21
Aralin 1 Pagkompyut ng GNP/GNI 1

Aralin 1 pagkompyut ng gnp

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

1

Aralin 1 Pagkompyut ng GNP/GNI

Page 2: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

2Ang kabuuang produksyon ng ekonomya ay mababatid sa pamamagitan ng pagkwenta o pagsukat ng GNP. At ito ay maipakita sa iba’t ibang paraan.

Mga Paraan ng Pagsukat ng Gross National Product

1. Factor Income Approach

Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing kita ng bawat salik.

Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang pambansang kita o national income ng bansa. Ang pag-alam ng pambansang kita ay mahalagang sangkap sa pagtukoy ng GNP sa paraang ito.

Page 3: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

Mga Aytem at Kahulugan:Consumption capital allowance (CCA)

Halaga ng nagamit na kapital

Indirect business tax (IBT)

Buwis na ipinapataw sa pamahalaan

Rent Kita mula sa lupainterest Kita mula sa kapitalProprietor’s income Kita ng entreprenyur sa

kanyang negosyoCorporate income tax Buwis na galing sa kita ng

mga bahay kalakalDividends Kita ng mga may-ari ng

bahay kalakalUndisturbed corporate profits

Natira sa kinita ng bahay-kalakal matapos mabawasan ng dividends

3

Page 4: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

4(1) Capital Consumption Allowances (CCA)

O iyong tinatawag na depresasyong pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina at gusali kung ang mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.

(2) Indirect Business Taxes (IBT)

Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na ibinibigay ng pamahalaan.

Sa kabuuan, ang GNP ay masusukat sa pamamagitan ng NI + IBT + CCA = GNP.

Page 5: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

Income Approach

GNP = NI+ IBT + CCA NI = CE+GI+ PI + Dividends + (CE) compensation of employees (GI) Govt. Income (rents + interests/ + corporate income taxes) (PI) proprietor’s income (D) dividends / undisturbed corporate profits consumption capital allowance indirect business tax

5

Halimbawa: CE = P110M, GI = P22MPI = P50M, Dividends = P15M

Ang NI ay 110 + 22+50 + 15 = P197M at upang masukat ang GNP, dapat isama ang ibang gastos sa paglikha ng produkto at serbisyo tulad ng:

Page 6: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

6Kung ang NI ay P197M, IBT = P5M at CCA = P12M, Magkano ang halaga ng GNP? ________

Page 7: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

7(2) Final Expenditure Approach

Ang mga sektor ng ekonomya tulad ng sambahayan, pamahalaan, kompanya at panlabas (dayuhan) ay may kani-kanilang mga pinagkakagastusan na mahalaga sa pagtantya ng GNP ng bansa.

a. Gastusin ng Pamahalaan (G)Ang paggastos ng gobyerno para sa pagbabayad ng mga empleado ng pamahalaan tulad ng manggagamot, nars, guro, kawani, senador, kongresista, mga hukom at hanggang sa may pinakamataas na katungkulan sa gobyerno;

Page 8: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

8paggastos ng mga imprastraktura tulad ng tulay, kalsada, gusali at iba pa; ang gastos sa bawat paglalakbay ng pangulo ng bansa at marami pang iba ay kabilang sa gastusin ng gobyerno.

b. Gastusin ng Personal na Sektor (C)

Ito ang mga pinagkakagastusan ng sambahayan mula sa pagkain, damit, tirahan, hanggang sa mga luho ng katawan tulad ng alahas, appliances at marami pang iba.

Page 9: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

9c. Gastusin ng Kompanya (I)

Ang pagkonsumo ngmga negosyante sa mga fixed capital tulad ng makinarya, gusali at mga kagamitang pang-opisina, mga stock o changes in stocks, mga imbentaryo at mga binibiling lupa at bahay bilang earning assets ay kabilang dito.

d. Gastusin sa Panlabas na Sektor o Export (X)

Dito nakapaloob ang pagluluwas o export ng mga produkto sa ibang bansa at ang pag-aangkat o import (M) ng mga produkto m ula sa ibang bansa.

Page 10: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

10

Upang malaman ang gastusin sa panlabas na sektor, ibinawas ang gastos sa export at gastos sa import, positibo kapag mas malaki ang export kaysa sa import at negatibo kapag mas malaki ang import kaysa sa export.

e. Net Factor Income from Abroad (NFIFA)

Ito ang nagpapakita ng diperensya ng kita ng Pilipino sa ibang bansa bilang salik ng produksyon at ng kita ng mga dayuhang salik ng produksyon dito sa loob ng bansa. Positibo pag mas malaki ang kinita ng mga Pilipino sa ibang bansa ngunit negatibo pag mas malaki ang kita ng mga dayuhan.

Page 11: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

11

f. Statistical Discrepancy (SD)

Ito ay ang pagkakaroon ng labis o kulang sa pagsukat ng GNP. Ang nasabing kaklangan o kalabisan ay hindi malaman kung saan dapat isama kaya ito ay nagsisilbing discrepancy sa pagkwenta.

Kapag ang lahat ng nasabing gastos ng bawat sektor ay pinagsama-sama, makukuha ang GNP. Ang pormula sa pagkuha ng GNP ay:

GNP = G + C + I + (X – M) + NFIFA + SD

Page 12: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

12

Halimbawa:

C = P120M X = P27M

G = P30M

I = P59M

M = P20M

NFIFA = P-5M

SD = P3M

At sa paggamit ng pormula ng GNP, Ano ang makukuhang halagang

Page 13: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

Particulars Amount

Personal Consumption Expenditure (C) 3,346,716Government Consumption (G) 492,110Capital Formation (I)

• Fixed Capital• Changes in stocks

815,981784,066

31,915Exports (X)

• Merchandize Exports• Non-factor Services

2,480,9662,186,749

294,217Imports (M)

• Merchandise Imports• Non-Factor Services

2,659,0092,507,035

151,974Gross Domestic Product (GDP) 4,476,764Net Factor Income from Abroad (NFIA) 376,509Gross National Product (GNP) for 2004 4,853,273

13

Isa pang halimbawa:

Page 14: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

Kompyutin ang nawawalang datos:

14

Page 15: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

15

Page 16: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

16

3. Industrial Origin ApproachTinatawag din itong Value Added Approach kung saan kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating bansa. Ag anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa loob ng bansa o GDP.Sa pagsukat ng GNP sa paraang ito, kailangan munang alamin ang GDP at saka idagdag ang net factor income from abroad. Kapag tinantya ang dagdag na halaga ng salik na ginamit ng mga sektor ay nakukuha ang tinatawag na Gross national Product.

Page 17: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

17

Sa pagbuo ng produkto o serbisyo, ito ay dumadaan sa iba’t ibang proseso kung saan nakapaloob ang tatlong mahalagang sektor o industriya. Halimbawa, sa palay o bigas, ito ay nagmula sa sektor ng agrikultura, kailangan itong iproseso o gilingin upang maipagbili. Ang paggiling ay gagawin ng sektor ng industriya at bago ito makarating ng pamilihan, kailangan ang serbisyo ng transportasyon.

Sa bawat sektor na dinaanan nito ay may idinadagdag na halaga na siyang pinagbabatayan ng halaga o presyo ng produkto sa pamilihan. Halimbawa, kapag pinagsama ang lahat ng dagdag na halaga ng agrikultura, industriya, at serbisyo sa kabuuang produksyon ng bansa sa ganitong halaga.

Page 18: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

18

Agrikulutra: P81MIndustriya: P85MSerbisyo: P53M

GDP = _______

Kapag idinagdag ang

NFIFA P-5MAno ang makukuhang GNP?______

Mapupuna na kahit na anong paraan ang gamitin sa pagsukat ng GNP, ang kabuuan ay magkakapareho. Kapansin-pansin din na ang GDP ay nagkakaroon ng pagkakataon na tumaas kaysa sa GNP.

Page 19: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

19

Limitasyon sa Pagsukat ng GNP

Ang GNP ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomya ng bansa. Minsan, ang paglalabas ng ulat ng GNP ay may pandaraya upang mapaniwala ang ibang bansa na ang ating GNP ay tumataas. Kahit sabihin ng pamahalaan na lumago nang 5% ang GNP, hindi naman ito nararamdaman ng maraming bilang ng pangkaraniwang mamamayan. Ang GNP ay tumataas ngunit ang pamumuhay ng maraming mamamayan ay patuloy na naghihirap.

Page 20: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

20

Sa pagtantya ng GNP, hindi naisamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at serbiso sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakikwenta dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis, mga negosyo na walang rekord sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito. Ito ang tinatawag na underground economy, kung saan milyun-milyong mamamayan sa ating bansa ang nasa ilalim nito. Karamihan sa mga ito ay kumikita ng mas malaki kaysa sa mga ligal na negosyante at manggagawa. Ang ilan sa mga gawain na kabilang sa underground economy ay ang sidewalk vendor, maliliit na tindahan at pagawaan, mga ilegal na gawain ng ilang tao at iba pa. ito ang nagsisilbing limitasyon sa pagtantya ng GNP.

Page 21: Aralin 1 pagkompyut ng gnp

21Kasunduan:

Ipagpatuloy na tapusin ang Gawain #4