Wastong Gamit ng Salita

  • View
    988

  • Download
    76

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Wastong Gamit ng Salita A. Pahirin at Pahiran B. Punasin at Punasan C. Operahin at operahan D. Subukin at subukan E. Pinto at Pintuan F. Hagdan at hagdanan G. Nang at ng H. Kung at kong I. May at mayroon J. Din at Rin daw at raw K. Sila at sina kina at sila L. Iwan at iwanan M. Sundin at Sundan N. Tungtong tuntong at tunton O. Dahil sa at Dahilan sa P. Kung ‘di kungdi at kundi

Text of Wastong Gamit ng Salita

  • 1. PAHIRIN ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay Hal. oPahirin mo ang iyong pawis. oPahirin mo ang iyong uling sa mukha. oPinahid ni Ameil ang dugong umagos mula sa kanyang labi.

2. PAHIRAN nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay hal. oPahiran mo ng Vicks ang likod ng bata. oMasarap na almusal ang pandesal na pinahiran . 3. PUNASIN ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal Hal. oPunasin mo ang alikabok sa mesa. oPunasin mo ang uling sa iyong pisngi. 4. PUNASAN ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinatatangggalan ng kung ano man Hal. oPunasan mo ang mesa. oPunasan mo ang iyong noo. 5. OPERAHIN tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis Hal. oOoperahin bukas ang mga mata ni Geelyn. oKailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib? oDok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan. 6. OPERAHAN tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan Hal. o Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bulag. oInoperahan na si Erika kahapon. oKasalukuyang inooperahan si Merielle sa Ospital ng Makati. 7. SUBUKIN ay nangangahulugang pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay Hal. oSubukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa inyo. oSubukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka. oSusubukin ng mga tagalalwigan ang galing ng mga tagalungsod. 8. SUBUKAN Nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao Hal. oSubukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto. oAni ni Erap, Wag nyo akong subukan!. o Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan. 9. PINTO ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas Ginagawa ito upang ilagay ang sa pintuan Hal. oIsinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok. 10. PINTUAN ay ang kinalalagyan ng pinto ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto Hal. o Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kayat hindi niya maisara ang pinto. 11. HAGDAN ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali Hal. Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika. 12. HAGDANAN ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan Hal. oMatibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol. 13. NANG Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay Hal. o Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam. o Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin. 14. Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring. Hal. o Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga. o Nangaral nang mahinahon si G. Morales. o Nagdasal nang taimtim ang mga deboto. NANG 15. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Hal. o Suklay nang suklay o Mag-ipon nang mag-ipon o Nagdasal nang nagdasal NANG 16. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Hal. o Nag-aaral siya ng liksyon. o Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak. o Nagtanim ng palay ang magsasaka. NG 17. Ang ng ay ginagamit na pananda ng aktor o tagatanggap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Hal. o Pinangaral ng guro ang mga nahuling mag-aaral. o Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid. o Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon. NG 18. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Hal. o Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang pulitiko. o Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis. o Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait na alaala sa mga ita. NG 19. KUNG ay pangatnig na panubali at itoy ginagamit sa hugnayang pangungusap Hal. oMalulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang pamumulitika. oAatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang. oKung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan. 20. KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan lamang ng ng. Hal. oGusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili. oMaaasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan. oAng tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag- ibig. 21. MAY ginagamit kapag sinusndan ng pangngalan Hal. oAng ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito. oMay virus ang nahiram niyang USB. oHabang may buhay ay may pag-asa. 22. MAY ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa Hal. oMay pupuntahan ka ba mamaya? oMay tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi. oMay nakita siyang nakakapanghilakbot na pagitain kagabi. 23. MAY ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri Hal. oMay mahabang buhok si Christal. oMay bagong cellphone si Aldrin. oAng magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan. 24. MAY ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari Hal. oBawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay. oAng mga anak ni Aling Anna ay may kani-kanila nang kabuhayan. oMasayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin. 25. MAYROON ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito Hal. oMayroon pa bang natirang ulam? oMayroon po kaming isusumbong sa inyo. oSi Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph. 26. MAYROON ginagamit na panagot sa tanong Hal. oMay pasok ba tayo? Mayroon. oMay maaasahan ba akong tulong sa kanya? Mayroon naman. oMay takdang-aralin ka ba? MAyroon po. 27. RIN AT RAW ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y Hal. oSi Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral. oIkaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan. oMay bahay rin sa Malabon sina Mr. Lingkod. 28. DIN AT DAW ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y Hal. oMasakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase. oMagtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino. oNakapagsulat din ng aklat si Kim. 29. SILA AT SINA ang SILA ay panghalip paano samantalang ang SINA ay panandang pangkayarian sa pangngalan. karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian 30. Nanalo sila sa timpalak Hal. o Mali : Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak. o TAMA: Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak. oMALI: Sila Jun at Emma ay nanalo sa timpalak. oTAMA: Sina Jun at Emma ay nanalo sa timpalak oTAMA: Sila ay mabubuting anak. 31. IWAN to leave something nangangahulugang wag isama o dalhin Hal. oIwan mo na ang anak mo sa bahay nyo. oIwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko. 32. IWANAN to leave something to somebody ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao Hal. oIwanan mo ko ng perang pambili ng pananghaliann. oHindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero. 33. SUNDIN follow an advice nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral Hal. oSundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas. 34. SUNDAN folllow where one is going; follow what one does nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba Hal. oSundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng paella. oSundan mo agad ang ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan iyong magtampo. 35. TUNGTONG ay panakip sa palayok o kawali Hal. oHindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina 36. TUNTONG ay pagyapak sa ano mang bagay Hal. oTumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya. 37. TUNTON ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay Hal. o Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta. 38. DAHIL SA ang wasto at sinusundan ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari Hal. oHindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto. oDahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan. 39. DAHILAN SA mali ang dahilan sa ang dahilan ay pangalan mismo Hal. oPaninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ni Romano. 40. KUNG DI if not ay pinaikling kung hindi Hal. oKung di sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie. oHindi ka sana nakapagtrabaho kung di dahil sa iyong kaibigang pinagtaksilan mo ngayon. 41. KUNG DI walang salitang ganito Hindi dapat gamitin 42. KUNDI ay kolokyalismo ng kung di Hal. oWalang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.