21

Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Demonstration Lesson in Filipino VI

Citation preview

Page 1: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika
Page 2: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika
Page 3: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika
Page 4: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Suriin ang pangungusap. Ipakita ang A kung ang pandiwang may salungguhit ay Kagamitan, B kung Tagatanggap at C kung Direksyon.

1. Binigyan ng ama ang anak ng pamana.

2. Tinungo ng alibughang anak ang malayong bayan.

3. Ipinambayad niya ang nakuhang pera sa kanyang kapritso.

4. Babalikan na niya ang iniwang tahanan.

5. Hinandugan niya ang anak ng maringal na piging.

B

A

C

B

C

Page 5: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika
Page 6: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika
Page 7: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Matalinong Paghatol ni Haring Solomon

1) Si David ay matagal na naghari sa Israel. Siya’y mabuting hari at mahal siya ng mga tao. Nang siya’y mamatay, ang anak niyang si Solomon ang humalili sa kanya. Si Solomon ay mabuti ring hari, tulad ng kanyang ama. Isang gabi ang Diyos ay nagpakita kay Solomon at ganito ang sinabi, “Hingin mo ang anumang ibig mo at aking ibibigay sa iyo.”

2) “Ginawa mo akong hari,” ang tugon ni Solomon. “Ako ay katulad lamang ng isang munting bata sa katalinuhan, sapagkat wala akong nalalamang gaano. Kung maaari ay bigyan Mo ako ng isang pusong makauunawa upang makilala ko ang kaibahan ng mabuti sa masama. Sa gayon, maaari akong makapaghukom nang mabuti.”

Page 8: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

3) Ang Diyos ay nasiyahan sa mga salita ni Solomon. Ang Kanyang wika, “Sapagkat ang hinihingi mo ay pag-unawa; hindi ka man humihingi ng mahabang buhay o mga kayamanan, ang lahat nang ito ay ibibigay ko rin sa iyo.”

4) Hindi nagtagal ay naharap sa pagsubok ang karunungan ni Haring Solomon. Dalawang babae ang humarap sa kanya upang pahatulan ang kanilang alitan. Ang wika ng isa, “Ang babaeng ito at ako ay naninirahan sa isang bahay. Ang anak niya ay namatay, ngunit kinuha niya ang aking anak samantalang ako ay natutulog at ang patay niyang anak ay siya niyang inilagay sa aking tabi, nang ako’y magising ay nakita kong hindi iyon ang aking anak.”

Page 9: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

5) “Hindi!” wika ng isa pang babae. “Ang buhay na bata ay aking anak at hindi kanya.”Ang dalawang babae’y nagsimula na naming mag-away.

6) Ang Haring Solomon ay nag-utos, “Dalhin dito ang isang tabak. Hatiin sa dalawa ang batang buhay, saka bigyan sila ng tig-kalahati.”

7) “O, Panginoon ko! Panangis ng tunay na ina. “Ibigay mo na po sa kanya ang buhay na bata, huwag lamang patayin.”

8) Ngunit ang hindi tunay na ina ay nagwika, “Hatiin nga ninyo ang bata upang hindi maging akin at hindi rin maging kanya.”

Page 10: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

9) Itinuro ni Haring Solomon ang unang babae at nagwika, “Ibigay sa kanya ang buhay na bata sapagkat siya ang tunay na ina.”

10)Alam ni Haring Solomon na ang tunay na ina’y di makatitiis na makitang patayin ang kanyang anak.

Page 11: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

a. Dumulog ang babae kay Haring Solomon tungkol sa pag-aagawan nila sa sanggol.

b. Nakinig si Haring Solomon sa problema ng dalawang babae.

Page 12: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

a. Ipinakuha ng hari ang tabak sa kawal.

b. Ibinigay ni Haring Solomon ang sanggol sa unang babae.

Page 13: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

a. Pinaglingkuran ni Haring Solomon ang Israel bilang pinuno.

b. Pinagdausan ng paghatol ng hari ang palasyo.

Page 14: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

a. Ikinagulat ng babae ang pagkakapalit ng kanyang anak.

b. Ikinatuwa ng buong Israel ang matalinong pagpapasya ng hari.

Page 15: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Piliin ang pandiwa sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay tagaganap, layon, ganapan o sanhi.

1. Lumikha ang Diyos ng tao mula sa kimpal ng lupa.

2. Binuo Niya ang babae mula sa tadyang ni Adan.

3. Tinirahan nina Eba at Adan ang hardin sa Eden.

4. Natukso si Eba na pumitas at kumain ng bawal na bunga.

5. Labis na ikinagalit ng Diyos ang ginawang pagsuway ni Eba’t Adan

Tagaganap

Layon

Ganapan

Tagaganap

Sanhi

Page 16: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Unang Pangkat - Pagguhit ng isang tagpo sa parabulang nabasa at pagbuo ng mga pangungusap tungkol dito na ginagamitan ng iba’t ibang pokus ng pandiwa

Ikalawang Pangkat - Paggawa ng komik strip na nagpapakita ng inyong pagiging mabuting Kristiyano. Gumamit ng iba’t ibang pokus ng pandiwa.

Ikatlong Pangkat – Paglikha ng awitin sa pamamagitan ng GRAMAWIT.

Page 17: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Mga KriteryaPangkat

1Pangkat

2Pangkat

3

1.Natukoy ang pandiwa sa iba’t ibang pokus

2.Nagamit ang iba’t ibang uri ng panlapi sa pagbuo ng mga pandiwa sa iba’t ibang pokus

3.Nakilahok nang buong sigla at husay sa mga talakayan at pangkatang gawain

4.Nakiisa ang bawat kasapi ng pangkat sa gawain.

5. Nakapag-ulat ang pangkat nang maliwanag at buong husay

Kabuuan

Batayan sa pagmamarka Kabuuan sa pagmamarka5 = Napakagaling 25 - 23 = Napakagaling4 = Magaling 22 - 20 = Magaling3 = Magaling-galing 19 - 17 = Magaling-galing2 = Di – Magaling 16 - 14 = Di – Magaling1 = Galingan pa 13 - pababa = Galingan pa

Page 18: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

(1-3) Isulat ang angkop na pandiwa ayon sa pokus ng pangungusap. Gamitin ang salitang ugat sa loob ng panaklong.

Noong panahong biblikal, ang mga tao ay _____1_____ (tulong) sa mga manlalakbay. Kabilang si Abraham sa mga matulunging nagpatira sa isang estranghero. _____2_____ (handa) niya ang masarap na pagkain sa bisita. _____3_____ (pahinga) ng estranghero ang kanilang silid. Sa kabila ng magandang ginawa ni Abraham, hindi pa rin nasiyahan ang panauhin at pawang reklamo ang narinig niya rito. Ikinagalit ni Abraham ang kawalang utang na loob ng tao.

Akmang palalayasin na niya ito, nang marinig niya ang maamong tinig ng Diyos,”Abraham, nakapagtimpi ako at nauunawaan ko ang taong ito. Maaari bang pagtimpian mo siya kahit man lamang sa buong isang gabi?”

4. Sa pangungusap na Ikinagalit ni Abraham ang kawalang utang na loob ng tao, ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit?

A. aktor B. layon C. ganapan D. sanhi

5. Ano ang pokus ng pandiwang nakapagtimpi sa huling talata? A. aktor B. layon C. ganapan D. sanhi

Page 19: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

1. Tumutulong

2. Inihanda

3. Pinagpahingahan

4. D

5. A

Page 20: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika

Takdang-Aralin

Sumulat ng isang maikling pagsasalaysay tungkol sa naging karanasan mo na nagpapakita ng kadakilaan ng Diyos. Gumamit ng iba’t ibang pokus ng pandiwa.

Page 21: Banghay Aralin Sa Filipino VI, Integrasyon Ng Pagbasa at Wika