Click here to load reader

Araling Panlipunan Project

  • View
    756

  • Download
    5

Embed Size (px)

Text of Araling Panlipunan Project

Ang unang termino ni Ferdinand E. MarcosNoong Enero 30, 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa kanyang unang pasinaya, ipinahayag ng Pangulo ang kasadlak-sadlak na kalagayan ng Pilipinas: The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. We have come upon a phase of our history when ideals are only a veneer for greed and power, (in public and private affairs) when devotion to duty and dedication to a public trust are to be weighted at all times against private advantages and personal gain, and when loyalties can be traded. Our government is in the iron grip of venality, its treasury is barren, its resources are wasted, its civil service is slothful and indifferent, its armed forces demoralized and its councils sterile., We are in crisis. You know that the government treasury is empty. Only by severe self-denial will there be hope for recovery within the next year.[1] At kanyang ipinangako: This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.[2] Noong Enero 24, 1966, sa kanyang kauna-unahang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa sa Kongreso, tinanggap ng Pangulong Marcos na ang bansa'y nasa tuktok ng isang panlipunang bulkan na malapit ng pumutok, na ang mga guguling-gobyerno'y labis na nakahihigit sa kinikita nito, na ang Philippine National Bank ay malapit nang bumagsak at laganap ang krimen sa bansa. Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan: 1. . Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay. 2. . Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.; 3. . Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba-iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;

Disyembre 30, 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ang Unang Pamilya Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si Bongbong.

Mga SuliraninTangi sa palaki na palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na humantong sa mga sumusunod: 1. Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatag na krimen; 2. Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at 3. Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga pulitiko.

Ang mga kalagayang tulad nito'y nagdulot ng pagkaligalig at di-kasiyahan sa mga kabataan at mga mag-aaral sa mga institusyon ng karunungang may kaalaman at bihasa sa mga bagay na pampulitika. Nagtatag ang mga ito ng mga samahang demokratikong tagapamagitan sa mga publiko at pribadong paaralan; pati kolehiyong katoliko, upang mag-udyok ng pagkakaroon ng tiyak na reporma sa kabuuan ng tunay na kayariang demokratiko. Kasama rito ang kabataangdenteesi galamay ng lihim na Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines), na lalong kilala sa tawag na "Kabataang Makabayan" na gumagamit ng karahasan upang makapagtamo ng mga reporma.

Digmaang BiyetnamNoong Oktubre, 1965 sinabi nila kay pangulong Marcos na mahigit sa 10,450 mga sundalong Pilipino na dinala sa Timog Biyetnam at lumaban agad sa mga Hilagang Biyetnames at mga Viet Cong sa panahon ng Digmaang Biyetnam.

Demonstrasyon ng mga EstudyanteAng unang demonstrasyon ng mga estudyante'y napukaw ng isang pangpurok na pagpupulong (summit conference) na idinaos sa Maynila noong Oktubre, 1966, ng mga pinuno ngEstados Unidos, Australya, Thailand, Timog Vietnam,Timog Korea, Nueva Selanda, at Pilipinas. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay upang yumari ng isang nagkakaisang paninindigan sa digmaan sa Timog Silangang Asya at upang pagtibayin ang pakikipagtulungan ukol sa pangkabuhayan , panlipunan, at kultura sa pagitan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko. Nang hapon ng Oktubre 24, 1966, ang Kabataang Makabayan na sinasamahan ng ibang pangkat estudyante ay nagtanghal ng isang pagtutol na demonstrasyon sa harapan ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson. Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at mga pulis malapit sa embahada ng Estados Unidos. Dinakip ang 41 demonstrador at pinaratangan ng panliligalig at pananalakay.

Mga Nagawa sa Loob ng Unang TerminoKapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod: 1. 2. . Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya; . Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;

3. . Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan; 4. . Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan); 5. . Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan; 6. . Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice'; 7. . Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa; 8. . Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at 9. . Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

Halalan ng 1969Nanindigan ang reeleksyonistang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagnanais na makapagtamo ng bagong kapasyahan ng mga botante sa halalan ng 1969. Sa pagtulong ng Unang Ginang, Imelda Marcos, na kanyang itinuturing na kanyang "lihim na sandata", si Marcos ay naging unang Pangulong reeleksyonista pagkatapos ng digmaan. Tinalo niya ang kandidato ng mga Liberal, si Sergio Osmea, Jr. sa napakalaking kalamangan.

Disyembre 30, 1969 - Pasinaya sa Pangalawang termino ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Radikalisasyon ng mga EstudyanteSa mga unang buwan ng pangalawang panunungkulan ng Pangulong Marcos ay nagkaroon ng serye ng mga demonstrasyon ng mga estudyante at mga malalaking pagtitipon, na karamiha'y humahantong sa karahasan at panggugulo. Sa simula, ang mga demonstrasyo'y idinaraos bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan.Tinugon ito ng mga namamahala sa mga pamantasan sa pagtitiwalag sa mga namumunong estudyante at di-pagtanggap sa kanila sa alin mang pamantasan. Namagitan ang pamahalaan sa kanilang alitan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon tungkol sa pagtataas ng matrikuka na nangangailangan ng pagsangayon ng pamahalaan. Ang mga lider estudyante ay muling tinanggap sa mga paaralang kanilang pinili. Ngunit di naglaon, panibagong isyu ang lumitaw. Lumabas sa kalye ang mga mag-aaral at mga kapanalig. Sa gayo'y nagsimula ang "parliament of the streets." Sa pagbunsod sa mga kahilingan para sa mga reporma sa pamahalaan at mga protesta laban sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa namumuhunan at mga oligarkiya, ang mga demonstrador ay madaling bumaling sa mga bagay na pangkaisipan (ideolohikal) tulad ng pasismo, piyudalismo, at imperyalismo. ito ang kanilang naging sigaw na panlaban. Noong Enero 26, 1970, ang araw ng pagbbukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagtipun-tipon at nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso. Ang mga estudyante ng mga pribadong paaralan sa Maynila, kasama ang ilang sa kanilang mga gurong-tagapayo ay nangaroon upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensyong Konstitusyonal ng taong 1971. Tulad ng hinihingi ng tradisyon, dumalo ang Pangulong Marcos sa Kongreso upang magtalumpati tungkol sa kalagayan ng bansa. Kasama niya ang Unang Ginang. Pagkatapos ng mga seremonya at habang lumalabas sa gusali ng Kongreso ang Pangulo at ang Unang Ginang patungo sa kanilang sasakyan, nagsimula ang kaguluhan. Ang binabalak na mapayapang demonstrasyon ay naging isang panggulong walang taros. May 70 estudyante ang nasaktan at may ilang nangapinsala ring alagad ng batas Marcos.

Sigaw ng Unang SikapatAng demonstrasyon ng mga estudyante noong Enero 30, 1971 ay lalong higit na madugo at marahas at ito'y tinaguriang "Labanan sa Mendiola" na mas higit na kilala sa tawag na "First Quarter Storm" o Sigwa ng Unang Sikapat. Marahil napag-alab sa kabangisan ng mga pulis sa naunang demonstrasyon sa harapan ng Kongreso, ibinaling ng lalong masugid na mga aktibistang estudyante ang kanilang pagkapoot sa Malakanyang. Pagkatapos ng maagang demonstrasyon sa may Kongreso , nagtungo ang mga estudyante sa Malakanyang at pagkaraan ng kanilang maaapoy na talumpati ay pinagpilitan nilang makapasok sa loob ng paligid ng Palasyo. Naghagis sila ng "pillboxes" at mga sarilinggawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. May ilang nakaagaw ng isang trak na

pamatay-sunog at ito'y ibinangga sa isang trangkahan ng Malakanyang hanggang sa mabuksan ito. Nagpaputok ng mga teargas ang mga tanod Pampanguluhan ng Palasyo sa mga nanggugulo at ang mga ito'y gumanto ng mga bato at patpat at sariling-gawang bomba. Napilitang magsiurong ang mga estudyante hanggang sa daang Mendiola habang hinahabol ng mga pangkat ng mga sandatahan ng pamahalaan. Ang labanan ay tumagal hanggang makalipas ang hatinggabi nang ang mga estudyante'y naghiwa-hiwalay sa University Belt sa daang Claro M. Recto. Nang sumunod na araw,

Search related