9
 PEBRERO 2015 Dapat panagutin ang rehimeng US-Aquino na mastermind sa madugong operasyong isinagawa ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015. Ang operasyon ay nagsanhi ng pagkamatay ng 44 na PNP-SAF, 18 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), 5 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at hindi bababa sa 7 sibilyan kasama ang isang 5-taong gulang na bata. Sa utos ng US, itinulak ni Aquino at ng kabarkada nitong suspendidong PNP chief Alan Purisima ang 392 mga kasapi ng PNP-SAF na sugurin ang Mamasapano, isang bayan sa Maguindanao kung saan may mga kasapi ng MILF, BIFF at maging ng na private army ng angkang Ampatuan, para umano’y tugisin sina Zulkii Abdhir alyas Marwan at Abdul Basit Usman. Ang dalawa ay bahagi ng “US terrorist list” at may reward na aabot sa $9 milyon. Target sila ng mga tinaguriang black operations: asasinasyon at pagdukot na karaniwan nang ginagawa ng US nang walang pakundangan sa soberenya ng mga bansa sa buong daigdig. Nabunyag na dati nang may ganitong operasyon ang US sa Mindanao, bahagi ang pagpapaulan ng “smart bombs” sa Jolo noong 2012. Panagutin ang rehimeng US-Aquino s a madugong operasy on sa Mamasapano! >>>Ituloy sa p2 Biguin ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Labanan ang deregulasyon sa edukasyon! Sa komemorasyon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1916), labanan ang imperyalismong US! MRT-LRT fare hikes mapupunta sa mga kroni ni Aquino Gintong kasaysayan ng KM, ginunita sa isang produksyon 3 4 6 8 LARAWAN MULA KAY KRISTINE SABILLO NAGMARTSA ANG IBA’T IBANG MGA ORGANISASYON SA ILALIM NG BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN PATUNGONG MENDIOLA AT US EMBASSY NOONG PEBRERO 4 PARA IPANAWAGAN ANG PANANAGOT NG US AT NI AQUINO SA MADUGONG OPERASYON SA MAMASAPANO Tinig Pebrero 2015.indd 1 2/15/2015 8:34:34 PM

Tinig Pebrero 2015

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang TINIG ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan.

Citation preview

  • PEBRERO 2015

    Dapat panagutin ang rehimeng US-Aquino na mastermind sa madugong operasyong isinagawa ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

    Ang operasyon ay nagsanhi ng pagkamatay ng 44 na PNP-SAF, 18 kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), 5 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at hindi bababa sa 7 sibilyan kasama ang isang 5-taong gulang na bata.

    Sa utos ng US, itinulak ni Aquino at ng kabarkada nitong suspendidong PNP chief Alan Purisima ang 392 mga kasapi ng PNP-SAF na sugurin ang Mamasapano, isang bayan sa Maguindanao kung saan may mga kasapi ng MILF, BIFF at maging ng na private army ng angkang Ampatuan, para umanoy tugisin sina Zulkifli Abdhir alyas Marwan at Abdul Basit Usman.

    Ang dalawa ay bahagi ng US terrorist list at may reward na aabot sa $9 milyon. Target sila ng mga tinaguriang black operations: asasinasyon at pagdukot na karaniwan nang ginagawa ng US nang walang pakundangan sa soberenya ng mga bansa sa buong daigdig. Nabunyag na dati nang may ganitong operasyon ang US sa Mindanao, bahagi ang pagpapaulan ng smart bombs sa Jolo noong 2012.

    Panagutin ang rehimengUS-Aquino sa madugong

    operasyon sa Mamasapano!

    >>>Ituloy sa p2

    Biguin ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Labanan ang deregulasyon sa edukasyon!

    Sa komemorasyon ng DigmaangPilipino-Amerikano (1899-1916),labanan ang imperyalismong US!

    MRT-LRT fare hikes mapupuntasa mga kroni ni Aquino

    Gintong kasaysayan ng KM,ginunita sa isang produksyon

    3

    4

    6

    8

    LARAwAN MULA kAy kRISTINE SABILLO

    NAgMARTSA ANg IBAT IBANg MgA ORgANISASyON SA ILALIM Ng BAgONg ALyANSANg MAkABAyAN PATUNgONg MENdIOLA AT US EMBASSy NOONg PEBRERO 4 PARA IPANAwAgAN ANg PANANAgOT Ng US AT NI AqUINO SA MAdUgONg OPERASyON SA MAMASAPANO

    Tinig Pebrero 2015.indd 1 2/15/2015 8:34:34 PM

  • 2 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANIniutos ng rehimeng US-Aquino na sugurin ng PNP-SAF ang Barangay Tukanalipao madaling araw ng Enero 25. Nagpaulan sila ng bala sa bahay ng pamilya Panangulon, na siyang agad na ikinamatay ng 5-taong batang si Sarah Panangulon, at ikinasugat naman ng kanyang mga magulang. Isang magsasaka rin, si Badrudin Langalan, ang natagpuang patay at nakatali sa isang tulay malapit sa barangay. Limang tao ring papunta sa mosque sa Sitio Inugog ang napatay ng SAF. Isang sibilyang ginawang guide din umano ng SAF ang napatay sa operasyon.

    Nang manlaban ang MILF at BIFF, napalibutan at nagapo ang isang grupo ng SAF. kung tutuusiy ipinambala sila sa kanyon dahil isinugod sila sa Mamasapano kahit na alam ng gubyerno na moog ito ng mga armadong kalaban ng gubyernong Aquino. Isinakripisyo sila sa altar ng US war on terror. Sinagasaan din ng US at ni Aquino ang kasunduang pangkapayapaan sa MILF at inapakan ang komand ng PNP at AFP at tinalaga ang kaibigang si Purisima para magkomand sa operasyon.

    Hindi mapagtatakpan ni Aquino ang duguang kamay niya sa operasyon sa Mamasapano. Sa kabila ng pagsisinungaling niya, paghuhugas-kamay at pagtatakip sa papel niya at ng kabarkada na Purisima,

    ni gen. Joseph Votel sa mismong pagpapatupad ng plano. Inamin ng US na may mga drone sila na direktang ginamit sa operasyon. May mga ulat rin na may mga sundalong kano na kasama sa operasyon at kabilang sa mga nasawi. Matagal nang nais palawigin ng US ang interbensyong militar sa bansa, lalo na sa Mindanao. Malinaw na pinakikita ng operasyon sa Mamasapano ang pagkatuta ni Aquino at ng sandatahang pwersa ng Estado sa US.

    Ang duguang kamay ni Aquino sa operasyon sa Mamasapano ay dagdag sa marami pa nitong krimen sa bayan na dulot ng sagad-sagarang pagkatuta, kurupsyon, pagpapahirap at pasismo. dapat palakasin ang paglaban sa rehimeng US-Aquino at itulak ito na magbitiw sa puwesto. dapat igiit ang katarungan para sa mga namatay sa Mamasapano at pakilusin ang malawak na hanay laban sa rehimen.

    Hustisya para sa lahat ng biktima ng operasyong Mamasapano! Panagutin ang rehimeng US-Aquino sa madugong engkwentro sa Mamasapano! Noynoy Aquino, utak ng operasyong Mamasapano, traydor sa bayan, tuta ng Kano, RESIGN NOW! Noynoy Aquino, tama na, sobra na,resign na!

    lalong nalalantad ang krimen niya sa operasyon. Nalantad na nasa Zamboanga si Aquino para direktang imonitor ang operasyon at siya mismo ang nagbigay ng mga atas na nagpahamak sa mga buhay ng mamamayan sa Mamasapano.

    gamit ang kaduda-dudang dNA test ng daliri ni Marwan na idiniretso sa Federal Bureu of Investigation ng US, idinedeklara ngayon ni Aquino na patay na si Marwan at kung gayoy tagumpay ang operasyon. Nais nilang pahupain ang galit ng mamamayan at maging ng hanay ng mga pulis at militar sa krimen ng rehimeng Aquino. Nais din nilang ibunton sa MILF at BIFF ang sisi at itulak ang all-out war.

    Sa kabila nito, higit na lumalawak ang panawagan para magbitiw na si Aquino. Mula sa pamilya ng mga namatay na SAF, mga obispo at ibat ibang mga sektor, dumarami ang nagtutulak na bumaba si Aquino sa pwesto dahil sa pagiging tradyor sa bayan, tuta ng US at utak ng madugong operasyon sa Mamasapano.

    gayundin, nalalantad ang pananagutan ng imperyalismong US at panghihimasok nito sa bayan. direktang sangkot ang FBI sa pamumuno ng direktor nitong si James Comey sa pagpaplano ng operasyon, samantalang dawit naman ang US Special Operations Command sa pamumuno

    LARAwAN MULA SA ANC

    Tinig Pebrero 2015.indd 2 2/15/2015 8:34:35 PM

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2015

    Ang walang tigil na pagtaas ng matrikula at mga bayarin ay sanhi ng nagpapatuloy na patakaran ng deregulasyon sa edukasyon. Sa Batas Pambansa 232 o Education Act of 1982, binigyan ng kalayaan ang mga pamantasan na itakda ang halaga ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan. gaya ng sa iba pang mga batayang serbisyo at produkto, tinatanggal ang kakayanan ng gubyerno na itakda ang presyo ng matrikula at bayarin sa kabila ng dapat na pampublikong katangian nito. Bukod sa matrikula, hinuhuthutan pa ng husto ang mga mag-aaral at mga magulang sa pamamagitan ng paniningil ng iba pang mga bayarin sa pamantasan o other school fees. Umaabot sa libo-libong piso ang mga bayaring ito na napakarami, napakamamahal, kwestiyunable at walang pakinabang sa mag-aaral. Mula elementary, high school hanggang kolehiyo, pribado man o pampublikong mga pamantasan naningil ng mga ito -- energy fee, development fee, PE fee, sports fee at iba pa. Pinahintulutan at pinasahol pa ni Aquino ang pagtataas ng matrikula at paniningil ng samut saring mga bayarin sa pamantasan.

    Biguin ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Labanan ang deregulasyon sa edukasyon!

    Umabot na sa P10,350 ang itinaas ng matrikula sa ilalim ni Aquino dahil sa taon-taong tuition hike. Ipinatupad din ni Aquino ang CHEd Memo 3, Series of 2012 na sa halip na magtanggal sa mga ipinoprotestang other school fees ay nagpahintulot at naglehitimisa pa nito sa mga pamantasan. Todo rin ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin sa mga pampublikong unibersidad gaya ng University of the Philippines na nagtaas ng matrikula sa P1500 kada yunit (o nasa P40000 kabuuang bayarin kada taon) mula sa P300 noong 2005 at P1000 kada yunit noong 2013. Ito, kasabay ng taon-taong pagkakaltas ng pondo ng mga pamantasan at edukasyon sa kalakhan. Ang nakikinabang sa panghuhuthot na ito ay ang malalaking kapitalista-edukador na kumukubra ng bilyon-bilyong tubo mula sa bulsa ng naghihirap na ngang mga pamilya. Ang pondo ring pinagkakait sa mga pamantasan at mga singilin ay ibinubulsa naman ng gubyernong Aquino at mga burukrata nito para sa kurakot at pork. Samantala, lumolobo ang bilang ng mga

    Muli na namang nagbabadya ang pagtataas ng matrikula at samut saring mga bayarin sa mga pamantasan sa bansa. Ngayong Pebrero, muli na namang ilulunsad ang mga mapanlokong konsultasyon sa mga pamantasan para matatakan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga pagtataas ng singil.

    kabataang hindi nakakapag-aral o higit na nalulubog sa kahirapan dahil sa pagtataas ng mga bayarin sa pamantasan. dagdag ito sa iba pang mga lumalaking gastusin habang patuloy namang bumababa ang tunay na halaga ng sahod ng manggagawa. katambal ng pagtataas ng mga bayarin ay ang tumitinding pasismo sa pamantasan para tiyaking kimi at walang reklamo ang mga mag-aaral. Pinagbabawalan ang mga protesta at sinusupil ang mga kalayaan sa kampus kasabay ng pagsiil sa mga makabayan at progresibong mga ideya. dapat biguin sa pamamagitan ng sama-samang paglaban ang mga pagtataas ng matrikula at mga bayarin. Itatag natin ang Rise For Education Alliance sa mga pamantasan at ilatag at malawak na pagtutol ng mga mag-aaral, mga magulang, guro at mga kawani sa pagtataas ng matrikula at mga bayarin. Iboykot ang mga konsultasyon ng pagtataas ng matrikula sa mga pamantasan at sa halip ay tapatan ng malalaking protesta. Itulak natin ang pagbabawal sa paniningil ng other school fees at ilunsad ang malakas na pambansang paglaban sa deregulasyon sa edukasyon. Ilunsad natin ang mga walk-out, boykot at mga malalaking pagkilos sa mga pamantasan at palakasin ang paglaban ng kabataan at mamamayan sa pahirap na rehimeng US-Aquino.

    LARAwAN MULA SA ANC

    LARAwAN MULA SA ANAkBAyAN CEBU

    Tinig Pebrero 2015.indd 3 2/15/2015 8:34:35 PM

  • 4 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Abot-tanaw na ang tagumpay ng rebolusyong Pilipino laban sa kolonyalistang Espanyol nang dumating ang bagong mananakop na mga Amerikano para agawin ang tagumpay na ito. Nagsimula ang gerang agresyon ng US sa Pilipinas nang sorpresang sinalakay ng mga tropang Amerikano ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa Sta. Mesa, Manila noong Pebrero 4, 1899.

    Bago pa man nagsimula ang digmaang ito, naitakda na ang mga kondisyon para sa direktang pagsalakay ng mga Amerikano: ang mock battle sa Maynila ng US at Espanya noong Agosto 1898, ang pagpirma ng Treaty of Paris na diumanoy nagbibigay ng kapuluang Pilipinas sa US sa halagang 20 milyon dolyares, at ang pagdeklara ng benevolent assimilation ni US Pangulo Mckinley noong disyembre 1898.

    Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1916) at ang kasaysayan ng imperyalistang agresyon sa Pilipinas

    Nagtagal ng ilang taon ang magiting na paglaban ng mamamayang Pilipino laban sa US. Idineklara ng Pangulo ng US na si Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan nang madakip ang liderato ng Unang Republiko ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1902 . Ngunit nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Pilipino sa ibat ibang panig ng bansa, at lalo na ang pakikibaka ng mga Moro sa Mindanao, hanggang sa taong 1916.

    Mga pag-abuso ng imperyalismong US

    Umabot ng 126,000 tropang Amerikano ang ipinadala ng Estados Unidos upang makibahagi sa gerang agresyon sa Pilipinas. ginamit ng mga pwersang US ang ilan sa mga pinakamarahas at di-makataong mga taktika na target hindi lamang ang mga mandirigmang Pilipino kundi mismo ang mga ordinaryong sibilyan.

    Isa sa mga pinakatampok na paglabag ng mga sundalong Amerikano sa karapatang pantao ang tintawag na hamletting, ang pwersahang rekonsentrasyon ng mga sibilyan patungo sa mga kampo militar ng Amerikano.

    Ang mga espasyo sa labas ng mga hamlet ay itinuring na free-fire zone kung saan sinumang makita ay maaaring barilin ng mga Amerikano. Isiniksik ang libu-libong mamamayan sa mga kampong ito upang matanggalan ng baseng suporta ang mga rebolusyonaryong Pilipino.

    kilala ang sistematikong paggamit ng mga Amerikano ng ibat ibang anyo ng pagtotortyur sa mga nabihag na Pilipino. Isa na dito ang tinatawag na water cure: ginagapos ang biktima, pinahiga sa ilalim ng isang tangke ng tubig habang binubuhosan ng tubig ang kanyang bunganga, at may nakaupo na tao sa kanyang tiyan upang hindi siya malunod.

    Nariyan din ang patakarang pagsunog ng mga baryo at bayang pinaghihinalaang nagbibigay ng suporta sa mga mandirigmang

    Ngayong Pebrero, ginugunita ang ika-116 taon ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano, isang marahas na gerang agresyon na naging simula ng isang-siglong paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sa harap ng patuloy na dominasyon ng imperyalismong Estados Unidos (US) sa ating bansa, mahalagang sariwain ng kasalukuyang henerasyon ang mahabang kasaysayan ng pang-aabuso, brutalidad, at panlilinlang ng US laban sa sambayanang Pilipino.

    wATER CURE: ISANg ANyO Ng TORTyUR NA UNANg gINAMIT Ng MgA SUNdALONg AMERIkANO LABAN SA MgA PILIPINO.

    Tinig Pebrero 2015.indd 4 2/15/2015 8:34:36 PM

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2015

    www.anakbayan.orgbisitahin ang

    Mga tampok na pagmasaker noong Digmaang Pilipino-Amerikano

    Isa sa mga pinakatampok na ehemplo ng pagmasaker noong digmaang Pilipino-Amerikano ang pag-utos ni US Heneral Jacob Smith na huwag hayaang may lumilipad pang kahit isang ibon sa kalawakan at patayin ang lahat ng batang may edad sampu pataas sa isla ng Samar. ginawa ito bilang pagganti sa tagumpay ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa mga sundalong Amerikano na nakahimpil sa bayan ng Balangiga, Samar kung saan 48 sa 74 kataong tropa ang kanilang nalipol.

    Nariyan din ang pagsunog ng malawak na bahagi ng isla ng Panay na nailathala sa pahayagang Boston Herald noong Agosto 25, 1902: Nagmartsa ang

    Pilipino. Laganap ang pagpapatupad ng mga Amerikano sa karumal-dumal na patakarang ito sa buong kabisayaan, sa Batangas, Laguna, at Bikol sa Luzon, at ilang bahagi ng Mindanao.

    Tuloy ang laban

    Tinatayang umabot sa 1.5 milyong Pilipino ang namatay sa digmaang Pilipino-Amerikano o lagpas sa 10% ng nasa 7 milyong populasyon. Ayon sa peryodikong New york Times, umabot ng 600,000 ang namatay sa Luzon.

    Sa kabila ng brutalidad ng mga sundalong Amerikano at superyor na mga sandata nito, hindi mabilis na nagapi ang malawak at magiting na paglaban ng mamamayang Pilipino laban sa gerang agresyon ng imperyalismong US. Nasa mahigit 4,000 sundalong Amerikano ang nalipol ng mga mandirigmang Pilipino.

    kahit sa panahon ng direktang kolonisasyon ng US, pilit nang itinatago ng mga Amerikano ang mga tunay na pangyayari noong digmaang Pilipino-Amerikano. gamit ang kolonyal na pampublikong edukasyon at dominanteng midya, layong burahin ng mga kolonyalistang Amerikano ang kolektibong alaala ng mga Pilipino sa trahedyang ito.

    Sa kasalukuyan, isa sa mga pinakamasugid na tuta ng imperyalismong US ang rehimeng Aquino. Nagpapatuloy ang paghari ng imperyalismong US sa politika, ekonomya, at kultura ng bansa. Pinapalaganap pa rin ang larawan ng mga Amerikano bilang tagapagligtas at nagbigay ng demokrasya at kalayaan sa mga Pilipino.

    Ang pagsakripisyo ng buhay sa madugong operasyon sa Mamasapano sa panunulsol ng US ay isa lamang sa pinakamalinaw na tanda ng patuloy na panghihimasok ng US sa bansa.

    Malaking hamon ang pagmulat sa kasulukuyang henerasyon sa tunay na kasaysayan ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ang paglantad sa brutal at mapanlinlang na mukha ng imperyalismong Estados Unidos ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang pakikibaka upang tuluyang wakasan ang panghihimasok ng US sa bansa.

    13th Regulars mula sa Iloilo sa timog patungong Capiz sa Hilaga ng Panay, sa atas na sunugin ang lahat ng bayan na lumalaban. Nagresulta ito ng paghawan ng lugar na may lawak na 60 milya mula sa isang dulo tungo sa ikalawang dulo.

    dagdag pa sa listahan ng mga krimen ng mga Amerikano ang pananakop nito sa mga Moro sa Mindanao kung saan tampok ang pagmasaker ng 900 Tausog, kabilang ang mga babae at bata, sa tatlong-araw na pagsalakay sa Bud dajo, Jolo noong Marso 5-7, 1906. Tampok din ang masaker sa Bud Bagsok, Jolo noong Hulyo 11, 1913 kung saan umabot sa 2,000 Moro ang namatay kasama ang 196 kababaihan at 340 bata.

    Tinig Pebrero 2015.indd 5 2/15/2015 8:34:37 PM

  • 6 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ngunit ang katotohanan, ang pagtaas ng pamasahe ay mapupunta sa dagdag kita ng mga kroni ni BS Aquino na malalaking negosyanteng inawardan ng kontrata sa MRT at LRT. Ang sinasabing matitipid na pondo ay mapupunta naman sa pork barrel ni Aquino at pondo para sa eleksyon.

    Ayala at Pangilinan

    kasama sa regalong kontrata na inaward sa pribitisasyon at ekstensyon ng LRT-1 na ibinigay sa mga Ayala at Pangilinan ang fare hike. kada dalawang taon, nakatakdang tumaas ang pasahe sa LRT-1 ng 10% sa loob ng 25 taon. Tataas din ng 5% ang pamasahe oras na matapos ang extension ng tren.

    dagdag dito, maaari ding tumaas ang pasahe oras na sumirit tumaas ang singil sa kuryente. Si MVP ang chairman ng Meralco habang kilalang power generator ang Ayala Corp.

    Tubong lugaw at walang kalugi-lugi ang mga kabarkada ni Aquino sa Public Private Partnership na ito: aabot sa P39 bilyon ang gagastusin ng gobyerno sa kontrata labas pa sa mga buwis na sasagutin din ng gubyerno. Sa kabilang banda, nasa P9.5 bilyon lamang ang gagastusin ng mga nangontrata, bagay na kukunin din nila sa mga komyuter.

    Samantala, ang taas-pasahe naman sa LRT-2 ay upang makapag-engganyo ng mga bidders sa operations and maintenance (O&M) mula sa pribadong sektor. Nakatakda na rin kasi ang pagsasapribado nito kaugnay ng Masinag extension project.

    Sino ang makikinabang saMRT-LRT fare hikes?

    Ang sumusunod ay ang nakahanay na bidders sa kontrata: (1) Aboitiz Equity Ventures-SMRT Transport Solutions Consortium; (2) dM Consunji Inc-Tokyo Metro Company Limited Consortium; (3) LRM2 Consortium of Ayala Corporation and Metro Pacific Investments Corporation (MPIC); and (4) San Miguel Corporation-korail Consortium.

    Supertubo sa MRT

    Sa MRT naman, inamin mismo ni transport Sec. Jun Abaya sa isang panayam na hindi mapupunta sa pagpapabuti ng MRT-3 ang P1 bilyon mula sa dagdag na pamasahe. Sa halip, mapupunta ito sa escrow account ng pribadong Metro Rail Transit Corporation (MRTC), bilang bahagi ng buwanang bayad dito sa ilalim ng build-lease-transfer agreement.

    dadagdag lamang sa ibinubulsang tubo ng kumpanyang MRTC at palpak na maintenance provider (APT global) ang makakalap sa fare hike.

    Napakalaki na ng tinubo ng MRTC mula sa kontrata ng MRT kumpara sa inisyal na ginasta para sa proyekto:

    $190M MRTC initial investment

    $779M Ibinayad ng gobyerno sa MRT para masiguro ang 15% Return of Interest

    $448M Inutang ng MRTC na binayaran ng gobyerno

    kung tutuusin, sa huling inilabas na datos ng MRT (2012), lumalabas na 1.17 ang kanilang farebox ratio. Ibig sabihin, sobra-sobra na ang kanilang kinikita para pondohan ang operations and mainentance (O&M) ng tren sa lumang pamasahe.

    Bagamat binabayaran ng gobyerno, hindi bumibili ng mga panibagong spare parts o tren ang MRTC at APT global. dumidiretso lamang ang pera sa kanilang bulsa.

    $189M Ibinabayad ng gobyerno sa APT global para i-maintain ang MRT

    Pahirap at kurap

    Ang pagtataas ng pamasahe at pagsasapribado ng mga tren ay isinagawa upang paligayahin ang mga tunay na boss ni Aquino... Samantala, pupunta sa pork barrel ng mga kurakot ang pondong inaalis mula sa mga serbisyo.

    Sa kabilang banda, pipigain ng husto ni Aquino ang naghihirap na ngang komyuter at mamamayan.

    dapat magprotesta laban sa pahirap na taas-pasahe, panagutin si Aquino at labanan ang patakaran ng pribitisasyon. Marapat na igiit ng mamamayan ang karapatan para sa pampublikong transportasyon at iba pang panlipunang serbisyo.

    Sa pagpapatupad ng dagdag pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) nagpalaganap ang gobyerno ng samut saring kasinungalingan: mapapaganda umano ang serbisyo; kesyo tumaas na raw ang mga bilihin; kailangan na raw bawasan ang subsidyo ng gubyerno.

    Tinig Pebrero 2015.indd 6 2/15/2015 8:34:38 PM

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2015

    PUNONG PATNUGOTOrion yoshida

    MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo,

    Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua,karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi

    PAGLALAPATEdward Pastor, Alya Simone Mongaya

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

    LIkHANg SININg NI BOy dOMINgUEZKUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN Amado V. Hernandez

    Agosto 13, 1930

    Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluhaAng kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:Ang bandilang sagisag moy lukob ng dayong bandila,Pati wikang minana moy busabos ng ibang wika,ganito ring araw nang agawan ka ng laya,Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

    Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,Sa libingan ng maliit, ang malakiy may libingan;katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

    Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakopNa sa iyoy pampahirap, sa banyagay pampalusog:Ang lahat mong kayamanay kamal-kamal na naubos,Ang lahat mong kalayaay sabay-sabay na natapos;Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukboy nakatanod,Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

    Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,Lumuha ka nang lumuhat ang laya moy nakaburol.

    May araw ding ang luha moy masasaid, matutuyo,May araw ding di na luha sa mata mong namumugtoAng dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong suloAt ang lumang tanikalay lalagutin mo ng punglo!

    [email protected]

    facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

    Tinig Pebrero 2015.indd 7 2/15/2015 8:34:41 PM

  • 8 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    LARAwAN MULA SA PHILIPPINE COLLEgIAN

    LARAwAN MULA kAy TONyO CRUZ

    Gintong kasaysayan ng KM,ginunita sa isang produksyon

    Ang napakalaki at makabuluhang selebrasyong ito ay pinangunahan ng Anakbayan, karatula, Institute for Nationalist Studies, at UP Ugnayan ng Manunulat sa pakikipagtulungan sa UP Diliman Office of the Chancellor at PUP Office of the President. Ang kabataang Makabayan@50: Paglingkuran ang Sambayanan ay itinanghal sa panulat ni Charisse Banez, halaw sa mensahe ni Prop. Jose Ma. Sison at direksyon ni donna dacuno. Sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, at sabayang pagbigkas ng tula, nagtanghal sa entablado ang ilampung kabataang aktibista mula sa ibat ibang progresibong organisasyon ng kabataan upang ipakita ang makasaysayang ambag ng kM at ihayag ang nagpapatuloy na halaga nito sa kasalukuyang panahon. Ang kM ay komprehensibong pambansa demokratikong organisasyon ng kabataan na itinatag nina Jose Maria Sison noong Nobyembre 30, 1964.

    Isinabuhay sa produksyon ang militante at magiting na kasaysayan ng kM mula pagkatatag nito, ang paragasa ng kabataan at mamamayan sa lansangan sa Sigwa ng Unang kwarto (First quarter Storm), ang paglaban sa diktaduryang

    na ramdam mula sa mga nagtatanghal na kabataang aktibista ang taos-pusong pagbubuhos ng kanilang pagmamahal at pagdakila sa kabataang Makabayan (kM) at sa rebolusyunaryong kilusan ng mamamayan. Higit sa lahat, ang produksyon ay pagpapatibay ng panata. Tumuntong ang mga kasalukuyang lider-kabataan sa entablado, binigkas ang kanilang mga pangalan at organisasyong pinangunguluhan, at inihayag nang buong determinasyon at paninindigan ang panatang igugugol ang kanilang kabataan sa pagsulong ng pakikibaka at iaalay ang kanilang buhay hanggang sa tagumpay ng paglaya. Tumugon ang libo-libong manonood, itinikom ang kanilang kamao at isinuntok sa langit. Simbolo ng patuloy na paghihimagsik at paglaban. Simbolo na nagpapatuloy ang kabataang Makabayang may panata sa pagtatagumpay ng rebolusyon.

    US-Marcos, hanggang sa patuloy na pakikibaka ng sambayanang Pilipino hanggang sa kasalukuyan.

    Sa loob ng limang dekada, susi ang papel ng kM sa paglikha ng di napapatid na salinlahi ng rebolusyon. Napakarami ng kabataang mula sa kM ang naging bayani at martir ng sambayanan simula dekada 60 hanggang kasalukuyan. Ipinakita ng kM@50: Paglingkuran ang Sambayanan na modelo ang kabataang Makabayan ng walang-imbot na paglilingkod sa sambayanan. Ito ay nagsilbing paalala sa militansya, kapangyarihan, at kabayanihang maaaring iambag ng kabataan at estudyante kung itoy tunay na magiging rebolusyunaryo sa pagsanib nito sa pakikibaka ng masang api. Sa kabuuan, nilampasan ng produksyon ang simpleng pagsasalaysay at pag-alaala sa 50 taon ng kM. Sa buong panahon ay ramdam

    Mahigit 4,000 ang nagtipon sa University Theater sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman noong Enero 30 upang tunghayan ang isang produksyong gumugunita sa limang maningning na dekada ng Kabataang Makabayan (KM). Itinaon din ang pagtatanghal na ito sa ika-45 taong anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarto (First Quarter Storm).

    Tinig Pebrero 2015.indd 8 2/15/2015 8:34:42 PM