18
MGA BATAYANG KAALAMANG PANGWIKA

Mga Batayang Kaalamang Pangwika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pangwika

Citation preview

Page 1: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

MGA BATAYANG

KAALAMANG PANGWIKA

Page 2: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG WIKA

• -ang wika ay isang pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga makahulugang tunog upang makabuo ng mga salita at makabuo ng pangungusap

• -.May nagsasabing ang wika ay isang pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga makahulugang tunog upang makabuo ng mga salita at makabuo ng pangungusap .Itinituring din ang wika bilang isang sistema ng mga arbitraryong sismbolong napagkaisahang gamitin ng isang pangkat ng mga tao.Samakatwid ang wika ay isang pantaong komunikasyon na maaring pasalita o pasulat.Halos 90 bahagdan ng komunikasyon ng tao ay isinasagawa sa pamamagitan ng wika.Nagpapatunay lamang na tayo ay nakapakikinig,nakapagsasalita,nakapagbabasa at nakapagsusulat sa tulong ng wika.

• -Datapwat di lamang wika ang nagagamit bilang midyum ng komunikasyon ng tao.Kayat sinasabing mayroon tayong komunikasyong sinasalita at di-sinasalita.

• -Sa komunikasyong sinasalita,ang pangunahing instrumento ay wika.

Page 3: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• -Sa di-sinasalita ang ginagamit ay maaring senyas ,tunog,kilos o galaw ng katawan ,ekspresyon ng mukha,ilaw at usok.

• -Ilang halimbawa ng mga senyas at ilaw ay ang mga ilaw at mga senyas pantrapiko o traffic signs.

• -Tunog naman ay ang kampana,silbato,sirena ng mga pulis,ambulansya at bumbero.

Page 4: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

INTERAKTIBONG TALAKAYAN

• 1. Ano ang wika? Ibigay ang ibat’ibang depenisyon nito.

• 2. Paghambingin ang komunikasyong sinasalita at di-sinasalita. Lakipan ng halimbawa ang inyong paghahambingin.

Page 5: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

Papel ng Wika sa Pagkatuto

Lahat ng taong may kakayahang magsalita ay kusang natututo ng sariling wika. Bawat bata ay natututong magsalita sa pamamagitan ng pakikinig at panggagaya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Mahalaga ang kasanayan sa pakikinig sa pagkatuto ng pagsasalita.

-kaya sinumang tao ang isinilang na bingi ay tiyak na hindi makapagsasalita kahit na kumpleto at maayos ang mga sangkap ng bibig na gamit sa pagsasalita.

-habang lumalaki ang bata natututo siyang pumili at gayahin ang mga tunog ng wikang ginagamit ng mga taong nasa kanyang paligid. Hanggang sa matutuhan niyang iugnay ang mga salitang kanyang nasasabi sa mga bagay ,ideya at galaw sa kangyang kapaligir an.

Page 6: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• Sa panimula,karaniwan isa lamang wika ang natutuhan ng tao at ito ay ang kanyang unang wika.

• -ang unang wika ay ang wikang kanyang kinamulatang sinasalita ng mga taong nasa kanyang paligid na kanyang napapakinggan at ginagaya.

• = Tagalog ang unang wika ng isang bata na nagmula sa pamilyang Tagalog,Ilocano ng batang Ilocano,Waray ng batang taga Samar-Leyte.atb.

Page 7: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• Alinmang wikang natutuhan pagkatapos ng unang wika ay tinuturing na pangalawang wika ng isang tao.

Page 8: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• GAANO KAHALAGA SA TAO ANG PAGKATUTO NG WIKA?

Page 9: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• - Sa pamamagitan ng wika,nakikipag-ugnayan tayo sa ating kapaligiran na ginagamit ang ating mga kasanayan sa pakikinig,pagsasalita,pagbabasa at pagsulat.

• -Wika ang pangunahing midyum ng komunikasyong pasalita at pasulat na siyang mahalagang daan tungo sa pagiging literado ng isang tao.

Page 10: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• -Nakapakikining tayo sa isang talumpati o usapan,nakapagbabasa ng mga aklat at nakapagsusulat ng iba’t ibang uri ng katha dahil mayroon tayong wikang ginagamit.Sa pagbasa natin ng mga aklat maraming kaalaman tayong natatamo kayat lumalawak ang saklaw ng ating kaisipan.Wika rin ang nagsisilbing tulay ng kaunlarang pang-agham at panteknolohiya gayon din ng mga pamanang pangkultura.

Page 11: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• -Dumako tayo sa larangan ng edukasyon,na ang pangunahing sangkap ay ang wikang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.Sa Pilipinas pinaiiral pa rin hanggang ngayon ang Patakarang Bilinggwal sa lahat ng antas ng edukasyon elementarya,sekundarya at tersyarya.

Page 12: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• -Ito ay ang na paggamit ng Filipino at Ingles bilang wikang panturo sa mga tiyak na asignatura sa layuning masanay ang mga Pilipinong mag-aaral sa paggamit ng naturang dalawang wika.Mula noong taong 1974,itinuro na sa ingles ang mga asignaturang English,Science and Health at Mathematics at sa Filipino naman Asal,Musika,Sining at Edukasyong Pangkatawan.

Page 13: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• -Bunga ng implementasyon ng Patakarang Bilinggwal inaasahang ang mga mag-aaral na Pilipino ay magiging mahusay sa pagpapahayag sa wikang Filipino at Ingles. Alalaong baga may kakayahan siyang magsalita,magbasa at magsulat sa alinman sa dalawang dalawang wikang nabanggit,kailanman at saanman.

Page 14: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG PAGBABASA

• Mabisang instrumento ng lubusang pagkatuto ang pagbabasa.

• -bunga nito tayo ay nagkakaroon ng mga bagong kaalaman,nalilibang o naaaliw at nagbabago ang kaasalan. Samakatuwid ang pagbabasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip at damdamin at kaasalan.

• - Isang batayang katotohanan na ang isang tiyak na bahagi ng ating buhay sa bawat araw ay naiuukol sa pagbabasa na maaring pormal o sinasadya.

• *halimbawa ng pagbabasa ng mga aklat kung tayo ay nag aaral,at pagbabasa ng mga pahayagan at magasin.

Page 15: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• Maaari ring pasumala o insidental o di-sinasadya gaya ng pagbabasa ng : billboard,patalastas sa TV,ngalan ng mga produkto kapag namimili at iba pang mga bagay-bagay sa ating paligid.

- Bunga ng pagbabasa,maaaring mabago ang ating mga pananaw,saloobin,kaugalian at kaasalan tungo sa higit na pag-unawa ng ating kapaligiran.

- Subalit bago matutong bumasa kailangan may kasanayan sa pakikinig at pagsasalita.Ang ibig sabihin nararapat na pakinggan at nabibigkas na ang isang salita bago ito mabasa.

Page 16: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

• Ang pagbasa ay pagbibigay-kahulugan sa mga nakatitik sa isang pahina maging ito ay nasa palimbag na anyo o karaniwang sulat-kamay. Nangangailangan ito ng pagkikila ng mga salita,pag-uugnay,pagsusuri sa diwang ipinahihiwatig at ganap na pag-unawa sa mensaheng nais iparating sa bumasa. Hindi maiiwasang sa ating pagbabasa ng anumang uri ng katha na mai-ugnay ang ating mga karanasan upang lubusang maunawaan ang diwa ng ating binasa. Sinumang may angking malawak na talasalitaan at mayamang karanasan ay maituturing na mahusay na mambabasa.

Page 17: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

INTERAKTIBONG TALAKAYAN

• 1. Ano ang pagbabasa?• 2. Paghambingin ang mga sumusunod:• a. pormal at insedental na pagbabasa• b. pagbasang tahimik at pagbasang pagbigkas• 3. ipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabasa sa atin bilang:• a. maga-aral• b.mamamayan• 4.ibigay ang katangian ng mabisang pagbabasa.• 5.ibat’iba ang layunin sa pagbabasa. Ipaliwanag ang bawat

isa at lakipan ng halimbawa.

Page 18: Mga Batayang Kaalamang Pangwika

THANK YOU!!

MUAHHHH!!!HEHE!!