10
DEBUT = DEsisyong maBUTi? Isang sulating pananaliksikl nina Tahmina R. Abrena, Erika Angeline Z. De Leon, Irene Lucille E. Enrile, Anna Gabriela A. Guingon, Bena Trica A. Palaganas Mula sa patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc, M.Ed. Klase ng 1-2, UST Kolehiyo ng Narsing T.A. 2008-2009 Panimula Ang debut noong unang panahon at hanggang ngayon ay isang inaabangang okasyon ng mga dalagang Pilipina. Ito ay isang sinyales na ang isang dalagang Pilipina ay magiging isang ganap na babae sa pagtungtong niya ng tamang edad. Sila ay naghahanda ng magarbong selebrasyon para sa kanilang mga kapamilya at mga kaibigan sa lipunan para mapakilala sa lahat ang kanilang anak. Maraming ibang katawagan sa debut sa iba’t ibang bansa. Ang iba rito ay hindi rin mismong idinadaos ang debut sa ika-18 kaarawan. Ang iba ay sa pagtungtong nila ng ika-15 taong gulang katulad ng sa mga espanyol na ang tawag nila ay quinsenetta. Sa America naman ay ika-16 taong gulang at ang tawag ay sweet sixteen. Masasabi natin na malayo ang pinanggalingan ng mga okasyong ito. Ito ay nababatay sa mga kulturang nakasanayan ng mga tao sa bawat bansa. Sa lipunan ay may iba’t ibang estado ng pamumuhay ang mga tao. Ang iba’y mahirap, iba’y may kaya, at ang iba naman ay mayaman. Alinsunod sa mga kauganay na babasahin, panayam, at sarbey, naglalayon kami, sa pamamagitan ng pamanahong papel na ito, na matukoy kung saang estado ng pamumuhay kadalasang nabibilang ang mga dalagang nagdidiwang ng debut o nais magdiwang nito. Nais din nilang malaman ang iba’t ibang paraan ng pagdiwang nito ng mga dalaga na nasa karaniwang estado. Panghuli, nais nilang matukoy ang mga positibo at negatibong epekto ng pagdiwang ng debut sa kasalukuyan at kung ano sa dalawa ang mas mabigat. I. Mga Kaugnay na Babasahin o Literatura A. Ang Debut 1

DEBUT = DEsisyong maBUTi?

Embed Size (px)

DESCRIPTION

this paper is in tagalog and was written by 1st year students of University of Santo Tomas, college of nursing.

Citation preview

Page 1: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

DEBUT = DEsisyong maBUTi?

Isang sulating pananaliksikl ninaTahmina R. Abrena, Erika Angeline Z. De Leon, Irene Lucille E. Enrile,

Anna Gabriela A. Guingon, Bena Trica A. PalaganasMula sa patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc, M.Ed.

Klase ng 1-2, UST Kolehiyo ng NarsingT.A. 2008-2009

PanimulaAng debut noong unang panahon at hanggang ngayon ay isang inaabangang okasyon ng mga

dalagang Pilipina. Ito ay isang sinyales na ang isang dalagang Pilipina ay magiging isang ganap na babae sa pagtungtong niya ng tamang edad. Sila ay naghahanda ng magarbong selebrasyon para sa kanilang mga kapamilya at mga kaibigan sa lipunan para mapakilala sa lahat ang kanilang anak.

Maraming ibang katawagan sa debut sa iba’t ibang bansa. Ang iba rito ay hindi rin mismong idinadaos ang debut sa ika-18 kaarawan. Ang iba ay sa pagtungtong nila ng ika-15 taong gulang katulad ng sa mga espanyol na ang tawag nila ay quinsenetta. Sa America naman ay ika-16 taong gulang at ang tawag ay sweet sixteen. Masasabi natin na malayo ang pinanggalingan ng mga okasyong ito. Ito ay nababatay sa mga kulturang nakasanayan ng mga tao sa bawat bansa.

Sa lipunan ay may iba’t ibang estado ng pamumuhay ang mga tao. Ang iba’y mahirap, iba’y may kaya, at ang iba naman ay mayaman. Alinsunod sa mga kauganay na babasahin, panayam, at sarbey, naglalayon kami, sa pamamagitan ng pamanahong papel na ito, na matukoy kung saang estado ng pamumuhay kadalasang nabibilang ang mga dalagang nagdidiwang ng debut o nais magdiwang nito. Nais din nilang malaman ang iba’t ibang paraan ng pagdiwang nito ng mga dalaga na nasa karaniwang estado. Panghuli, nais nilang matukoy ang mga positibo at negatibong epekto ng pagdiwang ng debut sa kasalukuyan at kung ano sa dalawa ang mas mabigat.

I. Mga Kaugnay na Babasahin o LiteraturaA. Ang Debut

Ang debut ay isang pinakahihintay na okasyon ng mga kababaihang Pilipino. Ito ay isang selebrasyon ng pagiging isang ganap na dalaga ng isang debutante.(Hibionda, 2000) Ito rin ay isang masayang selebrasyon kung saan mayroong kainan, programa, sayawan, at katuwaan. Kahit na ang ipinagdiriwang ay ang kaarawan ng isang tao lamang, ito’y nagiging kasiyahan na rin ng mga dumadalo. Ang mga malalaking selebrasyon na tulad nito ay nakapagdudulot ng bagong pakikipagkaibigan sa kanila.

Sa panahon noong ang pagdiriwang ng debut ay grande at para lamang sa mga mayayaman.(Hibionda, 2000) Ngunit sa ngayon, kahit sino ay nagdidiwang na nito, may kaya man o wala.(Tan, 2008) Ang mga dalagang nagdidiwang nito ay handang maglaan ng pera’t oras para lamang makahanap ng mamahaling damit, magandang lugar, masasarap na pagkain, at kung anu-ano pa upang masabi lamang ng mga tao na kanya ang pinakamagandang selebrasyon ng debut.(Reyes, 2005)

1

Page 2: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

Ang debutante atang kanyang keyk

Pagdiwang ng DebutSa panahon ngayon, hindi na kailangan ng maraming pera ng

debutante upang siya’y makapagdiwang ng kanyang debut. Halos lahat ng kababaihan ngayon ay pwedeng magdebut nang kahit simple lamang ang handa at kaunti ang bisita. (Tan, 2008) Ngunit ang paraan ng pagdiwang ng debut ngayon ay na-iimpluwensya ng iba-ibang factors, katulad na lamang ng peer pressure at media, mga bagay na mahirap iwasan dahil ito’y pumapaligid sa kanila. Kaya’t kahit hindi na kailangang bongga ang isang debut, marami pa rin sa kanila ang nagpupumilit

magdiwang ng isang malaking handaan, kahit hindi nila makakaya o kaya’y hindi maganda ang kanilang financial status.(Tan, 2008) Ang kanilang iniisip ay isang beses lamang ito mangyayari sa kanilang buhay kung kaya’t maaaring pagkagastusan ng malaking halaga. (Smith, 2008) Hindi lamang

ang mga desisyon ng mga debutate ang naapektuhan ng mga ito, kundi paminsan ay pati na rin ang mga desisyon ng kanilang mga magulang. Dahil masyadong pinagtutuunan ng pansin ang grandeng paghahanda sa lugar, pagkain, dekorasyon, at iba pa na kailangan sa selebrasyon, hindi na nakokonsidera ang budget at sila’y lumalampas at nakakagastos ng malaki. Nakakalimutan nila na ang pera ay isang importanteng bagay at hindi napupulot kung saan-saan lamang. Sa mga mas malalang sitwasyon ay pinangungutang ang gagastusin sa debut at kung paminsan pa ay hindi mabayabayaran kung kaya’t malulubog sa utang.(Tan, 2008)

Ang pagiging di praktikal ng pagdiwang ng isang debut ay makikita sa istorya ni Triza Conception na nakuha sa ikalabinganimnapu’t walong issue ng Candy Magazine. Si Triza, isang mag-aaral sa La Consolacion Manila na may katamtamang pamumuhay, at ang bunso sa tatlong magkakapatid na lahat ng kanyang kapatid ay lalaki. Ang kanyang kaarawan ay noong Septembre 10, 2003. Ninais niyang magkaroon ng debut at ito’y kanyang sinabi sa kanyang mga magulang dalwang buwan bago ang kanyang kaarawan. Nang pumayag ang mga ito ay agad na pinagplanuhan at pinagkalat sa mga kaibigan. Ang kanyang gusto sana ay isang malaking selebrasyon na gaganapin sa Manila Peninsula Hotel. Siya rin ay gumawa na ng mga paanyaya at ipinamigay. Isang araw ay kinausap siya ng kanyang mga magulang at sinabi sa kanya na ang kanyang debut ay hindi maaaring lumampas ng P100,000 at ito ay gagawin sa kanilang tahanan lamang. Mahirap na raw ang buhay at tatlo pa silang pinag-aaral sa kolehiyo. Napaiyak si Triza at siya’y nagwala dahil nasabi na niya sa kanyang mga kaibigan at siya’y mapapahiya. Dahil naawa sa kanya ang kanyang mga magulang ay ginawan ito ng paraan ng kanyang ama. Ang kanyang ama ay kumuha ng loan na babayaran buwan-buwan sa bangko at ang kanyang debut ay natuloy. Dahil ang kanyang debut ay mahigit P400,000, nahirapan ang kanyang ama na katamtaman lang ang kinikita sa pagbayad at sila’y nagtipid ng lubusan. Pinagtrabaho na agad ang kanyang panganay na kuya at ipinagtigil ng isang taon ang pangalawang kuya para makatipid. Sila’y medyo humirap. Nang mangyari ang mga ito, walang ibang nagawa si Triza kundi sabihin na sana’y hindi nalang siya nagdebut. (Lagarde, 2003, p. 116)

II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral

A. MetodolohiyaSa pagsulat ng pamanahong papel na ito, kami ay gumawa ng panayam sa dalawang tao na

galing sa karaniwang pamilya. Ang isa ay nagdiwang ng magarbong debut at ang ikalawa ay nagkaroon ng isang simpleng selebrasyon lamang. Nagsagawa din kami ng sarbey bilang dagdag impormasyon at upang matiyak ang mga impormasyong nakuha nila sa mga babasahin tulad ng dyornal, artikulo, aklat, magasin at iba pang maaaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa paksa. B.

2

Page 3: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

Dalawang klase ng sarbey ang ginawa namin. Ang isang klase ay pinasagutan sa dalawampu’t limang babae at ang isa pang klase ay pinasagutan naman sa dalawampu’t limang inang may anak na babae. Ang mga babaeng sumagot ay mga nasa unang taon ng kursong Narsing sa Unibersidad ng Sto. Tomas na may taong labinganim hanggang labingwalong taong gulang.

B. Presentasyon, Interpretasyon at Pagsusuri ng mga Datos

Panayam

Ang unang babae na ipinanayaman namin ay nanggaling sa isang ordinaryong pamilya. Ang ama niya ay isang sales agent at ang kanyang ina naman ay isang elementaryang guro sa isang pribadong paaralan. Siya ay nag-iisang anak na babae ng kanyang mga magulang. Siya ay si Rosette na ngayon ay 19 na at nag-aaral sa De La Salle University. Ang kanyang debut ay naging magarbo dahil ito ay isang importanteng okasyon sa kanilang pamilya at hindi siya binigyan ng saktong budget ng kanyang mga magulang. Ang kanyang debut ay umabot ng mga P550,000 at dahil dito ay nagtipid ang kanilang pamilya sa pangaraw-araw na gastusin. Pati na rin ang pera na nakalaan sa pag-ayos ng kanilang bahay ay nagalaw. Ito ang naging saloobin ni Rosette pagkatapos ng lahat, natutunan ko na parang walang silbi na gumastos nang sobra-sobra sa isang gabi lamang. Siguro dapat nagtipid ako. Halibawa, isa nalang dapat ang aking gown o kinontian ko ‘yung bisita ko. Masyado akong na-excite eh tapos naimpluwensiyahan din ako ng konti ng ‘peer pressure’. Bongga rin kasi yung mga debut nung mga kaibigan ko kaya parang gusto ko rin ng ganun. Sa huli, natutunan ni Rosette na ang isang desisyon ay dapat na pag-isipang mabuti

Ang pangalawang babae naman ay si Elisha Casas, siya ay isang estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas na kasalukuyang dalawampung taong gulang. Siya ay ipinanganak noog Oktubre 18, 1988. Si Elisha, di tulad ng ibang mga dalaga, ay hindi nagdiwang ng debut nang siya ay tumapak ng labingwalong taong gulang. Ang sabi niya ay, kasi nakikita ko na nahihirapan na ‘yung mga magulang ko sa mga gastos sa bahay kahit sabihin pang dalawa na silang nagtratrabaho. Eh di naman talaga kailangan ng debut eh...dagdag gastos lang. Ito naman ang

isinagot ni Elisha sa tanong namin tungkol sa pagkakaroon ng debut, syempre gusto ko ng debut noong bata pa ko pero habang tumatanda nako, narealize ko na marami pang mas importantang bagay at saka, mahirap na din kasi ang buahy ngayon. Iba na. Kung gugustuhin ko, siguro papayag naman sila mama pero nanghihinayang rin ako. Sila’y nag-usap nalang ng kanyang mga magulang tungkol rito at napagkasunduan na huwag nang magkaroon ng magarbong selebrasyon. Inilagay na lamang nila sa bangko ang pera na pwedeng magamit sa kanyang debut sapagkat alam nila ang kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at ng kanilang pamilya. Kumuha na lamang si Elisha ng kaunting pera mula rito upang ilibre ang kanyang mga kaibigan sa mall.

Malaki and pagkakaiba ng dalawang dalagang ipinapanayaman namin. Si Rosette ay isang dalaga na marami pang kailangang matutunan sa buhay. Ang kanyang isipan ay di pa tuluyang bukas sa katotohanan. Siya’y kailangan patnubayan sa kanyang mga desisyon lalo na ‘yung mga makakaapektong malaki sa kanyang buhay. Dapat na maihayag sa kanya ang reyalidad o kaya’y siya’y ma-expose sa hirap ng buhay sa kasalukuyan. Hindi niya ganon kaalam kung ano ang mga bagay na dapat bigyang pansin o importansiya dahil lahat ng kanyang gusto ay marahil madalas at kayang ibigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Si Elisha naman ay naiiba sa mga nakararaming dalaga. Makikita na talagang kahit gusto niyang magkaroon ng isang debut ay napagdesisyunan niya agad na huwag na lamang sapagkat mayroong mga bagay na mas importante dito tulad ng edukasyon at pagpapawalang bigat sa kanyang pamilya sa mga gastusin. Tiyak na alam ni Elisha kung ano ang mga dapat pagtuunan ng pansin. Ang mga dalagang tulad niya ay nagdudulot ng malaking ginhawa sa kanilang mga magulang, di lang dahil mababawasan ang kanilang mga gastusin ngunit dahil wala

3

Elisha Casas

Page 4: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

silang aalahaning mabibigat o importanteng mga bagay. Si Elisha ay isang magandang halimbawa sa mga kababaihan sa kasalukuyan ngunit sana ay maisip niya na paminsan-minsan ay maaari ring gumastos kahit na kaunti upang makapagdiwang ng isang importanteng bagay o okasyon lalo na ‘yung mga minsan lang mangyari sa buhay ng isang tao ngunit bukod dito ay nakatutuwa ring isipin na sa panahon ngayon, ang ilan sa mga kabataan ay marunong magtipid at maging praktikal sa mga bagay-bagay.

Sarbey1. Sarbey na Pinasagutan sa mga Dalaga

"Ikaw ba ay nagdebut?"

32, 32%

8, 8%48, 48%

12, 12%

Oo

Hindi

Hindi pa(May balak)

Hindi pa(Walang balak)

Sa unang pie chart sa itaas, makikita na pinakamarami ang nagdiwang at may balak magdiwang ng debut. Karamihan din sa mga ito ay nanggaling sa katamtamang pamumuhay. Ang karamihan din sa kanila ay gumastos at handing gumastos ng P50,000 hanggang P100, 000. Ang kanila ring mga kinokonsiderang bagay sa pagbuo ng kanilang budget ay magarang lugar, magandang damit o gown at maraming handa.

2. Sarbey na Pinasagutan sa mga Ina

"Pinayagan o papayagan mo bang magdebut ang iyong anak?"

74%

26%

Oo

Hindi

Sa ikalawang pie chart, makikita na sa mga inang may anak na babae, mas marami ang pumayag o papayag na ang kanilang mga anak ay magdiwang ng isang debut. Karamihan sa kanila ay may dahilan na ang debut ay minsan lamang mangyari sa buhay kung kaya’t maaaring ipagdiwang. Ang sabi rin ng iba ay maari namang magdiwang ng debut dahil pwedeng ipagdiwang ng simple lamang o may mga limitasyon.

4

Page 5: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

3. Sa Parehong Klase ng Sarbey

"Para sa iyo, praktikal pa bang magdebut?"Para sa mga dalaga

43%

57%

Oo

Hindi

"Para sa iyo, praktikal pa bang magdebut?"Para sa mga ina

38%

62%

Oo

Hindi

Sa ikatlo at ika-apat na mga pie chart, masasabing karamihan sa mga sinarbey ay nagsasabing hindi na praktikal pang magdiwang ng debut sa ngayon. Ang kanilang dahilan ay dahil mas marami pang importanteng bagay kaysa sa debut at aksaya lamang ng pera. Nasabi nila na kung magdidiwang man nito ay dapat na simple lamang.

* Ang lahat nang ito ay binase sa sarbey ngunit ang mga bahagdan sa itaas ang tanging ipinakita sapagkat iyonlamang ang mga kinokonsiderang importanteng mapakita.

III. Konklusyon at Rekomendasyon

A. KonklusyonSa pamamagitan ng pag-aaral na ito, napag-alaman namin na mula sa mga kaugnay na

babasahin o literatura, ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa desisyon ng debutante at ng kaniyang mga magulang tungkol sa kung paano nila idaraos ang debut. Ilan sa mga salik na ito ay peer pressure, media at estado sa lipunan. Habang nahinuha naman nila mula sa kanilang pangsariling pag-aaral na totoong madalas na nagdedebut nang magara ang mga kababaihang may katatamtamang pamumuhay at karamihan ng mga magulang at kabataan ngayon ay praktikal na kung mag-isip. Nasabi nila ito sapagkat malaking bahagdan ng mga naging respondente nila ang nagsabi na marami pang mas importanteng bagay na dapat bigyan ng pansin kaysa sa pagkakaroon ng magarbong selebrasyon ng debut. Marami sa kanila ang nagsabi na kung magkakaroon man sila ng selebrasyon ng debut, sisiguraduhin nila na hindi lalampas sa budget at hindi sila gagastos ng sobra-sobra para rito. Napagkonkluda din namin na sa panahon ngayon ay hindi na pratikal para sa isang pangkaraniwang pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang debut sa magarbong paraan sapagkat mahirap na ang buhay at dumarami na ang nararanasang krisis sa ating bansa. Marami rin ang pangangailangan ng isang pamilya o ang tinatawag na physiological needs tulad ng pagkain, damit, at edukasyon. Sa panahon ngayon ay mahirap nang makamtan ang mga ito dahil mahal na ang mga bilihin.

Ang kaso ng dalawang kinapanayam namin para sa sulatin na ito ay ilan lamang sa mga maraming karanasan sa totoong buhay na konektado sa pagdiriwang ng debut. Si Elisha ay sumasalamin sa pagiging praktikal dapat na paraan ng pag-iisip ng mga tao ngayon habang si Rosette naman ay isang halimbawa ng taong nagnanais na makakamit ng kaniyang kagustuhan, partikular na ang magkaroon ng magandang debut. Subalit, si Rose ay tila sumobra sa karapat-dapat na budget kung kaya tila naging sanhi ang pagdiriwang niya ng magarbong debut ng hindi kagandahang epekto sa buhay nila ng kanyang pamilya. Dapat sana ay naging mas praktikal siya.

5

Page 6: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

Ang pagdiwang ng debut ay masasabing importante naman talaga. Ang pagiging praktikal nito at hindi ay nagkakaiba-iba sa bawat tao kung kaya’t ito’y maaari pa ring ipagdiwang. Kung kakayanin naman talaga o kaya’y may perang maaaring gastusin para dito ay bakit hindi ipagdiwang? Upang maipahayag ang pagkatanda o mature ng isang dalaga ay tama lang naman na magkaroon ng debut. Subalit, kung talagang walang wala at hindi kakayaning magkaroon ng magarbong handaan ay huwag na sanang ipagpatuloy pa ang selebrasyon o kaya’y magkaroon na lamang ng maikling pagtitipon ang magkakapamilya’t magkakaibigan. Kung iisipin, sa katotohanan, ang tunay na kahulugan ng pagiging debutante o pagiging labingwalong taong gulang ay ang pagkilala sa bagong kabanata ng kanyang buhay kung saan mas maraming responsibilidad ang kaniyang kakaharapin at kung saan siya’y magkakaroon ng mga bagong magagandang karanasan.

B. RekomendasyonTotoong nangyayari na ang pagdiriwang ng debut ay nagdudulot ng mas malaking problema

tulad na lamang sa kaso ng isang ipinayaman namin. Nararamdaman lamang ang negatibong epekto ng isang bagay pagkatapos gawin ito, tulad ni Rosette. Matapos niyang magdebut ay nagipit sila at kinailangan na sila’y maghigpit. Kung magkakaroon ng ganitong mga okasyon, importante na isaalang-alang ang budget. Dapat alamin kung hanggang magkano lang ang pwedeng gastusin - ang mga limitasyon. Sa kaso ni Rosette, dapat sana ay may sinunod siyang budget na ibinigay sa kanya ng kanyang magulang at binawasan na niya ang kanyang mga gown at mga bisita. Maaari rin sana na hindi na lang niya ito idinaos sa hotel sapagkat di hamak na mas mahal dito kumpara sa ibang lugar. Nabawasan rin sana ang gastusin nila sa debut niya kung nagtanung-tanong muna tungkol rito at hindi siya nagpadala sa peer pressure at nagpadalos-dalos sa kaniyang mga desisyon hinggil sa kanyang debut; kung naging pratikal siya. Ngunit dahil nangyari na ang kaso na ito, si Rosette ay dapat na magsilbing aral sa mga nagnanais magdiwang ng kanilang debut. Hindi naman masamang magdiwang nito dahil tunay na isang beses lamang mangyayari sa buhay. Dapat lang na alamin ang mga limitasyon, at huwag sumobra sa kung ano lang ang dapat at kaya; maging praktikal.

Ang mga magsasagawa ng pag-aaral na kaugnay sa paksang ito ay nirerekomendahan namin na dagdagan ang bilang ng mga respondente sa sarbey at gayon din sa panayam. Ito ay upang maging mas tama at tiyak ang mga datos na makukuha at maging mas malawak ang sakop ng diskusiyon. Nirerekomenda ring damihan ang mga pinagkukunan ng impormasyon o references upang maraming mapagbasehan sa pag-aaral. Iminumungkahi rin na talakayin pa ang ibang aspeto na kaugnay sa debut na hindi natalakay sa pag-aaral na ito tulad ng pagkakaiba-iba ng paraan ng pagdiwang nito at ang socio-economic na aspeto ng debut. Panghuli ay nirerekomendang kung maaari ay habaan ang panahon ng pagsasaliksik upang maging accurate o wastong wasto ang pag-aaral.

6

Page 7: DEBUT = DEsisyong maBUTi?

IV. Bibliyograpiya Bautista, D. (2009). Breaking Down The Debutante Ball. Nakuha noong Pebrero 9, 2009 sa

http://www.hotoccasions.com/article.php?tagname=none&artId=151 Debut. (N.D.). Sa Debut Ideas. Nakuha noong Desyembre 10, 2008, sa http://debutideas.com/?

page_id=20 Downes, C. (2005, Agosto 28). Filipinas come of age. The Honolulu Advertiser. Nakuha sa

http://the.honoluluadvertiser.com/article/2005/aug/28/il/FP508280319.html Dumlao, T. (2008, Septyembre 21). A Growing Business. Philippine Daily Inquirer. Nakuha sa

http://showbizandstyle.inquirer.net/sim.sim/view/20080921-161978/A-Growing-Business. Hibionda, F. (2000). Living the dream, keeping the tradition. Nakuha noong Pebrero 9, 2009 sa

http://www.thenewstoday.info/20051114/living.the.dream.keeping.the.tradition.html Kim, R. (2001, Pebrero 25). Princess for a Night. Chronicle. Nakuha sa

http://www.geocities.com/filipinoculture/comingofage.html Lagarde, S. (2003). Party to No Money. CandyMag. pp 116-117. Lao, L. (2008, Septyembre 21). The Debutante is a Muslim Princess. Philippine Daily Inquirer.

Nakuha sa http://showbizandstyle.inquirer.net/sim.sim/view/20080921-161971/ The-Debutante-is-a-Muslim-Princess.

Party. (2006, Marso). Total Girl, 62. Philippine Debut. (2008). Sa Wikipedia. Nakuha noong Desyembre 10, 2008, sa

http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Debut Reyes, P. (2005, Enero). Oh So Sophisticated. Meg magazine. 54-61. Rhea, C. (2007, Hulyo 5). To Debut or not to Debut. Filipina Moms. Nakuha sa

http://www.filipinamoms.com/2007/07/to-debut-or-not-to-debut.html Smith, J. (2008, Agosto 10). When a Happy 18th would suffice, why do parents say. Sa Free

Articles Zone. Nakuha sa http://www.free-articles-zone.com/article/184740/when%20a%20happy%2018th%20would%20suffice,%20why%20do%20parents%20say.

Tan, M. (2008, Septyembre 21). Dissecting the Debut. Philippine Daily Inquirer. Nakuha sa http://showbizandstyle.inquirer.net/sim.sim/view/20080921-161980/Dissecting-the-Debut

The Debut Tradition. (N.D.). Sa Pacific Sounds. Nakuha noong Desyembre 10, 2008, sa http://www.pacificsoundsdj.com/tradition/

7