Upload
liezel-paras
View
4.567
Download
31
Embed Size (px)
Citation preview
Tungkulin sa Sarili sa Panahon ng
Pagdadalaga o Pagbibinata
Edad ng Pagdadalaga at Pagbibinata
Ang pagdadalaga at pagbibinata ay isa sa pinakamasaya
ngunit sa iba’y nakakatakot na pangyayari sa buhay ng bawat
tao. Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao
sa pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong
gulang.
Minamahal kong nanay,
Marahil po ay nagtataka kayo kung bakit sinulatan ko po
kayo gayong maaari naman tayong mag-usap. Nahihiya po ako
sa inyo at tuloy nag-aalala sa mga nangyayari sa aking katawan.
Unti-unti pong lumalaki ang aking dibdib ngunit bahagya po itong
sumasakit lalo na nang una kong maranasan ang pagre-regla .
Lalo po akong natakot nang maramdaman ko ang pananakit ng
aking katawan. Sumakit po ang baba ng aking tiyan. Puson po ba
ang tawag dito? Sabi po ng aking mga kaibigan ay lumalapad ang
aking balakang.
Pati po si Kuya na dalawang taon lamang ang tanda sa akin
ay nagtataka rin kung bakit madalas daw pong pumipiyok ang
kanyang boses at nararamdaman niyang parang may bumubukol
sa kanyang leeg. Pati raw po kilikili ay nagkakaroon na ng buhok
at unti-unti siyang nagkakaroon ng bigote. Sa halip pong balakang
ang lumalapad ay balikat naman po ang lumalapad sa kanya.
Sana po’y sagutin ninyo itong liham ko!
Nagmamahal,
Marion Jane
Pinakamamahal kong Marion Jane,
Huwag kang magtataka at lalong huwag kang matatakot sa
nangyayari sa iyong katawan. Natural lamang iyan sa isang
nagdadalaga. Ang pananakit ng dibdib mo ay iyong
nararamdaman kapag malapit ka ng magkaroon ng regla. Habang
lumalaki ka ay lalaki rin ang dibdib mo. Huwag kang matakot kung
magkaroon ng buhok ang maselang bahagi ng iyong katawan.
Buwan-buwan ay magkakaroon ka ng regla at ito’y hindi isang
sakit. Walang pagbabago sa takbo ng gawain sa araw-araw kahit
may regla.
Gayon pa man dapat iwasan ang mabigat na gawain kapag
may regla. Lalo na pagmasakit ang iyong puson. Madali lang itong
matanggal, magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson. Isa
pang palatandaan ng pagdadalaga at nagbibinata ay ang pagtubo
ng tagihawat sa mukha. Dapat lagi kang malinis sa iyong katawan
maligo araw-araw, magpalit ng pasador o sanitary napkin tuwing
ikatlo o ikaapat na oras o kung kinakailanang, may sarili kang
sabon at sariling tuwalya.
Sabihin mo sa iyong kuya normal lang sa nagbibinata ang
kanyang nararanasan ngayon. Iyong bumubukol sa kanyang leeg
ay tinatawag na Adams Apple. Lalaki talaga at magbabago ang
kanyang boses. Ang mga pagbabagong ito ay talagang
nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata bilang paghahanda sa
pagiging ama at ina sa tamang panahon.
Pwede na ba kitang makausap para sa mga iba mo pang
katanungan?
Nagmamahal,
Nanay
Puberty Stage
• Ang isang yugto ng buhay na may maraming
nagaganap na pagbabago ay ang panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata o ang puberty
stage. Ito’y mula 10-16 na taong gulang.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
May mga pagbabagong nagaganap sa isang bata sa
panahon ng puberty stage. Ito’y sanhi ng kaniyang pituitary gland
na naghuhdyat sa ibang bahagi ng katawan na may kinalaman sa
kasarian. Ang glandulang ito ay tumutulong sa paglaki ng katawan
at pag-unlad ng kaisipan.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
1. Pagsulong ng Taas at Bigat
Sa panahong ito, ang isang normal at malusog na
batang lalaki ay tumatangkad ng 7 hanggang 12
sentimetro at ang babae naman mula 6 hanggang 11
sentimetro.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
2. Pagbabago sa Sukat ng Katawan
Dahil sa pagsulong ng taas at timbang, ang mga bahagi ng
katawan ay nagkakaroon din ng mabilis na pagbabago tulad ng
paglawak ng balikat at dibdib ng lalaki.
Sa mga babae naman ay ang pag-umbok ng dibdib at paglapad
ng balakang. Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay
nagdudulot sa kanila ng higit na lakas at kakayahang gumawa
ng mabibigat na gawain.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian
Sa panahong ito ay nagkakaroon ng buwanang daloy o
pagreregla at nagsisimulang magkahugis ang dibdib ng babae.
Bukod dito ay lumalapad ang balakang, tumutubo ang balahibo
sa kilikili at ibabaw ng ari sa mga kababaihan, ito’y hudyat na
malapit na ang buwanang daloy o pagreregla. Nagiging makinis
at malambot ang kutis ng nagdadalaga dahil lumalabas ang
maruming dugo sa katawan sa pamamagitan ng pagreregla. Sa
mga babae naman ay ang pag-umbok ng dibdib at paglapad ng
balakang.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian
Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay nagdudulot sa kanila
ng higit na lakas at kakayahang gumawa ng mabibigat na
gawain.
Ang mga lalaki naman ay tinutubuan ng bigote at mga balahibo
sa binti, dibdib at sa maselang na bahagi ng katawan.
Lumalabas na rin ang laalgukan o adam’s apple ng lalaki at
nagbabago ang boses na kung minsan ay bumababa o
pumipiyok.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian
Ang pag-unlad ng kalamnan ng lalaki ay nagdudulot sa kanila
ng higit na lakas at kakayahang gumawa ng mabibigat na
gawain.
Ang mga lalaki naman ay tinutubuan ng bigote at mga balahibo
sa binti, dibdib at sa maselang na bahagi ng katawan.
Lumalabas na rin ang laalgukan o adam’s apple ng lalaki at
nagbabago ang boses na kung minsan ay bumababa o
pumipiyok.
Mga Pagbabago sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
3. Pag-unlad ng mga Bahaging Pangkasarian
May pagbabago ring mararanasan ang isang nagdadalaga at
nagbibinata tulad ng pagtubo ng taghiyawat sa mukha, leeg,
balikat, likod at dibdib. Ito ay sanhi ng pagiging aktibo ng oil
glands. Mararanasan din nila ang labis na pagpapawis, ito
naman ay sanhi ng pagiging aktibo ng sweat glands dahil sa
pagbabago ng hormons ng katawan. Kaya nagkakaroon ng
kakaibang amoy ang katawan
Panahon ng Pagreregla
• Naguumpisa sa mga babaeng 10 taon
pataas.
• Ang buwanang daloy ay karaniwang
nagtatagal ng tatlo hanggang pitong araw.
• Ito ang normal at mahalagang tungkulin
ng kasarian ng mga babae.
Dysmenorrhea• Ang dysmenorrhea ay ang pamimintig ng puson o ang
pagkirot nito tuwing magkakaroon ng regla ang babae
sanhi ng pag-urong ng laman ng bahay-bata at ang unti-
unting pagdaloy ng dugo mula sa paligid nito.
• Mababawasan ang pagsakit ng puson sa pamamagitan
ng tamang pag-eehesisyo at pag-lalagay ng hot water
bag sa ibabaw ng puson.
• Ito’y normal na nararanasan ng ilang dalagita at maaaring
kumunsulta sa doktor para maresetahan ng gamot na
pampaginhawa sa kirot ng puson.
Menopause
• Sa isang babae, ang menopause ay
ang paghinto ng pagreregla. Ito’y
hudyat din na kawalan ng kapasidad
upang magka-anak sa gulang na 45-50
kung wala ng pagdaloy ng regla.
Paghahanda sa Panahon ng Pagreregla
• Ang regla ay dumarating minsan isang buwan ayon sa
bilang ng menstrual cycle.
• Ang menstrual cycle ay bilang ng araw na pagitan sa
pagkakaroon muli ng regla. Ang karaniwang cycle ay 25
hanggang 29 na araw na pagitan.
• Mahalagang magkaroon ng pansariling kalendaryo ukol
sa pagreregla upang malaman ang iyong cycle at kung
kalian ka magkakaroon muli ng regla.
Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa
Panahon ng Pagreregla1. Maligo araw araw.
2. Ugaliin na linisin ang iba pang bahagi ng katawan tulad
ng ngipin, kuko, tainga, kilikili, singit, at tuhod.
3. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o
kung kinakailangan.
4. Gumamit ng deodorant, tawas o kalamansi sa kilikili at
singit upang makabawas ng amoy ng katawan.
5. Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang
pagkakaroon ng tagihawat.
Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa
Panahon ng Pagreregla
6. Magpalit ng damit at panty bago matulog.
7. Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng
sariwang katas ng prutas.
8. Mag-ehersisyo rin nang wasto, makakatulong ito sa
maayos na pagdaloy ng regla.
Panahon ng pagtutuli
• Ang pagtutuli ay isang simpleng operasyon kung saan
inaalis ang sobrang balat na bumabalot sa gland o ulo ng
tunod.
• Ginagawa sa mga lalaking 10 hanggang 14 na taong
gulang.
Pangangalaga sa Bagong Tuli
• Dapat gumamit ng maluwag na pantalon, shorts o
padyama, upang mahanginan at matuyo agad ang sugat.
• Kailangan palitan ang balot ng tunod at linisin ito araw-
araw.
Mga dapat tandaan kapag bagong tuli
1. Magsabon at banlawang mabuti ang mg akmay bago
hawakan ang sugat.
2. Linisin ang sugat ng katas ng pinakuluang dahon ng
bayabas habang ito ay sariwa pa.
3. Kumain ng masustansyang pagkain upang mapabilis
ang paghilom ng sugat.
4. Iwasang kumain ng malalansang pagkain tulad ng hipon,
bagoong, malasadong itlog, at iba pa.
Epekto sa Katawan
• Ang mga nagdadalaga ay karaniwang
nakakaranas ng pananakit ng dibdid dahil
sa pagtubo ng suso, pananakit ng ulo at
minsang nahihilo. Ang pagsakit ng puson
at balakang ay maaaring dahilan ng
nalalapit na pagreregla kung minsan ay
pagsusuka.
Epekto sa Kaisipan
• Nagiging malawak ang kaisipan ng mga
nagdadalaga at nagbibinata dahil sa transisiyon ng
kanilang edad. Ang pagiging bukas sa mga
nangyayari sa kapaligiran ay nagbibigay ng
pagkakataon sa kanila upang Makita ang tama at
mali dapat bigyan ng halaga ang kabutihan upang
di mapariwa.
Epekto sa Pag uugali
• Ang pagbabago sa ugali ng mga
nagbibinata at nagdadalaga ay kapansin
pansin. Mamamsid din ss kilos ang
kasipagan at paggawa ng kusa. Ang
pagiging matulungin at mapagkalinga sa
kapwa ay makikita sa kanilang
pakikitungo sa kaibigan at kapwa.
Epekto sa Damdamin
• Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay
naaapektuhan din ang damdamin ng isang
nagdadalaga at nagbibinata. Ang mga kabataang
ito ay nagiging mahiyain at maramdamin, madaling
mabugnot at palakain. Ang pagiging palaayos sa
sarili ay normal na bahagi at dahil ito ay nagiging
palahanga sa mga taong mapag ayos at may
magandang tikas ng katawan na nagiging idolo nila
sa paglaki.
Epekto sa Damdamin
• Maging sa sarili ay mapahhanap sila sa pansin
mula sa kapwa at mga magulang. Dito rin maigting
ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali kaya’t
ang pakikisama ay dapat nilang matutunan at
pahalagahan. Sa panahong ito, ang pagtitiwala sa
sarili ay makaktulong sa pagiging matatag na
siyang susi upang maging maunlad at malawak
ang pag unawa sa buhay.