24
1 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Ang Marine Engineering ay isang sangay ng pag-aaral na may kaugnayan sa pagdidisenyo, pagbuo, pagpapaunlad at pagpapanatili ng kagamitang ginagamit sa mga sasakyang pandagat, ayon sa Wikipedia. Mula sa website ng Marine Insight, Marine Engineer ang tawag sa bumubuo, nagpa-unlad, nagpapanatili at nagsasaayos ng lahat ng makinarya at kagamitan sa isang sasakyang pandagat. Maraming mga sistemang mekanikal ang kailangang isaalang-alang dito tulad ng propulsion, mechanics, electricity and power generation system, lubrication, fuel system, water distillation, lightning and air conditioning system at marami pang ibang mga tungkulin ng isang Marine Engineer. Sa Pilipinas upang maging isang Marine Engineer ay kailangang nakapagtapos sa programang ito. Ayon sa Commision on Higher Education (CHED), ang Bachelor of Science in Marine Engineering (BS MarE) ay apat (4) na taong programa na binibigay ng mga

Pamanahong-Papel 2of2.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pamanahong-Papel 2of2.docx

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Ang Marine Engineering ay isang sangay ng pag-aaral na may kaugnayan

sa pagdidisenyo, pagbuo, pagpapaunlad at pagpapanatili ng kagamitang

ginagamit sa mga sasakyang pandagat, ayon sa Wikipedia.

Mula sa website ng Marine Insight, Marine Engineer ang tawag sa

bumubuo, nagpa-unlad, nagpapanatili at nagsasaayos ng lahat ng makinarya at

kagamitan sa isang sasakyang pandagat. Maraming mga sistemang mekanikal

ang kailangang isaalang-alang dito tulad ng propulsion, mechanics, electricity

and power generation system, lubrication, fuel system, water distillation, lightning

and air conditioning system at marami pang ibang mga tungkulin ng isang Marine

Engineer.

Sa Pilipinas upang maging isang Marine Engineer ay kailangang

nakapagtapos sa programang ito. Ayon sa Commision on Higher Education

(CHED), ang Bachelor of Science in Marine Engineering (BS MarE) ay apat (4)

na taong programa na binibigay ng mga institusyong kanilang inaprobahan at ng

Maritime Industry Authority (MARINA). Tatlong (3) taong pang-akademiko na

sinusundan ang pamantayan ng CHED. At isang (1) taon naman sa Engine

Cadet Program na kinakailangan na na-aayon sa regulasyon ng (MARINA).

Mula din sa Commision on Higher Education (CHED), noong nakalipas na

taong 2013 mayroong labing-isang (11) pampublikong paaralan at pitumpu’t-apat

Page 2: Pamanahong-Papel 2of2.docx

2

(74) na pribadong paaralan ang aprobado upang magbigay ng ganitong uri ng

programa, kabilang dito ang dalawang campus ng Technological Institute of the

Philippines sa Maynila at Lungsod ng Quezon. Ayon sa opisyal na website ng

Technological Institute of the Philippines, ang institusyong ito ay kilala sa

larangan ng Engineering. Umaani ito ng mga akreditasyon sa iba’t ibang uri ng

organisyon. Ang kanilang paaralan sa Lungsod ng Quezon ay nasa Autonomous

status ng Commision on Higher Education (CHED). Ito ang pinakamataas na

lebel na pwedeng igawad sa isang kolehiyo, unibersidad at institusyon sa

Pilipinas. Ang programang BS Marine Engineering ay nasa Level III Re-

accredited Status ng Philippine Association of Colleges and Universities

(PACUCOA).

Mula naman sa website ng Maritime About, malaki ang ginagampanan ng

isang paaralan na papasukan ng isang mag-aaral upang maging isang magaling

at competitive na Marine Engineer. Nagsisimula ito sa akreditasyon ng paaralan,

mga state of the art na mga pasilidad, mga gurong gagabay sa mga mag-aaral,

at ang matrikula ng paaralang papasukan. Sa pag-aaral na ito tatalakayin ang

saloobin, damdamin ng mga mag-aaral na kumukuha ng programang Marine

Engineer sa Technological Institute of the Philippines kung bakit nila mas pinili

rito pumasok at mag-enrol sa kabila ng napakaraming mga paaralang nagbibigay

rin ng ganitong uri programa.

Page 3: Pamanahong-Papel 2of2.docx

3

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyong

naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang pinagbatayan ng mga mag-aaral sa Unang Taon upang sa

Technological Institute of the Philippines upang kumuha ng programang

Marine Engineering?

2. Ano ang ranggo ng Technological Institute of the Philippines sa mga

kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na nag-aalok ng programang

Marine Engineering?

3. Ano ang damdamin, pananaw at saloobin ng mga mag-aaral na nasa

Unang Taon ng Marine Engineering ukol sa kanilang programa?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na

nakasaad sa aming pananaliksik. Maaring magbigay ng mga basikong kaalaman

sa mga mag-aaral ng Technological Institute of the Philippines – Quezon City na

kumukuha ng Marine Engineering.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na katatapos

lang ng hayskul o mga mag-aaral na mamimili kung anong paaralan ang

kanilang pwedeng pasukan.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakaroon ng kaalaman ang

bawat mag-aaral upang malaman ang iba`t ibang damdamin, saloobin at

Page 4: Pamanahong-Papel 2of2.docx

4

pananaw ng mga mag-aaral sa pagpili sa Technological Institute of the

Philippines sa programang Marine Engineering.

4. Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng pananaw, saloobin,

at damdamin ng mga mag-aaral sa pagpili ng programang Marine Engineering

sa Technological Institute of the Philippines sa kabila ng napakaraming paaralan

sa bansa saklaw nito ang lahat ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa Unang

Semestre ng Akademikong Taong 2014-2015.

Nililimitahan lamang ang Pag-aaral na ito sa Programang Marine

Engineering at lahat ng may kinalaman sa programang ito. Ang kanilang

saloobin, damdamin at pananaw kung bakit nila mas pinili ang Technological

Institute of the Philippines – Quezon City.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Page 5: Pamanahong-Papel 2of2.docx

5

Page 6: Pamanahong-Papel 2of2.docx

6

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ilan sa mga batayan sa pagpili ng paaralang pinagkakatiwalaan ng mga

mga mag-aaral ay ang presyo ng tuition fee, distansya ng paaralan mula sa

tirahan, mga testimonya o magagandang komento ng mga kakilala o kamag-

anak na nag-aaral o dating nag-aral sa paaralang napipisil ng mag-aaral at higit

sa lahat ay ang kalidad ng edukasyong inaalok ng mga ito.

Ang TIP o Technological Institute of the Philippines na mayroong

dalawang paaralan sa Lungsod ng Maynila at isa sa Cubao, Lungsod ng Quezon

ay ilan lamang sa mga paaralan sa Metro Manila na nag-aalok ng programang

Marine Engineering.

Ang sumusunod ay ang opisyal na Mission Statement ng TIP College of

Marine Engineering, “Upang magdulot ng kasanayan ng matatag at walang-dudang pagsasanay na huhubog sa mga magtatapos sa TIP bilang modelo sa pagsasanay sa mga sasakyang-dagat at sa pagpapaunlad nito.”. At ito naman ang opisyal ng Vision Statement ng nasabing institusyon, “Ang paghubog ng mga kadete ng TIP na mayroong malalim na kasanayan at may kakayahang makipagsabayan sa simuman sa mundo sa larangan ng mga serbisyong pansasakyang-dagat.”

Ayon sa opisyal na resulta ng August 2014 Second Marine Engineering

Officers Licensure Examination (Written Phase), isa sa tatlong nanguna sa

naturang pagsusulit na nagngangalang Prince Anthony Labid Tecson ay mag-

aaral ng TIP. Ayon din na nasabing datos, isa rin sa dalawang nag-top seven (7)

na si Alan Wilbert Jalos Almoneda ay isa ring mag-aaral ng TIP.

Ayon din sa naturang dokumento, sa August 2014 Officer-in-Charge of an

Engineering Watch Licensure Examination (Written Phase), isa sa limang nag-

Page 7: Pamanahong-Papel 2of2.docx

7

top nine (9) ay isa na naming mag-aaral ng TIP na nagngangalang Robert Jay

Apelit Angeles.

Ayon din sa website ng Philippine Regulations Commission, sa August

2014 Chief Marine Engineering Officers Licensure Examination (Written Phase),

Performance of Schools, ang TIP ay nagtala ng dalawa (2) mula sa dalawa (2)

ring kumuha ng naturang Licensure Examination.

Ayon din sa naturang dokumento, sa August 2014 Second Marine

Engineering Officers Licensure Examination (Written Phase), Performance of

Schools, ang TIP ay nagtala ng walo (8) mula sa labing-isa (11) na kumuha ng

nasabing Licensure Examination. Ayon din nasabing dokumento, sa August 2014

Officer-in-Charge of an Engineering Watch Licensure Examination (Written

Phase), Performance of Schools, ang TIP ay nagtala ng anim (6) mula sa siyam

(9) na kumuha ng nasabing Licensure Examination.

Nais lamang patunayan ng mga nabanggit na sipi na ang mayroong

magandang porsyento ng nakakapasa sa Licensure Examination. Ito ay sa kabila

ng maraming mga kadete ng Marine Engineering na hindi nakapasa sa nakalipas

ng Licensure Examination, ayon sa Manila Bulletin.

Mula kay Guy Conception sa Tinig Ng Marino, marami sa mga kabataan

ngayon ang gustong maging isang manggamot, inhenyero, at marami pang iba

ngunit ilan sa mga batang may edad sampo (10) hanggang labing dalawa (12)

ang magsasabi na gusto nilang maging kapitan o Chief Engineer? Magugulat at

mapapalad tayo kung mayroon kahit isa. Ngunit kahit ganito ang mga pag-aaral

mayroon ring may gustong maging ganito. Kung tatanungin ang mga opisyal na

Page 8: Pamanahong-Papel 2of2.docx

8

na marino kung bakit nila mas pinili ang ganitong propesyon ay karaniwang

sagot na ang gusto nilang maikot ang mundo at ang salitang makatulong sa

pamilya.

Kahit na ganito ang resulta ng mga pag-aaral may mga kumukuha rin ng

ganitong programa. Sa pahayag na ito ni G. Conception makikita ang dahilan

kung bakit pinili ng mga mag-aaral ang programang Marine Engineering ang iba

sa kanila ay sasabihin ang mga ganitong pahayag.

Sa website ng Maritime About, isa sa mga batayan sa pagpili sa isang

paaralan ay kung sino ang nag-o-operate nito. Masasabi na mas maganda kung

isaalang-alang ito.

Mula din sa website na ito, ang magandang pasilidad ay hindi lang

salamin ng kalidad ng isang institusyon. Isa rin dapat dito ang mga

makabagaong teknolohiya na mayroon ang isang paaralan. Ang mga propesor

ay isa rin na kailangang pansinin ang mga ito ang gumagabay sa mga mag-

aaral. At panghuli ay ang matrikula dahil isa ito sa aspeto na kailangang tingnan.

Ang kakayahan ng mga mag-aaral na matugunan ang matrikula ng isang

paaralan.

Mula sa World Ranking Web of Universities, ang Technological Institute of

the Philippines ay nasa ikanimnapu’t anim (66) na pwesto sa Top 100 Schools

and Unversities sa bansa.

Sa datos na ito maaaring maging batayan din ito ng mga mag-aaral sa

pagpili nila sa paaralang ito dahil sa lagay nito sa rankings ng bansa,

Page 9: Pamanahong-Papel 2of2.docx

9

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa disenyo ng deskriptib-analitik. Ang

deskriptib-analitik ay uri ng pananaliksik na kung saan gumagamit ng sarbey-

kuwestyoner na ang layon ay maipabatid sa mambabasa at mailarawan ang

pananaw, saloobin, damdamin ng mga mag-aaral sa programang Marine

Engineering sa pagpili sa Technological Institute of the Philippines. Gagamit ang

mga mananaliksik ng paglalarawan at pangangalap ng mga datos.

2. Mga Respondente

Ang mga piling repondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

programang Marine Engineering ng Technological Institute of the Philippines

Unang tTaon sa Unang Semestre. Binubuo ito ng tatlumpung (30) mag-aaral

mula sa ibat-ibang seksyon. Sila ay napili upang makamit ang pinakamalapit na

kasagutan na may patungkol sa hinandang katanungan ng mga mananaliksik sa

pamamagitan ng random sample technique sila ay pipilii

3. Instrumento ng Pananaliksik

Isasagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagseserbey, ang

mga mananaliksik ay maghahanda ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong

makakuha ng mga sapat na datos upang masuri ang pananaw, saloobin,

Page 10: Pamanahong-Papel 2of2.docx

10

damdamin ng mga mag-aaral sa programang Marine Engineering sa pagpili sa

Technological Institute of the Philippines sa kabila ng napakaraming paaralan sa

bansa kukuha rin ang mga mananaliksik sa ibang hanguan tulad ng libro, thesis,

proposal, mangangalap din ang mga mananaliksik sa internet.

4. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahonang-papel na ito ay isang pag-aaral lamang at hindi ito

katulad ng thesis, ang disertasyon ang mga mananaliksik ay hindi na

magtatangkang suriin ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng

mataas at kompleks na pamamaraan.

Aalamin ng mga mananaliksik ang mga bilang o dami ng mga pipiliin sa

mga kwestyoner na pagpipilian samakatuwid, bilang o porsyento lamang ang

kinakailangang gawin sa tatlumpung (30) respondente mapapadali ang pagkuha

ng porsyento nito, dahil bawat isa ay may katumbas na porsyento.

Pormula:

% = ( f/n ) x 100

Kung saan:

f = frequency o dalas ng sagot

n = bilang ng respondente

% = porsyento

Page 11: Pamanahong-Papel 2of2.docx

11

LISTAHAN NG MGA SANGGUANIAN

What is marine engineering. http://www.marineinsight.com/career-2/

what-is-marine-engineering.

CHED memorandum order No. 14 Series of 2013.

http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/

CMO-No.14-s2013.pdf.

What is the best Maritime Academy for me. http://maritime.about.com/

od/Training_Resources/a/what-is-the-best-Maritime-Academy-For-

Me.htm.

Technological Institute of the Philippine College of Marine Engineering,

Shipboard Training Office, Mission and Vision.

http://www.tip.edu.ph/program.php.

August 2014 Second Marine Engineering Officers Licensure Examination

(Written Phase). http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/

ENG0814ft.pdf.

August 2014 Second Marine Engineering Officers Licensure Examination

(Written Phase), Performance of Schools.

http://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/ENG0814ps.pdf.

Many cadets fail to become marine officers. http://www.mb.com.ph/many-

cadets-fail-to-become-marine-officers.

Virtudazo, Rodolfo (2014). Vast horizon. Tinig ng Marino, XIX, No. 7, pp.

16, 39.

http://www.webometrics.info/en/asia/philippines.

Page 12: Pamanahong-Papel 2of2.docx

12

APENDIKS

Biodata ng Mananaliksik

Pangalan : Keanu Reeves G. Chaalan

Kurso : Bachelor of Science in Marine Engineering (BSME)

Kasarian : Lalaki

Tirahan : 936k Aurora Boulevard, Cubao, Lungsod ng Quezon

Kapanganakan : Mayo 14, 1997

Edad : 17

Relihiyon : Born Again

Pangalan ng Ama : Cain Chaalan Trabaho: Magsasaka

Pangalan ng Ina : Joy Chaalan Trabaho: Comelec Assistant

Kaligiran Pang-Edukasyon

Kolehiyo : Technological Institute of the Philippines – Quezon City

Lokasyon : 938 Aurora Boulevard, Cubao, Lungsod ng Quezon

Sekondarya : Mataas na Paaralan ng Ubao Lokasyon : Ubao, Aguinaldo, Lalawigan ng Ifugao

Elementarya : Mababang Paaralan ng Ubao

Lokasyon : Ubao, Aguinaldo, Lalawigan ng Ifugao

Pilosopiya sa Buhay

Upang ibahagi at ilapat ang aking mga kasanayan at kaalaman na

nakuha ko sa TIP-QC at mapanatili ang positibong karakter at mga

pagpapahalaga sa lugar ng trabaho at sa patuloy na pagbuo ng aking career.

Page 13: Pamanahong-Papel 2of2.docx

13

Biodata ng Mananaliksik

Pangalan : Gio C. Flores

Kurso : BSBA Major in Marketing Management

Kasarian : Lalaki

Tirahan : Lungsod ng Pasig

Kapanganakan : Disyembre 27, 1995

Edad : 18

Relihiyon : Romano Katoliko

Pangalan ng Ama : Antonino Flores Trabaho: Deceased

Pangalan ng Ina : Lourdes Flores Trabaho: Ina ng Tahanan

Kaligiran Pang-Edukasyon

Kolehiyo : Technological Institute of the Philippines – Quezon City

Lokasyon : 938 Aurora Boulevard, Cubao, Lungsod ng Quezon

Sekondarya : Saint Louis School Center Lokasyon : Naguilian Road, Lungsod ng Baguio

Elementarya : Saint Louis School Center

Lokasyon : Naguilian Road, Lungsod ng Baguio

Pilosopiya sa Buhay

Ang oras ay ginto!

Page 14: Pamanahong-Papel 2of2.docx

14

Biodata ng Mananaliksik

Pangalan : Cesar M. Gallano

Kurso : Bachelor of Science in Information Technology

Kasarian : Lalaki

Tirahan : 1327 Sampaloc Compound, Col. Guido Ext., Pag-asa,

Binangonan, Lalawigan ng Rizal

Kapanganakan : Pebrero 4, 1983

Edad : 31

Relihiyon : Romano Katoliko

Pangalan ng Ama : Benito Gallano Trabaho: Retiradong Magsasaka

Pangalan ng Ina : Amanda Gallano Trabaho: Ina ng Tahanan

Kaligiran Pang-Edukasyon

Kolehiyo : Technological Institute of the Philippines – Quezon City

Lokasyon : Aurora Boulevard, Cubao, Lungsod ng Quezon

Bokasyonal : Laguna Santiago Educational Foundation, Inc.

Lokasyon : F. Sario Street, Sta. Cruz, Lalawigan ng Laguna

Sekondarya : Pedro Guevara Memorial National High School

Lokasyon : P. Guevara Street, Sta. Cruz, Lalawigan ng Laguna

Elementarya : Mababang Paaralan ng Longos

Lokasyon : Real Street, Longos, Kalayaan, Lalawigan ng Laguna

Pilosopiya sa Buhay

Delight yourself in the LORD, and he will give you the desires of your

heart.

The LORD is my portion,” says my soul, “therefore I will hope in him.

Page 15: Pamanahong-Papel 2of2.docx

15

Biodata ng Mananaliksik

Pangalan : Jastin Carl Galo

Kurso : Bachelor of Science in Marine Engineering (BSME)

Kasarian : Lalaki

Tirahan : Lungsod ng Quezon

Kapanganakan : ?

Edad : ?

Relihiyon : Romano Katoliko

Pangalan ng Ama : ? Galo Trabaho: ?

Pangalan ng Ina : ? Galo Trabaho: ?

Kaligiran Pang-Edukasyon

Kolehiyo : Technological Institute of the Philippines – Quezon City

Lokasyon : 938 Aurora Boulevard, Cubao, Lungsod ng Quezon

Sekondarya : ? Lokasyon : ?

Elementarya : ?

Lokasyon : ?

Pilosopiya sa Buhay

Page 16: Pamanahong-Papel 2of2.docx

16

Biodata ng Mananaliksik

Pangalan : John Michael C. Garcia

Kurso : Marine Engineering (BSME)

Kasarian : Lalaki

Tirahan : East Bank Road, Sta. Lucia, Lungsod ng Pasig

Kapanganakan : Hunyo 27,1995

Edad : 19

Relihiyon : Romano Katoliko

Pangalan ng Ama : Michael Garcia Trabaho: Chief Mechanic

Pangalan ng Ina : Liberty Garcia Trabaho: May-ari ng Kantina

Kaligiran Pang-Edukasyon

Kolehiyo : Technological Institute of the Philippines – Quezon City

Lokasyon : 938 Aurora Boulevard, Cubao, Lungsod ng Quezon

Sekondarya : Mataas na Paaralan ng Sta. Lucia Lokasyon : 30 Tramo Street, Lungsod ng Pasig

Elementarya : Mababang Paaralan ng De Castro

Lokasyon : Everlasting Street, Lungsod ng Pasig

Pilosopiya sa Buhay