3
Nagkakaproblema sa pagbabayad ng mga bayarin mo sa kuryente Nangangahulugan ang mga panuntunang ibinigay ng Pamahalaan ng Victoria na dapat tulungan ng mga nagtitinda ng kuryente ang mga sambahayan sa kanilang mga bayarin sa kuryente at gas. Ang karapatan ninyong humingi ng tulong Kung nahihirapan kayong magbayad ng inyong bayarin sa kuryente, may mga panuntunang nangangahulugan na dapat ipaalam sa inyo ng inyong kompanya ng kuryente kung anong tulong ang magagamit. Dapat tawagan ninyo muna ang inyong kompanya ng kuryente at humiling na makausap ang kanilang Grupo sa Kahirapan (Hardship Team). Matatalakay ng grupong ito ang inyong mga pagpipiliang tulong, tulad ng mas madalas na pagbabayad ng mas maliliit na halaga o pag- aantala ng pagbayad ng isang bayarin. Hindi maaaring maputulan ng serbisyo o habulin dahil sa utang ang sinumang may plano sa kahirapan kaya mahalagang lumapit kayo sa inyong kompanya kung nahihirapan kayong bayaran ang inyong mga bayarin. Upang malaman pa ang tungkol sa inyong karapatan sa tulong sa ilalim ng nangunguna sa bansang Balangkas sa Kahirapan sa Pagbabayad (Payment Difficulty Framework) ng Victoria, bisitahin ang Essential Services Commission Kontrolin ang inyong mga bayarin sa kuryente Naglagay ang Pamahalaan ng Victoria ng mga hakbang upang masiguro na laging nakatatanggap ng isang patas na bahagi ang mga taga-Victoria pagdating sa kuryente. Alam naming maaaring maging nakababahala at nakalilito ang mga bayarin sa kuryente. Kaya ginawa namin ang simpleng gabay na ito upang tulungan kayong magtipid ng kuryente at bawasan ang inyong mga gastos. May 4 na simpleng hakbang upang masimulan ang planong mas murang kuryente: 1.suriin ang inyong mga konsesyon sa kuryente 2.siguraduhin ninyong pinakamagandang alok ng inyong kompanya ang mayroon kayo o ang Victorian Default Offer 3.gumamit ng mga simpleng tip sa pagtitipid ng kuryente upang manatiling mainit at malamig 4.humingi ng tulong sa inyong kompanya kung nahihirapan kayong magbayad ng inyong mga bayarin Alamin pa sa ibaba o bisitahin ang Energy Info Hub

Nagkakaproblema sa pagbabayad ng mga bayarin mo sa …...1.suriin ang inyong mga konsesyon sa kuryente 2. siguraduhin ninyong pinakamagandang alok ng inyong kompanya ang mayroon kayo

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Nagkakaproblema sa pagbabayad ng mga bayarin mo sa kuryente

    Nangangahulugan ang mga panuntunang ibinigay ng Pamahalaan ng Victoria na dapat tulungan ng mga nagtitinda ng kuryente ang mga sambahayan sa kanilang mga bayarin sa kuryente at gas.

    Ang karapatan ninyong humingi ng tulong

    Kung nahihirapan kayong magbayad ng inyong bayarin sa kuryente, may mga panuntunang nangangahulugan na dapat ipaalam sa inyo ng inyong kompanya ng kuryente kung anong tulong ang magagamit.

    Dapat tawagan ninyo muna ang inyong kompanya ng kuryente at humiling na makausap ang kanilang Grupo sa Kahirapan (Hardship Team). Matatalakay ng grupong ito ang inyong mga pagpipiliang tulong, tulad ng mas madalas na pagbabayad ng mas maliliit na halaga o pag-aantala ng pagbayad ng isang bayarin. Hindi maaaring maputulan ng serbisyo o habulin dahil sa utang ang sinumang may plano sa kahirapan – kaya mahalagang lumapit kayo sa inyong kompanya kung nahihirapan kayong bayaran ang inyong mga bayarin.

    Upang malaman pa ang tungkol sa inyong karapatan sa tulong sa ilalim ng nangunguna sa bansang Balangkas sa Kahirapan sa Pagbabayad (Payment Difficulty Framework) ng Victoria, bisitahin ang Essential Services Commission

    Kontrolin ang inyong mga bayarin sa kuryente

    Naglagay ang Pamahalaan ng Victoria ng mga hakbang upang masiguro na laging nakatatanggap ng isang patas na bahagi ang mga taga-Victoria pagdating sa kuryente.

    Alam naming maaaring maging nakababahala at nakalilito ang mga bayarin sa kuryente. Kaya ginawa namin ang simpleng gabay na ito upang tulungan kayong magtipid ng kuryente at bawasan ang inyong mga gastos.

    May 4 na simpleng hakbang upang masimulan ang planong mas murang kuryente:

    1. suriin ang inyong mga konsesyon sa kuryente

    2. siguraduhin ninyong pinakamagandang alok ng inyong kompanya ang mayroon kayo oang Victorian Default Offer

    3. gumamit ng mga simpleng tip sa pagtitipid ng kuryente upang manatiling mainit atmalamig

    4. humingi ng tulong sa inyong kompanya kung nahihirapan kayong magbayad ng inyongmga bayarin

    Alamin pa sa ibaba o bisitahin ang Energy Info Hub

    https://www.esc.vic.gov.au/electricity-and-gas/information-consumers/having-trouble-paying-your-energy-bills-you-have-rightshttps://www.energy.vic.gov.au/victoriandefaultofferhttps://energyinfohub.org.au/

  • Nagkakaproblema sa pagbabayad ng mga bayarin mo sa kuryente

    2

    Pag-aalaga sa aming mga may-ari ng card

    Kung kayo ay may-ari ng card ng konsesyon, maraming konsesyon na maaari kayong mag-apply kabilang ang taunang konsesyon sa kuryente at ang konsesyon sa gas sa taglamig na nagbibigay ng 17.5% bawas sa mga bayarin sa kuryente ang bawat isa. May tulong din para sa mga taong may problemang medikal tulad ng suporta sa buhay (life support) at mga nangangailangan ng medikal na pagpapalamig. Mayroon ding konsesyon sa sobrang gas, na maaari ninyong kuhanin kung mas mataas ang inyong bayarin sa taglamig kaysa sa inaasahan at dumarami.

    Alamin ang tungkol sa mga konsesyon sa enerhiyang magagamit ng mga may-ari ng card o tumawag sa Linya ng Impormasyon sa mga Konsesyon (Concessions Information Line) sa 1800 658 521.

    Tulong sa mga bayarin sa kuryente na lampas sa taning

    Kung naninirahan kayo sa isang sambahayang may mababang kita o nakararanas ng paghihirap, maaari kayong maging karapat-dapat na mag-apply sa isang kaloob sa ilalim ng Paraan ng Pagkaloob ng Tulong sa Pangkalahatang Serbisyo (Utility Relief Grant Scheme) ng Victoria. Aabot sa $650 ang mga kaloob na makukuha sa bawat pangkalahatang serbisyo sa kuryente, gas o tubig sa isang dalawang-taong panahon, o $1,300 sa loob ng dalawang taon kung gumagamit lamang kayo ng isang pinagkukunan ng enerhiya, tulad ng kuryente. Naaangkop ito sa mga may-ari ng card pati na rin sa mga nangungupahan at may-ari ng bahay na mababa ang kita.

    Alamin ang tungkol sa mga kaloob na tumutulong sa mga sambahayan na mabayaran ang kanilang mga bayarin sa enerhiya na lampas sa taning

    Mamili – at kumita ng $50

    Upang makasigurong pinakamurang kuryente ang iniaalok sa inyo, bisitahin ang website ng Victorian Energy Compare website. At hanggang 30 Hunyo 2020, kapag nakumpleto ninyo ang maikling prosesong ito, karapat-dapat ang lahat ng sambahayan sa isang diskuwentong $50 na Power Saving Bonus na bayad.

    Ang karapatan ninyo sa magandang serbisyo

    Kung nagreklamo kayo sa inyong tagapaghatid ng enerhiya tungkol sa serbisyong ibinibigay nila sa inyo at wala pa ring nalutas, maaari kayong maghain ng reklamo sa Energy and Water Ombudsman (Victoria) (EWOV) – at mag-iimbestiga sila. Tumawag sa EWOV sa 1800 500 509 o bisitahin ang EWOV

    Mga simpleng tip upang mabawasan nang malaki ang mga bayarin sa kuryente

    Tingnan kung gaano kalaki ang maaari ninyong mabawas sa inyong mga bayarin sa kuryente sa mga simpleng tip na ito. Alam ba ninyong maaari kayong makatipid ng $115 kada taon sa pamamagitan ng paglalaba ng mga damit sa malamig na tubig, o bawasan ang inyong mga gastos sa ilaw ng 80% sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga LED na bumbilya? Matutulungan kayong makatipid sa kuryente ng aming mga pinakamahuhusay na tip, at hindi kayo gagastos ng isang sentimo sa karamihang tip.

    http://services.dhhs.vic.gov.au/energyhttp://services.dhhs.vic.gov.au/energytel:1800658521https://services.dhhs.vic.gov.au/utility-relief-grant-schemehttps://services.dhhs.vic.gov.au/utility-relief-grant-schemehttps://compare.energy.vic.gov.au/https://compare.energy.vic.gov.au/https://compare.energy.vic.gov.au/http://www.ewov.com.au/http://www.ewov.com.au/tel:1800500509tel:1800500509http://www.ewov.com.au/https://www.victorianenergysaver.vic.gov.au/save-energy-and-money/top-10-ways-to-save-on-energy-billshttps://compare.energy.vic.gov.au/

  • Nagkakaproblema sa pagbabayad ng mga bayarin mo sa kuryente

    3

    Kung kailangan ninyo ng tulong, pakitawagan ang Translating and Interpreting Services (TIS) para sa tulong sa pagsalin at pag-interpret. Tumawag sa TIS National sa 131 450 (sa loob ng Australia) o bisitahin ang www.tisnational.gov.au

    http://www.tisnational.gov.au/

    Nagkakaproblema sa pagbabayad ng mga bayarin mo sa kuryenteAng karapatan ninyong humingi ng tulongKontrolin ang inyong mga bayarin sa kuryentePag-aalaga sa aming mga may-ari ng cardTulong sa mga bayarin sa kuryente na lampas sa taning

    Mamili – at kumita ng $50Ang karapatan ninyo sa magandang serbisyoMga simpleng tip upang mabawasan nang malaki ang mga bayarin sa kuryente