Click here to load reader
Upload
daniel-mendoza-anciano
View
92
Download
27
Embed Size (px)
Citation preview
ANG PAGKUKUBLI ng
NOLI ME TANGERE
Lektura ni G. Daniel Mendoza-Anciano
Instruktor ng Rizal/KasaysayanCavite State University
Kung ako lamang ay magiging isang propesor sa aking bayan, aking gigisingin ang mga pag-aaral ukol sa aking bayan, ang noscie te iptum, na nagbibigay ng tunay na pagkaunawa sa sarili, at nagtutulak sa mga bansa patungo sa mga dakilang gawain.
Jose RizalSulat kay BlumentrritAbril 13, 1887
Tinataglay ng Noli Me Tangere ang mga pangunahing katangian ng isang pangunahing nobela sa kasaysayan ng literaturang Pilipino.
Gaya ng mga sumusunod:
Tinaglay ng Noli Me Tangere ang mapagpasiyang katangian bilang isang instrumental na literatura sa pagmumulat ng kaisipan ng bayan mula sa kanilang hindi kanais-nais na kalagayan.
Natamo ng Noli Me Tangere ang kawalan ng kamatayan na maaring hangarin ng isang alagad ng panitikan, para sa kaniyang obra maestra.
Sa loob ng isang siglo, napanatili ng nobela ang hindi kumukupas na popularidad sa dahilan na ito ay binabasa at patuloy na babasahin ng mga darating na henerasyon ng mga kabataang Pilipino.
Sa loob ng nobela ay mapupuna na tinataglay ng Noli Me Tangere ang mga sumusunod:
Ang kaliliit-liitang at detalyadong paglalarawan ng mga kaligiran na magagawa lamang ng isang taong mayroong photographic memory na matatagpuan sa isang mahusay na manggagamot na may mastery ng anatomiya.
Ang paghahayag at paglalarawan ng nakatagong saloobin at emosyon na namamahay sa isipan ng mga tauhan na pinalilitaw ni Rizal sa ekpresyon ng mukha, paraan ng pagsasalita, at pagkilos. Na waring ang may-akda ay isang dalubhasa sa larangan ng sikolohiya.
Ang katangi-tanging paraan ng paghahayag ng mga ispektrum ng mga makaka-ugnay at magkakasalungat na kaisipan upang punahin ang makalumang paniniwala, at ipasok ang mga makabagong kaisipan na pakikinabangan ng sambayanan. Isang bagay na maasahan natin sa isang taong may malawak at malalim na kaalaman sa pilosopiya.
Ipinapasok nito ang sa isipan ng mga mambabasa ang pagpapahalaga sa katapangan na dapat taglayin ng mga taong mangunguna sa pagtahak ng sambayanan tungo sa landas ng kalayaan at kadakilaan. Paglalahad na ang ginamit na pamamaraan ay ang pagbanggit sa mga leksiyon ng kolektibong karanasan ng sangkatauhan sa loob ng libo-libong taon ng eksistensiya ng tao. Isang pagpapahayag na maasahan lamang sa isang tao na mayroong mahigpit na pagkaunawa sa kasaysayan.
Hindi rin nalimutan ni Rizal na budburan ng maraming mga katatawanan ang Noli Me Tangere sa anyo ng panunudyo/satire at mga patawang luntian sa paglalayon na huwag mabagot ang kaniyang mga mambabasa. Mga patawa na kaniyang inilagay pagkatapos ng isang madugo o malagim na eksena at matalim na panunudyo.
Panghuli – tinataglay ng Noli Me Tangere ang isang malawak na pananaw (range of vision).
Sinuman sa mga seryosong mambabasa ng nobela ay makikita niya na ang mga pagpunang isinulat ni Rizal mahigit 100 taon na ang nakakalipas ay makikita pa rin ang mga sakit ng lipunan na umaagaw sa kinakailangang kalakasan ng bansa patungo sa kaniyang matagal ng minimithing tunay na kalayaan at kaunlaran.
SA KABILA NG LAHAT NG MGA KATANGIANG ITO NG NOLI ME TANGERE
Ang Noli Me Tangere ay isang aklat na hindi nauunawaan ng nakakaraming mga Pilipino sa ating panahon, dahilan sa nagkaroon ng pagtatangka na ito ay ganap na ikubli sa sambayanang Pilipino.
Papaano naikubli ang Noli Me Tangere?
Sa iba’t ibang yugto ng panahon ay nagkaroon ng pagtatangka na itago ng mga kaaway ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere upang huwag mabasa ng nakakaraming mga Pilipino ang nilalaman nito, partikular na ang mga puna ni Rizal na kritikal sa mga alagad ng kolonyal na simbahan –na noon ay isang mainpluwensiyang pangkat sa lipunang Pilipino.
Sa pagdating pa lamang sa Pilipinas ng nobela ni Rizal noong 1887 at mabasa ito ng lupon ng piling guro ng Unibersidad ng Santo Tomas ay nagkaroon na pagtatangka ang mga prayle na ito ay supilin.
Sa ebalwasyon ng nasabing lupon ay sinasabi na ang Noli Me Tangere ay nagtataglay ng mga paniniwalang kontra simbahan at pamahalaan, at isang banta sa katatagan ng kolonyal na lipunan.
Ang nasabing resulta ng ginawang pag-repaso ng mga guro ng Unibersidad ng Santo Tomas ay sinang-ayunan din Permanente Lupon ng Sensura na pinamumunuan ni Pray Salvador Font na katugma din sa inilabas na ebalwasyon ng Lupon ng mga gurong nag-repaso sa UST.
Dahilan sa higit na mataas na katayuan sa burukrasya ng Lupon na pinamumunuan ni Pray Salvador Font, ito ang nagmungkahi na ang ipagbawal ang reproduksiyon, pagbebenta, at pagbabasa ng Noli Me Tangere sa Pilipinas.
Sa pag-alis ni Rizal sa Pilipinas noong 1888, ipinatupad ang pagbabalak na ganap na paglikom sa mga nalalabing kopya ng Noli Me Tangere sa bansa.
Matutunghayan ang katotohanan nito sa sulat na natanggap ni Rizal mula kay kay Rizal na ipinadala ni Alex Schandenberg mula sa Vigan, Ilocos noong Abril 9, 1889 na nagbabalita na dumating sa nasabing lugar si Arsobispo Pedro Payo at maingat na nagtatanong ukol sa nobela sa paglalayon na sunugin ang lahat ng natitirang kopya.
Sa pagharap ni Rizal sa hatol na kamatayan sa Bagumbayan, alam ng mga prayle ang magiging masamang epekto ng mga isinulat ni Rizal laban sa mga kaparian ng kolonyal na simbahan.
Sa ganito ay pinalabas ng mga prayle na si Rizal ay “gumawa” ng isang retraksiyon na dito ay sinasabing “binabawi” ni Rizal ang kaniyang mga sinulat laban sa simbahan.
Sa pagtatapos ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas at sa panahon ng pananakop ng Amerikano sa Pilipinas, ay naalis ang pagbabawal sa pagbabasa ng Noli Me Tangere.
Nagsimula na lumitaw ang salin ng nobela sa wikang Tagalog noong 1909 sa pangunguna ni Pascual H. Poblete
at noong 1912 ay ang salin ni Patricio Mariano.
Noong at sinundan noong 1913 sa wikang Ingles sa pamamagitan ng pagsasalin na isinagawa ni Charles Derbyshire
.
Sa panahon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay napanahon sa pamamayani ng mga salin nina Mariano at Derbyshire.
Ang salin ni Patricio Mariano, ang kinikilalang pinaka-angkop sa pamantayan ng wikang Tagalog
Ang nasabing mga salin ng Noli Me Tangere ang malaganap na ginamit sa mga paaralang bayan bago magkadigma.
Sa pagtatapos ng Digmaan sa Pilipinas noong 1945 ay sinimulang harapin nina Domingo de Guzman, Francisco Laksamana, at Maria Odulio de Guzman ang kanilang bagong edisyon ng Noli Me Tangere na gagamitin sa mga paaralang pribado.
Ang aklat na ito ay unang nailathala noong 1947 at inaprobahan ng Board on Textbook para gamitin sa mga pribadong paaralan noong Mayo 18, 1949.
Sa ginawang paliwanag nina de Guzman et. al ay kanilang sinabi ang ganito ukol sa kanilang ginawang pagsasalin sa Noli Me Tangere.
“Sa pagsasatagalog, na tuwirang ginawa, mula sa orihinal na Kastila ng nobela, ay sinikap di lamang upang maingatang buo ang katas o katamisan ng mga pagkukuro, diwa a mithiin ng may-akda (Rizal), kundi naman upang huwag malihis sa agos at magagandang hanay ng pagkakasulat.
Ito ang pamamaraang naging tuntunin sa pagpapaikli sa mga mahahabang pangungusap at paliwanag sa nilalaman ng aklat.”
Sinuman na nakapag-aral at nakapaghambing ng saling Patricio Mariano at nina de Guzman et. al ay makapagsasabi ng malaking kaibahan ng dalawang edisyon ng Noli Me Tangere.
Mapupuna na ang mga pinutol nina de Guzman et. al ay ang mga bahaging kritikal sa pangunahing institusyon ng moralidad sa bansa.
Noong dekada 50, isa sa naging panukala nina Jose P. Laurel at Claro M. Recto ay ang Batas Rizal na nagtatadhana ng pagtuturo ng buhay ni Rizal sa lahat ng antas paaralan sa buong Pilipinas.
Kasama sa nasabing panukala ang pagbabasa ng lahat ng mga sinulat ni Rizal – lalo na ang dalawang nobelang – Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ang panukalang batas ni Claro M. Recto ay opisyal na tinutulan ng mga matataas na pamunuan ng simbahan sa pamamagitan ng isang inilimbag na pahayag.
Sa nasabing pahayag ay pinaninindigan ng Catholic Heirarchy ang kanilang paggalang at pakiki-isa sa sambayanang Pilipino sa pagdakila kay Rizal, ngunit pinag-iingat ang mga Katoliko sa pagbabasa ng babasahing kritikal sa aral, kawalan ng galang sa mga santo, at pagmaliit at pang-iinsulto sa mga alagad ng simbahan.
Ang edisyon na sinulat nina de Guzman et. al. ay tumutugma sa ninanais ng Catholic Heirarchy na anyo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na ipabasa sa mga Katoliko.
Sa nasabing edisyon ay ganap na nilinis nina de Guzman et. al. ang lahat ng mga sinulat ni Rizal sa dalawang nobela na kritikal sa simbahan, santo at santa, dogma, practices, at kaparian.
Noong pagtibayin ang Batas Rizal, isa sa nakitang pamamaraan ng mga opisyal ng pangunahing institusyong pang-moral sa bansa na gawing popular ang edisyon nina de Guzman et. al.
Tinawag ng mga tagasalungat nina de Guzman et. al. ang ang kanilang edisyon ng Noli Me Tangere na
EXPURGATED EDITION
ss
Ang Expurgated Edition nina de Guzman et. al. ay nagbigay ng isang di kanais-nais na kalakaran sa pag-aaral ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ito ay ang pagtuturo at paglalahad ng Noli Me Tangere sa anyo ng pagbubuod.
Na nakatago ang mga kritikal na kaisipan ni Rizal na lumalaban sa labis na pagiging mapamahiin ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan.
Maging sa aking panahon ng pag-aaral sa mataas na paaralan ay nagamit ko ang nilinis na edisyon at ipinabubuod sa amin ng guro.
Dahilan sa ang pagtuturo ay sa anyo na lamang ng pagbubuod, ilang mga edukador ang naglabas ng mga panibagong edisyon na pinaikli at pabuod na lamang.
Maari sigurong hindi alam ng mga edukador na ito na sila ay naging hindi sinasadyang mga kasangkapan sa pagtatago ng mga malalim na kaisipan ni Rizal na sana ay naging panuntunan ng mga Pilipino sa pagsusuri at pagbuo ng isang lipunan na higit na malaya sa hulmahang panlipunan na naiwan ng ating mga mananakop.
PAPAANO MULING TUTUKLASIN
ANG
NOLI ME TANGERE?