29
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Sistemang Pang-Ekonomiya 9

Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

  • Upload
    others

  • View
    104

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 2: Sistemang Pang-Ekonomiya

9

Page 2: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

Araling Panlipunan – Ikasiyam na baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Sistemang Pang-ekonomiya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Raquel C. Castro Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD

Emily F. Sarmiento, PhD

Page 3: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

9

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 2: Sistemang Pang-Ekonomiya

Page 4: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

ii

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipuan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Sistemang Ekonomiya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

iii

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

iv

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1.Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2.Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3.Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4.Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5.Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6.Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

1

Alamin

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kabuuang kasanayan:

1.Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya. Kaugnay nito inaasahan din na iyong maisasakatuparan ang mga

sumusunod:

1.1. Naibibigay ang kahulugan ng sistemang pang ekonomiya; at 1.2. natatalakay ang mga sistemang pang ekonomiya ng ibat ibang uri o

anyo ng ekonomiya.

Subukin

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

____ 1. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng paglalaan o pagbabahagi ng Takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan.

a. Alokasyon c. Organisasyon b. Preparasyon d. Imbensyon

____ 2. Sa sistemang ito ay may kalayaan ang prodyuser at konsyumer na

kumilos ayon sa kanilang pakinabang, presyo ang nagtatakda kung gaano karami ang gagawin produkto at gaano karami ang bibilhin ng isang konsyumer

a. Tradisyunal na Ekonomiya c. Pampamilihang Ekonomiya b. Pinag-utos na Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya

_____ 3. Sa sistemang ito, nasa ilalim ng komprehensibong control ng

pamahalaan ang produksyon ng pangunahing kalakal at paglilingkod. a. Pinag-utos na Ekonomiya b. Tradisyunal na ekonomiya c. Pinaghalong Ekonomiya d. Pampamilihang Ekonomiya

Page 8: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

2

____ 4. Sa sistemang ito ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay nakabatay sa kultura, tradisyon at paniniwala.

a. Tradisyunal na ekonomiya b. Pinag-utos na Ekonomiya c. Pampamilihang Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya

____ 5. Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng pinag-utos at pampamilihang

ekonomiya na kung saan malayang nakakalahok sa mga gawaing pangkabuhayan ang mga negosyante na pinahihintulutan ng pamahalaan.

a. Pinag-utos na Ekonomiya b. Pinaghalong Ekonomiya c. Pampamilihang Ekonomiya d. Tradisyunal na Ekonomiya

____ 6. Sa sistemang pampamilihang ekonomiya malayang nakakalahok ang

dalawang pangkat ayon sa pansaring interes, Sino ang dalawang kalahok na may malayang pagpili?

a. prodyuser at konsyumer b. pamahalaan at pamilihan c. teknolohiya at sambahayan d. produkto at serbisyo

_____7. Sa sistemang pang-ekonomiya hindi magagawa lahat ng pamahalaan

ang mga produktong kailangan ng mga tao ayon sa dami at uri ng gusto. Anong katanungan ang sumasagot dito?

a. Para kanino ang gagawing produkto? b. Gaano karami ang gagawing produkto? c. Paano gagawin ang produkto? d. Ano-anong produkto ang gagawin?

____ 8. Sa anong sistemang pang -ekonomiya na kung saan kontrolado ng pamahalaan ang ipoprodyus na produkto.

a. Pinaghalong-Ekonomiya b. Tradisyunal na Ekonomiya c. Pampamilihang –ekonomiya d. Ipinag-utos na ekonomiya

____ 9. Sa sistemang pinaghalong ekonomiya, sino ang karaniwang

nagpapasya? a. Pamahalaan b. Tao c. Pamilihan d. Pamahalaan at tao

Page 9: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

3

____ 10. Anong sistemang pang ekonomiya na kung saan hindi mahirapsagutin kung ano ang lilikhaing produkto?

a. Tradisyunal na Ekonomiya b. Pamilihang Ekonomiya c. Pinag-utos na ekonomiya d. Pinaghalong –Ekonomiya

____ 11. Sa anong paraan ng pagpapasya naka base ang pangangailangan ng sistemang tradisyunal?

a. presyo at produkto b. tao at lipunan c. paniniwala at kultura d. serbisyo at produkto

____ 12. Sa anong sistemang pang ekonomiya na kung saan kusa at

boluntaryo ang mga gawaing pang-ekonomiko. a. Tradisyunal na Ekonomiy b. Pinag-utos na Ekonomiya c. Pampamilihang Ekonomiya d. Pinaghalong Ekonomiya

____ 13. Kailangan malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya para

makapagdesisyon sa gagawing produkto. Anong katanungan sa pang ekonomiya ang sumasagot dito?

a. Anong produkto ang gagawin? b. Paano gagawin ang produkto? c. Para kanino ang gagawing produkto? d. Gaano karami ang gagawing produkto?

____ 14. Ang makikinabang sa produkto at serbisyo ang nagsisilbing gabay para

makalikha at maipagpatuloy ang produksiyon. Anong katanungan pang-ekonomiko ang sumasagot dito?

a. Gaano karami ang gagawing produkto b. Para kanino ang gagawing produkto? c. Anong produkto ang gagawin? d. Paano gagawin ang produkto?

____ 15. Sa sistemang ito maaaring gumamit ng teknolohiya upang

maisakatuparan ang paglikha ng produkto at serbisyo. Anong katanungang pang-ekonomiya ang sumasagot dito?

a. Paano gagawin ang produkto? b. Para kanino ang gagawing produkto? c. Gaano karami ang gagawing produkto? d. Anong produkto ang gagawin?

Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Page 10: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

4

Balikan

Matatandaan na sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks natalakay natin na ang pinakamahalagang konsepto ay ang tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman dahil ang tao ay may walang hanggang pangangailangan. Mahalagang isaalang-alang ang tamang pamamahagi at tamang paggamit ng mga ito upang maiwasan ang pag-aksaya.

HULARAWAN NATIN!

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan upang matukoy ang hinahanap na salita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

O A Y N

Page 11: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

5

Pamprosesong tanong:

1. Naging madali ba ang pagsagot sa larawan? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

2. Maaari mo bang bigyang kahulugan ang nabuong salita? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________

3. Ano-anong mga palatandaan ang nakita mo sa mga larawan para agad mong makuha ang tamang salita? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________

Binabati kita at Mahusay mong naisagawa ang mga gawain bago ang araling ito.

Mga Tala para sa Guro

Mahalagang malaman natin na hindi lamang ang kasalukuyang pangangailangan ng tao ang binibigyan natin ng solusyon. Ang pag-alam kung Ano? Paano? Para kanino? at Gaano karami ang

gagawing produkto at serbisyo? kaabit ng pagiging responsible sa paggamit ng mga resorses na meron tayo sa kasalukuyan ang

sasagot sa suliranin sa kakapusan.

Page 12: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

6

Aralin

1 Sistemang Pang-Ekonomiya

Tuklasin

Ang lahat ng mga bansa sa daigdig sa kasalukuyan ay nakararanas ng

suliraning pangkabuhayan lalo na sa kakapusan. Dahil dito, mahalagang maging malinaw sa bawat isa ang takdang dami sa paggamit ng mga pinagkukunang yaman. Kinakailangan maging malinaw sa bawat isa ang layunin ng paggamit sa mga limitadong pinagkukunang yaman ng ating bansa. Kaugnay nito, mahalagang isaalang–alang ang matalinong pagpapasya kung Gaano karami ang gagawing produkto? Para kanino ito gagawin? Paano ito gagawin? at Anong produkto ang gagawin?

Ang mga katanungan ito ang sasagutan sa tamang pamamahagi ng limitadong pinagkukunang yaman para matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao.

Suriin

Sistemang Pang-Ekonomiya

Ang Sistemang Pang Ekonomiya ay tumutukoy sa institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang mga paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga gawaing pang ekonomiko sa lipunan. Sinasabing ito rin ay may kinalaman sa pagsasaayos ng yunit upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan sa lipunan. Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga produkto at serbisyo upang maiwasan ang kakulangan sa mga ito.

Samantala, upang maipamahagi ng tama at epektibo ang mga pinagkukunang –yaman, produkto at serbisyo, ang mekanismo ng alokasyon ang siyang ginagamit. Ang Alokasyon ay isang paraan o mekanismo upang maayos na maipamahagi at magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa. Sa mga sistemang pang ekonomiya laging sinasagot ang apat na pangunahing katanungang pang ekonomiko. Una, Ano- anong mga produkto at serbisyo ang

Page 13: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

7

gagawin? Sa katanungang ito mahalagang isaalang alang kung anong produkto at serbisyo ang kailangan ng bawat tao sa lipunan. Pangalawa, Paano gagawin ang nasabing produkto at serbisyo? Sa katanugan ito nakasalalay ang teknolohiya ganoon din ang tradisyonal na paglikha ng produkto. Pangatlo, Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo? Ito naman ay sumasagot kung sino ang makikinabang at sino ang may kakayahang bumili ng nasabing produkto at serbisyo. Panghuli, Gaano karami ang mga produkto at serbisyong gagawin? Dito naman nakasalalay ang laki ng ipoprodyus o lilikhaing produkto base sa pangangailangan lamang ng ekonomiya.

Iba’t-ibang Sistemang Pang-Ekonomiya at ang Sistema ng Alokasyon

Dahil sa pagbabago ng panahon iba-iba ang mga umiiral na sistemang pang ekonomiya. Ang mga sumusunod na mga sistemang pang ekonomiya ang umiiral sa daigdig hanggang sa kasalukuyan:

Tradisyunal na Ekonomiya

Sa sistemang ito, ang pagsagot sa mga katanungan pang ekonomiko ay nakabatay lamang sa kanilang paniniwala, kultura at tradisyon. Ang tanong na, Ano ang lilikhaing produkto? ay hindi mahirap sagutin dahil ang kanilang pangangailangan ay naka batay lamang sa mga pangunahing panangangailangan gaya ng damit, pagkain at tirahan. Maging ang katanungang paano gagawin ang produkto? Hindi ito mahirap masagot dahil kung ano lamang ang kanilang nakagisnan at naipasa ng kanilang mga ninuno sa pamamaran ng paglikha ang kanilang ginagamit. Isang halimbawa nito ay ang pagtatanim ng palay at pagkaing halaman na siyang nakagisnan na ng kanilang mga ninuno at naging bahagi na ng kanilang buhay.

Pampamilihang Ekonomiya

Sa sistemang ito may kalayaan ang bawat tao na pumasok sa mekanismo ng pamilihan at hindi nanghihimasok ang pamahalaan sa aktibidad ng ekonomiya. Tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makuha ng malaking pakinabang. Sa sistema ding ito, ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapili kung anong trabaho ang kanilang papasukin, samantalang ang pagkakaroon ng kompetisyon ay makikita din dito dahil pinapayagan ang may kakayahan na magprodyus at mangapital o bumili ng produkto. Masasabing laging presyo ang kanilang ugnayan at basehan ng pangasiwaan. Presyo din ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng isang mamimili at kung gaano rin karami ang lilikhaing produkto ng isang prodyuser. Ibig sabihin lamang nito na ang dami na kayang ibenta ng mga prodyuser ay katumbas din ng kayang bilhin ng konsyumer Samakatuwid, ang presyo din ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon sa pagitan ng prodyuser at konsyumer.

Samantala ang tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang kapakanan ng mga pag-aaring pampribado. Kabilang dito ang mga batas na mangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga pribadong indibidwal.

Page 14: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

8

Ipinag-utos na Ekonomiya

Sa sistemang ito tanging estado o pamahalahan ang nagdidikta ng patakaran sa kalakalan, alinsunod sa planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya. Sa katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay lamang ng pamahalaan. Tinutukoy din ng pamahalaan ang gagamiting pinagkukunang yaman sa paglikha ng mga kapital. Paano nalalaman ang kita sa lipunan sa sistemang ito? Pamahalaan din ang may kontrol sa distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Samantalang ang kinikita sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pagtatakda ng halaga mga bawat produktong nagmumula dito.

Sa kasalukayan, ang bansang North Korea ang may ganitong uri ng sistema.

Pinaghalong Ekonomiya

Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng elementong pamilihan at pinag-utos na ekonomiya. May regulasyon sa kapital at ang kapitalista ang nagtatakda ng presyo at sahod. Ang mga trabaho ,talino, paggawa at kakayahan ay katumbas ng kita. Kadalasan may mga batas din na sumasakop sa produksiyon at pagkonsumo, may taripa ring sinasabi sa kalakalan. Sa sistemang ito hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan at mga pag mamay-ari ng estado. Sa sistemang Pinaghalong Ekonomiya, pinahihintulutan ang mga pribadong negosyante na makagawa ng mga pagpapasya, gayunpaman hindi ito nangangahulugang ganap ang kanyang kapangyarihan. Karamihan pa rin ng kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalan lalo na para sa kapakanan ng mas nakararami.

Katangian at Paraan ng Pagpapasya sa Sistemang Pang-Ekonomiya

Sistemang Pang Ekonomiya Katangian Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya

Tradisyunal na Ekonomiya

Payak ang pamumuhay at mabagal ang pag-unlad

Lipunan /tribu

Paniniwala, Kultura

Pampamiilihang Ekonomiya

Kusa o boluntaryo ang mga gawaing pang - ekonomiko

Pamilihan Konsyumer Prodyuser

Presyo ng Produkto Pansariling Interes-

Pinag-uots na Ekonomiya

Kontrolado ng pamahalaan ang mga gawaing pang- ekonomiko

Pamahalaan

Pamahalaan ang nagpapasya kung Ano, Paano, Gaano at Para kanino ang Produktong gagawin

Page 15: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

9

Pinaghalong-Ekonomiya

Ang pamahalaan at pribadong tao ay maaring mag may-ari ng mga pinagkukunang yaman.

Pamahalaan at Tao

Mga tao ang pumipili kung ano ang ipoprodyus na produkto Kadalasang kinokontrol ng pamahalaan ang mga mahahalagang resorses ng bansa

Laging nating tandaan na ang pangunahing layunin ng sistemang pang

ekonomiya ay magkaroon ng maayos na pamamahagi upang mabigyang solusyon ang tama at pantay na distribusyon sa mga pinagkukunang –yaman.

Pagyamanin

Ating Tukuyin!

Panuto: Isa-isahin ang mga katangian ng sistemang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapakita ng negatibo at positibong epekto sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao at sa ekonomiya. Gawing gabay ang diagram sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Alokasyon (Ano-ano, Gaano, Paano, Para kanino)

Sistemang Pang –Ekonomiya (Paraan ng Pamamahagi)

Tradisyunal na Ekonomiya (Kultura at paniniwa)

Pampamilihang Ekonomiya

Konsyumer at prodyuser

Pinag-utos na Ekonomiya

(Pamahalaan)

Pinag-halong Ekonomiya

(tao at Pamahalaan)

Page 16: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

10

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA POSITIBO KATANGIAN NEGATIBO KATANGIAN

Tradisyunal na Ekonomiya

Pampamilihang Ekonomiya

Pinag-utos na Ekonomiya

Pinaghalong Ekonomiya

Tanong at Sagot

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng kahon. Pagkatapos sagutin sa iyong sagutang papel kung anong katanungang pang-ekonomiko ang hinihingi batay sa halimbawa na nasa kanang bahagi.

Apat na pangunahing Katanungang Ekonomiko

Ano-ano ang mga produkto at serbisyong gagawin? Paano gagawin ang produkto at serbisyo? Para kanino ang gagawing produkto at serbisyo? Gaano karami ang gagawing Produkto at serbisyo?

MGA KATANUNGANG PANG-EKONOMIKO MGA PRODUKTO AT SERBISYO

Damit, Gulay, Mais, Palay, kotse, computer

Paggamit ng mga makinarya at iba pang mga imprastraktura, renta sa lupa

Mga tao o mamamayan sa loob at labas ng bansa

10 toneladang palay, isang trak na mga gulay

Page 17: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

11

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa kahoy ayon sa hinihingi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Tanong Tradisyunal na Ekonomiya

Pampamilihang Ekonomiya

Pinag-utos na Ekonomiya

Pinaghalong Ekonomiya

Anong kalagayan ng tao sa lipunan?

Ano ang partisipasyon ng pamahalaan?

Sino ang namumuhunan?

Sino ang nagmamay-ari ng negosyo?

Sino ang nag-papasya?

TAPATANG SISTEMA BA KAMO?

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na ideya base sa natutuhan sa sistemang pang ekonomiya. Sagutin ito sa iyong sagutang papel.

1. Sa iyong palagay tama ba ang ideya ng panghihimasok ng pamahalaan sa mga gawaing pang-ekonomiya?

Page 18: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

12

2. Sumasang-ayon kaba sa malayang pamilihan na kung saan ang prodyuser at konsyumer ang kumikilos alinsunod sa sarili nilang interes?

3. Sa iyong palagay, Anong sistemang pang ekonomiya ang dapat ipatupad sa ating bansa?

Page 19: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

13

FILL IN THE BOX NA YAN!

Panuto: Punan ng mga tamang impormasyon ang Graphic Organizer. Ayon sa natalakay na arlin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

SUMANG-AYON O DI SUMASANG -AYON.

Panuto: Isulat ang titik S kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag at DS kung ikaw ay di sumasang-ayon sa pahayag. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

____ 1. Pangunahing layunin ng sistemang pang-ekonomiya ay

magkaroon ng maayos na pamamahagi ng mga produkto at serbisyo.

____ 2. Mahalaga na ang pamahalaan ang nagpapasya kung gaano,

paano, kanino at paano gagawin ang produkto ng isang bansa upang maiwasan ang kakapusan.

•Katangian•Katangian

•Katangian•Katangian

Tradsisyunal na

ekonomiya

Pampamilihang

Ekonomiya

Pinag-utos na

EkonomiyaPinaghalong Ekonomiya

Page 20: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

14

____ 3. Mahalaga ang tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon

ang kapakanan ng mga pag-aari ng pampribado, kabilang dito ang batas sa pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng pribadong indibidwal.

____ 4. Mahalaga na ang pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa

mga gawaing pang-ekonomiko ng isang bansa. ____ 5. Nakasalalay sa sistemang pang-ekonomiya ang pag-unlad ng

isang bansa. ____ 6. Mas nakakabuti ang tradisyunal na ekonomiya sa bansang

papaunlad pa lamang. ____ 7. Mahalagang malaman natin ang iba’t ibang sistemang pang

ekonomiya ng bansa upang maunawaan natin ang kalagayang pang-ekonomiya.

____ 8. Madaling makasabay sa agos ng pagbabago kung ang bansa ay

nasa pinaghalong sistemang pang-ekonomiya. ____ 9. Dapat isa alang -alang ang kultura, paniniwala at tradisyon ng

isang bansa sa usaping pang ekonomiya. ____ 10. Mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya kahit walang mataas na

antas ng teknolohiya.

Page 21: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

15

Isaisip

DAPAT PUSO AT ISIP!

Panuto: Gumawa ng isang repleksiyon tungkol sa mga mahahalagang impormasyon na iyong natutuhan sa araling ito. Maaring gumawa ng sariling pamagat.

_______________________________ (Pamagat)

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________ Pangalan at Lagda

Page 22: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

16

Isagawa

PLEDGE OF COMMITMENT

Panuto: Bilang isang mag-aaral, miyembro ng pamilya at bahagi ng lipunan. Gumawa ng isang pledge of commitment upang makatulong sa paglutas sa mga suliraning pang-ekonomiya.

Pledge of Commitment

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pinagtitibay at nilagdaan ngayon ika- ________________ ng ________, 20______.

__________________________________________

Pangalan at Lagda

Page 23: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

17

Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa kahon ang salitang

hinihingi ng bawat pangungusap.

1. Sa sistemang ito boluntaryo o kusa ang gawaing pang ekonomiko, tanging konsyumer at prodyuser ang kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makuha ng malaking pakinabang.

2. Mekanismo ito na layuning maisaayos na maipamahagi at magamit ng tama ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa.

3. Pinahihintulutan sa sistemang ito na makagawa ng mga

pribadong pagpapasya, gayunpaman hindi ito nangangahulugang ganap ang kanyang kapangyarihan. Karamihan pa rin ng kanilang desisyon ay ginagabayan ng pamahalan.

4. Sa sistemang ito, masasabi na ang lipunan ay nakagagawa ng

alokasyon sa mga pinagkukunang-yaman batay sa kultura at tradisyon at kaugalian ng mga tao.

5. Pamahalaan ang may kontrol at nagdidikta sa mga gawaing pang-

ekonomiko.

6. Sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pamahalaan ang nagpapasya kung ano, paano, gaano at para kanino ang produktong gagawin?

7. Sa pampamilihang ekonomiya, ang nagtatakda o humihikayat sa

prodyuser at konsyumer na gumawa at bumili ng produkto at serbisyo ay ang______________________.

8. Ang pangunahing dahilan bakit kailangan ang alokasyon at

sistemang pang ekonomiya sa bansa.

9. Sa sistemang ito payak ang pamumuhay kung kaya’t masasabing mabagal ang pag-unlad dahil kadalasan makalumang sistema ang ginagamit.

10. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraaan upang

maisaayos ang mga paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng mga pinagkukunang yaman at pamamahala ng mga gawaing pang-ekonomiko sa lipunan.

Page 24: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

18

B. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na kahulugan. Ilagay ang tamang sagot sa mga nakalaang kahon.

1. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng produkto at serbisyo.

2.Sa sistemang ito malayang kumikilos ang prodyuser at konsyumer alinsunod sa sariling interes na makukuha ng malaking pakinabang. Presyo ang kinikilang nagbabalanse sa konsyumer at prodyuser.

3.Ang sistemang ito ay nakabatay sa kultura at paniniwala. Ang katanungan ano ang gagawing produkto ay madaling masagot dahil pangunahing pangangailagan lamang ang kanilang tinutugunan.

4. Sa sistemang ito kontrolado ng pamahalan ang lahat ng may kinalaman sa pagsulong ng gawaing pang ekonomiya.

5. Hinahayaan lamang ang pamilihan sa pagkilos, ngunit karamihan ng pagkilos ay ginagabayan ng pamahalaan.

Page 25: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

19

Karagdagang Gawain

Oplan Pagsasaliksik!

Panuto: Magsaliksik ng mga bansa na may iba’t ibang sistemang pangkabuhayan tulad ng iyong napag-aralan. Tukuyin ang mga bansang maunlad na nasa ilalim ng mga sistemang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

BANSA SISTEMANG PANG EKONOMIYA 1.

2.

3.

4.

5.

Page 26: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

20

Susi sa Pagwawasto

Tayahin Gawain 1

1.Pampamilihang Ekonomiya

2.Alokasyon 3.Pampamilihang

Ekonomiya 4.Tradisyunal na

Ekonomiya 5.Pinag-utos na

Ekonomiya 6.Pinag-utos na

Ekonomiya 7.Presyo 8.Kakapusan 9.Tradisyunal na

Ekonomiya 10.Sistemang pang -

Ekonomiya

Tayahin: Gawain 2

1.Aloaksyon 2.Pampamilihang

Ekonomiya 3.Tradisyunal na

ekonomiya 4.Pinagutos na

Ekonomiya 5.Pinaghalong

Ekonomiya

Subukin

1.A 2.C 3.A 4.A 5.B 6.A 7.D 8.D 9.D 10.A 11.C 12.C 13.D 14.B 15.A

Pagyamanin na Aralin

1,2,3,4,5,6

Maaring magkakaiba ang sagot.

Page 27: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

21

Sanggunian Balitao, B., Martiniano, B., Edward, G. (2015)-Ekonomiks Araling Panlipunan

Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon Pilipinas Balitao., B. Buising., M. Garcia.De Guzman. A. Lumibao. J. Mateo. Mondejar., I.

(2015) Ekonomiks Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral: Pasig City Philippines: Vibal Group, Inc.

Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d).Project Ease Module, Pasig City:DECS

Ferrer, J., Leonardo., A. Ariola., T. (2009): Ekonomiks para sa Mataas na Paaralan:

Quezon City, Philippines: St. Bernadeth Publishing House Corporation Imperial, C. Ma. Carmelita B. Samson, Evangeline Dallo, Eleonor D. Antonio, Celi

D. Soriano n.d (2015) Pana-panahon, Ikaapat na taon : Ekonomiks.Sampaloc, Rex Book Store

Nueva., S., Lauron M., (2002) BEC- Ekonomiks para sa Filipino Kagawaran ng

Edukasyon Pilipinas Opulencia., L. Peralta., A., Pigon., E. (2004). Gabay sa Pag-aaral ng Ekonomiks.

Peralta Publications., Bagong Ilog Pasig City, Philippines Pagoso, C., Nayve., RJR., Cruz. M, (2003) Phillipine ECONOMICS Paranque City,

Philippines: Nelson Publishing House Santiago, A., Fenequinto, L., Valenzuela S., (1998) Ekonomiks Para sa Mataas na

Paaralan: Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing and Printing Haouse

Torres., Roderick. (2008) Workbuk sa Araling Panlipunan IV. Quezon City Philiipines

St. Bernadeth Publishing House. https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services https://www.academia.edu/39681793/Aralin_1_Kahulugan_at_Kahalagahan_ng_E

KONOMIKS https://quizizz.com/admin/quiz/5d1a800b02aa03001b9f5401/kahulugan-at-

kahalagahan-ng-ekonomiks https://owl.purdue.edu

Page 28: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

22

https://www.intelligenteconomist.com/malthusian-theory/#1-population-and-food-supply

https://journals.lww.com/pidj/fulltext/2005/11001/history_and_recent_advances

_in_coronavirus.12.aspx

Page 29: Araling Panlipunan€¦ · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Sistemang Pang-Ekonomiya! Ang modyul

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, city of San Fernando (P)