61
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng Asya TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Likas na Yaman ng Asya 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11 Aralin 2: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Agrikultura 13 Layunin Natin 13 Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19 Aralin 3: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Ekonomiya 21 Layunin Natin 21 Subukan Natin 22 Alamin Natin 23 Pag-aralan Natin 23 Suriin Natin 27 Sagutin Natin 28 Pag-isipan Natin 28 Gawin Natin 28

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

  • Upload
    others

  • View
    95

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 7, YUNIT 2

Likas na Yaman ng Asya TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Likas na Yaman ng Asya 4 Layunin Natin 4

Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11

Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11

Aralin 2: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Agrikultura 13

Layunin Natin 13 Subukan Natin 14

Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19

Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19

Aralin 3: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Ekonomiya 21

Layunin Natin 21 Subukan Natin 22

Alamin Natin 23 Pag-aralan Natin 23 Suriin Natin 27 Sagutin Natin 28

Pag-isipan Natin 28 Gawin Natin 28

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Aralin 4: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman 30 30 31 32 32 36 37 37

sa Panahanan Layunin Natin Subukan Natin Alamin Natin Pag-aralan Natin Suriin Natin Sagutin Natin Pag-isipan Natin Gawin Natin 37

Aralin 5: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Kultura 39

Layunin Natin 39 Subukan Natin 40 Alamin Natin 41 Pag-aralan Natin 41 Suriin Natin 44 Sagutin Natin 45 Pag-isipan Natin 45 Gawin Natin 45

Aralin 6: Kahalagahan ng Balanseng Ekolohiya sa Asya 47 Layunin Natin 47 Subukan Natin 48 Alamin Natin 49 Pag-aralan Natin 49 Suriin Natin 51 Sagutin Natin 52 Pag-isipan Natin 52 Gawin Natin 52

Karagdagang Kaalaman 54 Pagyamanin Natin 55 Paglalagom 57 Dapat Tandaan 57 Dagdag Sanggunian 58 Gabay sa Pagwawasto 58 Sanggunian 61

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 7 | ARALING PANLIPUNAN YUNIT 2

Likas na Yaman ng Asya

Isang Hagdang-hagdang Palayan sa Asya

Natatangi at kahanga-hanga ang Asya. Mula sa magagandang tanawin hanggang sa kasaganaan sa mga yamang lupa, tubig, at mineral, nananatili ang Asya bilang malaking bahagi ng pag-unlad ng mundo. Ang bawat rehiyon sa Asya ay may kani-kaniyang yaman na pinagkukunan ng mga tao ng kanilang mga pangunahing pangangailangan. Malaking bahagi ng kasaganaan ng Asya pagdating sa mga likas na yaman ay may kinalaman sa katangiang pisikal ng rehiyon. Gayunpaman, napananatili at napauunlad ang mga likas na yamang ito dahil na rin sa pangangalaga ng mga Asyano sa mga ito. Dahil patuloy na napangangalagaan ang karamihan sa mga likas na yaman sa Asya, ang mga ito ay hindi na lamang nagsisilbing pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan; ginagamit na rin ang mga ito para sa pagpapaunlad ng turismo at ekonomiya ng isang bansa. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang mga likas na yaman ng Asya, ang kahalagahan ng pisikal na kapaligiran at mga likas na yaman sa agrikultura, ekonomiya, pananahanan, at kultura, gayundin ang kahalagahan ng balanseng ekolohiya sa Asya.

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Mga Likas na Yaman ng Asya

Mga Natatanging Yaman ng Asya

Ang Asya ang pinamakalaking kontinente sa buong mundo. Nangangahulugan ito na malaking bahagi ng iba’t ibang karagatan at lupain ang nasasakop ng Asya. Kaya naman, maraming likas na yaman ang matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon nito. Ang bawat bahagi ng Asya ay may kani-kaniyang ipinagmamalaking produkto at kakayahan na humubog sa kultura at identidad o pagkakakilanlan ng mga Asyano. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang iba’t ibang likas na yaman ng Asya katulad ng mga yamang lupa, dagat, mineral, at gubat.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nailalarawan ang yamang likas ng Asya.

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Ang yamang gubat ay isang mahalaga ngunit nanganganib na industriya sa ilang bansa sa Asya.

2. Ang figs, apricots, at olives ay mga prutas na naaani sa maiinit

na bahagi ng Asya.

3. Ang hilaga o gitnang bahagi ng Asya ay apektado ng malamig

at tuyong hangin mula sa Arktiko.

4. Ang aquaculture ay ang pagpapalaki ng mga isda at iba pang

lamang dagat sa kinokontrol na kapaligiran.

5. Ang tropikal na klima at mataas na antas ng ulan ay ang

perpektong kondisyon para sa produksyon ng palay at ng mga

tropikal na prutas.

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ang Asya ay isang napakalaking koninente na hitik sa likas na yaman. Ang bawat bansa ay naiiba sa uri at kalidad ng likas na yaman, depende sa kondisyon ng lupa at klima nito. Ating alamin ang iba’t ibang likas na yaman na matatagpuan sa Asya. Yamang Lupa Ang hilaga o gitnang bahagi ng kontinente ay apektado ng malamig at tuyong hangin mula sa Arktiko, kaya naman matitigas na butil tulad ng barley, oats, at trigo ang madalas na pananim dito. Mahalaga rin sa bahaging ito ang pagpapastol ng mga hayop tulad ng baka, kambing, at tupa. Sa katunayan, 75% ng lupang pang-agrikultura sa Mongolia ay ginagamit para dito. Samantala, ang mga prutas at gulay tulad ng dates, figs, apricot, olives, sibuyas, at ilang uri ng ubas at cherries na may kakayahang mabuhay sa mainit na klima ay tumutubo naman sa kanlurang bahagi ng Asya. Samantala, ang mga bansa naman sa Timog-Silangang Asya, kung saan nabibilang ang Pilipinas, ay kilala dahil sa agrikultural na katangian nito. Sa katunayan, ang katangiang pang-agrikultura ng rehiyong ito ay mababakas sa kasaysayan ng mga bansa sa pamamagitan ng mga hagdang-hagdang palayan o tradisyunal na pamamaraan ng pagsasaka na makikita sa maraming bansa sa Timog-SIlangang Asya. Sa kasalukuyan, nangunguna ang mga bansa sa rehiyon sa pagsusuply o pagtutustos ng maraming produktong agrikultural sa mundo, tulad na lamang ng mga palay at prutas.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • hitik – sagana • petrolyo – isang uri ng

langis • reserba – imbak • sektor - bahagi • pandaigdigang samahan –

samahan na kinabibilangan ng iba’t ibang bansa

Pagpapastol sa Mongolia

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Ang tropikal na klima at mataas na antas ng ulan ay ang perpektong kondisyon para sa produksyon ng palay at ng mga tropikal na prutas. Palay ang pinakamahalagang pananim sa buong Asya dahil bigas o kanin ang pangunahing pagkain ng mga Asyano. Noong 2010, tinatayang nasa 570 milyong metric tons ng bigas ang naani sa buong Asya. Subalit, dahil umaabot sa 79 kilo ang nakokonsumo ng bawat Asyano, ang produksyon ng bigas sa Asya ay tila sapat lamang para sa mga Asyano. Ang Tsina ang pinakamalaking tagapagluwas ng bigas. Sinundan ito ng India. Ang India rin ang pinakamalaking tagapag-ani ng mangga sa buong mundo, habang ang Thailand at Pilipinas ang nangungunang tagapagluwas ng pinya sa rehiyon. Yamang Dagat Hitik sa yamang dagat ang Asya dahil napaliligiran ito ng iba’t ibang anyong tubig. Kilala ang Asya sa iba’t ibang klase ng isda at aquaculture. Ang aquaculture ay ang pagpapalaki ng mga isda at iba pang lamang dagat sa kinokontrol na kapaligiran. Noong 2008, humigit-kumulang 50 porsiyento ng mga nahuling isda sa buong mundo ay galing sa katubigan ng Asya. Anim sa sampung nangungunang prodyuser ng isda sa mundo ay matatagpuan sa Asya: Tsina, Indonesia, Hapon, India, Pilipinas, at Myanmar. Itinuturing ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya bilang “World’s Fish Net” sapagkat napakasagana ng aquaculture sa rehiyong ito. Tandaan na sa rehiyong ito ng Asya, hindi lamang isda ang kabilang sa mga yamang tubig. Halimbawa na lamang, ang Pilipinas ay kilala rin sa produksiyon ng magagandang perlas na ipinagbibili sa pandaigdigang pamilihan. Samantala, ang Indonesia naman ang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga yamang dagat sa mundo.

Mga Yamang Dagat sa Asya noong 2014 mula sa WorldFish at IFPRI

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

Yamang Mineral Ang extractive activities o ang paghahanap ng mga mineral, langis, at natural na gaas ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya para sa maraming bansa sa Asya. Ang Tsina, India, at Russia ang tatlong bansa sa Asya na pinakaproduktibo sa pagmimina. Sa mga bansang ito nakukuha ang halos pare-parehong uri ng mineral.

Ang Tsina ang pinakamalaking prodyuser ng aluminum, lata, at karbon sa buong mundo. Ang India naman ay mayroong aluminum, barite, chromium, at manganese. Ang Russia ay isa rin sa pangunahing prodyuser ng karbon, tungsten, diyamante, at bakal. Samantala, ang Indonesia ay mayroon ding karbon, ginto, tanso at lata. Noong 2015, ang Saudi Arabia ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong mundo. Nagluluwas ito ng 10,625,000 na bariles ng langis araw-araw. Mayroon din itong pinakamalaking reserba ng langis sa buong mundo na may humigit-kumulang 250 bilyong bariles. Ang ekonomiya ng Saudi Arabia ay nakadepende sa pagluluwas ng langis sapagkat dito nagmumula ang 80 hanggang 90 porsyento na kabuuang kita ng bansa. Ang ibang bansa sa Kanlurang Asya tulad ng Iran at United Arab Emirates ay nagluluwas din ng mga produktong petrolyo.

Langis ang Pangunahing Produkto sa Kanlurang Asya

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Yamang Gubat Ang yamang gubat ay isang mahalaga ngunit nanganganib na yaman o industriya sa ilang bansa sa Asya. Ang Tsina, Indonesia, at Malaysia ang bumubuo sa mahigit sa kalahati ng mga gubat na bahagi ng kontinente. Ang Tsina ang pangunahing tagapagluwas ng wood-based panel, papel, at wood furniture, samantalang ang Indonesia at Malaysia naman ang pangunahing prodyuser ng mga tropikal na kahoy tulad ng teak na mainam para sa mataas na kalidad ng mga muwebles at sahig.

Mga produktong nakukuha sa kagubatan

Upang mapangalagaan ang yamang gubat ng Asya, nakikilahok ang iba’t ibang Asyanong bansa sa mga gawaing binubuo o itinatatag ng mga pandaigdigang samahan katulad ng Food and Agriculture Organization of the United Nations. Halimbawa nito ang Asia-Pacific Forestry Sector Outlook Study (APFSOS) na nag-aaral ng mahahalagang pagbabagong pang-ekonomiya at panlipunan na nakaaapekto sa yamang gubat ng Asya. Nagtatalaga rin ito ng mga layunin at prayoridad na dapat makamit ng sektor pagdating ng taong 2020.

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Yamang Lupa

Yamang Tubig

Yamang Mineral

Yamang Gubat

1. teak

2. gasolina

3. tilapia 4. acacia

5. mangga

6. perlas

7. alimango

8. karbon

9. niyog

10. narra

Suriin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang aquaculture? 2. Anong bansa ang pinakamalaking prodyuser ng bigas sa mundo? 3. Anong mga bansa ang nangungunang tagapagluwas ng pinya sa Timog-Silangang

Asya?

Ano ang maaari mong gawin upang mapangalagaan ang ating likas na yaman?

Kumpletuhin ang tsart sa ibaba tungkol sa likas na yaman ng Asya. Isulat ang mga halimbawa ng bawat likas na yaman na matatagpuan sa Asya. Lagyan ng isang detalye ang bawat likas na yaman. Dapat ay makapagbigay ka ng hindi bababa sa tatlong halimbawa sa bawat kolum.

Yamang Lupa Yamang Mineral Yamang Tubig Yamang Gubat

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Kalidad ng Nilalaman

Kulang-kulang at walang detalyeng isinulat sa tsart

May iilang detalye lamang ang tsart; karamihan sa mga puntong isinaad ay hindi naipaliwanag

Maraming detalye ang tsart; may isa o dalawang detalye na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, o ipinaliwanag ang nilalaman ng tsart

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang tsart para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang tsart ngunit hindi sinikap na mapaganda pa ito

Tinapos ang tsart na may kasiya-siyang resulta, may pagsisikap na lalo pang pagandahin

Tinapos ang isang napakagandang tsart na may masidhing pagsisikap na maging natatangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tsart

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tsart

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Walang planong magpasa kung hindi ipinaalala ng guro

Huli sa itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng tsart sa itinakdang oras/ petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng tsart bago pa ang itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Aralin 2

Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Agrikultura

Ang Agrikultura sa Asya

Maraming bansa sa Asya ang maituturing naagriculturally-dependent. Ibig sabihin nito, nakabatay ang pamumuhay ng mga tao sa pagtatanim, pagsasaka, o pagpapastol ng mga hayop; kaya naman, malaki ang impluwensiya ng agrikultura sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa araling ito, ating tatalakayin ang kahalagahan ng katangiang pisikal ng Asya sa larangan ng agrikultura. Sisiyasatin din natin ang iba’t ibang isyung pang-aagrikultura na kinahaharap ng Asya sa kasalukuyan.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa larangan ng agrikultura.

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Tignan ang mapa. Markahan ng ekis (û) ang limang bansa sa Asya na may masaganang agrikultura.

Subukan Natin

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

Sa pagsasaka nagmumula ang pagkain ng mga tao at ang mga agrikultural na produktong panluwas ng isang bansa. Maraming bansa sa Asya ang mayroong malalawak at matatabang lupa na bagay sa pagpapatubo ng mga agrikultural na produkto. Karamihan sa bansang ito ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya at Silangang Asya. Kahalagahan ng Pisikal na Katangian ng Asya sa Agrikultura Sa kabila ng pagiging sagana ng Timog-Silangang Asya at Silangang Asya sa agrikultura, malaking bahagi pa rin ng kontinente ang salat sa masaganang agrikultura dahil sa hindi magandang kundisyon ng lupain nito. Halimbawa na lamang ang Kanlurang Asya na salat sa mga produktong agrikultural ngunit napakayaman naman sa mga produktong mineral. Gayunpaman, ang pinakamasasaganang lupain para sa agrikultura ay matatagpuan pa rin sa Asya. Napagaganda ang kalidad ng lupa sa pamamagitan ng maayos na pamamaraan ng pagtatanim, tulad na lamang ng pagtatanim malapit sa mga ilog at lambak. Ang mga pangunahing pananim na sinasaka sa Asya ay ang cereals at grains, gulay at prutas, at cash crops. Cereals at Grains Ang Asya ang may pinakamalaking pagkonsumo ng bigas sa buong mundo. Gayundin, 90 porsiyento ng suplay ng bigas ay nanggagaling sa Asya. Maliban sa mga bansa sa Kanlurang Asya, Hilagang Asya, lahat ng bansa sa Asya ay may masaganang lupain para pagtaniman ng bigas.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • panluwas – inilalabas • salat – kulang • irigasyon – sistema ng patubig • pang-eksport - panluwas • klimang tropikal – uri ng klima

ng mga bansang malapit sa ekwador

• binhi – butil na pananim • modernisasyon – pag-unlad

Mga Butil ng Trigo

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

Sa kabila nito, ang pisikal na katangian ng Siberia, partikular na ang chernozem o itim na lupain, sa ilang bahagi ng bansa ay magandang pagtaniman ng mga grain, lalo na ang trigo. Ang Tsina naman ay prodyuser ng barley at mais. Nagiging posible at masagana ang mga pagtatanim na ito dahil na rin sa maayos na sistema ng irigasyon na ginagawa ng bawat bansa para sa kanilang mga pananim. Mga Gulay at Prutas Maraming prutas at gulay ang itinatanim sa Asya. Ang klimang tropikal at sub-tropikal sa iba’t ibang panig ng kontinente ay nagdudulot ng magandang kondisyon para pagtaniman ng mga gulay at prutas na pangunahing ginagamit bilang pagkain ng mga lokal na mamamayan. Pinakatanyag na prutas na itinatanim sa Asya ang mangga, pinya, saging, orange, papaya, at mansanas. Samantala, ang mga gulay na kadalasang itinatanim ay ang mushroom at asparagus sa Taiwan, at repolyo at carrots sa iba pang bahagi ng Asya. Kagaya ng iba pang produktong agrikultural, pinakamayaman sa pagtatanim at pagsasaka ang rehiyon ng Timog-Silangan at Silangang Asya. Mga Cash Crops Ang mga cash crop ay mga produkto na ginagamit pang-eksport sa iba’t ibang bansa. Karaniwang ipinagbibili sa pamilihan ang mga produkto tulad ng niyog, tsaa, palm oil, rubber, at tubo. Ang Asya ay kilala sa pagtatanim ng mga produktong ito dahil sa magandang kundisyon ng lupa at klima ng rehiyon. Marami ring makabagong teknolohiya ang ginagamit sa pagsasaka upang lumaki ang produksyon. Halimbawa nito ang combine harvester na nagpapadali ng pag-aani at ang rice transplanter na nagpapabilis ng pagtatanim ng mga binhi. Dahil sa malaking produksyon, nagkakaroon ng kakayahan ang isang bansa na makapagluwas ng produkto nito sa ibang bansa.

Mga Gulay at Prutas

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Mga Isyung Pag-agrikultura sa Asya Kasabay ng modernisasyon ng agrikultura ay ang unti-unting pagkasira ng mga lupang sakahan dahil sa mga maling gawaing pang-agrikultura tulad ng paggamit ng chemical fertilizers para dumami at mas mapabilis ang pag-aani. Isa sa mga maaaring maging epekto ng pagamit nito ay ang desertification. Ang desertification ay ang pangmatagalang proseso ng pagkawala ng sustansya ng lupa hanggang ito ay maging tuyo at tigang at tuluyan nang hindi mapakinabangan. Sa buong Asya, tinatayang 1/3 ng mga lupang sakahan ay maituturing na sira na dahil sa mga gawain sa pagsasaka na hindi pangmatagalan ang gamit o unsustainable. Kabilang sa mga gawaing ito ay ang labis na paggamit ng tubig sa ilalim ng lupa dahil sa salinization at alkalinization. Ang salinization ay ang pag-alat ng tubig dahil sa humalong asin na maaaring nagmula mismo sa ilalim ng lupa o dinala ng irigasyon na nagmula sa mga river estuaries. Isa sa pangunahing sanhi ng pagkasira ng lupa sa maraming bansa sa Asya ay ang pagtaas ng lebel ng asin, alkaline, at asido. Nakasasama sa mga halaman ang labis na asin sa lupa. Malayo na ang narating ng sektor ng agrikultura sa larangan ng pagpapabilis at pagpapaganda ng ani. Gayunpaman, dala rin ng makabagong teknolohiya ang panganib ng pagkasira ng lupain o pananim. Malaking suliranin para sa bansa kung mawawalan ito ng kakayahang matuguan ang agrikultural na pangangailangan ng mga mamamayan nito.

Tuyong Lupain

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Sa buong Asya, tinatayang 1/3 ng mga lupang sakahan ay maituturing na sira na dahil sa mga gawain sa pagsasaka na hindi pangmatagalan ang gamit.

2. Ang deforestation ay ang pangmatagalang proseso ng pagkawala ng sustansiya ng lupa.

3. Ang mga cash crop ay mga pananim na pangunahing ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

4. Pinakatanyag na mga gulay na itinatanim sa Asya ang saging, mangga, pinya, at orange.

5. Kasabay ng modernisasyon ng agrikultura ay ang unti-unting pagkasira ng mga lupang sakahan dahil sa mga hindi mabuting agricultural practices.

6. Ang Siberia ay kilala sa lupaing tinatawag na chernozem.

7. Dahil sa malaking produksiyon, nagkakaroon ng kakayahan ang isang bansa na makapagluwas ng produkto nito sa ibang bansa.

8. Ang salinization ay ang pag-alat ng tubig dahil sa humalong asin na maaaring nagmula mismo sa ilalim ng lupa o dinala ng irigasyon na nagmula sa mga river estuaries.

9. Ang Aprika ang may pinakamalaking pagkonsumo ng bigas sa buong mundo.

10. Sagana sa bigas at iba pang uri ng butil ang Asya.

Suriin Natin

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang desertification? 2. Ano ang salinization? 3. Bakit gumagamit ng mga makabagong teknolohiya ang mga magsasaka?

Paano naaapektuhan ng pisikal na kapaligiran ng agrikultura ng isang bansa?

Sumulat ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng pisikal na kapaligiran at likas na yaman ng isang bansa. Gamitin ang mga natutunan sa aralin o maaaring manaliksik pa upang maging mas malaman ang tula. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Kalidad ng Nilalaman

Wala o hindi nakabuo ng tula; walang kaugnayan sa kahalagahan ng kapaligiran at likas na yaman; nagpakita na hindi

Simple lamang ang tula; medyo lihis sa kahalagahan ng kapaligiran at likas na yaman; kulang ang impormasyon o ang nilalaman;

Maganda ang tula; nakatuon sa kahalagahan ng kapaligiran at likas na yaman; ang impormasyon ay ibinatay lamang sa

Maganda at malaman ang tula; nakatuon sa kahalagahan ng kapaligiran at likas na yaman; halatang may natutunan at nagsawa pa ng

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

naunawaan ang paksa

halatang hindi naunawaan ang paksa

natutunan nilalaman ng aralin

ibayong pananaliksik tungkol sa paksa

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang tula para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang tula ngunit hindi sinikap na mapaganda pa ito

Tinapos ang tula na may kasiya-siyang resulta, may pagsisikap na lalo pang pagandahin

Tinapos ang isang napakagandang tula na may masidhing pagsisikap na gawing katangi-tangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tula

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tula

May angking husay sa pagsulat; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa pagsulat; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Walang planong magpasa kung hindi ipinaalala ng guro

Huli sa itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng tula sa itinakdang oras/ petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng tula bago pa ang itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

Aralin 3

Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Ekonomiya

Kalagayan ng Ekonomiya sa Pandaigdigang Pamilihan

Magkaugnay ang pisikal na katangian ng isang lugar sa kakayahang pang-ekonomiya nito. Ang pagiging malawak ng Asya ay nagbubukas ng maraming oportunidad sa larangan ng ekonomiya at pakikipagkalakalan. Sa araling ito, ating tatalakayin ang implikasyon ng pisikal na katangian ng Asya at pamumuhay ng mga Asyano sa ekonomiya ng rehiyon.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa larangan ng ekonomiya.

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Pagtambalin ang magkakaugnay na salita sa Hanay A at Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. ekonomiya a. agrikultura

2. supply at demand

b. institusyong panlipunan

3. middle-income class

c. mga konseptong pang-ekonomiya

4. Kanlurang Asya

d. petrolyo

5. deforestation

e. commercial logging

Subukan Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Ang ekonomiya ay isang institusyong panlipunan na nakaaapekto sa pambansang kakayahan at kaunlaran ng isang estado o rehiyon. Ang pagkakaroon ng isang magandang takbo ng ekonomiya ay makapagdudulot ng paglago ng kakayahan ng bansa o rehiyon na makapagbigay ng maraming oportunidad, trabaho, proyekto, at gawain para sa bansa. Samantala, ang hindi magandang takbo ng ekonomiya ay magdudulot ng kahirapan sa pamumuhay at mga suliraning panlipunan tulad ng implasyon.

Ang pagbabalanse ng ekonomiya ay hindi madaling gawain sapagkat maraming pabago-bagong salik, tulad na lamang ng supply, demand, at estado ng pamilihan, ang nag-uugnay sa isa’t isa. Upang mabalanse ang ekonomiya, kailangan ay makagawa ang mga pamahalaan ng mga patakarang pang-ekonomiya na tumutugon sa pangangailangan ng bansa. Kailangan din ng maayos na pagpapaikot ng salapi at pagbubukas ng mga bagong industriya o trabaho.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • institusyong panlipunan –

bahagi ng lipunan na nakaaapekto sa isang malakihang paraan; kabilang dito ang edukasyon, relihiyon, at ekonomiya

• implasyon – abnormal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa isang panahon

• supply – dami ng produktong maaaring ipagbili sa pamilihan

• demand – dami ng produktong nais bilihin sa pamilihan

• heterogenous – magkakaibang salik o nilalaman

Konsepto ng Balanseng Ekonomiya

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran ng Asya sa Ekonomiya ng Rehiyon Ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Asya ay nakadepende sa mga likas na yaman na matatagpuan sa rehiyon. Pangunahing kalakasang pang-ekonomiya ng Asya ang malawak na lupain at katubigan na sakop nito. Bukod pa rito, ang yamang tao ng Asya ay nakatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Ang kabuhayan ng mga tao sa maraming bansa sa Asya ay matatayang nasa middle-income class at patuloy pang umuunlad. Para sa mga bansang ito, ang malaking bahagdan ng pinagkukunan ng kakayahang pang-ekonomiya ay sa sangay ng agrikultura.

Ang Industriyalisadong Bansang Hapon Ang mga high-income na bansa naman tulad ng Hapon at Singapore ay patuloy na nakapokus sa industriyalisasyon. Kaya naman, para sa lahat ng bansa sa Asya, napakalaki ng naitutulong ng pisikal na katangian at kakayahan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng heterogenous na katangian ng Asya ay nagdudulot sa mga bansa na magkaroon ng mas maraming pinagkukunang-yaman na ginagamit naman sa pakikipagkalakalan o turismo, mga gawaing nakapagpapausbong ng pambansang ekonomiya.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

Kahalagahan ng Likas na Yaman sa Ekonomiya ng Asya Ang pangunahing dahilan na nakaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya ay ang mga likas na yaman ng isang bansa. Maraming bansa sa Asya ang unti-unting umuunlad dahil sa kasaganaan nito sa mga likas na yaman. Ang langis sa Kanlurang Asya ang isa sa mga dahilan ng pagiging maunlad ng ilang mga bansa rito katulad ng Saudi Arabia at United Arab Emirates. Ang mga produktong petrolyo ang kanilang pangunahing produktong panluwas. Dito nakasasalay ang malaking bahagdan ng pagsulong kanilang ekonomiya. Samantala, sa Hilagang Asya, partikular na sa mga bansang Uzbekistan, Kazakhstan, Turkmenistan, at Azerbaijan ay mayroon ding langis at natural na gaas na hindi gaanong nalilinang. Bagaman at marami ang minang langis nito, malaking hadlang ang pisikal na katangian ng rehiyon upang ito ay lubos na mapakinabangan. Dahil sa pagiging sarado o landlocked at bulubundukin ng rehiyong ito, mahihirapang makapagluwas ng produktong langis sa ibang bansa. Kailangan pa nitong makipagkasundo sa maraming bansa para makapagpatayo ng mga pipeline na daraanan ng langis tungo o papunta sa daungan. Samantala, ang mga yamang gubat ay nakatutulong din sa pag unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Ang punongkahoy na nakukuha mula rito ay ginagamit bilang materyales upang makabuo ng mga produkto tulad ng mga muwebles at furniture. Ito ay ginagamit din na pangluwas na produkto ng mga bansang biniyayaan ng saganang yamang gubat. Sa kabila ng mabuting dulot ng kagubatan, higit na nangingibabaw ang pangangailan ng mga tao ngayon. Ito ay nagreresulta ng deforestation. Ang deforestation ay ang pagkakalbo o pagpuputol ng mga puno sa kagubatan hanggang tuluyang mawala ang mga ito. Iba-iba ang sanhi ng deforestation. Una ay ang pagpapalawak ng lupang agrikultural bilang taniman ng palay at trigo. Ikalawa ay ang pastulan ng mga alagang hayop, at ang ikatlo ay ang matinding pangangailan ng troso at tabla dahil sa commercial logging.

Mga Troso mula sa Kagubatan

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Dahil sa mga problemang kinahaharap ng kagubatan, may mga bansa sa Asya na nagpapatupad ng reforestation at afforestation. Ang reforestation ay ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang maibalik muli ang kagubatan sa dati nitong anyo. Ang afforestation naman ay ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang umusbong ang isang bagong kagubatan sa mga lugar o lupain na hindi dating ganito.

Reforestation

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

Ibigay ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng tatlong bansa sa Hilagang Asya na mayroong deposito ng langis. 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

B. Magbigay ng dalawang high-income na bansa sa Asya.

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

C. Magbigay ng tatlong bansa sa Kanlurang Asya na sagana sa deposito ng langis.

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

D. Magbigay ng tatlong proseso ng paggugubat na nakaaapekto sa yamang gubat sa

Asya. 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

Suriin Natin

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang reforestation? 2. Bakit mahalaga ang afforestation? 3. Nakatutulong o nakasasama ba sa kalikasan ang deforestation? Bakit at paano?

Bakit nakaaapekto ang likas na yaman at pisikal na kapaligiran sa ekonomiya at agrikultura ng isang lugar?

Gamit ang tsart bilang gabay, bumuo ng isang detalyadong deskripsiyon o paglalarawan ng mga pangunahing produktong iniluluwas o ini-export ng mga bansang nakasaad. Ilagay rin sa tsart kung paano nakatutulong sa ekonomiya ng bansa ang pagluluwas at kung gaano kalaki ang kita dito. Bilang karagdagan, magtala rin ng iba pang produktong iniluluwas ng bansa. Hinihikayat ang ibayong pananaliksik.

Bansa Produktong Iniluluwas

Tulong ng Produkto sa Ekonomiya

Laki ng Kita sa Pagluluwas ng

Produkto

Iba pang Produktong Iniluluwas

Tsina

India

Malaysia

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan [25%]

Mas Mababa kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Kalidad ng Nilalaman

Wala o kulang na kulang ang nilalaman ng lahat ng kolum para sa mga bansa; nagmadali at halatang nangopya lamang ng sagot sa kaklase

Kumpleto ang nilalaman ng dalawa hanggang tatlong kolum para sa dalawang bansa; hindi nanaliksik, umasa lamang sa nilalaman ng aralin

Detalyado at kumpleto ang nilalaman ng tatlo hanggang apat na kolum ng tsart para sa tatlong bansa; may manipestasyon na nagsagawa ng pananaliksik

Malaman, kumpleto, at napakadetalyado ng nilalaman ng apat na kolum ng tsart para sa tatlong bansa; hayag na hayag na nagsagawa ng ibayong pananaliksik

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang tsart para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang tsart ngunit hindi sinikap na mapaganda pa ito

Tinapos ang tsart na may kasiya-siyang resulta, may pagsisikap na lalo pang pagandahin

Tinapos ang isang napakagandang tsart na may masidhing pagsisikap na gawing katangi-tangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tsart, gayundin sa pananaliksik

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tsart at pananaliksik

May angking husay sa paggawa ng tasrt at pananaliksik; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa ng tasrt at pananaliksik; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Walang planong magpasa ng output kung hindi ipinaalala ng guro

Huli sa itinakdang oras/petsa ng pagpapasa ng output

Nakapagpasa ng output sa itinakdang oras/ petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Aralin 4

Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Panahanan

Natatanging Pamumuhay sa Asya Ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano ay naaapektuhan din ng mga likas na yaman at katangiang pisikal sa rehiyon. Bukod pa rito, naaapektuhan ng populasyon ng isang lugar ang antas ng pagkonsumo ng mga tao. Sa araling ito, ating tatalakayin ang iba’t ibang epekto ng pisikal na katangian ng Asya sa pamumuhay at panahanan ng mga mamamayan nito.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa larangan ng panahanan.

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Dahil sa malawak na lupain at katubigan ng Asya, nagkakaiba-iba ang pamumuhay ng mga naninirahan dito.

2. Mababakas sa kasaysayan ng Asya na noong unang panahon, ang mga sinaunang Asyano ay pinili nang mamuhay malapit sa mga ilog.

3. Ang klima ay ang pattern ng pagbabago sa temperatura, humidity, at pressure sa loob ng isang mahabang panahon.

4. Ang populasyon ay ang kabuuang bilang ng tao sa isang lugar.

5. Ang isa sa mga itinuturong dahilan sa paglaki ng populasyon sa isang lugar ay ang migrasyon.

Subukan Natin

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Kagaya ng ekonomiya, kultura, at agrikultura, ang panahanan ay naaapektuhan din ng pisikal na kapaligiran at mga likas na yaman. Ang pag-aaral ng pisikal na kapaligiran ay hindi lamang nakatutukoy ng mga lugar na puwedeng tirahan ng mga tao; nakatutukoy din ito ng iba’t ibang pamamaraan ng pamumuhay at uri ng pagkonsumo batay sa mga likas na yaman na nakapaligid sa isang partikular na lugar.

Isang Tahanan sa Hagdan-Hagdang Palayan Sa Asya, ang pisikal na kapaligiran at likas na yaman ay tunay na nakaaapekto sa panahanan. Dahil sa malawak na lupain at katubigan ng Asya, nagkakaiba-iba ang pamumuhay ng mga naninirahan dito. Gayunpaman, ang lahat ng mamamayan ng Asya ay nakadepende sa pisikal na kapaligiran at likas na yaman upang mabuhay. Ang partikular na pisikal na katangian ng Asya na nakaaapekto sa panahanan ay ang pormasyon at uri ng lupa, paggamit ng tubig, at klima.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • panahanan – pamumuhay,

paninirahan • mababakas – makikita • humidity – dami ng hamog sa

atmospera • pressure – tuloy-tuloy na

puwersang ibinibigay • daungan – tigilan ng mga

barko o bangka, piyer • vegetation cover – mga

halamang kadalasang nabubuhay sa loob ng limang taon

• kalakalan – pakikipagpalitan ng mga produkto

• pamayanang urban – uri ng pamayanan na nakasentro sa industriyalisasyon

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Pormasyon at Uri ng Lupa Ang pormasyon ng lupa ay isang salik na nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay. Maraming gawain sa pang-araw-araw na pamumuhay ang nakadepende sa uri at kalidad ng anyong lupa. Halimbawa na lamang, ang kapatagan ay mainam pagtaniman ng iba’t ibang halaman, prutas, at gulay, kaya naman pangunahing sistema ng pamumuhay sa mga ganitong lugar ang agrikultura.

Mga Tahanan sa Paanan ng Bundok Fuji sa Japan

Paggamit ng Tubig Mahalagang salik ang tubig sa pamumuhay ng mga tao. Mababakas sa kasaysayan ng Asya na kahit noong unang panahon, ang mga sinaunang Asyano ay piniling mamuhay malapit sa mga ilog dahil ito ay magandang lugar upang pagkuhanan ng mga likas na yaman. Ang lupain na malapit sa katubigan ay maganda ring pagtaniman ng iba’t ibang produktong agrikultural.

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

Klima Ang klima ay ang pattern ng pagbabago sa temperatura, humidity, at pressure sa loob ng isang mahabang panahon. Ang pamumuhay ng mga Asyano ay may kinalaman din sa klima sa kanilang lugar. Ang klima at likas na yaman ay magkaugnay sapagkat nakadepende ang kasaganaan ng mga likas na yaman sa klima ng isang lugar.

Matinding Taglamig at Pagbagsak ng Niyebe

Halimbawa na lamang, ang mga pananim na strawberry, blueberry, at raspberry na nabubuhay sa mas malalamig na lugar ay produktong inaani sa mga Asyanong bansa na may mas malalamig na klima tulad ng Korea at Tsina. Gayundin, ang pamumuhay ng mga tao sa lugar na ito ay naiimpluwensiyahan ng klima. Ang Epekto ng Populasyon sa Panahanan Ang pangangailangang panahanan ay patuloy na dumarami dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon. Ang populasyon ay ang kabuuang bilang ng tao sa isang lugar. Likas sa mga tao ang piliing manirahan sa mga lugar na may saganang tubig, matabang lupain, at kaaya-ayang klima. Pang-akit din sa mga naninirahan ang kapatagan sa mga baybayin na may magandang daungan at estrahetikong lokasyon para sa kalakalan at ang mga lugar na mayaman sa ginto, langis, at iba pang mineral.

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 35

Dahil sa higit na malaking bahagi ng Asya ay binubuo ng vegetation cover na mahirap maging panahanan ng tao tulad ng yelo, disyerto, at matataas na kabundukan, sa halos wala pang isang kapat na bahagi ng kalupaan nito nagsisiksikan ang 4.2 bilyong tao sa Asya para manirahan. Isang halimbawa nito ay ang Singapore kung saan mayroon 7,673 katao sa bawat kilometrong kuwadrado.

Populasyon ng Tao

Ang isa sa mga itinuturong dahilan sa paglaki ng populasyon sa isang lugar ay ang migrasyon. Ang migrasyon ay ang paglipat ng maraming tao para manirahan sa mga pamayanang urban o siyudad mula sa mga pamayanang rural o kanayunan dahil sa pinaniniwalaang mas maraming oportunidad ang matatagpuan dito. Sa paglobo ng populasyon ngayon sa Asya, isa ang land conversion sa nakikitang solusyon upang mabigyan ng sapat na tirahan ang mga tao. Ang land conversion ay ang pagpapalit ng kapakinabangan ng lupa mula sa pagiging agrikultural o magubat sa pagiging residensyal o komersiyal. Ito ay nagdudulot ng pagkasira ng mga tirahan ng hayop. Masasabi natin na mula noon hanggang sa ngayon, mas pinipili ng tao na nanirahan o tumahan sa lugar kung saan natutustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 36

Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A at ang katumbas na kahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. panahanan a. pattern sa pagbabago ng temperatura, pressure, at humidity

2. migrasyon

b. paglipat sa ibang lugar

3. humidity

c. dami ng tao sa isang lugar

4. populasyon

d. industriyalisadong siyudad

5. land conversion e. tahanan o uri ng pamumuhay

6. vegetation cover f. mga halamang nabubuhay ng limang taon

7. kalakalan g. pagbebenta ng mga produkto

8. kapatagan h. anyong lupa na mainam

pagtaniman

9. pamayanang urban i. dami ng hamog sa isang lugar

10. klima j. pagpapalit ng kapakinabangan ng lupa

Suriin Natin

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 37

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Bakit patuloy na lumalaki ang pangangailang panahanan? 2. Ano ang migrasyon? 3. Ano ang land conversion?

Gaano kahalaga ang pisikal na kapaligiran sa panahanan ng mga tao?

Kausapin ang mga magulang o kamag-anak. Alamin ang kasaysayan kung saan mga lugar tumira o tumahan ang inyong pamilya sa nakaraang 50 taon. Gumawa ng timeline upang ipakita ang mga pagbabago sa panahanan ng inyong pamilya. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Kalidad ng Nilalaman

Hindi gumawa o hindi kumpleto ang timeline at napakaraming mali; hindi naipakita ang panahanan; walang pagbabagong naipakita; hindi nagpatulong sa

Hindi kumpleto ang timeline at may ilang mali; naipakita ang panahanan sa loob lamang ng 30-40 taon; may ilang pagbabagong hindi naipakita; nagpatulong sa

Kumpleto ang timeline, may ilang mali; naipakita ang panahanan sa loob ng 50 taon; naipakita ang mga pagbabago; nagpatulong

Tama at kumpleto ang timeline; malinaw na naipakita ang panahanan sa loob ng 50 taon; malinaw na naipakita ang mga pagbabago;

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 38: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 38

na mga magulang, basta na lamang gumawa

na mga magulang

sa na mga magulang

hayag na hayag na komunsulta sa mga magulang

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang timeline para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang timeline ngunit hindi sinikap na lalo pang mapaganda

Tinapos ang timeline na may kasiyasiyang resulta, may pagsisikap na lalo pang pagandahin

Tinapos ang isang napakagandang timeline na may masidhing pagsisikap upang maging katangi-tangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng timeline

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng timeline

May angking husay sa paggawa ng timeline; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa ng timeline; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Walang planong magpasa ng output kung hindi ipinaalala ng guro

Huli sa itinakdang oras/petsa ng pagpapasa ng output

Nakapagpasa ng output sa itinakdang oras/ petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 39: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 39

Aralin 5

Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Kultura

Kulturang Asyano

Ang Asya ay isang kontinente na napakahitik sa kultura na naiimpluwensiyahan ng mga likas na yaman at pisikal na kaanyuan ng rehiyon. Ang kultura ng Asya ay nabuo mula sa mayabong na kasaysayan. Ating kilalanin pa sa araling ito ang implikasyon ng katangiang pisikal ng Asya sa pagbubuo ng kultura nito.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natataya ang mag implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa larangan ng kultura.

Page 40: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 40

Tukuyin kung saang rehiyon ng Asya mamamalas ang sumusunod na mga kultura.

Gitnang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang Asya

Kanlurang Asya

Silangang Asya

Subukan Natin

2. ____________________________

4. ____________________________

1. ____________________________

3. ____________________________

Page 41: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 41

Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao na may magkakatulad na paniniwala, kaugalian, at tradisyon. Ito rin ay ang natutunang sistema na magkatulad ng paniniwala at pagsasagawa ng mga bagay-bagay na gumagabay sa pang-araw-araw na pagkilos at pag-uugali ng pangkat ng tao. Ang Asya ay binubuo ng iba’t ibang kultura dahil sa lawak at iba’t ibang natural na harang tulad ng mga dagat at mga bundok. Mga Paraan ng Paglaganap ng Kultura Ang kultura ay maaaring mabago at lumaganap sa ibang lugar sa pamamagitan ng diffusion. Ang diffusion ay paglaganap ng isang kultura sa ibang kultura o pamayanang may kultura. Sa pamamagitan ng migrasyon, kalakalan, at pananakop, maaaring mangyari ang paglaganap ng diffusion. Sa kasalukuyan, kasabay ng paglaganap ng teknolohiya ay mas napadadali ang cultural diffusion sa pamamagitan ng internet at mass media. Samakatuwid, hindi na gaanong nagiging dahilan ang mga natural na harang upang manatili lamang sa kanila ang kanilang kultura dahil sa teknolohiya. Mayroon namang pagkakataon na nagkakaroon ng acculturation. Ang acculturation ay isang bagong kultura na mula sa pinaghalong katutubong kultura at dayuhang kultura. Posible itong mangyari lalo na kung ang isang kultura ay nalalantad sa ibang kultura sa haba ng panahon ng pakikipag-ugnayan. Maaaring magkaroon din ng multi-cultural o multi-ethnic at cultural region. Ang pagkakaroon ng multi-cultural region ay nangyayari kapag ang isang bansa ay binubuo ng mga tao na may iba’t ibang kultura. Samantalang ang pagkakaroon ng cultural region ay ang pagkakataon na nangingibabaw ang isang kultura sa isang partikular na rehiyon. Sa isang kultural na rehiyon ang mga tao ay maaaring magkakabahagi sa ilang mga elemento ng kultura gaya ng kasuotan, pagkain, wika, o paniniwalang panrelihiyon. Ang mga tao ay maaaring mapabilang sa mahigit na isang kultura at maaari siyang mamili sa kaniyang higit na bibigyang halaga at diin.

Pag-aralan Natin Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • kaugalian – mga gawain ng

isang partikular na grupo o lipunan

• mass media – teknolohiyang may layuning magbigay-impormasyon sa malaking populasyon

• bahagdan – bahagi, porsiyento

Page 42: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 42

Ang Kultura sa Iba’t Ibang Rehiyon sa Asya Dahil malawak ang Asya, may iba’t ibang kultural na katangian ang bawat rehiyon nito. Ang mga kultural na katangiang ito ay naiimpluwensiyahan din ng pisikal na kaanyuan at likas na yaman sa Asya. Atin pang kilalanin ang mga rehiyong ito.

Rehiyon Ilan sa Bansang Nasasakop Natatanging Kultura

Gitnang Asya Uzbekistan, Turkmenistan, Kazakhstan, Kyrgyztan

• Ang kultura ng rehiyon ay nakabatay sa posisyon ng Silk Road, isang prehistorikong daanang pangkalakalan.

• Malaki ang impluwensiya ng mga kultura ng Tsina, India, Russia, Arabia, at Mongolia sa musika, pagkain, literatura, at paniniwala sa rehiyon

Kanlurang Asya Turkey, Syria, Oman, Iran, Yemen, Saudi Arabia, Iraq,

Kuwait, Bahrain,

• Mababakas sa magkakatulad na pagkain sa iba’t ibang bansa sa rehiyon ang mga pananim o pampalasa na tanyag at madalas na nakukuha mula sa rehiyon.

• Sa kabila ng malawak na rehiyon ng Kanlurang Asya, karamihan pa rin sa mga bansa sa rehiyon ay sumusunod sa Islam.

Timog Asya Sri Lanka, Nepal, India

• Magkakatulad ang mga kasiyahan o piyestang ipinagdiriwang sa mga bansa sa Timog Asya.

Page 43: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 43

• May natatanging kultura sa hilaga at timog na bahagi ng rehiyon; gayunpaman, malaking bahagdan ng populasyon nito ay tagasunod ng Budhismo, Hinduismo, at Sikhismo.

Silangang Asya Tsina, Hapon, Hilagang

Korea, Timog Korea, Mongolia

• Dahil sa distansiya ng mga bansa, nagkakaroon ng pagkakatulad sa paniniwala na nagsimula pa sa Sinaunang Tsina.

• Naging tanyag sa rehiyon ang Confucianismo.

Timog-Silangang Asya

Malaysia, Thailand, Pilipinas, Vietnam, Myanmar,

Cambodia, Laos, Indonesia

• Karamihan sa mga bansa sa rehiyon ay nasakop ng kolonyal na puwersa dahil na rin sa mga likas na yaman na matatagpuan sa rehiyon.

• Hanggang sa kasalukuyan ay mababakas pa rin sa kultura ng mga taga-Timog-Silangang Asya ang kolonyal na kultura. Halimbawa nito ang impluwensiyang Espanyol sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Page 44: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 44

Isulat sa patlang kung kaninong kultura ang tinutukoy ng bawat pahayag.

a. Timog Asya b. Timog-Silangang Asya c. Silangang Asya

d. Kanlurang Asya e. Gitnang Asya

1. Paniniwala sa Sikhismo

2. Batay sa posisyon ng Silk Road

3. Nasakop ng mga kolonisador ang malaking bahagi

4. Pagpapakalat ng Confucianismo

5. Batay sa mga gawain ng Sinaunang Tsina

6. Batay sa relihiyong Islam

7. May impluwensiya ng kulturang Russia, Mongolia, at Tsina

8. Magkakatulad na piyestang ipinagdiriwang

9. Magkakaparehong uri ng mga pampalasa

10. Mababakas hanggang sa kasalukuyan ang kolonyal na impluwensiya

Suriin Natin

Page 45: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 45

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang multi-ethnic region? 2. Ano ang cultural region? 3. Ano ang diffusion?

Paano mo igagalang ang kultura ng ibang tao?

Alamin ang lokal na kultura sa iyong probinsiya. Ilista sa tsart ang ilan sa mga kultural na gawain ng iyong lugar. Itala din sa tsart ang kahalagahan at kahulugan ng mga gawaing ito.

Gawain Kahalagahan Kahulugan

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 46: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 46

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Kalidad ng Nilalaman

Hindi sinunod ang panuto sa paggawa ng tsart

May iilang detalye lamang ang tsart; kaunting paglalarawan lamang ang ipinahayag

Maraming detalye ang tsart; may isa o dalawang detalye na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, at ipinaliwanag ang nilalaman ng tsart

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang tsart para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang tsart ngunit hindi sinikap na lalo pang mapaganda

Tinapos ang tsart na may kasiyasiyang resulta, may pagsisikap na lalo pang pagandahin

Tinapos ang isang napakagandang tsart na may masidhing pagsisikap upang maging katangi-tangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tsart

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng tsart

May angking husay sa paggawa ng tsart; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa ng tsart; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Walang planong magpasa ng output kung hindi ipinaalala ng guro

Huli sa itinakdang oras/petsa ng pagpapasa ng output

Nakapagpasa ng output sa itinakdang oras/ petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 47: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 47

Aralin 6

Kahalagahan ng Balanseng Ekolohiya sa Asya

Mga Pananim

Mahalaga ang pangangalaga sa mga likas na yaman bilang isa sa mga katangiang pisikal ng Asya. Mahihinuha natin mula sa mga naunang aralin na may epekto ang mga katangiang ito sa agrikultura, pamumuhay, ekonomiya, at kultura ng mga Asyanong bansa. Sa araling ito, ating tatalakayin ang konsepto ng isang balanseng ekolohiya, gayundin ang mga paraan upang mapangalagaan ito.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohikal ng rehiyon.

Page 48: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 48

Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap.

1. Ang kultura ay ang natural na ugnayan ng mga nilalang at bagay sa mundo at sa kanilang kapaligiran, na naninirahan sa isang lugar.

2. Ang pagdami ng populasyon ay nakatutulong sa pagbubuo ng balanseng ekolohiya.

3. Sa halip na magtanim ng mga lokal o katutubong pananim ay mas pinipili ng mga magsasaka na magtanim ng mga dayuhang halaman na may malaking kita.

4. Sa Indonesia, tinatayang 5,000 na lokal na uri ng palay ang tuluyan nang naglaho makalipas ang tatlong dekada.

5. Ang maaaring maging epekto ng pagdami ng populasyon ay ang kakulangan sa tubig at pagkain, limitadong lugar, at ang pagkakasakit.

Subukan Natin

Page 49: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 49

Ang balanseng ekolohiya ay ang natural na ugnayan ng mga nilalang at bagay sa mundo at sa kanilang kapaligiran, na naninirahan sa isang lugar. Bawat nilalang at bagay sa isang lugar ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan upang manatiling buhay ang lahat. Halimbawa, ang kagubatan ay nagsisilbing tirahan ng milyon-milyong halaman at hayop. Sa kabilang dako, ang bawat hayop at halaman ay may bahaging ginagampanan sa pagpapanatili ng kagubatan. Kapag nawala ang alinman sa bumubuo sa kagubatan, nagreresulta ito ng pagkasira ng balanseng ekolohiya. Ang Pagkasira ng Balanseng Ekolohiya Ang pagkasira ng balanseng ekolohiya ay dahil sa sumusunod na mga pangunahing dahilan: mga gawain ng tao na nakasisira sa kalikasan, pagdami ng populasyon, at mga natural na kalamidad. Maraming gawain ang mga tao na nagdudulot ng pagkasira ng balanseng ekolohiya ng isang lugar tulad na lamang ng kagustuhan ng ibang magsasaka na magkaroon ng malaking kita. Sa halip na magtanim ng mga lokal o katutubong pananim ay mas pinipili nilang itanim ang mga dayuhang halaman na may malaking kita. Dahil dito, unti-unting nawawala ang mga lokal na pananim.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • natural na kalamidad – mga

pangyayari na dulot ng kalikasan; nakasisira sa pamumuhay ng mga tao

• pabrika – mga pagawaan na kadalasang naglalabas ng kemikal o usok na mapaminsala sa mga tao at kapaligiran

• matustusan – mapunan

Isang Masaganang Kalikasan

Page 50: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 50

Sa Indonesia, tinatayang 1,500 na lokal na uri ng palay ang tuluyan nang naglaho makalipas ang tatlong dekada dahil mas higit na pinili ng mga magsasaka na magtanim ng ibang uri ng pananim na malaki ang ani at kita. Bukod rito, ang isa pang dahilan ng pagkasira ng balanse ng ekolohiya ay ang maling pagtatapon ng mga basura lalong-lalo na sa mga yamang tubig. Mayroong mga pabrika na itinatapon ang kanilang mga dumi sa dagat na nagdudulot ng pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang dagat.

Ang pagdami ng populasyon ay nagiging sanhi rin ng pagkasira ng balanseng ekolohiya. Ang paglobo ng populasyon ay nangangailangan din ng malaking suplay na nagmumula sa likas na yaman. Ang maaaring maging epekto ng pagdami ng populasyon ay ang kakulangan sa tubig at pagkain, limitadong lugar, at ang pagkakasakit. Samantalang ang huling sanhi ng pagkasira ng balanseng ekolohiya ay ang mga natural na kalamidad katulad ng mga pagbagyo at paglindol na nagdudulot ng pagbabago ng pisikal na katangian ng isang lugar. Mahalaga ang pagpapanatili ng balanseng ekolohiya para sa mga likas na yaman na tunay namang tayo ang nakikinabang. Ito rin ay para patuloy na matustusan ang pangangailangan ng tao.

Isang Palayan sa Indonesia

Page 51: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 51

Ibigay ang mga hinihingi.

A. Magbigay ng tatlong sanhi ng pagkasira ng balanseng ekolohiya ng isang lugar. 1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

B. Magbigay ng apat na gawain ng tao na nakasisira ng balanseng ekolohiya.

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

4. ________________________________________________

C. Magbigay ng tatlong epekto ng paglaki ng populasyon.

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

Suriin Natin

Page 52: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 52

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang balanseng ekolohiya? 2. Ano-ano ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng balaseng ekolohiya ng isang

lugar? 3. Ano ang mga halimbawa ng natural na kalamidad?

Paano mo maipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa balanseng ekolohiya?

Ilarawan ang personal na konsepto ng isang balanseng ekolohiya gamit ang anumang likhang sining. Maaari mong gamitin ang mga natutuhan sa aralin o magsagawa ng ibayong pananaliksik upang lalong mapagtibay ang konsepto. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Kalidad ng Nilalaman

Hindi ibinatay ang likhang sining sa pagsasaliksik; hindi sinunod ang panuto; walang pagkukumpara

May iilang detalye lamang ang likhang sining; kaunting paglalarawan lamang ang ipinahayag

Maraming detalye ang likhang sining; may isa o dalawang detalye na hindi lubusang naipaliwanag

Puno ng tamang detalye at maayos na ipinahayag, inilarawan, at ipinaliwanag ang nilalaman ng likhang sining

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 53: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 53

Tiyaga/ Pagsisikap

Tinapos ang likhang sining para lamang may maipasa sa guro

Tinapos ang likhang sining ngunit hindi sinikap na lalo pang mapaganda ito

Tinapos ang likhang sining na may kasiya-siyang resulta, may pagsisikap na lalo pang pagandahin

Tinapos ang isang napakagandang likhang sining na may masidhing pagsisikap na maging natatangi ito

Kasanayan/ Husay

Hindi nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang pagbuo ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Walang planong magpasa ng output kung hindi ipinaalala ng guro

Huli sa itinakdang oras/petsa ng pagpapasa ng output

Nakapagpasa ng output sa itinakdang oras/ petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng output bago pa ang itinakdang oras/petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 54: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 54

Ang Tubbataha Reef ay isang protektadong lugar sa Pilipinas na itinalaga ng UNESCO bilang World Heritage Site noong 1993. Kabilang sa mga natatanging yamang tubig na matatagpuan dito ang mahigit sa 600 uri ng isda, 360 uri ng korales, 13 uri ng dolphin at mga pating, at mahigit sa 100 uri ng mga ibon.

Ang Larawan ng Tubbataha Reef ay Nakalagay sa Bagong Sanlibong Piso

Bilang pangangalaga sa lugar, ang mga mamamayang nakatira malapit sa Tubbataha Reef ay nagsisikap na pangalagaan ang kanilang natatanging likas yaman. Ang lokal na pamahalaan ay aktibo sa adbokasiya nitong panatilihin ang pisikal na kaanyuan ng lugar sa pamamagitan ng pagtatanggal ng daluyan ng maiinom na tubig sa dalawang isla sa Tubbataha. Hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ang Tubbataha Reef bilang napakasaganang lugar sa pagpapalago ng yamang tubig.

Karagdagang Kaalaman

Page 55: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 55

Bumuo ng anim na grupo. Italaga sa bawat grupo ang bawat araling tinalakay. Ang bawat grupo ay kailangang gumawa ng isang tula tungkol sa ibinigay na paksa. Kailangan nilang ipahayag ito sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas.

Pagkatapos ng gawain, sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng pisikal na katangian ng Asya para sa mga mamamayan nito?

2. Bilang isang Asyano, paano mo bibigyang halaga at pangangalagaan ang mga likas na yaman ng Asya?

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay

Marka

Pag-unawa sa Paksa/ Gawain

Karamihan sa impormasyong inilahad ay hindi tama Ang pagtatanghal ay hindi tumutugma sa paksa o gawain

Karamihan sa impormasyong inilahad ay tama Nagpapakita ng pag unawa sa paksa o gawain

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama Nagpapakita ng tamang pag-unawa sa paksa o gawain

Tama ang impormasyong inilahad Nagpapakita ng ganap na pag-unawa sa paksa o gawain

Kooperasyon ng mga kasapi ng Pangkat

Hindi nagtutulungan ang mga kasapi para sa kanilang gagawing pagtatanghal

Ang mga kasapi ay may kani-kaniyang ideya at hindi magkasundo sa dapat nilang gawin

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya nang hindi nagbibigay ng negatibong komento at sinusubukang

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya ng isa’t isa at nagkakasundo sa dapat gawin

Pagyamanin Natin

Page 56: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 56

Isang tao lamang ang gumagawa para sa pagtatanghal

Ilang kasapi lamang ang nag-aambag para sa pagtatanghal

magkasundo sa dapat gawin Karamihan sa mga kasapi ay nagbibigay ng ambag sa pagbuo ng presentasyon

Lahat ng kasapi ay may ambag sa pagbuo ng presentasyon

Presentasyon/ Pagtatanghal

Nagpuputol-putol ang pagtatanghal Hindi halos nakikinig o nanonood ang mga manonood Maraming pagkakataon na bumubulong at hindi naririnig Hindi gumagamit ng angkop na galaw o kilos; o hindi masyadong gumagalaw

Nagpapakita ng pagkahiya o hindi tiyak ang gagawin Sinusubukang makuha ang interes ng mga manonood Hindi masyadong marinig sa ilang pagkakataon Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa ilang pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa Nakukuha ang interes ng mga manonood Nagsasalita sa paraang naririnig ng mga manonood Gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa maraming pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa Nakaaaliw at nakukuha ang interes ng mga manonood Nagsasalita nang malakas at malinaw Gumagamit ng angkop na galaw at kilos

KABUUAN

Page 57: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 57

Mga

Lik

as n

a Ya

man

sa

Asy

a

Yamang Lupa

Yamang Dagat

Yamang Gubat

Yamang Mineral

Paglalagom

DAPAT TANDAAN

• Ang Asya ay isang napakalaking koninente na may masaganang likas na yaman. Ang bawat bansa ay naiiba sa uri at kalidad ng likas na yaman depende sa kondisyon ng lupa at klima nito.

• Sa pagsasaka nagmumula ang pagkain ng mga tao at maging ang mga agrikultural na produktong panluwas ng isang bansa.

• Ang pangunahing dahilan na nakaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya ay ang mga likas na yaman ng isang bansa. Maraming bansa sa Asya ang unti-unting umuunlad dahil sa kasaganahan nito sa likas na yaman.

• Ang populasyon ay ang kabuuang bilang ng tao sa isang lugar. Likas sa mga tao ang piliing manirahan sa mga lugar na may saganang tubig, matabang lupain at kaaya-ayang klima.

• Ang balanseng ekolohikal ay ang natural na ugnayan ng mga nilalang at bagay sa mundo at kanilang kapaligiran na naninirahan sa isang lugar. Bawat nilalang at bagay sa isang lugar ay may kani-kaniyang papel na ginagampanan upang manatiling buhay ang lahat.

Impl

ikas

yon

ng P

isik

al n

a Ka

palig

iran

at

Lika

s na

Yam

an

Agrikultura

Ekonomiya

Panahanan

Kultura

Page 58: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 58

Ang sumusunod na mga link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• Asia Political and Physical Features ni Mister Parker (https://www.youtube.com/watch?v=-iyGGoXD8L8)

• Five Years in Asia ni Sylvain Schots (https://www.youtube.com/watch?v=rI35Wb3cpoE)

• Tubbataha Reef, Palawan ng YP Your Palawan (https://www.youtube.com/watch?v=-sNMkU2OcoQ&t=9s)

Aralin 1: Mga Likas na Yaman sa Asya Subukan Natin

1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Tama

Suriin Natin

1. Yamang Gubat 2. Yamang Mineral 3. Yamang Tubig 4. Yamang Gubat 5. Yamang Lupa 6. Yamang Tubig 7. Yamang Tubig 8. Yamang Mineral 9. Yamang Lupa 10. Yamang Gubat

Dagdag Sanggunian

Gabay sa Pagwawasto

Page 59: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 59

Aralin 2: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Agrikultura Subukan Natin

• Mga bansa sa Timog-Silangang Asya (bukod sa Singapore) • Tsina • Hapon

Suriin Natin

1. Tama 2. Mali 3. Mali 4. Tama 5. Tama

6. Tama 7. Tama 8. Tama 9. Mali 10. Tama

Aralin 3: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Ekonomiya Subukan Natin

1. b 2. c 3. a

4. d 5. e

Suriin Natin

1. alinman sa sumusunod: Uzbekistan, Kazakhstan, Turkmenistan, at Azerbaijan 2. alinman sa sumusunod: Singapore, Japan 3. alinman sa sumusunod: Saudi Arabia at United Arab Emirates 4. alinman sa sumusunod: afforestation, reforestation, at deforestation

Aralin 4: Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na Yaman sa Panahanan Subukan Natin

1. Tama 2. Tama 3. Tama

4. Tama 5. Tama

Page 60: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 60

Suriin Natin 1. e 2. b 3. i 4. c 5. j

6. f 7. g 8. h 9. d 10. a

Aralin 5: Papel na Ginampanan ng Kababaihan sa Rebolusyon Subukan Natin

1. Timog Asya 2. Timog-Silangang Asya 3. Kanlurang Asya 4. Silangang Asya

Suriin Natin

1. a 2. e 3. b 4. c 5. c

6. d 7. e 8. a 9. d 10. b

Aralin 6: Kahalagahan ng Balanseng Ekolohiya sa Asya Subukan Natin

1. Mali 2. Mali 3. Tama

4. Mali 5. Tama

Suriin Natin

1. alinman sa sumusunod: mga gawain ng mga tao na nakasisira sa kalikasan, pagdami ng populasyon, at mga natural na kalamidad

2. alinman sa sumusunod: hindi maayos na pagtatapon ng basura, at iba pang gawaing nagpapakita ng pagwawalang bahala sa kalikasan

3. alinman sa sumusunod: kakulangan sa tubig at pagkain, limitadong lugar, at ang pagkakasakit

Page 61: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 7, YUNIT 2 Likas na Yaman ng …

Copyright © 2018 Quipper Limited 61

Macdal, Ronaldo. Asia: Padayon. Quezon City: Phoenix Publishing Inc. 2015. “Asia

Resources. National Geographic. Mula sa https://www.nationalgeographic.org/ encyclopedia/asia-resources/

“Breeding Cherries for Hot Climate.” Good Fruit. Nakuha mula sa http://www.goodfruit.com /breeding-cherries-for-hot-climates/

“Top Ten Rice Producing Countries In the World.” Trending Top Most. Nakuha mula sa http://www.trendingtopmost.com/worlds-popular-list-top-10/2017-2018-2019-2020-2021/world/largest-rice-producing-countries-world/

“World’s Top 10 Oil Producer in the World.” Investopedia. Nakuha mula sa www.investopedia.com/articles/company-insights/082316/worlds-top-10-oil-exporters.asp

“How chemical fertilizers are destroying our soil and water.” Organic Consumers. Nakuha mula sa https://www.organicconsumers.org/news/how-chemical-fertilizers-are-destroying-our-soil-and-water

Sanggunian