6
LEKSYON 3: MGA TEKSTO AT REJISTER SA IBA’T IBANG DISIPLINA (AGHAM PANLIPUNAN) Isang Pasulat na Ulat na Ipinasa kay Bb. Mary Joy G. Duhaylungsod Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Fil 2N Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan MSU – Iligan Institute of Technology ni John Israel R. Catedral Fil 2N B2

Agham Panlipunan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga teksto at rejister sa iba't ibang disiplina.

Citation preview

Page 1: Agham Panlipunan

LEKSYON 3: MGA TEKSTO AT REJISTER SA IBA’T IBANG DISIPLINA

(AGHAM PANLIPUNAN)

Isang Pasulat na Ulat

na Ipinasa kay Bb. Mary Joy G. Duhaylungsod

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Fil 2N

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina

Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika

Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan

MSU – Iligan Institute of Technology

ni

John Israel R. Catedral

Fil 2N B2

Enero 2016

Page 2: Agham Panlipunan

REJISTER

Sa ating pagpapahayag, maari tayong gumamit ng iba’t ibang salita ngunit

humigit-kumulang pareho ang kahulugan. Ang wikang ginagamit ay nagkakaroon ng

pagkakaiba-iba depende sa uri ng disiplina na pinaggagamitan nito. Tinataawag itong

rejister. Ang rejister ay isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong

nagsasalita og gumagamit. Madalas itong nakikita/nagagamit sa isang partkular na

disiplina.

Kadalasan itong naihahalintulad sa dayalekto. Samakatwid ang dayalekto ng

isang tao ay nagpapakilala kung sino siya,samantalang ang rehistro ay nagpapakita

kung ano ang kanyang ginagawa (Magracia, 1993).

Ang isang salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa

iba’t ibang larangan. Ito ay maaring magkaroon ng; Isang kahulugan lamang dahil

ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina; Dalawa o mahigit pang

kahulugan dahil ginagamit sa maraming disiplina. Halimbawa;

Salita/Rejister Larangan Kahulugan

Komposisyon

Musika Pyesa o awit

Wika sulatin

Siyensa Pinagsama-samang element

Operasyon

Paggawa Pagpapatakbo ng makina

Medisina Pagtitistis

Bisnis Pamamahala

Military Pagsasakatuparan ng isang plano

Page 3: Agham Panlipunan

Plataporma

KontraksyonPinataas na lebel para may mapapatungan na makikita ng madling manonood

pulitikaSimulain, mgaplano o programa ng isang partido o isang pulitiko

MGA URI AT ANYO NG TEKSTO

Ang mga teksto ay maaring nasa uring impormasyunal o ekspositori,

malikhain o paniteratura, at mapanghikayat o kritikal. Katulad ng rejister,

dumedepende ang uri at anyo ng teksto na gagamitin sa disiplina o okaston na

paggagamitan.

Ang malikhain na teksto ay ginagamit lamang sa disiplinang

panghumanidades tulad ng sining, literature, atbp. Samantala, ang mga uring

impormasyunal o ekspositori at mapanghikayat o kritikal ay maaring ilapat sa mga

teksto sa agham panlipunan, agham, teknolohiya at matematika at maging sa

humanidades man.

MGA TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Maraming iba’t ibang mga disiplina. Ang mga teksto ay mauri ayon sa tatlong

pangkalahatang disiplinang. Ito ang; Agham Panlipunan; Humanidades; at Likas na

Agham, Teknolohiya at Matematika. Ang bawat disiplina ay may kanya-kanyang

paraan ng paglalahad ng mga impormasyon; pagsasalaysay, paglalahad,

pangangatuwiran o paglalarawan.

Page 4: Agham Panlipunan

Agham Panlipunan

Ang agham panlipunan ay malawak na grupo ng mga disiplina na binubuo ng

Sosyolohiya - Di-fiksyunal, Formal, Faktwal

Antropolohiya - Di-fiksyunal, Formal, Faktwal

Linggwistiks - Di-fiksyunal, Formal, Faktwal

Sikolohiya - Di-fiksyunal, Formal, Faktwal

Kasaysayan – Di-fiksyunal/Fiksyunal, Formal/Patayutay, Faktwal

Agham politikal at - Di-fiksyunal, Formal, Faktwal

Ekonomiks - Di-fiksyunal, Formal, Faktwal

Sa pagpapahayag ng ano mang ideya tungkol sa mga paksang skop nito ay

ginagamit ang paraang pagpapaliwanag at pangangatwiran at karaniwang di-fiksyunal

ang pagkakasulat ng mga teksto. Subalit, sa kasaysayan, may pagkakataong

gumagamit ng fiksyon sa paglalahad gamit ang mga anyong pampanitikang nobela,

maikling kwento o dula. Sa ganitong mga teksto, nagagamitan din ng mga patayutay

at pasawikaing pahayg dahil mga akdang pampanitikian at malikhaing pagsulat ang

gma ito.

Faktwal ang presentasyon ng mga pahayag at napapanahon ang mga salitang

ginagamit sa mga tekstong ito palibhasa’y formal ang pagtalakay ng mga paksa. May

mga tiyak na rejister ang bawat disiplina na kailangang pamilyar ang isang nagbabasa

upang higit niyang maintindihan ang tinatalakay na paksa