Click here to load reader
View
12
Download
0
Embed Size (px)
0
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Pakikipagkapwa at Ako
Zest for Progress Zeal of Partnership
8
Pangalan ng mag-aaral: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
1
Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa-tao? Sang-ayon ka ba sa pahayag na
―No man is an island?‖ Ikaw, bilang kabataang Pilipino, kailangan mo ba ang iyong
kapwa-tao?
Isang napakagandang katangian ng mga Pilipino ang mabuting
pakikipagkapwa. Likas sa mga Pilipino ang makipag-ugnayan at pagiging bukas-
palad sa kapwa. Nasa paglilingkod sa kapwa ang pagpapayaman sa ating pagkatao
at pagsasakatuparn ng ating kaganapan.
Sa modyul na ito ay masusuri mo ang kahalagahan at lawak ng
pakikipagkapwa bilang isang kabataang Pilipino.
5.1 Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa (EsP8PIIa-5.1)
5.2 Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa
aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal (EsP8PIIa-
5.2)
Sa nagdaang modyul, naunawaan mo ang pangunahing kontribusyon ng
pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na
bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Kasama sa panlipunang tungkulin ng
pamilya ang gampaning political tulad ng pagbabantay sa mga batas at
institusyong lipunan. Kaya may pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan
sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at usapin-at hindi nakatuon sa
kapakanan ng sariling pamilya lamang.
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na ay gampaning panlipunan o
pampolitical ng pamilya. Pangatwiranan ang iyong sagot.
Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo
Pagboto ng tama
Pakikiramay sa mga namata
ALAMIN
BALIKAN
2
Gawain 1 Puzzle Panuto: Hanapin at tukuyin ang sampung tao na maituturing mong kapwa gamit
ang puzzle. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik, o
padayagonal. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Gawain 2: Web ng Kapwa
Panuto: Sino-sino ang mga taong nakakasalamuha mo sa araw-araw? Isulat sa mga bilog ang mga pangalan ng lahat ng iyong itinuturing mong KAPWA. Ilarawan
ang iyong pag-aalala at pag-aalaga sa bawat isa sa kanila.
L T K A P I T B A H A Y S D
A A B U K A K L A S E N A J
G T O K A H O Y W K K U L K
O A L D N A G I B I A K A O
S Y A B U M B E R O A L P P
P L D A D E H U K A W C I L
H U N D P A R I A N A S D A
A S U G K P K I P A Y B N L
T U S A N Y A N A N E T O L
L D O K M C V B T G U R O C
B U L A K N M I I B A H A Y
M G U K A P A K D O M O P L
TUKLASIN
Ako at
Aking
Kapwa
3
Gabay na tanong:
1. Bakit mahalaga ang pakikipagkapwa?
2. Bakit kailangan nating alagaan ang ating kapwa? Bakit mahalaga ang
pakikipagkapwa? Ipaliwanag.
3. Anu-ano ang mga naidudulot ng ating pakikipagkapwa sa pag-unlad ng
ating pagkatao?
Ang kapwa ay ang mga taong labas sa sarili. Isa sa pinaka-importante
sa pagiging tao ang pakikipag-kapwa tao. Dahil marami kang matututunan
sa pakikisalamuha sa kanila. Lahat ng tao sa paligid tulad ng iyong
kapitbahay, kaklase, kaibigan at maging ang iyong kaaway ay iyong kapwa.
Kasama sa iyong kapwa ang mga guro, kapulisan, tindera, tricycle driver at
iba pa. Kailangan ng tao ang maikipag-ugnayan sa kapwa upang mahubog
niya ang mga aspektong naghihintay ng pagtuklas at kaganapan. Umuunlad
ang kanyang pagkatao ayon sa kanyang karanasan na makibagay at
makisama sa iba.May pangangailangan ka na maaari lamang na matugunan
sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa. Nararapat na
may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag-ugnayan natin sa
ating kapwa (Agapay, 1991.) Sa pakikipagkapwa lumalawak at lumalalim
ang pananaw sa buhay. Hindi lubos na makikilala ang sarili kung hindi
makikipag-ugnayan sa kapwa. Sa pakikipagkapwa kinakailangan ipahayag
ang mga kaisipan at damdamin upang mapagtibay ang ugnayan sa kanila.
Gaano man kataas ang naabot na tagumpay sa buhay kung hindi
naman ito naibabahagi sa iba nawawalan ito ng saysay o kabuluhan.
SURIIN
4
KAPWA…..KA-ISA, KASAMA
GAWAIN 3:
A. Isulat ang pangalan ng mga taong natulungan o napaglingkuran mo.
Isulat din kung sa anong paraan mo sila napaglingkuran. Tukuyin kung ito ay sa aspetong panlipunan, intelektwal, o pangkabuhayan.
Pangalan Paglilingkod na naibigay mo Aspeto ng Paglilingkod
1.
2.
3.
4.
5.
B. Isulat ang pangalan ng mga taong nakatulong o nakapaglingkod sa iyo. Isulat din kung sa anong paraan ka nila natulungan. Tukuyin kung ito ay sa aspetong panlipunan, intelektwal, o pangkabuhayan.
Pangalan Naibigay na Tulong o Paglilingkod sa iyo
Aspeto ng Paglilingkod
1.
2.
3.
4.
5.
PAGYAMANIN
5
1. Kaya mo bang mabuhay ng mag-isa at walang kasama? Ipaliwanag.
2. Ano ang kahalagahan sa iyong buhay ng mga taong isinulat mo sa Gawain 2 at Gawain 3?
3. Bakit kailangang makipagkapwa-tao? 4. Paano nagiging ganap ang isang tao sa pamamagitan ng kapwa?
Panuto:
Bumuo ng pangungusap na naglalahad ng kumpletong konsepto ng kahalagahan
ng pakikipagkapwa gamit ang mga salitang nasa kahon.
A. Bumuo ng mga pangungusap na naglalahad ng kumpletong konsepto ng kahalagahan ng pakikipagkapwa gamit ang mga salitang nasa kahon.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Rubriks sa Pagsusulat ng Maikling Sanaysay
Kraytirya
Nilalaman
35%
Naipapaki
ta at
naipaliwa
nag ng
maayos
ang
ugnayan
ng
konsepton
g isinulat
sa
pahayag
Organisasyon
35%
Mahusay ang
pagkakasunud-
sunod ng mga
ideya, malinaw
at makabuluhan.
Style
(Pagkamapanlik
ha at
Pgkamalikhain)
20%
Lubos na
nagpapamalas
ng
pagkamalikhain
sa pagsulat ng
maikling
sanaysay at
Orihinal ang
mga ideyang
ginamit
Mechaniks
10%
Wasto ang
mga
ginamit na
salita at
pagbabant
as
Kabuuan
100%
ISAISIP
Kapwa kaganapan pagkatao kabuuan politikal
Mahalaga pagkilala pagmamahal paglilingkod
Intelektwal panlipunan pangkabuhayan
6
Isabuhay Mo!
Panuto: Sa isang malinis na papel ay sumulat ng isang sanaysay kung paano mo
mo mapaglilingkuran ang sumusunod:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
1. Sinu-sino ang iyong kapwa-tao?
A. Ang Pangulo ng Pilipinas, ang militar at manggagawang
panlipunan o social worker.
B. Ang mga pulubi, batang lansangan, at drug addict.
C. Ang mga kapitbahay, mga taong may kapansanan, at mga batang
―espesyal‖ o special children.
D. Lahat ng nasa itaas.
2. Ang sumusunod ay pagpapakita ng pakikipagkapwa, maliban sa:
A. Pagpapakita ng malasakit at unawa sa ating mga kapwa.
B. Pagkakapit-bisig
C. Pagsunod sa kagustuhan ng iisang tao lamang
D. Pag-unawa sa kanilang mga paniniwala, damdamin, at kalagayan
PAGTATAYA
ISAGAWA
Street Sweeper Mga batang
lansangan
Mga may
kapansanan
7
3. Aling aspekto ang nalilinang kapag ang kapwa ay nagkakaroon
kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at
makatarungang lipunan?
A. Aspektong Pangkabuhayan
B. Aspektong Politikal
C. Aspektong Panlipunan
D. Aspektong Intelektwal
4. Ang kakayahang magtipid ay isang halimbawa ng paghubog sa tao sa:
A. Aspektong Politikal
B. Aspektong Panlipunan
C. Aspektong Intelektwal
D. Aspektong Pangkabuhayan
5. Paano mo pakikitunguhan ang isang taong ayaw makipag-ugnayan
nang maayos sa kapwa?
A. Pakikitunguhan ng isinasapuso ang kabutihang panlahat
B. May pagmamalasakit
C. Pagbabahagi ng sarili sa paglilingkod sa kapwa
D. Lahat ng nabanggit
6. Ang mga taong may kapansanan, mga batang lansangan at mga
pulubi ay nararapat na pakitunguhan ng maayos dahil..