8
SETYEMBRE 2015 UNANG EDISYON Protesta kontra-APEC sa Cebu, tinapatan ng panunupil ‘Post-it’ protest, ikinasa kontra pagsasapribado, pagkabulok ng MRT-LRT #StopLumadKillings: Kampanya kontra sa pagpaslang ng mga lumad sa Mindanao, lumalawak Kronolohiya: tumitinding atake laban sa mga lumad ng Mindanao Tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon, pinaslang Gobyernong Aquino sinasabotahe ang usapang pangkapayapaan sa NDFP Red-tagging sa mga miyembro ng Anakbayan SLU sa Baguio City, kinundena Bureau of Customs inulan ng batikos mula sa mga OFW Gobyerno, magtataas-pasahe sa PNR-NSPR Walkout laban sa mataas na bayarin, K-12, at budget cuts sa SUCs 3 3 4 5 6 6 6 7 7 8 >>>Ituloy sa p2 Salubungin ng mga protesta ang APEC 2015! Nagsimula na ang serye ng mga pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa iba’t ibang siyudad sa bansa. Mula nitong Disyembre ay inilulunsad na ang mga senior officials at ministerial meetings at magtatapos ito sa taunang Economic Leaders Meeting (ELM) sa Nobyembre sa Maynila. at deregulasyon, at instrumento ito sa pagtutulak ng interes ng mga malalaking bansa lalo na ng US at Japan. Ipinatawag ng US ang unang economic leaders meeting ng APEC noong 1993 para tulungang makabwelo ang Uruguay Round ng World Trade Organization (WTO) sa kabila ng mga pagtutol ng mga maliliit na bansa. Sinundan ito ng deklarasyon ng Bogor Goals noong 1994 na hayagang nagtutulak ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon hanggang 2020. Mula noon, ginamit na ng malalaking bansa, pangunahin ng US, ang APEC para higit na ilubog sa kumunoy ng neoliberal na mga patakaran ang mga maliliit na bayan at panatilihin ang kanilang paghahari sa rehiyon. Bagamat “boluntaryo” at “konsensus” ang mga kasunduan, nagiging instrumento ito para sa pagtutulak ng iba pang mga bilateral at multilateral na mga kasunduan kaagapay ang iba pang mga pormal na pormasyon gaya ng WTO. Buong pagmamalaki, halimbawa, na ihinahayag ng APEC bilang “achievements” nito ang pagpapababa ng “trade barriers” mula 16.9% noong 1989 tungong 5.8% noong 2010. Gayundin ang pagkakaroon ng nasa 140 “free trade agreements” sa rehiyon. Matapos ang mahigit apat na dekada ng “globalisasyon,” lalagpas sa 200 milyon ang walang trabaho, 2.7 bilyon ang naghihirap at Ang APEC ay organisasyon ng 21 bansa sa Asya-Pasipiko kasama ang US, Japan, China, Canada, Russia at Australia. Malaking bahagi ng pandaigdigang ekonomiya ang pinagsanib na mga bansang ito kung saan matatagpuan ang 40% ng populasyon ng daigdig, 50% ng pandaigdigang kalakalan at 60% ng gross domestic product ng daigdig. Itinatag noong 1989 para umano sa “kooperasyon” ng mga bayan para sa “paglago ng ekonomiya” sa rehiyon, ngunit sa totoo’y matinding pananalanta sa maliliit na bansa ang layunin nito sa pagtutulak ng mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon sa daigdig. Itinutulak nito ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pribatisasyon

Tinig Setyembre 2015 Unang Release

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Tinig ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan

Citation preview

Page 1: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

SETYEMBRE 2015UNANG EDISYON

Protesta kontra-APEC sa Cebu, tinapatan ng panunupil

‘Post-it’ protest, ikinasa kontra pagsasapribado, pagkabulok ng MRT-LRT

#StopLumadKillings: Kampanya kontra sa pagpaslang ng mga lumad sa Mindanao, lumalawak

Kronolohiya: tumitinding atake laban sa mga lumad ng Mindanao

Tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon, pinaslang

Gobyernong Aquino sinasabotahe ang usapang pangkapayapaan sa NDFP

Red-tagging sa mga miyembro ng Anakbayan SLU sa Baguio City, kinundena

Bureau of Customs inulan ng batikos mula sa mga OFW

Gobyerno, magtataas-pasahe sa PNR-NSPR

Walkout laban sa mataas na bayarin, K-12, at budget cuts sa SUCs

3

3

4

5

6

6

6

7

7

8

>>>Ituloy sa p2

Salubungin ng mga protesta ang APEC 2015!Nagsimula na ang serye ng mga pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa iba’t ibang siyudad sa bansa. Mula nitong Disyembre ay inilulunsad na ang mga senior officials at ministerial meetings at magtatapos ito sa taunang Economic Leaders Meeting (ELM) sa Nobyembre sa Maynila.

at deregulasyon, at instrumento ito sa pagtutulak ng interes ng mga malalaking bansa lalo na ng US at Japan.

Ipinatawag ng US ang unang economic leaders meeting ng APEC noong 1993 para tulungang makabwelo ang Uruguay Round ng World Trade Organization (WTO) sa kabila ng mga pagtutol ng mga maliliit na bansa. Sinundan ito ng deklarasyon ng Bogor Goals noong 1994 na hayagang nagtutulak ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon hanggang 2020.

Mula noon, ginamit na ng malalaking bansa, pangunahin ng US, ang APEC para higit na ilubog sa kumunoy ng neoliberal

na mga patakaran ang mga maliliit na bayan at panatilihin ang kanilang paghahari sa rehiyon. Bagamat “boluntaryo” at “konsensus” ang mga kasunduan, nagiging instrumento ito para sa pagtutulak ng iba pang mga bilateral at multilateral na mga kasunduan kaagapay ang iba pang mga pormal na pormasyon gaya ng WTO.

Buong pagmamalaki, halimbawa, na ihinahayag ng APEC bilang “achievements” nito ang pagpapababa ng “trade barriers” mula 16.9% noong 1989 tungong 5.8% noong 2010. Gayundin ang pagkakaroon ng nasa 140 “free trade agreements” sa rehiyon.

Matapos ang mahigit apat na dekada ng “globalisasyon,” lalagpas sa 200 milyon ang walang trabaho, 2.7 bilyon ang naghihirap at

Ang APEC ay organisasyon ng 21 bansa sa Asya-Pasipiko kasama ang US, Japan, China, Canada, Russia at Australia. Malaking bahagi ng pandaigdigang ekonomiya ang pinagsanib na mga bansang ito kung saan matatagpuan ang 40% ng populasyon ng daigdig, 50% ng pandaigdigang kalakalan at 60% ng gross domestic product ng daigdig.

Itinatag noong 1989 para umano sa “kooperasyon” ng mga bayan para sa “paglago ng ekonomiya” sa rehiyon, ngunit sa totoo’y matinding pananalanta sa maliliit na bansa ang layunin nito sa pagtutulak ng mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon sa daigdig. Itinutulak nito ang liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pribatisasyon

Page 2: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

2 SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

808 milyon ang nagugutom. Samantala, hawak ng 1% ng populasyon ng daigdig ang lagpas sa kalahati ng yaman sa buong mundo. Katumbas lamang ng yaman ng 80 pinakamayayaman sa daigdig ang kabuuang yaman ng nakabababang kalahati ng populasyon.

Ang tema ng APEC para sa 2015 na “Building Inclusive Economies, Building a Better World” ay insulto sa mga bayang dumanas ng higit na kahirapan sa mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon. Ang mga mabubulaklak na slogan din gaya ng “human capital development”, “small and medium enterprises,” “resilient communities,” ay sa totoo, mga adyendang magpapatindi pa ng pagkubabaw ng interes ng monopolyo kapitalismo sa lakas-paggawa, ekonomiya at kahit mga maging maliliit na mga negosyo.

Ang mayor na adyendang Regional Economic Integration (REI) ay para sa higit na pagtalima ng mga bansa sa rehiyon sa balangkas ng neoliberal na globalisasyon. Bahagi ng REI ang pagbabalangkas ng mas marami pang mga kasunduan sa rehiyon at isa sa mga ibinabalangkas nito ang tanaw na buuin ang Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP), kung saan itutulak ang mas mababangis na mga kasunduan para sa “integrasyon” sang-ayon sa mga layunin ng mga bigong round ng WTO at para sa interes ng imperyalistang mga kapangyarihan sa rehiyon.

Sa balangkas din na ito itinutulak ng US ang mga negosasyon para sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA) — isang mabangis at mapaminsalang kasunduang walang kasingtindi sa pagbubukas ng mga ekonomiya ng maliliit na bayan sa pananalasa ng imperyalismo kasabay ng pivot nito sa Asya. Bahagi ng rekisito ng TPPA ang pagbabago ng mismong mga batas at konstitusyon ng bansa para umayon sa interes ng imperyalistang bayan at pagbibigay ng kapangyarihan na mas mataas pa kaysa anumang regulasyon o batas.

Samantala, ang Tsina naman ay nagtutulak din ng bersyon nito na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na nais nitong maging balangkas ng FTAAP. Sa ganito, nagiging larangan ang APEC ng pagkukuntsabahan at paligsahan ng kapwa mga imperyalistang bayan, na kapwa bagbag ng matinding krisis, para sa higit na pagsasamantala at kontrol sa mga pamilihan at mga bansa sa rehiyon.

Anu’t ano pa man, ang mga usapan at kasunduang ibinabalangkas sa loob at labas ng APEC ay naglalayong lumikha ng mas “bukas” na kalakalan at pamumuhunan, sisira sa nalalabing mga proteksyon sa mga bansa, at magbubukas sa mamamayan, kapital at yaman ng mga di-maunlad na bayan sa pagsasamantala ng US at malalaking kapitalistang kapangyarihan.

Samakatuwid, higit pang pasasahulin ng APEC ang kalagayan ng naghihirap na mga bayan at patitindihin ang pananalasa ng malalaking mga imperyalistang kapangyarihan sa mamamayan ng Asya-Pasipiko at daigidig.

Halos dalawang dekada mula nang huling idaos ang APEC summit sa Pilipinas, lalong lumalim ang krisis ng malapyudal at malakolonyal na lipunan. Inilarga ang todong liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon at ibinuyangyang ang pambansang patrimonya sa mga malalaking dayuhang kumpanya tulad ng pagmimina.

Nanatili ang kawalan ng reporma sa lupa, kawalan ng pambansang industriyalisasyon habang patuloy na bumabagsak ang anumang natitirang industriya at manupaktura. Para lalong pigain ang mga manggagawa, itinulak ang ang kontraktwalisasyon sa paggawa, pinapako ang sahod sa mababang halaga, habang itinataas naman ang presyo ng bilihin at serbisyo.

Dapat ilunsad ng mamamayan ang malalakas na protesta para ilantad at

labanan ang APEC at ang kinakatawang mga neoliberal na atake nito sa mamamayan. Inaasahang sasalubungin ng malalaking protesta ang mga pagpupulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa na rururok sa mayor na pulong sa Nobyembre 18-19.

Dapat ilantad ang salot sa bayan na APEC at pananalasa ng imperyalistang globalisasyon. Ilunsad ang maramihang mga talakayan, pag-aaral at aktibidad sa mga kampus, mga komunidad, pagawaan at lansangan para ipabatid sa mamamayan ang imperyalistang pagsasamantala at mga patakaran. Dapat ipabatid sa taumbayan kung paanong ang kanilang mga lokal at sektoral na mga suliranin at laban ay epekto ng mga pagtutulak ng mga makadayuhan at kontra-mamamayang patakaran.

Bahagi ng adyenda ng APEC ang mga neoliberal na “reporma” sa edukasyong Pilipino gaya ng K-12 na naglalayong higit na ituon ng edukasyong Pilipino sa pangangailangan ng malalaking imperyalistang kapangyarihan.

Dapat ilantad ang rehimeng US-Aquino bilang punong papet ng imperyalismo, tagapagtaguyod ng mga patakarang pahirap at kontra-mamamayan. Sa pagtatapos ng termino ni Aquino, tiyak na mas marami pang mga makadayuhang mga patakaran at kasunduang nakatakda itong pasukin gaya ng pagpapatindi ng pribatisasyon, charter change bilang rekisito sa TPPA, pagpapapasok ng baseng militar ng dayuhan, at iba pa.

Dapat ilahad sa mamamayan at sa daigdig ang pambansa-demokratikong programa at alternatiba laban sa bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. Ipabatid natin sa buong daigdig ang pakikipagkaisa para palakasin ang kilusang anti-imperyalista at mga pakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya.

PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Elizabeth Gonzales,Issa Baguisi, Gem Aramil, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,

Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Karlo Mongaya,Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

Page 3: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

Dinahas din ang protesta noong Setyembre 5 nang hinarang ng riot police malapit sa Radisson Blu Hotel ang mga nagprotesta at tinangkang agawin ng isang pulis ang lapel microphone na bitbit ni Olayvar. Nahulog at nasira ang microphone.

Pinagtulakan din ng mga pulis ang halos 100 nagprotesta palayo sa pulong ng APEC. Ayon sa Anakbayan-Central Visayas, layon ng kanilang protesta na ilantad ang tunay na katangian ng APEC bilang instrumento ng imperyalismong US at malalaking bansa upang itulak ang mga neoliberal na patakaran na pabor sa kanilang interes.

Protesta kontra-APEC sa Cebu, tinapatan ng panunupil Mariing kinundena ng Anakbayan-Central Visayas ang panghaharas at intimidasyon ng mga ahente ng estado laban sa mga kabataang aktibista na lumahok sa mga kilos-protesta laban sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Cebu City.

Ayon sa tagapagsalita ng Rise for Education-Cebu na si Ken Ecarma, may naitalang 5 insidente ng harasment pagkatapos maglunsad ng piket ang mga kabataan sa labas ng APEC meeting sa Radisson Blu Hotel Cebu noong Setyembre 1.

Limang lalaking hinihinalang ahente ng militar ang pumunta sa bahay ni Ecarma at naniktik tungkol sa kanyang kinaroroonan. May mga lider-estudyante ring pinatawag ng administrasyon ng kanilang pamantasan upang himukin na huwag sumali sa mga protesta.

Dagdag pa ni Ecarma, may ilan ding aktibista na nilapitan ng mga di-kilalang tao sa kanilang paaralan at binantaan laban sa pagiging aktibo sa kanilang mga organisasyon.

Tinawag naman ni Anakbayan Vice President for Visayas Niño Olayvar na “overkill” ang ginawang dispersal ng kanilang piket sa harap ng Radisson Blu Hotel noong Setyembre 1. Pinalibutan ang mga aktibista ng 89 na pulis na may full anti-riot gear at ipinatigil ang kanilang protesta.

Nangangahulugan lamang ang APEC ng higit na pagpasok ng mga dayuhang korporasyong nais mandambong ng kayamanan ng bansa at lalong pagsasamantala at paghihirap ng manggagawa at mamamayang Pilipino, dagdag nila.

Kabilang ang APEC Senior Officials Meeting na ginanap sa Cebu City mula Agosto 22-Setyembre 6 sa serye ng mga pulong na inilunsad sa iba’t ibang siyudad ng bansa patungo sa Economic Leaders Meeting sa Manila ngayong Nobyembre.

Idinaan sa “post-its” ng mga kasapi ng Anakbayan, Train Riders Network (TREN), at National Union of Student of the Philippines (NUSP) ang mga hinaing ng mga pasahero laban sa patuloy na pagkabulok ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas.

Noong Agosto 20, nag-ikot ang mga kabataan sa North Avenue station ng Metro Rail Transit (MRT-3) para alamin ang sentimyento ng mga komyuter. Ipinasulat nila ang mga ito sa mga ‘post-it’ at idinikit sa pader sa MRT.

“Hindi pa rin maayos ang sistema. Napakabagal ng interbal ng trains

at napakahaba ng pila,” ang sabi sa isang ‘post-it.’ Dagdag naman ng isang komyuter, “Yung pila sa sa MRT parang traffic sa EDSA, mahaba, mabagal, walang katapusan, very inefficient.”

Nagkaroon ng maikling programa sa tapat ng istasyon upang ipaliwanag kung paanong “binubulok” ng sistemang public-private partnerships ang mga tren sa Kamaynilaan.

Ayon sa TREN, kaysa diretsong mapunta sa pagsasaayos at pagpapaigi ng mga serbisyo ay napupunta ang malaking buwis na ibinabayad ng mamamayan sa bulsa ng mga dambuhalang negosyante

gaya ng mga Sobrepenas, Ayala at Pangilinan.

Dagdag ng grupo, ibinabaon ng naturang iskema ang gobyerno sa utang dahil sa pagsalo sa mga inutang ng Metro Rail Transit Corporation (MRTC) at perang uutangin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC). Maliban pa raw ito sa 15% return of interest na inaasahan ng pribadong MRTC.

Bukod sa MRT-3, nakatakda na rin ang pagsasapribado ng LRT-1 at Philippine National Railways (PNR) na siyang magdudulot ng mga panibagong dagdag sa pasahe.

‘Post-it’ protest, ikinasa kontra pagsasapribado, pagkabulok ng MRT-LRT

Page 4: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

4 SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANP

HO

TO C

RED

ITS:

DAV

AOTO

DAY

.CO

M

#StopLumadKillings: Kampanya kontra sa pagpaslang ng mga lumad sa Mindanao, lumalawak

Pinangunahan ng Anakbayan ang protesta ng mga kabataan sa harap ng Camp Aguinaldo noong Setyembre 4 at sa labas ng pulong ng Kongreso para sa budget ng Department of National Defense noong Setyembre 8.

Binato ng mga kabataang aktibista ng mga paint bomb ang gate ng Camp Aguinaldo at ipininta ang salitang “berdugo” sa logo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagtrending naman ang hashtag na #StopLumadKillings sa Internet at social media at iginiya ang atensyon ng publiko sa mga atrosidad ng militar sa Mindanao.

Brutal na pinaslang ng Magahat Bagani sina Emerito Samarca, Dionel Campos, at Bello Sinzo sa Lianga, Surigao del Sur noong Setyembre 1. Mahigit dalawang libong indibidwal naman ang pwersahang nagbakwit dahil sa harassment ng Magahat Bagani.

Ang Magahat Bagani ay isang grupong paramilitar na sinusuportahan ng militar para sa mga operasyong kontra-insurhensya nito. Dalawang araw bago ang pamamaslang, inokupa ng mga Magahat Bagani ang komunidad kasama ang 36th Infantry Battalion ng AFP.

Kinundena ng Anakbayan ang tumataas na bilang ng pagpaslang ng mga aktibista sa ilalim ng Oplan Bayanihan, ang kontra-insurhensyang plano ng rehimeng Aquino.

Ayon sa grupo, pinakikita nito na walang pinagkakaiba ang polisiyang pandigma ni Aquino kina Arroyo at Marcos. Pagpapatuloy umano ito ng mala-Martial Law na panunupil at pandarahas laban sa ordinaryong mamamayan.

Idiniin ng Anakbayan na pangunahing target ng AFP ang mga komunidad ng

lumad para sa harassment, pagkakampo, pambobomba, at pagwasak ng mga pag-aari sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Aabot na sa 53 lumad ang pinaslang at 87 paaralan ng mga lumad ang inatake ng militar sa ilalim ng rehimeng Aquino sa tala ng grupong Karapatan.

Ayon sa Anakbayan, ginagawang target ng militar ang mga komunidad ng lumad alang-alang sa totoong boss ng rehimeng Aquino--ang mga dambuhalang korporasyon sa pagmimina, pagtotroso, at mga agrokorporasyon.

“Gusto nilang paalisin ang mga lumad upang madambong nila ang mga lupang ninuno ng mga lumad. Dapat kagyat na palayasin ang militar sa mga komunidad at disarmahan ang mga paramilitary. Dapat itigil na ang Oplan Bayahinan at panunupil ni Aquino,” ayon kay Anakbayan National Chair Vencer Crisostomo.

Lumalakas at lumalawak ang kampanya kontra sa pinakahuling serye ng pagpatay at panunupil ng militar laban sa mga lumad o katutubo sa Mindanao.

Page 5: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

Kronolohiya: tumitinding atake laban sa mga lumad ng Mindanao

Setyembre 1: Brutal na pinaslang ng mga tropang paramilitar si Emerito Samarca, executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), isang paaralan ng mga lumad sa Lianga, Surigao del Sur sa loob mismo ng klasrum ng nasabing paaralan. Nagtamo ang kanyang katawan ng mga tama ng bala at mga sugat mula sa pagsaksak. Tinali siya na parang baboy at nilaslas ang leeg.

Sa parehong araw binaril sila Dionel Campos at Jovillo Sinzo sa harap ng maraming tao malapit sa ALCADEV. Si Campos ang tagapangulo ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod o MAPASU, organisasyon ng mga lumad. Si Sinzo naman ay tribal leader ng Sitio Kiwagan, Barangay San Isidro ng Lianga.

Agosto:Aabot na sa mahigit 2,700 lumad ang pansamantalang nakatira sa Surigao del Sur Provincial Sports Complex sa Tandag City. Napilitan silang magbakwit sa kanilang mga tahanan dahil sa maitinding militarisasyon ng kanilang mga komunidad sa Surigao del Sur at iba pang bahagi ng rehiyon ng CARAGA.

Ilang mga paaralang pang-elementarya at hayskul sa bayan ng San Miguel at Lianga, Surigao del Sur ang napwersang magsuspinde ng kanilang mga klase dahil

sa paghahasik ng lagim ng mga pwersang militar sa nasabing mga lugar.

Agosto 18: Isa-isang binaril ng mga sundalo ang 5 miyembro ng pamilya Samia sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Mendis, Pangantucan, Bukidnon. Kabilang sa mga nasawi sa masaker ang magkapatid na si Joebert (20) at Emir (19), ang kanilang bulag na amang si Herminio (70), at ang kanilang kamag-anak na sina Norman (13) at Elmer (17).

Pinalalabas ng militar na mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang limang Samia na napaslang sa isang engkwentro. Tanging ang 15 taong gulang na anak ni Herminio ang nakaligtas at nabuhay upang maipahayag ang tunay na nangyari sa kanila. Si Herminio ang ikalawang pinakamataas na elder ng kanilang tribo ng mga Manobo.

Hulyo 23:Nilusob ng mga elemento ng pulis ang mga lumad na pansamantalang nakatira sa loob ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) Haran compound sa Davao City noong Hulyo 23. Nauna nang lumisan ang 700 lumad mula sa kanilang mga tahanan sa Talaingod, Davao del Norte at ilang bahagi ng Bukidnon dahil sa matinding militarisasyon.

Sa pangunguna ni North Cotabato Rep. Nancy Catamco, pwersadong pinasok ng

mga armadong pulis ang UCCP compound upang diumano’y “iligtas” ang mga lumad at ibalik sila sa kanilang mga tahanan. Nagtamo ng mga sugat ang ilan sa mga lumad, kabilang na ang lumad elder na si Datu Benito na nasugatan sa kamay at ulo.

Isang 14 na taong gulang na babae, isa sa mga lumad na “nailigtas” ng mga pulis, ay natuklasang ginahasa habang nasa custody ng militar. Kasalukuyang hinihiling ng pulis sa Philippine Army na iharap ang 3 sundalong pinaghihinalaang gumasa sa nasabing lumad.

Mismong ang United Nations Special Rapporteur on the Human Rights of Internally Displaced Persons na si Chaloka Beyani ang nagpahayag na walang katotohanan ang paratang ng militar na ikinukulong nang labag sa kanilang kalooban ang mga lumad sa UCCP compound.

Umani ng batikos ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nitong baligtarin ang mga pahayag ni Beyani hinggil sa malubhang kalagayan ng mga lumad. Bumisita sa Pilipinas si Beyani sa huling linggo ng Hulyo.

Hunyo:Mahigit 20 paaralan ng mga lumad sa Davao del Norte ang hindi nakapagsimula ng klase dahil sa pagkakampo ng militar mismo sa mga paaralan, paninira at pagkumpiska ng mga gamit, at intimidasyon at harassment sa mga estudyante at guro. Aabot sa 3,000 kabataang lumad sa probinsya ang apektado sa pagsara ng nasabing mga paaralan.

Mas masahol pa, binigyang pahintulot ng Department of Education (DepEd) ang hiling ng militar na ipasara ang mga paaralang ito. Ayon sa militar, mga sundalo ang papalit na bagong guro ng mga lumad.

Hunyo 14: Tatlong lider ng mga lumad kasama si Datu Ruben Enlog, Randy Carnasa, at Oligario Quimbo ang minasaker ng militar sa bahay ni Aida Seisa, isang lider-magsasaka, sa Purok 7, Paradise Embac, Paquibato District. Nakaligtas si Seisa at tumestigo laban sa mga sundalo habang isang 12-anyos na bata ang sugatan.

Mula Marso hanggang Setyembre 2015, aabot na sa 13 lider ng mga lumad, aktibista, at miyembro ng komunidad ang pinatay sa sunud-sunod na kaso ng pulitikal na pagpaslang at masaker. Sa kasalukuyan, may 55 mga combat battalion, mahigit kalahati ng mga pwersang panlaban ng AFP, na nakadeploy sa Mindanao.

Tumitindi ang atake ng mga pasistang tropa at paramilitar ng rehimeng Aquino laban sa mga lumad, ang mga katutubo ng Mindanao. Kaliwa’t kanan ang pamamaslang, masaker, intimidasyon, harassment, sapilitang pagbakwit sa mga komunidad at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga lumad.

PH

OTO

CR

EDIT

S: M

ANIL

ATO

DAY

.NET

Page 6: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

6 SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

isang “front organization” diumano ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Luke Bagangan, miyembro ng Anakbayan SLU, malinaw na paninira at pananakot ang ginagawa ng militar sa kanilang organisasyon na kinikilala ng unibersidad bilang lehitimong organisasyon sa loob ng kampus.

Higit dito, kinundena ng Kabataan Partylist-Cordillera ang presensya ng mga ahente ng

Red-tagging sa mga miyembro ng Anakbayan SLU sa Baguio City, kinundenaMariing kinukundena ng iba’t ibang organisasyong pangkabataan sa Baguio ang red-tagging ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga miyembro ng Anakbayan SLU sa isang freshmen orientation sa Saint Louis University (SLU), Baguio City noong Agosto.

Habang inilulunsad ang nasabing freshmen orientation, inakusahan ng isang Agnes Reano ng Civil Military Operations Battalion (CMOB) ng AFP ang Anakbayan SLU bilang

CMOB sa loob ng SLU. Ayon sa kanila, walang karapatan ang military na magsagawa ng sarbey sa asembliya ng mga estudyante.

Ayon sa mga grupo, ang mga paratang ni Reano ay hindi hiwalay sa mga death threat at panghaharass sa mga lider pesante sa Tinoc, Ifugao kamakailan lang, at maging ang iba pang paglabag sa karapatang pantao ng rehimeng Aquino laban sa mga lider masa at aktibista.

Kinukundena ng Anakbayan ang pananabotahe ng gobyernong Aquino sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas (GPH) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sa okasyon ng ika-23 anibersaryo ng Hague Joint Declaration of 1992 noong Setyembre 1.

Ang pagsuway ng administrasyong Aquino sa mga kasunduan sa ilalim ng Hague Joint Declaration ay nagpapatunay na hindi ito seryoso na makamit ang kapayapaan. Paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ang pag-aresto ng mga NDFP peace consultant kagaya nina Concha Araneta at Adelberto Silva.

Paglabag naman sa Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian

Law (CAHRIHL) ang malawakang pamamaslang at pandarahas sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Ganito rin ang kamakailang pagpaslang kay Leoncio “Ka Parago” Pitao at Vanessa “Ka Kyle” Limpag. Ginagamot si Ka Parago para sa diabetes, hyperthyroidism at hepatitis habang ang kanyang medic na si Limpag ay di-armado at itinaas na ang kamay nang barilin ng mga sundalo.

Kabalintunaan na habang nakapiit ang mga bilanggong pulitikal at mga konsultant ng NDFP, ang mga nandarambong sa mamamayan gaya ni Senator Juan Ponce Enrile ay pakakawalan dahil umano sa “humanitarian” na kadahilanan.

Kaugnay nito, ipinagbubunyi ng Anakbayan ang paglaya ni Andrea Rosal, anak ng

yumaong tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Gregorio “Ka Roger” Rosal, noong Setyembre 7 dahil sa sama-samang pagkilos at patuloy na pagigiit ng iba’t ibang organisasyon.

Pitong buwang buntis si Rosal nang inaresto siya noong Marso 27, 2014 sa Caloocan City. Sinampahan siya ng gawa-gawang kaso ng murder at kidnapping. Namatay ang kanyang sanggol na si Diona Andrea dalawang araw matapos itong ipinanganak sa piitan.

Higit na pinatutunayan ng paglaya ni Rosal na malinaw na walang batayan at gawa-gawa ang mga kaso laban sa mga bilanggong pulitikal. Dapat sumunod na palayain ang iba pang mga bilanggo at managot ang rehimen sa kanilang ginawa kay Rosal.

Gobyernong Aquino sinasabotahe ang usapang pangkapayapaan sa NDFP

Tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon, pinaslangPinaslang sa kanyang tahanan hatinggabi noong Agosto 19, 2015 si Teodoro “Tay Tudoy” Escanilla, 63 anyos. Si Tay Tudoy ay tagapagsalita ng Karapatan Sorsogon at mamamahayag sa lokal na programa sa radyo na “Pamana ng Lahi” sa DZMS.

Taong 2012 pa lamang ay hinaharas na ng 31st Infantry Batallion Philippine Army (IBPA) si Tay Tudoy. Sa kabila ng kanyang edad at banta sa buhay ay pinili niyang ipagpatuloy ang adbokasiya sa pagtatanggol sa karapatang pantao.

Noong Nobyembre 2014, isang opisyal ng 31st IBPA ang nag-alok ng kabayaran na P50,000 sa isang presong tinotortyur kapalit ng pagpatay

kay Ka Tudoy. Tumanggi ang bilanggo at nang makalaya ay tumungo sa Maynila sa takot na balikan siya ng mga militar.

Ilang buwan bago maganap ang pagpatay kay Tay Tudoy ay tinututukan na ang Sorsogon ng operasyong militar. Kamakailan, nakakatanggap na din siya ng babala na siya ay kabilang sa “hit list” pero sa kabila nito, patuloy pa rin niyang nilabanan ang mga paglabag ng mga militar sa karapatang pantao.

Ilang araw matapos ang pagpatay ay nagprotesta ang mga mamamayang Bikolano para ipakita ang kanilang galit at pagkondena sa pagpatay kay Escanilla at sa iba pang

biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng gobyernong Aquino. Nag-iwan ng labinlimang kabaong na gawa sa papel ang mga nagprotesta sa tapat ng Camp Escudero sa Sorsogon bilang simbolo ng mga biktima ng karahasan ng estado.

“Oras na para tapusin ang pandarahas at pang-aabuso laban sa tao,” pahayag ni Rev. Pastor Dan San Andres, tagapagsalita ng Karapatan Bikol.

Si Tay Tudoy ay ika-66 na biktima ng extrajudicial killings sa Bikol sa ilalim ni Aquino at pang-anim sa buwan lamang ng Agosto.

Page 7: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015

Sa pagpapatuloy ng “bidding” para sa P171 bilyon proyektong North-South Railway Project (NSRP), lumalabas na maaring magpatupad ng sunud-sunod na pagtataas ng singgil sa pamasahe nito kada dalawang taon.

Ipinahayag ng gobyernong Aquino na susundin ang 10.25% pagtaas ng pamasahe sa Light Railway Transit (LRT) 1 para sa PNR.

Ang nasabing porsyento sa pagtaas ay kinumpirma ni Pratish Hallady ng Asian Development Bank (ADB) Office

Gobyerno, magtataas-pasahe sa PNR-NSPR on Public-Private Partnership (PPP), ang siyang tagapayong pantransaksyon ng Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa NSRP.

Ayon kay Cosette Canilao, Executive Director ng PPP Center, ang 10.25% dagdag singil ay ibinase sa inaasahang “inflation rate,” o tantos ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa kasalukuyan, ang pamasahe sa PNR ay nakapako P10 - P45. Nagpahayag ang administrasyon ng PNR noon na plano nilang pataasin ang pamasahe patungong P15-P60.

Isa ang San Miguel Corp. sa mga malalaking kumpanyang nagnanais magbid para sa proyekto. Ang mananalo sa bidding ang siyang magdidisenyo, magpapagawa, mamalakad sa operasyon at magmimintina ng mga istasyon mula Tutuban hanggang Calamba.

Nakasaad din sa kontrata ang 478 kilometrong long-haul na operasyon mula Tutuban hanggang Legazpi at may posibilidad na mag-extend ng 58 kilometro mula Calamba City hanggang Batangas City at 117 kilometro mula Legazpi City hanggang Matnog, Sorsogon.

Dahil sa laganap na anomalya sa random inspection ng BOC sa mga balikbayan box ng mga OFW, napuno ang social media ng mga reklamo patungkol sa abusong ginagawa ng BOC sa mga OFW. Laganap din ang paggamit ng mga hashtag na #HandsOffOurBalikbayanBox, #OFWStopSendingBalikbayanBoxes, at #OFWMagkaisa.

Maraming kaso ang naiulat tungkol sa mga nawawala at mga nasirang gamit matapos itong inspeksyunin ng mga taga-BOC. Maliban sa mga anomalya, inireklamo din ang patakaran patungkol sa mga restriksyon sa pagpapadala na pinapahirapan at ginagatasan ng pera ang mga OFW sa kanilang pagpapadala.

Samantala, isiniwalat ng grupong Migrante ang patuloy na pagtataas ng presyo ng clearing fees para sa lahat ng mga

container van na ibababa sa mga daungan sa Pilipinas. Nagtaas na ito ng P40,000 noong July 27, at nanganganib ulit magtaas ng P100,000-P120,000. Kung P100,000 ang itataas sa singil para sa clearing, maaaring tumaas ng P325 ang kasalukuyang binabayaran ng mga OFW.

Ayon sa Migrante, ang mga patakarang ito ng BOC ay ibinunga ng utos ng gobyernong Aquino na dapat kumulekta ng lagpas na P600 milyon mula sa mga OFW ang BOC.

Nagpaabot ng galit ang mga OFW at mga netizen sa pamahalaang Aquino dahil sa pagwawalang bahala nito sa sitwasyon ng mga OFW at sa pagkunsinti nito sa ginagawa ng BOC. Tinawag ng mga OFW na “sistematikong pagnanakaw” mula sa mga OFW ang ginagawa ng BOC para makaipon ng perang pangkampanya ng mga kaalyado ni Aquino mula sa Liberal Party sa halalan sa 2016.

Inulan ng sandamakmak na batikos mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang Bureau of Customs (BOC) kamakailan dahil sa patakaran ng random inspection, mga istriktong restriksyon na nagdudulot ng mas malaking gastos para sa mga nagpapadala, at napakalaking buwis na ipinapataw sa mga OFW.

Nagsagawa din ang mga OFW sa pangunguna ng Migrante Partylist ng serye ng mga kilos-protesta sa iba’t ibang panig ng mundo. Dahil sa malawak na pagkundena, ipinatigil ni Aquino ang random na inspeksyon ng mga balikbayan box.

Noong Agosto 28, inilunsad ng mga OFW ang Zero Remittance Day, kung saan hindi nagpadala ng pera ang mga OFW pabalik sa ating bansa. Lumahok sa pagkilos ang mga OFW sa Hong Kong, Taiwan, Singapore, South Korea, Japan, Middle East, Vietnam, Thailand, United States, Canada, United Kingdom, Italy, Belgium, Netherlands, Australia, Switzerland, at iba pang bansa.

“Isang tagumpay ang pagpapatigil sa random na inspeksyon ng mga balikbayan box para sa mga OFW, ngunit hindi pa tapos ang laban. Hanggang nanatili ang P600 milyong kota ng BOC para huthutan ang OFWs, hindi titigil ang rehimeng Aquino sa paniniil. Dapat higit na patindihin ang protesta at paglaban,” sabi ng Migrante.

Bureau of Customs inulan ng batikos mula sa mga OFW

Page 8: Tinig Setyembre 2015 Unang Release

8 SETYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ang pinakamalaking kaltas ay mararamdaman ng University of the Philippines system (UP) na nagkakahalaga ng P2.2 bilyon, pinakamalaking budget cut sa kasaysayan ng UP.

Ang MOOE ang budget ng ahensya para sa araw-araw na operasyon at kagamitan nito samantalang ang CO ay pondo para sa bagong imprastruktura.

Ang Mindanao State University Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography ang may pinakamalaking kaltas sa MOOE (48.8 porsyentong kaltas) mula sa P32.4 milyonpababa sa P16.6 milyon.

Sinundan ito ng Mindanao State University na may 34.5 porsyentong kaltas mula P418.8 milyon papuntang P274.2 milyon, at Iloilo State College of Fisheries na may 29.7 porsyentong kaltas mula P34.2 milyon pababa sa P24.1 milyon.

Ang Western Visayas, na may 8 pamantasang kakaltasan ng MOOE, ang

Walkout laban sa mataas na bayarin, K-12, at budget cuts sa SUCsNagwalkout sa kanilang mga klase ang mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan noong Agosto 27 upang ipakita ang pagkasuklam sa rehimeng Aquino dahil sa walang humpay na pagtataas ng matrikula at ibang bayarin, programang K-12, at budget cut sa mga State Universities and Colleges (SUCs).

Nagwalkout ang mga mag-aaral mula sa University of the Philippines-Manila, University of the Philippines-Diliman, Polytechic University of the Philippines, at mga paaralan sa university belt at hayskul sa pangunguna ng Rise for Education Alliance, National Union of Students of the Philippines (NUSP), Anakbayan, Kabataan Partylist, at iba pang organisasyon.

Ayon sa grupo ng mga kabataan, ang tanging legasiya ni Aquino sa serbisyong edukasyon ay ang patuloy na komersyalisasyon ng edukasyon at walang patid na pagpapahirap sa mga estudyante’t magulang.

Mula 2010 hanggang 2015 umabot sa average na 108% ang naging pagtaas ng matrikula sa pambansang saklaw, mula P257 tungong P574 kada yunit.

Samantala, sa mga pampublikong paaralan nakapanghuthot ng tinatayang P40.8 bilyon sa matrikula at P 22.9 bilyon naman sa iba pang bayarin.

Umalingawngaw rin sa walkout ang mariingpagtutol sa programang K-12 ni Aquino na diumano’y palulubhain ang paghihirap ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang.

Budget cut sa SUCs

Patuloy rin ang ginagawang pagbabawas ng gobyernong Aquino sa pondo ng edukasyon.

Sa panukalang budget para sa 2016 nakatakdang kaltasan ang hindi bababa sa 59 SUCs ng badyet para sa operasyon na nagkakahalaga ng P477.8 milyon.

Sa kabilang banda, 40 SUCs naman ang kakaltasan ng pondo para sa capital outlay (CO) na nagkakahalaga ng P4.1 bilyon.

rehiyong pinakaapektado sa budget cut. Susunod ang Eastern Visayas na may 7 paaralang kakaltasan din sa MOOE.

Tatlong SUCs naman ang halos hindi tatanggap ng CO para sa 2016: ang MarikinaPolytechnic College, Cagayan State University, at Bulacan State University.

“May malalaking alokasyon ng lump sums para sa pork barrel sa 2016 budget, ngunit budget cuts naman ang inilaan para sa SUCs. Magreresulta na naman ito ng pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin,” ani NUSP National President Sarah Elago.

Dagdag pa ni Elago, magdudulot din ang budget cuts sa mas malubhang kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan sa mga SUC. Maaalalang naging malaking isyu sa UP ang kakulangan ng mga dormitoryo nitong nakaraang mga buwan.

WALKOUT SA PUP NOONG

AGOSTO 27, 2015.