28
PAG-AARAL SA PAKIKIPAGRELASYON NG MGA MAG-AARAL NA NASA UNANG TAON SA KOLEHIYO AT EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PERFORMANS Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya, at Edukasyon, University of the Immaculate Conception Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa, at Pagsulat Tungo sa Pananliksik Cantomayor, Ivy Madonna G. - BEED Toyorada, Peter John T. - BSED Tacloban, Rayna P. - BSED Marso, 2012

pamanahong papel

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pamanahong papel

Citation preview

Page 1: pamanahong papel

PAG-AARAL SA PAKIKIPAGRELASYON NG MGA MAG-AARAL NA NASA UNANG

TAON SA KOLEHIYO AT EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PERFORMANS

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,

Kolehiyo ng Arte, Syensya, at Edukasyon,

University of the Immaculate Conception

Bilang Pagpapatupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang Filipino 2, Pagbasa, at Pagsulat Tungo sa Pananliksik

Cantomayor, Ivy Madonna G. - BEED

Toyorada, Peter John T. - BSED

Tacloban, Rayna P. - BSED

Marso, 2012

Page 2: pamanahong papel

PASASALAMAT

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa

mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta na kanilang ibinigay para sa

pagtatagumpay ng aming pamanahong-papel:

• Kay Gng. Lucia Escudero, ang pinakamamahal naming guro sa Filipino, sa

masusing paggabay niya sa amin sa paggawa ng isang matagumpay na

pamanahong-papel.

• Sa aming mga respondente, na nagbahagi ng kanilang oras sa matapat na

pagsagot sa aming inihandang kwestyoner.

• Sa aming mga pamilya, sa pag-unawa sa mga araw na wala kami sa kanilang

piling para lamang mapagtagumpayan at matapos ang pamanahong-papel, at

higit sa lahat,

• Sa Poong Maykapal, na kailan man ay hindi kami iniwan. Sa gabay at pag-asa

na ibinigay niya sa amin sa oras na kami ay nahihirapan.

Muli, maraming maraming salamat po sa pagiging bahagi ninyo sa tagumpay ng

pamanahong papel na ito.

Hanggang sa muli.

- Mga Mananaliksik

Page 3: pamanahong papel

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

Grap 1: Distribusyon ng mga Respondente

Batay sa Kanilang Kasarian 7

Grap 2: Panahon na Nagsimulang

Makipagrelasyon ang mga Respondente 8

Grap 3: Oras na Ginugugol ng mga

Respondente para sa Isa’t-isa 8

Grap 4: Pananaw ng mga Respondente sa

Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon 9

Grap 5: Pananaw ng mga Respondente sa

Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon 10

Grap 6: Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon

ang mga Respondente 10

Grap 7: Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng

Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag-aaral 11

Page 4: pamanahong papel

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1

1. Introduksyon 1

2. Layunin ng Pag-aaral 1

3. Kahalaghan ng Pag-aaral 2

4. Saklaw at Limitasyon 2

5. Depinisyon ng Terminolohiya 3

Kabanata II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literartura 4

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 5

1. Disenyo ng Pananaliksik 5

2. Mga Respondente 5

3. Instrumentong Pampananaliksik 6

4. Tritment ng mga Datos 6

Kabanata IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 7

Kabanata V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon 12

1. Lagom 12

2. Kongklusyon 12

3. Rekomendasyon 13

Listahan ng Sanggunian 14

Page 5: pamanahong papel

APENDIKS

A. Liham sa Paghingi ng Pahintulot sa Pagsasarbey 15

B. Sarbey-Kwestyoner 16

C. Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel 18

D. Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng

Pasalitang Presentsyon 21

Page 6: pamanahong papel

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Inroduksyon

Hindi maipagkakaila na marami sa mga kabataan o mga mag-aaral sa kolehiyo

ang pumapasok na sa pakikipagrelasyon. Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999) lahat ng

tao ay nangangailangan ng matibay na pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa.

Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga problema, mababahagian ng ating

karanasan at makapagpahayag ng sariling opinyon. Marahil ay ang pakikipagrelasyon

ang nakikita ng mga kabataan para lubusan nilang makilala ang kanilang sarili at

maipahayag ang sarili nilang damdamin.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay linaw sa mga dahilan ng

pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Ito rin ay

naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

a. Bakit maraming kabataan ang nakikipagrelasyon?

b. Anu-ano ang mga positibo at negatibong dulot nito sa mga mag-aaral?

d. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang pag-aaral?

Page 7: pamanahong papel

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ng pamanahong-papel na ito ay naniniwala na ang pag-

aaral na ito ay napakahalaa. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral na nasa

kolehiyo nang sa ganoon ay mapabuti nila ang kanilang pag-aaral habang sila ay

nakikipagrelasyon.

Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng

maitutulong nito hindi lamang sa mga mag-aaral na kasalukuyang nakikipagrelasyon.

Kundi pati narin sa mga ma-aaral na nagbabalak na pumasok sa isang relasyon.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral

ng kursong edukasyon hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga mag-aral na nasa unang

taon sa kolehiyo at epekto nito sa akademikong performans.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa unang taon sa

kolehiyo lamang na kumukuha ng kursong Edukasyon. Naniniwala ang mga

mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pag-

aaral na ito upang masagot ang katanungan ng mga mag-aaral at ang miskonsepsyon

ng mga tao tungkol sa pakikipagrelasyon habang nag-aaral pa lamang.

Page 8: pamanahong papel

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas maging madali antganap ang pakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na

terminolohiya batay sa kung paano ginagmit ang bawat isa sa pamanahong-papel.

Ang adolescence ay ang pagbibinata o ang pagdadalaga ng mga tao.

Tumutukoy din ito sa kabataan at kasibulan.

Ang intimacy ay matalik na pagkakaibigan o pagkikilala; matapat na

pagpapalagayang loob.

Ang romance ay pag-iibigan; pagmamahalan; romansa

Page 9: pamanahong papel

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Marami nang mga dalubhasa ang nag-aral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga

kabataan. Sa kabilang banda, marami parin ang hindi nakakaunawa at nakakaintindi sa

tunay nitong kahulugan at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.

Marami sa atin ang nagkakaroon ng miskonsepsyon sa pakikipagrelasyon. Ayon

kay Steinberg (2002) mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa pagitan ng sexuality at

intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng adolescence – kapag ginagamit sa

sekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyon ay isang

emotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam sa isa’t-isa;

willingness to disclose private and occasionally sensitive topics; at ang pagkakaroon ng

parehong interes at mga paborito. Kung kaya ang dalawang indibidwal ay maaring

magkaroon ng isang intimate relationship kahit na walang sekswal na ugnayan. Sa

kabilang banda rin naman ay maari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na

walang intimate relationship.

Ang pakikipagrelasyon ay interaksyon din sa iyong kapwa na dapat pagbutihin.

Ayon kay Avelino et al. (1996) may mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng

magandang pakikipagrelasyon. (1) kung wala kang magandang sasabihin sa iyong

kasintahan, mabuting huwag ka nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3)

purihin ang iyong kasintahan; (4) magkaroon ng interes sa iyong partner; (5) maging

masayahin; (6) maging bukas sa mga posibilidad; (7) hayaan ang inyong sarili na

sabihin ang tunay na nararamdaman; (8) huwag saktan kalianman ang iyong

kasintahan ; (9) panatilihin ang pagiging malambing (10) maging palatawa.

Sa kabuuan, ang mga pag-aaral na nailahad ay nagsisilbing motibasyon sa

pagsusumikap na mapabuti pa ang aming sariling pag-aaral.

Page 10: pamanahong papel

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-

analitik na Pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-

aaral na ito ang pananaw ng mga nasa unang taon sa kolehiyo sa pakikipagrelasyon

nila at ang epekto nito sa kanilang akademikong performans.

2. Mga Respondente

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa

unang taon sa kolehiyo. Ang mga respondente ay kumukuha ng kurso na Edukasyon

ng kasalukuyang semester ng University of the Immaculate Conception.

Ang mga respondente ay nahahati sa dalawa batay sa kanilang kasarian. Ang

kabuuang bilang ng mga respondente ay tatlumpu (30). Labing lima (15) sa kanila ay

babae at labing lima (15) ay lalaki. Samakatuwid mayroong pantay na paghati sa mga

respondente ayon sa kanilang kasarian. Gumagamit ang mga mananaliksik ng random

sampling upang magkaroon ng pantay na representasyon ng bawat grupo. Pansinin

ang kasunod na talahanayan.

Page 11: pamanahong papel

3. Instrumentong Pampananaliksik

Ang Pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng mga sarbey-kwestyoner upang malaman ang pananaw

ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo sa pakikipagrelasyon at epekto nito

sa akademikong performans.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na

mangalap ng impormasyon sa iba’t-ibang hanguan sa aklatan gaya ng libro at journal.

Ang mga mananaliksik ay kumuha rin ng mga impormasyon sa internet.

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay panimulang pag-aaral pa lamang at hindi

isang pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka

upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika.

Tanging pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga

mananaliksik.

Page 12: pamanahong papel

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

Ipinapakita sa grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang

kasarian. Sa tatlumpung (30) respondente, labing lima (15) sa kanila ay babae at labing

lima (15) sa kanila ay lalaki.

Distribusyon ng mga Respondente

Sa tatlumpung (30) respondente, tatlo (3) sa kanila ang nagsabing noong grade

school sila nagsimulang makipagrelasyon. Walo

noong 1st - 2nd Year high school sila nagsimulang makipa

kanila ang nagsabing nagsimula silang makipagrelasyon

school. At lima (5) naman sa kanila ang nagsabing

makipagrelasyon.

0

2

4

6

8

10

12

14

16

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang

. Sa tatlumpung (30) respondente, labing lima (15) sa kanila ay babae at labing

lima (15) sa kanila ay lalaki.

Grap 1

Distribusyon ng mga Respondente Batay sa Kasarian

tatlumpung (30) respondente, tatlo (3) sa kanila ang nagsabing noong grade

school sila nagsimulang makipagrelasyon. Walo (8) naman sa kanila ang nagsabing

Year high school sila nagsimulang makipagrelasyon. Labing

nagsabing nagsimula silang makipagrelasyon noong 3

naman sa kanila ang nagsabing sa kolehiyo na sila nagsimulang

Babae Lalaki

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon:

grap 1 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang

. Sa tatlumpung (30) respondente, labing lima (15) sa kanila ay babae at labing

sa Kasarian

tatlumpung (30) respondente, tatlo (3) sa kanila ang nagsabing noong grade

naman sa kanila ang nagsabing

relasyon. Labing-apat (14) sa

noong 3rd – 4th year high

sa kolehiyo na sila nagsimulang

Page 13: pamanahong papel

37%

Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente

Sampu (10) sa tatlumpung respondente ang nagsabing hindi hihigit sa dalawang

oras ang ginugugol nila sa kanilang mga karelasyon. Siyam (9) naman ang nagsabi na

nasa tatlo hanggang limang oras lamang. Labing

gumugugol ng limang oras mahigit s

Oras na Ginugugol ng mga Respondente Para sa Kanilang Karelasyon

0

2

4

6

8

10

12

14

16

Grade School

33%

30%

di hihigit sa 2 oras

3 -5 oras

5 oras o higit pa

Grap 2

Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente

tatlumpung respondente ang nagsabing hindi hihigit sa dalawang

oras ang ginugugol nila sa kanilang mga karelasyon. Siyam (9) naman ang nagsabi na

nasa tatlo hanggang limang oras lamang. Labing-isa (11) naman sa kanila ang

gumugugol ng limang oras mahigit sa kanilang mga karelasyon.

Grap 3

Oras na Ginugugol ng mga Respondente Para sa Kanilang Karelasyon

3

8

14

Grade School 1st - 2nd Year H.S.3rd - 4th Year H.S Kolehiyo

di hihigit sa 2 oras

5 oras o higit pa

Panahon na Nagsimulang Makipagrelasyon ang mga Respondente

tatlumpung respondente ang nagsabing hindi hihigit sa dalawang

oras ang ginugugol nila sa kanilang mga karelasyon. Siyam (9) naman ang nagsabi na

isa (11) naman sa kanila ang

Oras na Ginugugol ng mga Respondente Para sa Kanilang Karelasyon

5

Kolehiyo

Page 14: pamanahong papel

Ipinapakita sa grap 4 ang palagay ng mga respondente sa naidudulot na posit

ng pakikipagrelasyon. Sa talumpung respondente, dalawamput

ang nagsabi na ito ay nagdudulot ng inspirasyon. Lima

kasiyahan habang sila ay magkasama. Dalawa

ang kaniyang sarili ng mabuti.

paghahanda o pundasyon para sa kaniyang kinabukasan.

Pananaw ng mga Respondente sa

Sa tatlumpung (30)

distraksyon ang negatibong dulot ng pakikipagrelasyon. Dalawa

ang nagsabi na aksaya lamang ito ng panahon. Dalawa

lamang ito sa gastos. Apat

kanilang pag-uugali. Anim

walang negatibong naidudulot sa kanila.

iba pang negatibong epekto ang pakikipagrelasyon.

0

5

10

15

20

25

Inspirasyon

Ipinapakita sa grap 4 ang palagay ng mga respondente sa naidudulot na posit

Sa talumpung respondente, dalawamput-dalawa

ang nagsabi na ito ay nagdudulot ng inspirasyon. Lima (5) ang nagsabi na dahil sa

kasiyahan habang sila ay magkasama. Dalawa (2) ang nagsabi na mas nakikilala niya

ang kaniyang sarili ng mabuti. At isa (1) naman ang nagsabi na ito ay bilang

paghahanda o pundasyon para sa kaniyang kinabukasan.

Grap 4

Pananaw ng mga Respondente sa Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon

respondente, labing dalawa (12) sa kanila ang nagsabi na

distraksyon ang negatibong dulot ng pakikipagrelasyon. Dalawa (2)

ang nagsabi na aksaya lamang ito ng panahon. Dalawa (2) rin ang nagsabi na dagdag

lamang ito sa gastos. Apat (4) naman ang nagsabi na negatibong naba

uugali. Anim (6) sa kanila ang nagsabi na ang pakikipagrelasyon ay

walang negatibong naidudulot sa kanila. At may apat (4) naman na nagsasabing may

atibong epekto ang pakikipagrelasyon.

Inspirasyon Kasiyahan

Habang

Magkasama

Mas

Nakikilala

ang Sarili

Paghahanda

sa

Kinabukasan

Others

Ipinapakita sa grap 4 ang palagay ng mga respondente sa naidudulot na positibo

dalawa (22) sa kanila

ang nagsabi na dahil sa

ang nagsabi na mas nakikilala niya

naman ang nagsabi na ito ay bilang

Positibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon

sa kanila ang nagsabi na

(2) naman sa kanila

rin ang nagsabi na dagdag

naman ang nagsabi na negatibong nababago ang

sa kanila ang nagsabi na ang pakikipagrelasyon ay

At may apat (4) naman na nagsasabing may

Page 15: pamanahong papel

Pananaw ng mga Respondente

Lima sa tatlumpung (30) respondente

kaibigan ang dahilan ng kanilang pakikipagrelasyon. Walo (8) naman ang nagsabi na

gusto lamang nila ng experience

sa gwapo/maganda ang kanilang mga karelasyon. Walo (8) ang nagsabi na

nagmamahalan sila ng tunay. Apat (4) naman sa mga respondente ang nagsabing

excited sila makipag-sex. At tatlo (3) sa kanila ang na

kung bakit nila naisipang pumasok sa pakikipagrelasyon.

Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente

Distraksyon

Aksaya ng Panahon

Dagdag Gastos

Nababago ang aking Ugali

Walang Negatibo

Dahil sa Udyok

ng Kaibigan

Gusto ko lang ng

Experience

0

1

2

3

4

5

6

7

8

9

Grap 5

Pananaw ng mga Respondente sa Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon

sa tatlumpung (30) respondente ang nagsabi na dahil sa udyok ng mga

kaibigan ang dahilan ng kanilang pakikipagrelasyon. Walo (8) naman ang nagsabi na

experience sa pakikipagrelasyon. Dalawa (2) ang nagsabi na dahil

sa gwapo/maganda ang kanilang mga karelasyon. Walo (8) ang nagsabi na

nagmamahalan sila ng tunay. Apat (4) naman sa mga respondente ang nagsabing

sex. At tatlo (3) sa kanila ang nagsabi na may iba pang dahilan

kung bakit nila naisipang pumasok sa pakikipagrelasyon.

Grap 6

Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente

0 2 4 6 8 10

Distraksyon

Aksaya ng Panahon

Dagdag Gastos

Nababago ang aking Ugali

Walang Negatibo

Others

Gusto ko lang ng

Experience

Kasi

Maganda/Gwapo

Siya

Nagmamahalan

Kami ng Tunay

Excited Akong

Makipag

sa Negatibong Naidudulot ng Pakikipagrelasyon

ang nagsabi na dahil sa udyok ng mga

kaibigan ang dahilan ng kanilang pakikipagrelasyon. Walo (8) naman ang nagsabi na

sa pakikipagrelasyon. Dalawa (2) ang nagsabi na dahil

sa gwapo/maganda ang kanilang mga karelasyon. Walo (8) ang nagsabi na

nagmamahalan sila ng tunay. Apat (4) naman sa mga respondente ang nagsabing

gsabi na may iba pang dahilan

Mga Dahilan Kung Bakit Nakikipagrelasyon ang mga Respondente

12

Excited Akong

Makipag-sex

Others

Page 16: pamanahong papel

Hinggil naman sa kung paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang

pag-aaral, sampu sa kanila ang nagsabi na nagkukulang ang kanilang oras sa pag

aaral. Tatlo ang nagsabi na may tumutulong sa kanila sa paggawa nila ng mga

assignments. Walo naman ang nagsabi na matataas ang kanilang mga marka dahil

inspired sila. Anim ang nagsabi na ang kanilan

kanilang pag-aaral. May tatlo naman na nagsabi na may iba pang epekto ang

pakikipagrelasyon sa kanilang pg

Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag

0

2

4

6

8

10

12

Ngkukulang ng

Oras sa Pag-

aaral

Hinggil naman sa kung paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang

nila ang nagsabi na nagkukulang ang kanilang oras sa pag

aaral. Tatlo ang nagsabi na may tumutulong sa kanila sa paggawa nila ng mga

assignments. Walo naman ang nagsabi na matataas ang kanilang mga marka dahil

sila. Anim ang nagsabi na ang kanilang pakikipagrelasyon ay walang epekto sa

aaral. May tatlo naman na nagsabi na may iba pang epekto ang

pakikipagrelasyon sa kanilang pg-aaral.

Grap 7

Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag

Ngkukulang ng May

tumutulong sa

Pgagawa ng

Assignments

Matataas ang

Marka dahil

Inspired Ako

Walang Epekto

Hinggil naman sa kung paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa kanilang

nila ang nagsabi na nagkukulang ang kanilang oras sa pag-

aaral. Tatlo ang nagsabi na may tumutulong sa kanila sa paggawa nila ng mga

assignments. Walo naman ang nagsabi na matataas ang kanilang mga marka dahil

g pakikipagrelasyon ay walang epekto sa

aaral. May tatlo naman na nagsabi na may iba pang epekto ang

Pananaw ng mga Respondente sa Epekto ng Pakikipagrelasyon sa Kanilang Pag-aaral

Others

Page 17: pamanahong papel

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin at

pananaw ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Edukasyon hinggil sa

pakikipagrelasyon ng mga nasa unang taon sa kolehiyo at epekto nito sa akademikong

performans. Ang mga mag-aaral na kasama sa pagsago ng sarbey ay kasalukuyang

may mga karelasyon at nag-aaral sa University of the Immaculate Conception.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo

ng sarbey-kwestyoner na pinasautan sa tatlumpung (30) mag-aaral. Labing lima sa

kanila ang mga babae. At labing lima din ang mga lalaki na parehong nasa unang taon

sa pagkuha ng kursong Edukasyon.

2. Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa

mga sumusunod na kongklusyon:

a. Nakikipagrelasyon ang mga mag-aaral dahil sila ay tunay na

nagmamahalan at gusto nila ng experience na maari nilang magamit sa

kanilang pagtahak sa landas na kanilang napili.

b. Ang pakikipagrelasyon ay nagdudulot ng parehong positibo at negatibong

epekto sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo. Ito ay may malaking epekto

sa kanilang pag-aaral.

Page 18: pamanahong papel

c. Ang positibong epekto ng pakikipagrelasyon sa mga mag-aaral ay ang

pagkakaroon nila ng inspirasyon. Ang negatibo namang epekto ng

pakikipagrelasyon ay ang distraksyon. Ngunit tiyak namang maiiwasan

ang negatibong epekto nito kapag nabalanse ng dalawang tao ang

kanilang sitwasyon.

d. Ang epekto naman ng pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral sa kanilang

pag-aaral ay ang pagkukulang o kawalan ng sapat na oras para sa pag-

aaral.

3. Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa isang relasyon,

kinakailangan na maging maingat tayo sa bawat desisyon na ating

ginagawa. Kung alam nating hindi magiging mabuting impluwensya ang

ating mga karelasyon, kailangan na natin itong tapusin.

b. Para naman sa mga wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon, hindi ito

malaking kawalan sa inyong pagkatao. Hindi ito magiging sukatan ng

kaligayahan ng ating buhay.

c. Para sa mga magulang, kahit na nasa wastong edad na ang ating mga

anak, dapat nating tandaan na kinakailangan parin nila na magkaroon ng

gabay na magtuturo sa kanila lalo na sa paghubog nila sa kanilang sarili.

Page 19: pamanahong papel

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

AKLAT

Bernales, Rolando A. et al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik. Malabon City,

Philippines: Mutya Publishing House. 2009

Sizer-Webb, Frances et al. Health: Making Life Choices. Cincinnati: West

Educational Publishing, 1999.

Avelino, Soledad et al. Personality Development and Human Relations. Manila,

Philippines: Rex Printing Co. Inc., 1996.

Steinberg, Laurence. Adolescence: 6th Edition. Boston: The McGraw-Hill

Companies, Inc., 2002.

Lamberton, Lowell H. Human Relations: Strategies for Success. Richard D. Irwin,

Inc. 1995.

JOURNAL

Mendoza-Dayrit, Mylene. How Love Improves Your Health. The Philippine Star.

February 7, 2012.

Page 20: pamanahong papel

APENDIKS A

LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAG-INTERBYU

Pebrero 27, 2012 Bb….. Student, Secondary Education University of the Immaculate Conception Mahal naming Binibini, Maalab na Pagbati! Kaugnay ng ginagawa naming pamanahong-papel sa Filipino 2 tungkol sa pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto nito sa Akademikong Performans, ay nais po naming humingi sa inyo ng pahintulot upang kayo ay aming makapanayam sa petsa, oras at lugar na inyong itatakda. Lubos po ang aming paniniwala na ang inyong karanasan sa nasabing paksa ay makakatulong sa amin ng lubos tungo sa matagumpay na pagsulat n gaming pamanahong-papel. Dalangin po naming ang inyong pagpapahintulot sa aming pakiusap. Lubos na gumagalang, Peter John T. Toyorada Lider ng Pangkat Binigyang-pansin:

Gng. Lucia Escudero Propesor

Page 21: pamanahong papel

Pebrero 24, 2012

Teresita Adriano Dekana, Programa ng Edukasyon University of the Immaculate Conception Ginang: Maalab na Pagbati! Kami po ay kabilang sa pangkat 1-C Engineering na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino 2. Isa po sa pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat ng isang papel-pampananaliksik. Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pamanahong papel tungkol sa Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na nasa Unang Taon sa Kolehiyo at Epekto nito sa Akademikong Performans. Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami’y makapamahagi ng sarbey-kwestyoner sa tatlumpung (30) mag-aaral na kumukuha ng kursong Edukasyon. Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makatutulong po ng lubos sa aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan. Lubos na gumagalang, Peter John T. Toyorada Lider ng Pangkat

Binigyan-pansin:

Gng. Lucia Escudero Propesor

Inaprobahan:

Gng. Teresita Adriano Dekana, Programa ng Edukasyon

Page 22: pamanahong papel

Mahal naming Respondente,

Maalab ng Pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang

pamanahong-papel tungkol sa Pakikipagrelasyon ng mga Mag-aaral na nasa Unang

Taon sa Kolehiyo at Epekto Nito sa Akademikong Performans.

Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makatanggap ng

mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyari lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga

sumusunod na aytem.

Maraming salamat po!

- Mga Mananaliksik

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may

pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugma sa inyong sagot.

1. Pangalan (Opsyunal): __________________________________________________________

2. Kasarian: [ ] Babae [ ] Lalaki

3. Kailan ka nagsimulang makipagrelasyon?

[ ] Grade School [ ] 3rd

– 4th

Year H.S.

[ ] 1st

– 2nd

Year H.S. [ ] sa kolehiyo

4. Ilang oras ang ginugugol ninyo sa isa’t-isa?

[ ] di hihigit sa 2 oras [ ] 5 oras o higit pa

[ ] 3 – 5 oras

5. Ano sa palagay mo ang naidudulot na POSITIBO ng pakikipagrelasyon?

Page 23: pamanahong papel

[ ] inspirasyon [ ] mas makikilala ko ang aking sarili

[ ] kasiyahan habang kami ay magkasama [ ] paghahanda para sa aking kinabukasan

[ ] may makakasama sa pangangailangan [ ] others: _________________________

6. Ano sa palagay mo ang naidudulot na NEGATIBO ng pakikipagrelasyon?

[ ] distraksyon [ ] dagdag gastos

[ ] aksaya ng panahon [ ] nababago ang aking ugali

[ ] walang negatibo [ ] others: _____________________________________

7. Bakit mo naisipang makipagrelasyon?

[ ] dahil sa udyok ng kaibigan/barkada [ ] nagmamahalan kami ng tunay

[ ] para maging sikat ako [ ] naawa lang ako sa kaniya

[ ] gusto ko lang ng experience [ ] excited akong makipag-sex

[ ] kasi maganda/gwapo siya [ ] others: _________________________

8. Paano nakakaapekto ang pakikipagrelasyon sa iyong pag-aaral?

[ ] nagkukulang ng oras sa aking pag-aaral

[ ] hindi nakakagawa ng mga assignments/projects

[ ] may tumutulong sa paggawa ko ng mga assignments

[ ] matataas ang aking marka dahil “inspired” ako

[ ] walang epekto

[ ] others: ___________________

Page 24: pamanahong papel

Pamagat: _____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Mananaliksik: _____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Taon at Pangkat: ________________ Semester: ________________ Taong Akdemiko: ___________

Sistema ng Pagmamarka:

Apat (4) na puntos ang pinakamatas na maaring ibigay sa bwat aytem. Maaring magbigay ng

puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin

ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Masteri

1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat

ang masteri at kahandaan sa pagtalakay ng paksang

naitakda sa bawat isa? __________

2. Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay

ng bawat isa? __________

3. Sapat at malinaw ba ang ma nailahad na paliwanag

at halimbawa ng bawat miyembro? __________

4. Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pag-sagot

ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist? __________

5. Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat

isa sa mga katanungan ng mga panelist? __________

Sub-total: __________

B. Pamamaraan

1. Laohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? __________

2. Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo-biswal? __________

3. Angkot at epektib ba ang kagamitan ng pangkat? __________

4. Epektib at kompitent ba ang pangkat sa

manipulasyon ng mga kagamitan sa presentasyon? __________

5. Angkop at epektib ba ang pamamaraan o

istratehiyang ginamit ng pangkat? __________

Page 25: pamanahong papel

Sub-total: __________

C. Artikulasyon

1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro ng

pangkat sa pagsasalita? __________

2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? __________

3. Angkop at epektib ba ang kanilang galaw, kumpas

at iba pang non-verbal clues? __________

4. Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? __________

5. Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang

kanilang bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/pausing? __________

Sub-total: __________

D. Disiplina

1. Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang presentasyon

ng pangkat? __________

2. Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa pagsagot

ng mga tanong ng panelist? __________

3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon

sa presentasyon? Hindi ba monopolisado ng isa o ilan

ang mga gawain? __________

4. Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili? __________

5. Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa? __________

Sub-total: __________

Kabuuan/Katumbas na Marka: __________

Mga Puna at Mungkahi:

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Page 26: pamanahong papel

Pamagat: _____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Mananaliksik: _____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Taon at Pangkat: ________________ Semester: ________________ Taong Akdemiko: ___________

Sistema ng Pagmamarka:

Apat (4) na puntos ang pinakamatas na maaring ibigay sa bwat aytem. Maaring magbigay ng

puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin

ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin

1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng Pananaliksik? __________

2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? __________

3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa

upang makalikha ng mga valid na paglalahat? __________

4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon

sa paksa ng pag-aaral? __________

5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin

ng pag-aaral? __________

6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong

binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan

sa bawat isang termino? __________

Sub-total: __________

B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinalakay? __________

2. Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaral

at literaturang iyon? __________

3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral

sa iba pang hanguang ginamit? __________

Sub-total: __________

C. Disenyo ng Pag-aaral

Page 27: pamanahong papel

1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit

sa pananaliksik? __________

2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon ba iyon

sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? __________

3. Sapat at angkop ba ang respondeng napili sa paksa

ng pananaliksik? __________

4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit

sa pangangalap ng datos? __________

Sub-total: __________

D. Presentasyon

1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? __________

2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal

tritment ang mga datos? __________

3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga datos? __________

4. Malinaw, maayos at consistent ba ang tekstwal at

tabular/grapikal na presentsyon ng mga datos? __________

Sub-total: __________

E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? __________

2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay

ba iyon sa mga datos na nakalap? __________

3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong

katanungan sa layunin sa pag-aaral? __________

4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad

na rekomendsyon? Makalulutas ba ang mga iyon sa mga

suliraning natukoy sa pag-aaral? __________

5. Malinaw, tuwiran, at maayos ba ang paglalahad ng mga

lagom, kongklusyon at rekomendsyon? __________

Sub-total: __________

Page 28: pamanahong papel

F. Mekaniks at Pormat

1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel?

Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? __________

2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto

Ng pamanahong-papel? __________

3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit

ng pamanahong-papel? __________

Sub-total: __________

Kabuuan/Katumbas na Marka: __________

Ebalweytor: __________________________________________

Petsa: _______________________________________________