20

Aralin sa Pakikinig

  • Upload
    deathful

  • View
    1.041

  • Download
    13

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin sa Pakikinig
Page 2: Aralin sa Pakikinig

PAKIKINIGSa teknikal na depinisyon, ang hearing ay limitado lamang sa pagtanggap ng mga tunog o naririnig. Samantala ang listening ay tumutukoy sa o kinapapalooban ng pagkilala sa mga tunog, pag-alala sa naririnig at pagbibigay-kahulugan o pag-iinterpret sa tunog na narinig.

Alin sa dalawa ang masasabing kasanayan? Hearing o listening?

Page 3: Aralin sa Pakikinig

PAKIKINIGAng pagdinig ay isang pisikal na

proseso nga pagkatal ng soundwaves sa ating eardrums at ang paglabas ng mga elektro-kemikal na impulses mula sa loob ng tainga patungo sa sentral na auditory ng utak.

Sa madaling salita, ito ay pisikal na pagdekoda ng tunog.

Page 4: Aralin sa Pakikinig

PAKIKINIG

Pakikinig ay isa sa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Hindi lamang tainga ang gumagana sa pakikinig, malaking bahagdan ng proseso ay dadaan din sa utak upang bigyang-kahulugan ang isang mensahe.

Page 5: Aralin sa Pakikinig

PAKIKINIG

Dagdag pa nito, ang pakikinig ay ipinapalagay na isang “lost art” o lagi nang nakakaligtaang kasanayan.

Kasi kahit pa nakikinig tayo ay 50% lamang nito ang ating napapakinggan.

Matapos ang dalawang araw kalahati na lamang nito ang ating natatandaan (25%) mula sa orihinal na mensahe.

Page 6: Aralin sa Pakikinig

BAKITA TAYO NAKIKINIG?

Ayon kina Wolvin at Coakley may tatlong kadahilanan ang tao kung bakit siya nakikinig:

1. Pakikinig Upang Matuto

at Makaunawa2. Pakikinig Upang

Magbigay ng Pagtataya at

Panunuri

3. Pakikinig Upang Dumamay at

UmunawaSa mga nabanggit na dahilan, ano sa tingin

mo ang pinakamahirap gawin? Ipaliwanag.

Page 7: Aralin sa Pakikinig

PROSESO NG PAKIKINIG

Page 8: Aralin sa Pakikinig

URI NG PAKIKINIG AYON KINA WOVIN AT COAKLEY

1. Pakikinig upang Matuto at Maka-unawa. Pakikinig ng mga balita, seminar, kumperensiya, at talakayan sa klase ay ilan sa mga halimbawa nito.

2. Pakikinig upang Magtaya at Magsuri. Buhay na halimbawa nito ang pakikinig ng mga katwiran ng bawat panig sa isang debate o sa isang paglilitis.

3. Pakikinig upang Dumamay at Umunawa. Ang pakikinig sa probelma ng iyong kaibigan, nasalanta ng bagyo o nakaranas ng kalamidad ay ilan lamang sa halimbawa ng uring ito ng pakikinig.

Page 9: Aralin sa Pakikinig

PROSESO NG PAKIKINIG

PAMIMILI. Sa estadong ito kailangang magbigay-pokus ang

isang tagapakinig sa tunog na kanyang naririnig sa paligid.

PAGPOKUS. Matapos makapamili ng tunog,

bibigyang atensyon o pansin ito, Tandaan na ang atensyon

ay pansamantala lamang.

PAG-UNAWA. Matapos magpokus sa isang tunog na nais bigyan nang higit na atensyon kailangan naman natin itong

unawain gamit ang ating utak. Sa estadong ito ay binibigyan kahulugan ng isang

nakikinig ang tunog na naririnig.

PAGTANDA. Dito pilit na inaalala ng isang tagapakinig ang isang

tunog na kanyang inunawa. PAGTUGON. Sa pakikinig ang pagtugon ay madalas

nangangahulugang nauunawaan ng isang

tagapakinig ang mensahe ng kausap.

Page 10: Aralin sa Pakikinig

MGA SALIKA NA NAKAKAIMPLUWENSYA O APEKTO SA PAKIKINIG

Page 11: Aralin sa Pakikinig

MGA SALIKA NA NAKAKAIMPLUWENSYA O APEKTO SA PAKIKINIG

Page 12: Aralin sa Pakikinig

MGA SALIKA NA NAKAKAIMPLUWENSYA O APEKTO SA PAKIKINIG

Page 13: Aralin sa Pakikinig

ANTAS NG PAKIKINIG

Mapanuring Pakikinig. Ebalwatibo o selektibo ang pakikinig na ito. Mahalaga ang konsentrasyon sa antas na

ito. Sa antas na ito ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa

ng pagpapasya.

Page 14: Aralin sa Pakikinig

ANTAS NG PAKIKINIG

Implayd na Pakikinig. Sa antas na ito tinutuklas ng tagapakinig ang mga

mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi ng

tuwiran ay inaalam ng tagapakinig. Internal na Pakikinig. Pakikinig ito sa sarili. Pinagtutunan sa lebel na ito ang pribadong kaisipan ng isang tao na pilit

niyang inuuwa at sinusuri.

Page 15: Aralin sa Pakikinig

URI NG TAGAPAKINIGEager Beaver. Tagapakinig na ngiti

nang ngiti o tango nang tango. Habang nagsasalita ang tagapagsalita. Ngunit kung nauunawaan n’ya ang sinasabi

ng tagapagsalita ay isang MALAKING

KATANGUNGAN? Sleeper. Wala siyang tunay na intensyong makinig. Kalimitang pumupunta sa isang

sulok upang matulog.

Page 16: Aralin sa Pakikinig

URI NG TAGAPAKINIG

Frowner. Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at

pagdududa. Pakunwari rin ang kanyang pakikinig. Kunwari ay atentibo pero hindi. Ito

rin ang tipo ng tagapakinig na mahilig magpaimpres kapag may pagkakataong

magtanong.

Relaxed. Isang malaking sagabal sa nagsasalita. Paano

ay kitang-kita sa kanya ang KAWALAN NG INTERES sa pakikinig. Madalas NAUUPO

siya na para bang nasa kanyang sariling BAHAY.

Walang REAKSYON.

Page 17: Aralin sa Pakikinig

URI NG TAGAPAKINIGTiger. Siya ang tagapakinig na

laging handang magreak sa sasabihin ng ispiker. Lagi

siyang naghihintay ng maling sasabihin ng ispiker upang punahin ang bawat mali.

Bewildered. Siya ang tagapakinig na kahit anong “pilit” ay walang maintindihan sa naririnig. Kukunot ang noo. Sisimangot at waring

nagtatanong ang kabuuan ng kanyang mukha.

Page 18: Aralin sa Pakikinig

URI NG TAGAPAKINIG

Busy Bee. Hindi na nga nakikinig, abala pa sa ibang gawain tulad ng

pagsusulat, pagbabasa libro, pakikipagtsismisan sa katabi,

pagsusuklay at iba pa.

Page 19: Aralin sa Pakikinig

MGA MALING GAWI PAKIKINIG

Page 20: Aralin sa Pakikinig

SALAMAT SA PAKIKINIG

MABABAIT NA TOMASINO