9
BRIGHTWOODS SCHOOL High School Department SY 2014-2015 Filipino 9 3 rd Quarter Lecture (Noli Me Tangere) NOLI ME TANGERE (Buod ng bawat kabanata 16 – 25) Si Sisa Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pag-awit ng at pinukulan niya ng

Buod Ng Noli (Kabanata 16-25)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

short summary of some chapters of Noli me Tangere this just a raw summary

Citation preview

BRIGHTWOODS SCHOOLHigh School DepartmentSY 2014-2015

Filipino 93rd Quarter Lecture (Noli Me Tangere)

NOLI ME TANGERE (Buod ng bawat kabanata 16 25)

Si SisaAng kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pag-awit ng at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.Si BasilioDuguan si Basilio nang dumating ito sa kanilang tahanan. Pinagtapat nito sa Ina na siya ay hinabol ng mga gwardiya sibil at nadaplisan ng bala sa ulo. Hindi nito nagawang huminto sa paglalakad sa takot na ikulong at paglinisin sa kuwartel. Sinabi rin nito sa ina na sabihing nahulog na lamang siya sa puno kaysa ipagtapat ang tunay na nangyari. Napag-alaman din ni Sisa na napag-bintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa, at nabaghan ang puso ni Sisa dahil sa awa sa kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga parusang tinatamasa ni Crispin sa kamay ng Sakristan. Nawalan naman ng gana si Basilio na kumain at bagkus ay nag-alala ng todo sa kanyang ina ng malaman nito na dumating ang kanyang ama. Alam kasi nito ang pambubugbog na ginagawa ng ama sa kanyang ina. Sa hinagpis at galit ni Basilio ay naisambulat nito na mabuti pang mawala na ang kanyang ama at mabuhay silang tatlo na lamang. Sa ganitong kalagayan ay mabubuhay pa sila ng maayos, na siya namang pinagdamdam ni Sisa. Para sa kanya, sa kabila ng ugali ng kanyang asawa ay mamarapatin pa rin niyang magkakasama silang lahat. Nakatulugan ni Basilio ang kanyang mga alalahanin at pagod. Binangungot ito sa kalagitnaan ng tulog sapagkat nakita niya sa kanyang panaginip ang pambubugbog ng kura at sakristan mayor kay Crispin. Pinalo nila ng yantok si Crispin sa ulo hanggang ito ay duguang humandusay sa lapag. Nagising si Basilio sa yugyog ng kanyang ina, at pinagtapat na lamang niya ang pangarap niya para sa kanyang ina at kapatid. Nais niyang huminto na sa pagsasakristan kasama ni Crispin, magpapastol siya ng baka at kalabaw na pag-aari ni Ibarra, at pagsapit niya ng edad na kaya na niyang mag-araro sa bukid, siya ay hihiling ng kapirasong lupa para sakahin. Pauunlarin niya ang sakang iyon hanggang sa umunlad ang kanilang buhay. Pag-aaralin din niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo at ang kanyang ina ay hihinto na sa pananahi. Bagamat nagpakita ng pagkatuwa ang kanyang ina, lihim naman itong nasasaktan dahil hindi na sinama ni Basilio ang kanyang ama sa mga plano nito.Mga Kaluluwang NaghihirapSi Padre Salvi ay matamlay na nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais nilang malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa. May dalang handog si Sisa para sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento upang iayos ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak. Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa. Nagtatakbo si Sisa palabas ng kumbento sa pagkagimbal sa narinig at sa pag-aalala nito sa kanyang mga anak.Mga Suliranin ng Isang GuroNagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa mga kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.Ang Pulong sa TribunalAng tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael. Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo. Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi. Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.Mga Pagdurusa ni SisaSa narinig mula sa kusinero ay kumaripas ng takbo si Sisa pauwi sa kanilang bahay. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga pangitain na dadamputin ng mga gwardiya sibil ang kanyang mga anak at ang bintang na pagnanakaw ng salapi ng dalawang bata. Namataan niya ang mga gwardya sibil na papalayo sa kanilang bahay, bagay na nakagaan sa kanyang takot sapagkat hindi nito kasama ang kanyang mga anak. Nang magpang-abot sila ng gwadiya sibil sa daan, pilit siyang pinaamin na ilabas ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak. Bingi ang mga gwardiya sibil sa kanyang pagmamakaawa at pangangatwiran kung kaya't kinaladkad siya ng mga ito papuntang kwartel. Hiyang- hiya si Sisa habang kinakaladkad ng mga gwardiya sibil sa harap ng taong-bayan, lalo na ng sa oras na iyon ay natapat na tapos na ang misa at ang mga tao ay kasalukuyang lumalabas ng simbahan. Lahat ay napapatigil sa nagaganap na eksena sa lansangan at walang magawa si Sisa kundi panghinaan ng loob at mag-iiyak. Pagdating sa kwartel ay inihagis siya ng mga ito at nagsumiksik na lamang siya sa isang sulok. Bingi ang lahat sa kanyang pakiusap at pagmamakaawa. Tanghali na ng pakawalan siya ng Alperes. Umuwi si Sisa sa kanilang bahay at muling hinanap ang kanyang mga anak. Ngunit ala ni anino o tinig ng mga bata kahit sa bakuran. Pumanhik muli siya ng bahay at namataan niya ang punit na damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hindi niya matanggap ang nasilayan at nilamon ng pighati ang kanyang katinuan. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan habang sinasambit ang pangalan ng kanyang mga anak.Liwanag at DilimIto ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.Ang PiknikMadaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga kababaihan at kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon. Magkakasamang naglalakad ang mga kababaihan, hiwalay sa kalalakihan. Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang babae. Sasakay sila sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog. Magkakasama ang matatalik na magkaibigan na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang kanilang mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel upang sila ay sawayin. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Nagkaroon naman ng katahimikan sa panig ng mga dalaga sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy lamang sa pagsagwan sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si Maria ng Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng maluto ang agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may buwayang naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias. Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga. Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng sariwang isda. Masayang nananghali ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno malapit sa batisan.Sa KagubatanMaagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. Malayo pa ay pinahinto na niya ang karwahe upang sa gayon ay malayang makapanood ng lihim sa mga kadalagahan. Hindi naman siya nabigo sa ninais na mangyari, nakita nga niya ang mga dalaga at masayang pinagmamasdan ang mga binti at sakong ng mga ito habang nagkakatuwaan. Pinigil na lamang ng pari ang kanyang sarili na sundan pa ang mga ito kung kaya't hinanap na lamang niya ang mga kalalakihan. Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. Nagkataon na dumating si Sisa at nais ni Ibarra na siya ay pakainin ngunit dala ng pagkawala ng katinuan nito ay tumalilis itong papalayo sa pangkat. Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. Ikinatwiran ng una na higit pang pinahalagahan ang dalawang onsa kaysa sa pagkawala ng mga bata. Pumagitna na sa Ibarra sa dalawa upang hindi na umabot sa sakitan ang dalawa. Lumayo si Ibarra at nakiumpok sa mga binata at dalagang naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. Aniya, malaking kasalanan ang maniwala sa nilalaman nito. Ikinainis naman ito ni Albino at isinagot sa kura na mas malaking kasalanan ang kanyang pakikialam sa pag-aari ng iba. Lumayas naman kaagad ang kura at padabog na bumalik ng kumbento. Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan ngunit ala silang nakitang Elias.Sa Tahanan ng PilosopoSinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang tanging makauunawa ng kanyang saloobin. Ayon sa kanya, ang mga susunod na salinlahi ay mga walang piring sa mata at gising sa nangyayari sa lipunan. Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni ang kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng masasamang payo ang mga makapangyarihan sa bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang mga binabalak at ginagawa ay ayon sa pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga iyon. Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng simbahan ay higit pa sa kakayahan ng pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na kung nais niyang matupad ang kanyang mga balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga may kapangyarihan kung ayaw niyang walang mangyari sa kanyang mga balakin. Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang punong itatanim sa mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa- kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya, hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng hindi makabangon. Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa kanyang mga balakin dahil na rin sa ang karunungan ay kaagaw ng simbahan sa pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang legacy sa kanyang mga binabalak para sa bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man siya magtagumpay ay may uusbong na pananim na siyang magpapatuloy ng kanyang mga nasimulan. Nagpaalam na si Ibarra pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa kanyang pakay sa kura.