Upload
paulene-encinares
View
1.835
Download
18
Embed Size (px)
Citation preview
Ayos Lang Ang Buhay Maynila
Ni Bienvenido Lumbera
Ayos lang ang buhay sa Maynila.Wala kang paki sa hindi mo pami,At ika’y pababayaanNg ‘yong kapitbahay.Singkipot ng inuupahang entresuweloAng mundo, tamang-tama:May banyo, may kusina
Ma’no kung mayroon mang bendorNa nasagasaan ng dyip sa Espana?Hindi mo alam (di na peryodiko kasi)Ng isang buntis ang naglunod sa Pasig
kahapon.Mabalitaan mo ma’y di mo naman kilala.Basta ligtas ang eskinitang patungo sa
inyo,Malalim man ang baha sa Sta. Cruz, ay
ano?
Nakatanghod ang dalawang bata Sa pagkagat mo ng siopaoO paghigop sa sabaw ng mami.Puwedeng di mo pansinin,Para nung weyter sa sulokNa nagtitiris ng tagihawat.Salabahe’ng mga bata ‘yan-Malimit naaaksidente ka na’yIkaw pa’ng dudukutan.
Para sa’yo, ang pakikisama’yPara nung gripo sa banyo—Tantiyado mo kung kailanHangin lang ang ihahagok,At kung anong oras namanMay tutulong tubigPag kinabukasan.
Ang Mga kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan de la
Cruz
Ni Jose F. Lacaba
Isang gabing madilimPuno ng pangambang sumakay sa bus Si Juan de la CruzPustrang pusturaKahit walang laman ang bulsaBAWAL MANIGARILYO BOSSSabi ng kundoktoraAt minura si Juan de la Cruz.
Pusturang-pusturaKahit walang laman ang bulsaNilakad ni Juan de la Cruz Ang buong AvenidaBAWAL PUMARADASabi ng kalsadaBAWAL UMIHI DITOSabi ng bakodKaya napagodSi Juan de la Cruz
Nang abutan ng gutomSi Juan de la CruzTumapat sa Ma Mon LukInamoy ang mami, siopao, lumpia,
pansitHanggang sa mabusog.
Nagdaan sa Sina Dalisay Tinitigan ang retrato ni ChichayPASSES NOT HONORED TODAYSabi ng takilyeraTawa nang tawa
Dumalaw sa konggresoSi Juan de la CruzMAG-INGAT SA ASOSabi ng diputadoNagtuloy sa MalakanyangWala namang dalang kamanyangKEEP OFF THE GRASSSabi ng hardineroSabi ng sundaloKay Juan de la Cruz
Nang dapuan ng libogSi Juan de la CruzNamasyal sa CuliculiAt nahulog sa pusali parang espada bali-
baliYOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED
CASHSabi ng bugawSabay higop ng sabaw.
Pusturang-pusturaKahit walang laman ang bulsaNaglibot sa DeweySi Juan de la CruzPAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFYSabi ng neon.Humikab ang dagat na parang leonMasarap sanang tumalon peroBAWAL MAGTAPON NG BASURASabi ng alon.
Nagbalik sa QuiapoSi Juan de la CruzAt medyo kinakabahan Pumasok sa simbahanIN GOD WE TRUSTSabi ng obispoALL OTHERS PAY CASH.
Nang wala nang malunokSi Juan de la Cruz Dala-dala’y gulokGula-gulanit naang damitWala pa rin laman ang bulsa umakyatSa Arayat ang namayatNa si Juan de la Cruz
WANTED DEAD OR ALIVESabi ng PC At sinisiAng walanghiyang kabataanKung bakit sinulsulanAng isang tahimik na mamamayanNa tulad ni Juan de la Cruz.