11

Click here to load reader

Aspekto na pandiwa

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Aspekto na pandiwa

Aspekto na Pandiwa

Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong ginanap,ginaganap, at gaganapin na kilos.

1.Aspektong Perpektibo

o naganap- nagsasaad ng kilos na nasimulan na.

Hal:Napanood ko ang pagsayaw ni Ana kanina.

Napadapa si Allan kahapon

.Nawalan ng pera si Clare kaninang umaga.

Nanalo sa paligsahan si Mario noong isang lingo

.Nagwalis ng kwarto si Aubrey kanina.

Naligo si Mario kanina.

Nagpunas ng bintana si Precilla kanina.

Tumakbo sa sala si Mariel.

Page 2: Aspekto na pandiwa

Nagtago sa puno ng avocado si Maria.

Nagsulat ng kwento si Teodoro.

2.Aspektong Imperpektibo

- nagpapahayag ng kilos na kasalukuyang ginagawa.

Hal:

Naglilinis ng bakuran si Shan.

Naliligo si Allan

Nagwawalis sa sala si Karen.

Nagbabasa sa punong mangga si Kristine.

Umaakyat sa puno ng niyog si Harold

Nagsusulat ng tula si Ken.

Tumatakbo sa kalye si Bench.

Page 3: Aspekto na pandiwa

Nagpupunas ng sahig si Mario.

Nagtatago sa may bahay-kubo si Mariel.

Kumakain ng ubas si Cora.

3.Aspektong kontemplatibo

- nagpapahayag ng kilos na gagawin pa lamang.

Hal:

Maglilinis ng bahay si Susan.

Maliligo sa ilog si Allan.

Magpupunas ng bintana si Mariel.

Magtatago ng pagkain si Henry.

Kakain ng bayabas si Cora mamaya.

Magsusulat ng tula si Beth mamaya.

Page 4: Aspekto na pandiwa

Magbabasa ng tula si Ben mamaya.

Magpapahinga na si Ken mamaya pagkatapos niyang maglaro.

Tatakbo bilang mayor si Cris Uy sa susunod na eleksyon.

Maghahanap ng prutas sa palengke si Bench mamaya.

Page 5: Aspekto na pandiwa

Mga Pokus ng Pandiwa

Ang pokus ay ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

1.aktor-pokus o pokus sa tagaganap

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwasa pangungusap; sumasagot sa tanong na

“sino?”

.[mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,magpa-]

Hal:

Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan

Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.

Bumili si Rosa ng bulaklak.

Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkolsa kanyang suliranin.

2.pokus sa layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap;sumasagot sa tanong na“ano?”

Page 6: Aspekto na pandiwa

[-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an]

Sa Ingles, ito ay ang direct object

Hal:

Nasira mo ang mga props para sa play.

Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

Binili ni Rosa ang bulaklak

3.lokatibong pokus o pokus sa ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na

“saan?”

.[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]

Hal:

Pinagtaniman naming ang bukiran ng maraming gulay.

Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay paramagluto ng masarap na ulam.

Page 7: Aspekto na pandiwa

Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.

Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado

4.benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sapangungusap; sumasagot sa tanong na

“para kanino?”

[i- , -in , ipang- , ipag-]

Sa Ingles, ito ay ang indirect object

Hal:

Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen

5.instrumentong pokus o pokus sa gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upangmaisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap;sumasagot sa tanong na

“sa pamamagitan ng ano?”

Page 8: Aspekto na pandiwa

. [ipang- , maipang-]

Hal:

Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.

Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.

Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod samagnanakaw.

6.kosatibong pokus o pokus sa sanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwasa pangungusap; sumasagot sa tanong na

“bakit?”

.[i- , ika- , ikina-]

Hal:

Ikinatuwa naming ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.

Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak

Page 9: Aspekto na pandiwa

7.pokus sa direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ngpandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na

“tungo saan/kanino?”

.[-an , -han , -in , -hin]

Hal:

Sinulatan niya ang kanyang mga magulang

Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamiling kagamitan