Tuntunin sa-paggamit-ng-kamera

Preview:

Citation preview

Tuntunin sa Paggamit ng Kamera

Shaira G. Bionog BSED-3

1. Ang mainam na larawan ay may subject – ang dahilan kung bakit ito kinunan. Kung hahanapin pa ng titingin ang subject, ito’y hindi mabisang larawan. Kaya’t bago kumuha, siguraduhing alam ninyo kung ano ang inyong kukunan at bakit ito kukunan.

2. Ang mainam na larawan ay may istorya. Siguraduhing ang inyong kamera ay nakaanggulo nang wasto sa subject nang lumitaw ang istorya nito.

3. Ang mainam na larawan ay may kaisahan – dapat na kumpleto ito sa ideya at presentasyon. Kailangang lahat ng mahalaga sa istorya ay naroon at nabigyang-diin.

4. Ang mainam na larawan ay kumukuha ng atensyon sa bagay na kanyang binigyang-diin. Ang subject ay dapat na mangibabaw. Ang mga bagay na ito ay nasa pag-aayos na rin, anggulo ng kamera at background.

Tagubilin sa Larawang

Pampahayagan

1. Iwasang kumuha ng larawan na maraming tao, hangga’t maaari ay tatlo hanggang limang tao lamang.

2. Dapat na may istorya ang larawan.

3. Ang mga larawan ay dapat na may kilos o galaw. Iwasan ang kuhang firing squad.

4. Ibagay ang larawan sa laki ng pahayagan.

5. Sikapin na maglagay ng maganda at maayos na larawan sa bawat pahina.

6. Iwasang maputol ang mahalagang bahagi ng mukha ng tao sa larawan.

7. Iwasang gumamit ng malalabong larawan.

8. Ilathala ang mga di-pangkaraniwang larawan.

9. Ilagay ang larawan sa kaugnay na balita.

10. Huwag ilalagay ang larawan sa lupi ng pahayagan.

Sangkap ng Larawan

Paglalaban May aksyon Katanyagan Napapanahon May istorya May damdamin

Di-karaniwan Katatawanan Mga bata Kaakit-akit sa tao Kagandahan Mga hayop

Recommended