8

Click here to load reader

El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

ALAALA

Sa Mga Paring G. MARIANO GOMEZ (85 taon)JOSE BURGOZ (30 taon)

at JACINTO ZAMORA (35 taon)

na binitay sa Bagumbayan ng ika-28 ngFebrero ng taong 1872

Ang Relihiyon, sa pagtanggi na paknitan kayo ng dangal, ay nagbigay alinlangan sa krimen na ibinibintang sa inyo1; Ang gobierno, sa pagbabalot ng

MGA PALIWANAG May ilang dapat na pagtutuwid sa mga datos pangkasaysayan na binanggit si Rizal sa bahaging ito.

Ang pagbitay sa GOMBURZA ay nangyari noong umaga ng Pebrero 17, 1872. Sa panahon ng pagbitay sa kanila si Padre Gomez ay 73 taon; Padre Burgos ay 35 taon, at si Padre Zamora ay 37 taon.

Ang mapapansin rito ay ang paniniwala ni Rizal na si Padre Burgos ay namatay sa napakabatang edad na 30 taon. Ang edad ni Burgos ay waring inaakala rin ni Rizal magiging edad ng kaniyang kamatayan. Maging si Rizal sa kaniyang pagtatapat kay Marcelo H. Del Pilar ay nasabi niya na ang kaniyang inaasahang edad lamang ay 30 taon.

Noong ng umuwi si Rizal sa Pilipinas mula sa Hongkong noong 1892, si Rizal ay 30 at nag-iwan na ng mga sulat habilin sa kaniyang kaibigang si Dr. Marguez para sa kaniyang mga pamilya at sa bansang Pilipinas na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay.

Hindi namatay si Rizal sa edad na 30, subalit tugma pa rin ang kaniyang hinala na mamamatay siya na ka-edad ni Burgos, sapagkat si Rizal ay binitay sa kaparehong edad ni Burgos na 35 taon, sa iisang lugar (Luneta), at inilibing halos sa iisang libingan.

1 DEGRADASYON 0 PAGPAKNIT SA KASUOTANG PAGKAPARI NG TATLO. Pagkatapos na pagkatapos ngang mailagda ang naging hatol ng Sangguniang Digma ay ipi. natalastas kaagad ng Gobernador Heneral, sa Arsobispado ang nasabing kahatulan upan-ding karakang magawa ang "degradacion eclesiastica" o ang pagpapaknit o paghuhubad ng abito sa tatlong paring bibitayin. Ang Arsobispo noon na si P. Meliton Martinez ay nagutos kapagdaka na niyon din ay gawin ang paglilitis sa kasalanang ibinuhat Dagliang binuo nga nang ika 27,(sic) at nang nasa sa kapilya ang mga bilanggo, ay ilinagda ng Arsobispo ang kanyang kahatulan na anito ay hindi maaaring gawin ang "degradasyon eklesyastika" pagka't isa man anya sa mga paratang ay walang napatunayan upang gayon nga ang gawin.

Page 2: El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

misteryo at anino sa inyong usapin, upang paniwalaan na ito ay nagkaroon ng mga pagkakamali, na nagawa sa mga nakamamatay na sandali, at ang buong Pilipinas, sa pagpipitagan sa inyog alaala at pagtawag na kayong mga martir, ay hindi kinikilala sa anumang paraan ang inyong pagkakasala.2

Samantalang hindi naipapakitang maliwanag ang inyong partisipasyon sa pagkakagulong Kabitenyo, naging patriota man kayo o hindi, nagkaroon man kayo o ng hilig sa pagtatanggol sa katarungan, nagkaroon ng hilig sa kalayaan,3 ay may karapatan akong ihandog sa inyo ang aking gawa bilang mga biktima ng kasamaang aking kinakalaban,4 At samantalang hinihintay namin na kilalanin ng Espanya balang araw ang inyong kabutihan at hindi kapanagot sa inyong kamatayan, ang mga pahina nito ay magsilbing nabalam na korona5 sa inyong mga hindi kilalang

Venago, Martin F. 1929. Ang mga paring Pilipino sa kasaysayan ng Inang bayan (Maynila).

2 Sa kabila ng pagkakabitay ng GOMBURZA ay hindi pinaniwalaan ng nakakaraming mga Pilipino ang bintang sa tatlo. Ang katotohanan, ang kanilang kamatayan ay panimula ng panibagong kilusan mula sa Kilusang Reporma ng 1860s tungo sa Kilusang Propaganda ng 1880s.

3 May pagtatanong si Rizal sa tunay na papel ng GOMBURZA sa pagsulong ng kalayaan ng Pilipinas. Kung ang kanilang pagkilos noong mga huling bahagai ng 1860”s sa ilalim ng Kilusang Repormadores ay para lamang sa pagsusulong ng karapatan ng mga kapariang secular o may dimensiyon na pangbayan.

4 Sa kabila ng mga naunang pag-aalinlangan na naipahayag, ang paghahandog ni Rizal sa El Filibusterismo ay dahilan sa ang mga ito ay biktima ng kasamaan na kaniyang nilalabanan. Iisa ang pinagbibintingan sa kamatayan ng GOMBURZA at ito ay ang mga prayle.

5 Tardia corona/late wreath – nabalam na korona paara sa GOMBURZA ang akdang El Fibusterismo. Ang katotohanan, taong 1891, nang ang akda ay malimbag at halos tila ihabol ni Rizal sa

Page 3: El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

ibingan,6 at sila na walang malinaw na ebidensiya na uupasala sa inyong alaala, ang inyong dugo sana ay magmantsa sa kanilang mga kamay.

PAUNANG SALITA

SA SAMBAYANANG PILIPINO AT SA KANILANG PAMAHALAAN

Malimit na tayo ay tinatakot sa multo ng pilibusterismo na mula sa pagkukuwento lamang ng ating mga tagapag-alaga ay nagiging positibo at makatotohanan, na sa katawagan lamang (sa pag-aalis sa atin ng katahimikan) ay nakakagawa na sa atin ng malaking pagkakamali.7 Sa pagsasantabi sa mga

ika-20 taon ng pagkamartir ng tatlong dakilang paring Pilipino. Bakit 1891 at hindi 1892, ipinalimbag ang El Filibusterismo.

Tandaan sana na inaakala ni Rizal na siya ay mamatay sa edad na 30 na katulad ni Burgos na maaring maganap sa taong 1892.

6 Isang pagbibiro na tadhana na sa bahaging ito ay binanggit ni hindi kilalang libingan. Ito ay sapagkat si Rizal at ang GOMBURZA ay ililibing sa halos iisang bisinidad sa Sementeryo ng Paco. Ang larawan ay kinuha ng nasasaliksik sa url na:http://www.flickr.com/photos/20119750@N00/2333611669Maraming salamat po.

Ang bahaging ito ay kasama sa manuskrito ng El Filibusterismo, subalit hindi nakasama sa paglalathala. Sinasapantaha na ang dahilan sa hindi pagsasama nito ay upang makabawas sa gastusin sa pagpapalimbag.

Dahilan sa hindi ito naisama sa nalimbag na bahagi, ito ay naging isang pribadong kaisipan na kababakasan natin ng balangkas ng kaisipan ni Rizal sa panahon na kaniyang sinusulat ang El Filibusterismo. 7

Ang pagkakamali na nangangahulugan ng mga gawang kuwento ukol sa takot ng salitang pilibusterismo ay natalakay ni Rizal sa Kabanata 35 ng Noli Me Tangere.

“Ako! Tinawag na plibustiero na kagaya ni Ginoong Crisostomo ng mga paring puti. Wala ng paaralan.”Ang lahat ay nagtanungan sa tingin. Ang salitang iyon ay bago para sa kanila. “At masama ba ang pangalang iyan?” ang sa huli ay mapangahas na tanong ng isang hangal na taga-bukid. “Ang pinakamasamang masasabi ng isang Kristiyano sa kapwa!” “ Masama pa kaysa tarantado at saragate?”

Page 4: El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

lumang paraan ng paggalang sa mga matatandang alamat, upang hindi makaharap ang kinatakutang relidad,8 imbis na takasan ay kailangan na harapin natin ang multo (pilibusterismo) na may determinasyon kung hindi man may kasanayan,9 itataas ng ating mga kamay ang velo upang malantad sa madla, ang mekanismo ng kaniyang mga kalansay.10

Sakaling makita ito at pag-iisipan ng ating bansa at pamahalaan,11 maari nating maituring ang ating mga sarili na maligaya, pigilan man nila ang ating kapangahasan, pagbayaran man natin ito na katulad ng estudyante ng Sais na nagnanais na malaman ang lihim

“Kung iyan na nga ba lamang! Makailan na akong tinawag nang ganyan ay hindi man lamang sumakit ang aking tiyan.”.

8 Ang mga Pilipino ay umiiwas sa mga nakakatakot na realidad sa pamamagitan ng pagyakap sa mga mitolohiya na pinaniniwalaan niyang makapag-sasanggalang sa kaniya. 9

Determinasyon kung hindi man kasanayan – isang pagtuturo ni Rizal sa maaring paraan ng pakikibaka ng sambayanan sa multo ng pilibustersmo na tumatakot sa kanilang kapanahunan.10

Muli na namang ginamit ni Rizal ang salitang velo na katulad sa kaniyang ginawang dedikasyon sa Noli Me Tangere. Sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal na ang kinatatakutan ng mga Pilipinong “multo” ay isa lamang kalansay. Mekanismo ng kalansay – sa nobelang Noli Me Tangere ay ipinakita niya ang lipunang Pilipino sa perspektibo na ang gamit ay ang mga karaniwang tao sa isang liblib na bayan. Sa nobelang El Filibusterismo ay ipapakita naman niya lipunang Pilipino mula sa perspektibo na ang kaniyang pagagalawin ay ang mga naghaharing uri sa lipunan na nasa sentro ng pamahalaan (Kamaynilaan). 11

Ang katuturan ng El Filibusterismo mula sa pahayag na ito ni Rizal ay upang pag-isipan ng Pilipinas at ng kaniyang pamahalaan

Page 5: El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

mga ng makapariang panlinlang.12 (Sa kabilang dako, sa harap ng katotohanan, imbes na maging mahinahon ay maragdagan pa ang takot at pangamba ng isa ay lalo pang umigting, sa ganoon ay hayaan silang maiwan sa mga kamay ng panahon na nagtuturo na mabuhay, sa kamay ng kamatayan na humahabi ng tadhana ng sambayanan at ng ng kanilang mga pamahalaan, sa pamamagitan ng mga kasalanan at pagkakamali na nagagawa nila araw-araw.)

12

Upang maunawaan ang ibig sabihin ni Rizal ay basahin natin ang isang pag-aaral ukol sa Estudyante ng Sais.

Schiller, in his poem The Vield Image of Sais (1795), tell of a young man who comes to Sais in Egypt, the old seat of priestly learning, in search of wisdom. Dissatisfied with truth which never provide more than fragmentary knowledge, he demands to understand the meaning of the whole and to know the truth. Before the image of Isis he told that behind her veil the truth lies hidden; yet he is warned no to lift it. The meaning of this warning is not clear to him. He who lifts the "holy and forebidden" veil, it is said will see the truth; no other punishment is indicated. But is the vision of the truth to be feared? It is not this he wants? the warning is rejected. The next day he os found uncocious at the base of the veiled image. He never tells what he has seen but warns other not to let the search for truth lead them into guilt. Unable to forget the dreadful experience, he soon dies.

Harries, Karsten. The meaning of modern art; a philosophical interpretation. (Northwestern University Press, 1968) p. 49

Muli na namang sinipi ni Rizal si Schiller sa kaniyang ikalawang nobela. Sa Noli ay ginamit ni Rizal si Schiller upang itanong kung hindi kayang makapagtanghal sa ating tanghalan (kasaysayan) ang isang Caesar at ang mga makapagtatanghal bang mga bayani rito ay mga talunan.

Sa pagkakataong ito sa Fili na hindi dapat na isipin na nagkakasala ang sinuman sa paghahanap ng katotohanan. Isang hindi sinasadyang sagot ni Rizal sa pinalabas na Statement of the Catholic Heirarchy of the Philippines ukol sa kanilang pagtutol na basahin ng mga Pilipinong Katoliko ng buo ang Noli at Fili.

Ang maagang kamatayan ng estudyante ng Sais pagkatapos na malaman ang katotohanan ay maaring nasa loob na ni Rizal sa kalapitan ng kaniyang kamatayan na inaakala niyang magaganap sa edad na 30 o sa taong 1892.

Ang bahaging ito ay nakapaloob sa panaklong at tinarahan ni Rizal na katulad ng ginawa ng nagsasaliksik, subalit mababasa ang teksto ng orihinal na manuskrito. Ang kabuuan ng mga sinabing ito ni Rizal ay kaniyang pananaw sa takbo ng kasayayan. Maging ang simbahan ay natuto sa bahaging ito, mula sa kaniyang pagiging

Page 6: El Filibusterismo: Deciphered-Paghahandog

BABALA

Sasayangin lamang nila ang kanilang mga oras sa pagtuligsa sa aklat na ito sa pamamagitan ng panghahawak sa mga bagay na walang halaga,13 o silang may ibang kadahilanan, ay magtangkang tuklasin dito ang mga higit-kumulang ay kilala ng mga tauhan.14 Totoo sa kaniyang layunin na ilantad ang karamdaman, ang may-akda ay hindi na nagsaalang-alang ng mga nakalipas na hinaing ng maysakit, upang huwag iligaw ang kaniyang sarili at mga mambabasa, at isalaysay lamang ang mga tunay na pangyayari, na naganap lamang kamakailan at mapapatotohanan, ngunit binago ang ibang katauhan upang huwag lumabas ang mukha sa mga mambabasa sa unang aklat. Ang tao ay lumisan, ang kaniyang bisyo ay nananatili, at upang maipakita o maipamalas ang dulot niyon naghangad ang panitik ng manunulat.

reaksiyonaryo sa nakalipas na panahon na ngayon ay nag-aanyo ng progresibo.

Ang bahaging ito ay kabilang din sa orihinal na manuskrito na hindi nakasama sa pagpapalimbag.13

Panghahawak sa mga bagay na walang halaga – Ang higit na pinatatamaan dito ni Rizal ay ang mga alagad ng simbahan.

Naisulat ni Rizal ang bahaging ito mula sa kaniyang unang karanasan sa pagkakalimbag ng Noli Me Tangere kung saan ang mga prayle ay ginamit ang mga aral pang-relihiyon upang huwag itong mabasa ng mga Pilipino, sapagkat ang relihiyon at ang katotohanan ay hindi magkatunggali.

14 Ang bahaging ito naman ay para sa pamahalaan at mga tauhan ng ahensiyang pang-espiya.