuuang populasyon ng mga estudyante ng PUP.

Batayan ng SCA

Ayon kay Charley Urquiza, Treasur-er at Councilor ng SKM, ang bilang ng turn-out votes ang mayor na dahilan kung bakit kinakailangang ilipat ang eleksyon sa Setyembre. Sa nakaraan umanong eleksyon, 4000 lamang ang lumahok at bu-motong estudyante.

Nanggaling na umano sa admin na sa buwan ng Pebrero karaniwang abala ang mga estudyante dahil ito umano ang panahon na nagaganap ang college week, thesis, pagkuha ng major subjects at iba pang academic activities dahilan upang mawalan ng panahon ang mga es-tudyante sa paglahok sa botohan.

Isa pa sa binanggit na dahilan ay ang reorganization o pagbabago sa istruktura ng pamantasan kung saan ilang mga kolehiyo ang magmemerge. Apektado umano ang pamumuno ng local colleges council kagaya na lamang sa Col-lege of Arts and Letters( pinagsa-mang College of Arts at College of Language and Linguistic) at College

Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena ng The Catalyst sa mahigit tatlong taong kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre, kung saan 32 ay mula sa larangan ng pamamahayag.

Wall News February 2013

EDIT

OR

YAL

Inakalang hulog ng langit ang pagdating ng Student Information System(SIS) sa buhay ng bawat PUPian

dahil sa kasama nitong pangakong mabilis na proseso ng enrolment, admission, at records. Ngunit sa mahigit apat na taon ng implementasyon ng SIS, ang Pila-Ulit-Pila na dating bansag sa ating sintang paaralan ay naging Problema-Ulit-Problema.Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi-kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta ng Developmental/SIS fee at mga dagdag bayarin na bigla na lang isinasama sa miscellanous fees.Taong 2007 ipinakilala ang makabagong sistema sa PUP kaugnay ng Ten-Point Agenda Towards a

Total University ni dating Presidente Dante Guevarra. Ipinataw ang P250 Developmental fee na kalaunaý tinawag na Student Information System fee sa kabila ng hindi nito pagdaan sa tamang proseso at hindi pagkonsulta sa mga estudyante – ang pinakamalaking stakeholder ng pamantasan. Iligal ang paniningil ng P250 Dev’t fee sa mga freshman noong 2008 sapagkat hindi ito dumaan sa tamang proseso sa meeting ng Board of Regents. Nagtagumpay man ang protesta at panawagan laban sa SIS fee na humantong sa pag-uutos ng BOR at CHED noong Disyembre 2008 na irefund ang iligal na bayaring ito, agad nabaligtad ang desisyon dahil

maaari umanong sampahan ng breach of contract ng Pinaccle Technologies INC, software provider ng SIS ang administrasyon ng PUP kapag hindi ipinagpatuloy ang SIS.Bunga nito, naging malaya ang administrasyon, sa pamamagitan ng SIS na itulak sa mas matinding komersyalisasyon ang pamantasan. Nagawa ng nagdaang administrasyon ni Dr. Dante Guevarra na magdagdag ng mga bayaring hindi pa aprubado ng BOR, labag sa nakasaad sa Student Handbook at wala pang konsultasyon sa mga estudyante. Una dito ay ang sapilitang pagpapabayad ng P300 para sa PE uniform sa mga estudyante para lamang makapagenroll noong ikalawang semestre ng 2008. Nitong unang semestre ay idinagdag din sa mga babayaran ng mga first year ang PE uniform (P305), Medical Examination fee (P150.00) at Accident Insurance fee (P35.00). Kabilang din ang ilan pang mga biglaang pinapabayaran na hindi naman malinaw kung ano sa tuwing nalalapit ang enrollment. Kasabay naman ng pagpapatupad ng SIS ay ang pagtanggal ng Student Council fee at ng The Catalyst fee sa proseso ng enrolment,dalawang institusyon na pawang naging kritiko sa nagdaang administrasyon. Saksi ang publikasyong ito sa represyon ng nakaraang administrasyon upang maipagpatuloy ang komersyalisadong edukasyon na kanyang ninanais. Tinanggal sa proseso ang fees para sa mga institusyong ito dahil lamang sa mababaw at

hindi makatotohanang batayan. At sa kabila ng pagbalik nito sa proseso ng enrolment noong

2011, nagpatuloy ang kahirapan sa pagkuha ng pondo ng dalawang institusyon.

Sa usapin naman ng

academic profile ng mga estudyante, nagkakaroon ng mga iregularidad sa mga grades, katulad ng pagbibigay ng

Honorable Dismissal, kung saan itinuturing na 5.00 ang Incomplete, Withdrawn, at Dropped, na labag sa nakasaad sa Student Handbook. May mga ilang estudyante din na nilalagay sa ROTC kahit na CWTS ang gusto nilang i-enroll.Ang SIS ay apat na taong proyekto ng admin ng PUP at ng Pinnacle Technologies, INC. Matapos ang apat na taon, dapat ay pagmamay ari na ng PUP ang SIS. Kung gayon, kung may dapat mang bayaran ang mga estudyante ay para na lamang sa maintenance nito. Sa ganitong lohika, makatuwirang sabihing panahon na upang itigil ang paniningil ng P250 SIS fee na di hamak na mas malaki at mas mabigat kesa sa binabayarang matrikula ng mga Iskolar ng Bayan. Hindi maikakaila na isa ang SIS fee sa income generating projects ng PUP. Natutulak ang ating pamantasan sa pagpapataw ng mga dagdag na bayarin upang mapunan ang kakulangan ng subsidyong inilalaan ng gobyerno. Ang

pagpapabaya ng gobyerno sa mga State Universities and Colleges na gaya ng PUP ay nagbubunga lamang ng mataas na matrikula at napakaraming bayarin.Marapat lamang na muling magkaisa ang mga Iskolar ng Bayan upang ipanawagan

ang pagpapatigil sa paninigil ng SIS fee. Kasabay nito, dapat nating singilin ang gobyerno sa kaniyang pagpapabaya sa mga pamantasan ng bayan. Sa huli, walang ibang patutunguhan ang sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan kundi ang tarangkahan ng kapangyarihan upang muling irehistro ang laban para sa mas mataas na badyet para sa edukasyon.

BALITA

K alio onm sy yer sis

Sa huli, walang ibang

patutunguhan ang sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan kundi ang tarangkahan ng kapangyarihan upang muling irehistro ang laban para sa mas mataas na badyet para sa edukasyon.

Sa ika-17 ng Pebrero muling dadagsain ng tinatayang 17, 000 mag-aaral mula sa iba’t-

ibang sekundaryang paaralan ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Mabini kampus upang sumalang sa Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test o PUPCET.

Bago ito, nauna nang sumabak sa pagsusulit ang unang batch na may bilang na 16, 590, ayon kay Propesor Elena Abeleda, direktor ng Admission Services.

Aniya, sa kauna-unahang pagkakataon, ang buong proseso ng pag-aaplay para sa PUPCET ay online na.

Sa tinatawag na ePERMIT, kung dati ay kinakailangan pang pumila ng mga aplikante para makuha ang kanilang test permit, sa bagong proseso ay mismong mga estudyante na ang mag-priprint nito. Ang nasabing proseso ay inobasyon para sa mga mag-aaral na manggagaling pa sa probinsiya.

As of press time, mahigit 500 slot na lamang ang natitira para sa mga nagnanais pang kumuha ng naturang pagsusulit. Ang PUPCET application ay bukas pa hanggang sa ika-8 ng Pebrero samantalang ang pagkuha ng test permit ay hanggang sa ika-13 ng Pebrero na lamang.

158 klasrum ang gagamitin para sa 2nd batch ng PUPCET examinees sa darating na Pebrero 17.

Libo-libong mag-aaral, dumagsa para sa PUPCET

Sa pagnanais na maging Iskolar ng Bayan,

Photo by: Kryzl S. Mendez

Stella Marie Maragay

Student Council Election, ililipat sa SetyembreAbigael De Leon of Social Science and Develop-

ment (pinagsamang College of Cooperatives at Department of Economics, History, Sociology and Psychology), College of Accoun-tancy and Finance (dating College of Accountacy),College of Business Administration (dating College of Business) at College of Computer and Information Services (dating College of Computer Manage-ment and Information Technology. At dahil umano sa reorganization, kinakailangan ang sapat na pana-hon para makapag-adjust ang mga estudyante sa kanilang bagong kolehiyo.

Plebiscite

Matapos ang konsultasyon at diskusyon sa nagdaang Student Summit at sa bisa ng nauna ng de-sisyon ng SCA, sinisimulan na ang plebiscite o ang pagpapapirma sa mga estudyante upang makuha ang kanilang pulso hinggil sa pa-glilipat ng petsa ng eleksyon.

“Mula sa mga batayang inihapag sa SCA, malinaw na ang paglilipat ng eleksyon sa Setyembre ang lulutas sa usapin ng pababang bilang ng bumoboto at ng conflict sa reor-ganization. Inaasahan namin na ito ay susuportahan ng mga estudy-ante dahil unang una, sila rin ang makikinabang dito. Ayaw naman nating magkaroon ng tunggalian kung anong konseho ang mananatili halimbawa sa CAL kung saka-sakali. Mula sa mga partikular na usaping ito isinulong ang plebiscite,” ayon pa kay Urquiza.

Nilinaw din sa Student Summit na tanging ang petsa lamang ng eleksyon ang aamyendahan saka-ling magtagumpay ang plebiscite.

Jan. 27 - Libo-libong estudyante ang nakipagsapalaran at kumuha ng PUPCET upang makapasok sa PUP at maging Iskolar ng Bayan.

Sa nalalapit na muling paglalabas ng diyaryo ng Cata, kinakailangan namin ng mga taong magpapasikip muli sa aming opisina!

Kung gusto mong maging writer, artist, layout artist o photographer ng opisyal ng pahayagang pangkampus ng PUP, magsadya sa aming opisina at kindatan ang unang taong iyong makikita. Magdala lamang ng copy ng iyong registration card, 1x1 picture at isang libo’t isang lakas ng loob. Orayt! Takits!Ang aming cata opis ay matatagpuan sa 2nd floor ng Charlie del Rosario Bldg. room 206.

WANTED

Page 2: Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena saan 32 ay ... · Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi-kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta

ARTISTS CRISBY DELGADO | JHON ARWILF SAMUDIO| PATRICIA MICHELLE CERVAS| JONAS DOMAINAS

The Catalyst Editorial Board -20132012

WRITERS ABIGAEL DE LEON | BLESSIE PEÑAFLOR | ARIANE JOY DOLAR | STELLA MARIE MARAGAY | JANICA AGPAOA | JONATHAN CAIÑA

EDITOR IN CHIEF KRYZL MENDEZ | MANAGING EDITOR JOEMAR VELASQUEZ ASSOCIATE EDITORS APRILLE JOY ATADERO (INTERNAL) | JAN RHOBERT MELENDREZ (EXTERNAL)

www.facebook.com/pupthecatalystwww.pupthecatalyst.deviantart.com

2nd flr. Charlie del Rosario BuildingPUP Sta Mesa, ManilaTelefax: 7167832 loc. 637 MEMBER: Alyansa ng Kabataang Mamamahayag(AKM-PUP) College Editors Guild of the Philippines(CEGP)

GABRIELA-Youth is a national or-ganization of women students from various colleges and universities. Founded in 1994, the organization is the youth arm of GABRIELA, na-tional alliance of women’s organi-zations in the Philippines. With the aim of instilling awareness among students on women’s rights and their significant role in the nation’s struggle for genuine freedom and democracy, GABRIELA-Youth launches campaigns and other activities to uphold the democratic rights of women in and outside the campus. It calls on students women in particular, to go beyond the con-fines of their classrooms and claim their place in the Filipino women’s struggle for liberation.

What we do:

Educational Discussion

Education has always been a means of understanding society, the women’s movement, and the issues confronted by Filipino women.

Basic Masses Integration

Integration with the basic masses serves as venue for Gabriela-Youth members to be with women from various sectors, educate them, and learn from their experi-ences.

Kulay Lila

Kulturang Mapagpalaya para sa Kababaihan (Kulay Lila) is Gabriela-Youth’s cultural commit-tee. Kulay Lila aims to develop the talent of young women by creating

ORG VOICE

The Catalyst Komunidad02

Mula nang mapabilang sa SIS ang paniningil ng The Catalyst(TC) fee noong 2011, nadag-

dagan lamang ang pagpapahirap sa ating pub-likasyon.

Kung noon, bago tanggalin sa proseso ng enrol-ment ang TC fee, ang pondo ng publikasyon ay malayang nagagamit para sa pang-araw araw nitong operasyon kabilang na ang presswork at ang mismong pag-papublish ng diyaryo. Ngayon, ang pondo ng publikasyon ay hawak ng administrasyon at ang pagkuha ng pondo para sa pang-araw araw na operasyon ay napakalaking suntok sa buwan na kadalasang nagreresulta sa mismong paglala-bas ng pera ng mga miyembro mapanatili lamang buhay ang publikasyong ito.

Hindi maitatangging esensyal ang usaping pinasyal upang maitaguyod ang isang institusyon lalo pa’t ito ay para sa mga mag-aaral at pinapatakbo rin mismo ng mga mag-aaral. Subalit napatunayan sa kasaysayan ng TC ang pagiging epektibo ng panulat sa paglalantad ng kamalian ng umiiral na sistema, sa loob man iyan ng pamantasan o ng mismong lipunan. Taong 2008, nang tanggalin ang TC fee at maging ang Student council fee sa pros-eso ng enrolment na nagresulta naman sa manu-manong paninigil ng dalawang institusyon na sa huli ay humantong sa pagliit ng pondong nalilikom.

Ang dahilan diumano ay ang kahinaan nitong magpasa ng financial statement na matagal na ring sinagot ng aming mga nagdaang editor. Simpleng lohika na kung may financial liabilities pa sila ay bakit sila nakapagtapos at kasalukuyan nang matagumpay sa kanilang mga propesyon? Ang pagpasa ng financial statement ng miyembro ng Editorial Board lalo ng Editor-in-chief ay rekisito upang makapagtapos sa kanilang kurso.

Ang totoong dahilan ay personal. Sinubukan nila ( nagdaang administrasyon) na busalan ang TC upang nang sa gayon ay manahimik na lamang ang publikasyon sa mga katiwalian ng dating admin. Subalit ang pananahimik ay para na ring pag-sang ayon sa kamalian kung kaya’t sa kabila nang kawa-lan ng pondo, gumawa ng alternatibong pamama-raan ang TC upang maipagpatuloy pa rin nito ang kanyang panatang maglingkod para sa interes ng mga estudyante at mamamayan.

Sa umaapaw na suportang tinanggap ng TC mula sa iba’t ibang pahayagang pangkampus sa buong bansa at higit lalo mula sa mga Iskolar ng Bayan, napagtagumpayan ang Defend Our Catalyst Cam-paign na inilunsad sa loob ng halos tatlong taon.

Naibalik sa proseso ng enrolment ang TC fee at SC fee. Mula nang June 2011 hanggang February 2012, nakapaglabas ang nakaraang pamunuan ng TC ng limang regular issue, apat na special issue at isang lampoon issue. Sa katunayan, umani ng parangal sa ika-72 National Student Press Convention ng College Editors Guild of the Philippines ang TC. Nasungkit nito ang ika-13 Gawad Ernesto Rodri-guez bilang ikalawa sa pinakamahusay na tabloid at naigawad naman sa lampoon ang ikatlong gan-timpala para sa kategoryang Alternatibo.

Subalit ngayon, wala nang diyaryo. Wala nang di-yaryong nagmumulat sa mga mambabasa tungkol sa kabulukan ng sistemang umiiral. Wala nang diyaryong pagtritripang gawing eroplanong papel. Wala na ang diyaryong hingahan ng mga estudy-

Bukas na liham para sa mga Iskolar ng Bayan ante sa pamamagitan ni Ted. Wala na rin si Ted. Wala

na ang diyaryong dalawampu’t pitong taon nang nag-aalay ng sarili para sa interes ng nakararami.

Wala na dahil wala na kaming pondo. Ang TC fee na binabayaran ng bawat mag-aaral ng PUP Main, sa pamamagitan ng SIS, ay direktang napupunta sa central fund o Special Trust Fund at hindi sa mismong bank account nito. Ibig sabihin, hindi kami, na miyembro ng TC ang may hawak at kontrol dito, kundi ang mismong administrasyon. Paglabag ito sa isanasaad sa Campus Journalism Act of 1991 na isang buwan matapos makoleta ang publication fee, ito ay dapat inililipat na sa bank account ng publikasyon.

At dahil ang pondong ito ay nakapailalim sa pondo ng administrasyon, ito ay kabilang na rin sa tinatawag na government fund. Kung kaya’t sa bawat request ng pondo para sa paglalabas ng diyaryo, paglulunsad ng activities, pambili ng office supplies, gastos para sa presswork, lahat ng ito ay dapat dumaan sa prosesong itinakda ng administrasyon. Pahirapan, napakatagal at tila butas ng karayom ang kailangan pagdaan para lamang makuha ang pondo na kung hindi nailabas bago ang isang aktibidad ay magreresulta sa pag-gamit na lamang ng aming mga sariling pera at dahil kadalasan ay wala rin, pagkansela ng mga aktibidad na ito.

Bukod dito, dahil itinuturing na government fund ang pondo ng TC, tinanggalan na kami ng karapatan na mamili ng sarili naming printing press o publisher. Ang mahigit isang dekada na naming printing press na nagbibigay sa amin ng konsiderasyon lalo na kapag nahuhuli ang presswork at matagal makuha ang hiniling na pondo ( sa katunayan ay may utang pa ang TC sa kanila) ay sa isang igap lang ay hindi na namin makukuha pa ang kahangahangang serbisyo.

Samakatuwid, hindi namin hawak ang bawat bente pesos na binabayaran ng mga estudyante at maging namin dahil mga estudyante din kami ng pamantasan.

Kung gaano kasakit ang naramdaman ng mga dat-ing naming editor noong panahon na tinanggal ang pangongolekta ng pondo ng TC, higit dito ang aming nararamdaman. Una, dahil naipanalo na’t lahat ang kampanya ng TC ay tila pa rin kami talunan. Pan-galawa, dahil alam namin na inaasahan ng mga iskolar ng bayan na sa bawat benteng kanilang binayaran ay makabuluhang impormasyon ang kanilang maku-kuha sa mga pahina ng diyaryo. At pangatlo, hindi na nakikilala pa ng mga bagong iskolar ng bayan ang pahayagang saksi sa magiting na kasaysayan ng ating pamantasan.

Sa kabila ng lahat ng ito, gumagawa ang TC ng pamamaraan upang maipaabot pa rin ang mga isyung dapat malaman ng mga iskolar ng bayan. Kasabay nito, pumapaloob ang TC sa mga proseso upang tuluyan nang mailipat ang pondo ng publikasyon sa sarili nitong bank account at nang sa gayon ay makapaglabas na ito ng mga isyung dapat malaman ng mga mag-aaral, guro, kawani, at opisyal ng ating pamantasan.

Kung noon ay nagawang maitaguyod ang The Catalyst bilang opisyal na pahayagang pangkampus ng ating unibersidad, alam namin na magtatagumpay din kami nang hindi nag-iisa. Kung wala man kaming mailabas na diyaryo sa ngayon, dalawa lang ang meron sa amin – ang paninindigan at kayo , mga kapwa namin Iskolar ng Bayan.

-Patnugot

Cybercriminal na si Ted! Dahil sa pagpopost, pagla

like, pag sheshare at pagtwitweet ng kanyang karaingan sa gobyerno. At Katulad niya, maaari ka ring ituring na cy-

bercriminal. Kaya mariing tutulan ang cybercrime law! Sumama sa protesta!

Ted paylonextra

and popularizing pro-women and pro-people’s art and literature.

Alternative Classroom Education

ACEPs enable GABRIELA-Youth to reach out to non-members by developing their awareness and enjoining them in the struggle for women’s liberation.

Campaign and Advocacy

GABRIELA-Youth addresses sec-toral, national, and international is-sues that affect women. We believe that by raising women’s political consciousness, women collectively step out into the public sphere and become an active social force. Our wall news, Purple Voice, aims to inform students about pressing social issues, voice-out women’s concerns and present GABRIELA-Youth’s position on pertinent issues.

Join the One Billion Rising on FEB. 14!

Thomas Morato 4pm

Join the international women’s day of protest!

on March 8 march to Mendiola

“A woman’s place is in the struggle.”

Page 3: Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena saan 32 ay ... · Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi-kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta

Life

The Catalyst 03Komunidad

Sa iyong palagay, makatwiran ba na P250 pa rin ang bayad para sa S.I.S. ?

campus

Page 4: Ang itim na laso ay sumisimbulo ng pagkundena saan 32 ay ... · Simula pa lang ng implementasyon nito ay kabi-kabilang pasanin na ang sumulpot kabilang na dito ang ilegal na pangongolekta