194
Reporting Group 2 Daclan Denuyo Galvez Maglangit Manugas Nuska Rubin Valdehuez a

Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

ReportingGroup 2

DaclanDenuyo GalvezMaglangitManugasNuska RubinValdehueza

Page 2: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 14BALIW O PILOSOPO

Page 3: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

delubyo

Talasalitaanmalaking baha na sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan at hanging dala ng bagyo

tenyente mayor

Tawag o ranggo ng isang opisyal sa munisipyo noong panahon ng Kastilapilosopiya pagmamahal ng karunungan

batingaw kampanapagkahilignalulong

Page 4: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 14 Baliw o Pilosopo

Page 5: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pilosopong Tasyo Isang iskolar na

nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan Don Anastacio o Pilosopong Tasyo, ang tawag sa kanya ng mga may pinag-aralan. Tasyong Baliw, ang tawag ng mga di nag-aral dahil sa kakaiba niyang pagkilos at pananalita.

Page 6: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagmasid sa mga pangyayari sa paligid

May mga kaisipan siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng marami

“ Ngunit naghihintay ako na higit na mabuting mangyayari… Kidlat na papatay sa mga tao at susunog ng mga bahay”

Page 7: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kapitan Basilio Isa sa mga naging

kapitan ng bayan ng San Diego na naging

kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa

Page 8: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Basilio Sampung taong gulang

na nakakatandang kapatid ni Crispin

Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana

Nakakatandang anak ni Sisa

Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan

Page 9: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Crispin Pitong taong gulang na

bunsong kapatid ni Basilio Bunsong anak ni Sisa

Isa ring sakristan at kasama ni Basilio na tumugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego

Page 10: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Don Filipo Lino Isang tenyente mayor na

kaibigan ni Pilosopong Tasyo

Asawa ni Donya Teodora Vino

Mahilig magbasa ng Latin

Ama ni Sinang

Page 11: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Donya Teodora Vino

Mas kilala bilang Aling Doray

Ina ni Sinang

Asawa ni Don Filipo Lino

Page 12: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 14 Baliw o Pilosopo

Page 13: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.

Buod

Page 14: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral ng pilosopiya mula sa Kolehiyo ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpari. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Nalulong sa pagbabasa ng mga aklat si Tasyo hanggang sa napabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.

Page 15: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Bagama’t nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ni Kapitan Basilio nang nakasalubong niya si Pilosopo Tasyo. Tinanong niya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”

Page 16: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Iniwanan ni Tasyo si Kaptan Basilio at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata na umuwi. Pinagmumultahan si Basilio dahil mali ang pagtugtog niya ng kampana.Bilang kaparusahan nila ni Crispin, di sila maaaring umuwi bagama’t gusto na nilang umuwi.

Page 17: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Donya Teodora. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

Page 18: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas na. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.

Page 19: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa mag-asawa

Page 20: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGPAPALALIMKabanata 14 Baliw o Pilosopo

Page 21: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ipinahihiwatig nitong si Pilosopong Tasyo ay naghihintay ng isang pagkilos na susupil sa pang-aabuso ng mga mapagsamantala sa karapatan ng mahihirap

“ Ngunit naghihintay ako na higit na mabuting mangyayari… Kidlat na papatay sa mga tao at susunog ng mga bahay”

- Pilosopong Tasyo

Page 22: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat.”

- Pilosopong Tasyo

Ipinahihiwatig nitong si Pilosopong Tasyo na hindi binibili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, ayon sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog

*dupikal- sunod-sunod na tugtog ng kampana

Page 23: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Tayo na mga bata. Ipinaghahanda kayo ng inyong ina ng pangkurang hapunan”- Pilosopong Tasyo

Ipinahihiwatig nitong si Pilosopong Tasyo na kahit naghihirap ang pamilya nina Basilio at Crispin, ang inihandang hapunan ng kanilang ina para sa kanyang mga anak ay kagaya ng mga pagkain na hinahain sa kura.

Page 24: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Kung sabagay, ang isang mabuting tao ay mas pinahahalagahan ko kung buhay kaysa kung patay na… ” - Aling Doray

Ipinahihiwatig nitong si Aling Doray na dapat bigyan ng pagkilala ang isang taong mabuti habang siya ay buhay pa at hindi kung wala na.

Page 25: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 15ANG MGA SAKRISTAN

Page 26: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

binabatak lataymaiilitawgusot

pagkasindak pagkatakotproblemamaipakita

inihilapasa o galos

Page 27: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 15 ANG MGA SAKRISTAN

Page 28: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Basilio

Page 29: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Crispin

Page 30: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sakristan Mayor Ang nagbintang kay

Crispin na magnanakaw

Page 31: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 15 ANG MGA SAKRISTAN

Page 32: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopong Tasyo at sinabihan na sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura.

*plegarya- prayer bell*kura- kustodyo o katiwala sa simbahan

Page 33: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sinabi ni Crispin kay Basilio na kung kasama sila ni Sisa. Hindi sana siyang mapagbibintangang bilang isang magnanakaw. At kung malalaman man ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit siya.

*idinadalanagin- idinasal*nababakas- makikita

Page 34: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang suweldo lang kasi nina Basilio at Crispin ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32. lubhang mabigat ito para kay Basilio.

Page 35: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad pa sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mas mabuti nang siya ang magnanakaw para maililitaw niya ang pera.

Page 36: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Ang pagkasindak niya ang huli sa binanggit ng kapatid.

Page 37: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina kung ipakikita niya ang maraming latay na likha nang pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong pasko, na kinuha pa sa kanya nang hidhid na kura.

*aginaldo- natanggap bilang regalo*hidhid- kuripot

Page 38: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. At puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Samantala, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya.

*nakapanhik- papunta sa taas ng hagdan*puyos- paglikha ng apoy sa pamamagitan ng priksiyon.*kilatis- hinto

Page 39: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinansala siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ales-diyes ng gabi. Napagtanto si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi.

*sinansala- to interrupt

Page 40: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinamblitain ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad siya pababa sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin ng dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing

*sinamblitain - to invoke*pagdaing- pagsumbong; pagdamdam

Page 41: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring mag-araro sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Pagkatapos, ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.

*nakuyom- nakasara; nakatikom ang kamao*kinalag- hinuli*padausdos- magpadulas

Page 42: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGPAPALALIMKabanata 15 ANG MGA SAKRISTAN

Page 43: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Bukas, sana magkasakit ako…. Matagal na magkasakit ako para alagaan ako ni nanay at hindi pabalikin sa kumbento”- Crispin

Labis na paghihirap ang naranasan ni Crispin sa kumbento kaya nais niyang makaalis roon.

Page 44: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Magnanakaw raw tayo dahil sa maraming bisyo ang tatay natin”- Crispin

Nagkakaroon ng negatibong pagtingin ang mga tao sa mga anak na may amang hindi maganda ang reputasyon

Page 45: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Si Crispin ay pinaratangang magnanakaw sa kabila ng kawalan ng ebidensya

Nagsasaad sa kabanatang ito, ang pagkawalan ng hustisya sa panahon ng Kastila.

- Ang Mga Sakristan

Page 46: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

SULIRANINKabanata 15 ANG MGA SAKRISTAN

Page 47: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kalunos-lunos ang pang-aapi at pagmamaltratong naranasan ng magkapatid na Basilio na may taong gulang na sampu at Crispin na pitong taong gulang lamang sa loob ng kumbento. Ang nakakalungot nito, ang simbahan ang siyang dapat kumakalinga sa kanila, hindi umaabuso at nag-aalis ng mga karapatang dapat ay kanilang nararanasan bilang bata.

Page 48: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 49: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

2/3 ng mga batang biktima ng mga pag-aabuso ay mga batang babae

55% ng mga batang biktima ng pang-aabuso ay nasa edad 10-17

30% ng mga inireklamong pang-aabuso ay pag-aabandona

Page 50: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

30% ng mga inireklamong pang-aabuso ay sekswal na pang-aabuso tulad ng rape, sexual harassment, at iba pa

60,000- 100,000 batang Pilipino ay biktima sa human trafficking ayon sa UNICEF

Page 51: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 52: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 16SI SISA

Page 53: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

mabundat nakalatagdampa

tawilis

dalangin panalanginisang uri ng isda

kubo

nasiyahannakakalat

Page 54: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 16 SI SISA

Page 55: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sisa Ang mapagmahal na ina

nina Basilio at Crispin Sumasagisag ng

pagdurusa ng Inang Bayan

Ipinangalan siya pagkatapos sa pangalan ng kapatid ni Jose Rizal, Narcisa

Page 56: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pedro

Ang bulakbol na ama nina Basilio at Crispin

Ang pabayang asawa ni Sisa

Page 57: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Basilio

Page 58: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 16 SI SISA

Page 59: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.

*santinakpan - bayan*yumao- namatay*makapag-ukol - nagsagawa

Page 60: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya iniasikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito noong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.

*kumakalinga- nagmamalasakit

Page 61: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa madalang na pag-uwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit si Pedro kay Sisa. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Page 62: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawilis at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio

Page 63: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.

Page 64: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina dahil dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa, ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirhan siya ng perang sasahudin ng anak.

Page 65: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina

Page 66: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Saglit na tinigil niya ang pag-aawit ng kundiman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, nang gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay. 

*kundiman- isang tradisyonal na awit at malamyos na awit na karaniwang may paksang patungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsimula noong ika-9 na siglo*gulantangin- nabigla

Page 67: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGPAPALALIMKabanata 16 SI SISA

Page 68: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Tiyak na masarap ang kain nila pagdating.. Malayo ang ang panggagalingan nila at walang pinatatawad ang gutom na sikmura” - Si Sisa

Walang kapantay ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang mga anak at gagawin niya ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng isang anak.

Page 69: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

SULIRANINKabanata 16 SI SISA

Page 70: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGKAHILIG SA BISYOSa Noli Me Tangere..

Dahil sa pagkahilig sa bisyo, napabayaan ni Pedro ang kaniyang pamilya na maghirap.Sa Kasalukuyan..

Dahil sa pagkahilig sa bisyo gaya ng droga, marami ang mga krimen ngayon.

Page 71: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 17SI BASILIO

Page 72: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

panawan kuwartel

punglo

mawalanhimpilan o headquarters

Katumbas ng pulis sa panahon ng KastilaGuardia civil

bala ng barilnagpapasan nakakaranas

Page 73: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 17 SI BASILIO

Page 74: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sisa

Page 75: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Basilio

Page 76: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 17 SI BASILIO

Page 77: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nakadama ng labis na panlalamig si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga Guardia Civil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan at palilinisin siya sa kuwartel.

Page 78: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Dahil sa hindi niya paghinto, siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Page 79: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabi ng sakristan mayor na ang mga dukha na katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio.

Page 80: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kaagad na sinayasat ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Page 81: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa pagtulog ni Basilio, siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin na pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hanggang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip ,ang kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay.

Page 82: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakain niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Page 83: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha si Sisa sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Page 84: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGPAPALALIMKabanata 17 SI BASILIO

Page 85: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ipinahihiwatig ng linyang ito na ang pamilyang Pilipino ay maalalahin sa kanilang kapamilya. Lagi nilang inaaala ang kalagayan ng mga kasapi ng pamilya.

- Si Sisa“ Kumain ka na ba? Hindi? May kanin tao at tuyong tawilis”

Page 86: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

KAISIPANKabanata 17 SI BASILIO

Page 87: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Isa sa mga kaisipan o paksang may kinalalaman sa pamamalakad sa pamahalan na lutang na lutang sa kabanatang tinalakay ay ang isyung may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao sa mahihirap. Tulad ng mag-iinang, Si Sisa,Basilio,at Crispin, maraming mga Pilipino sa kasalukuyan ang nagdanas o patuloy na nagdaranas ng pagmamalupit at pagmamaltrato dahil sa kanilang kahinaan at kahirapan

Page 88: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 89: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ayon sa karapatang pantao na nakapaloob sa Universal Declaration of Human Rights na inaprubahan ng General Assembly ng United Nations na sinang-ayunan ng 35 kasaping estado, kasama nito ang mga karapatang:o Kalayaan mula sa pag-aalipino Kalayaan sa pananakit at di-makataong

pagpaparusao Karapatan kilalanin bilang tao sa harap ng

bataso Karapatan sa pantay na pangangalaga sa

batas

Page 90: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 91: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 18NAGDURUSANG MGA

KALULUWA

Page 92: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

coadjutor Indulgencia

plenaria

tulirokatulong ng pari ng kura

Dasal o sakrapisyong nagpapababa sa parusang

ipinapataw sa naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo

biyudabakol basketin o

basket

balo

pagkamalan

Page 93: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 18 NAGDURUSANG MGA KALULUWA

Page 94: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Padre Hernardo Salvi Kurang pumalit kay

Padre Damaso

Kaya niya manupulahin ang mga tao para makuha niya ang kanyang gusto

Page 95: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sisa

Page 96: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 18 NAGDURUSANG MGA KALULUWA

Page 97: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi nang magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coadjutor? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulgencia plenaria,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon.

*napuna- napansin

Page 98: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Page 99: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa..

Page 100: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maaari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.

*hapag- mesa

Page 101: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip. 

Page 102: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay tumakas din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kuwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Page 103: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGPAPALALIMKabanata 18 NAGDURUSANG MGA KALULUWA

Page 104: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pinag-uusapan nila ang mga paraan kung paano sila magkakamit ng indulgencia plenaria o kapatawaran sa naghihirap sa purgatoryo..Nagpaparamihan sila ng indulgencia at nagpapalaluan sa isa’t-isa kung sino ang higit na may mabisang paraan pagkaroon ng maraming-maraming indulgencia. - Nagdurusang Mga

Kaluluwa

Ipinahihiwatig sa mga linyang ito na maaari pa lang bilhin ang indulgencia. Ito ay maling paniniwala sa relihiyon.

Page 105: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 19KARANASAN NG

ISANG GURO

Page 106: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

panig silong

labibahagi

Ground floor

kabaliwan

paanyaya imbitasyonsukal

bangkay

Page 107: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 19 KARANASAN NG ISANG GURO

Page 108: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Don Crisostomo Magsalin Ibarra Anak ni Don Rafael

Ibarra Kababata at kasintahan ni Maria Clara

Nag-aral siya sa Europa na nangarap na makapagtayo ng ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego

Page 109: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong isipan

Page 110: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Binatang Guro

Ang nagkuwento kay Crisostomo sa mga suliranin ukol sa edukasyon

Page 111: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 19 KARANASAN NG ISANG GURO

Page 112: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig nang lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra noong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa noon kundi makipaglibing.

Page 113: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Malaki ang utang na loob niya kay Don Rafael. Noong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Page 114: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito.

Page 115: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Page 116: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila. Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog.

Page 117: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwelahan at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang Kastila para sa kanyang pansariling interes.

Page 118: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo.

Page 119: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siya ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.

Page 120: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo, pagsasaka, kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan ng Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nangako si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamagitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor. 

Page 121: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

PAGPAPALALIMKabanata 19 KARANASAN NG ISANG GURO

Page 122: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

“Matapos na isaalang-alang ang lahat ay napilitan akong iwan ang isang pamamaraang nagkakabunga na sana ng mabuti” - Binatang Guro

Binigyan-diin ni Jose Rizal ang bagay na ito sapagkat naniniwala siyang ang edukasyon ang susi upang makalaya ang mga Pilipino sa kamangmangan, kahirapan, at lalo’t higit sa pang-aalipin ng mga Espanyol

Page 123: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 20PULONG NG BAYAN

Page 124: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

tinuligsa

tribunal

punahan o pintasan

suhestiyon

mungkahi

lupon ng mga pinuno sa munisipyo sa panhon ng Kastila

Page 125: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 20 PULONG NG BAYAN

Page 126: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kapitan Basilio

Page 127: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Don Filipo Lino

Page 128: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Don Crisostomo Magsalin Ibarra

Page 129: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pilosopong Tasyo

Page 130: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 20 PULONG NG BAYAN

Page 131: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan.

*bulwagan- hall*lapian- partido

Page 132: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang conservador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tenyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.

Page 133: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo, isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binase at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito, isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos.

Page 134: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang-bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggo. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

*liwasang-bayan - plaza

Page 135: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Page 136: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tondo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Page 137: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa bayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

Page 138: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

KAISIPAN

Kabanata 20 PULONG NG BAYAN

Page 139: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Malinaw na ipinakita sa kabanata na hindi magkasundo ang partido ng mga Liberal at partido ng Conservdor sa dahilang ang dalawang grupo ay may kani-kanilang prinsipyo at layuning pinahahalagahan.

Page 140: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 141: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

SULIRANINKabanata 20 PULONG NG BAYAN

Page 142: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 143: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa kasalukuyan, isa sa maiinit na isyung pinag-uusapan sa ating lipunan ay ang maanomalyang badyet na ibinibigay sa mga senador at kongresista taon-taon. Ito ay walng iba ay ang Priority Development Fund (PDAF) na mas kilalaSa tawag na pork barrel .

Page 144: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 145: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 21KUWENTO NG ISANG INA

Page 146: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

sikdo

nagsumamo

tibok

nakaramdam

sinakmal

nakiusap

Page 147: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 21 KUWENTO NG ISANG INA

Page 148: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sisa

Page 149: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 21 KUWENTO NG ISANG INA

Page 150: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay. Natanaw na niya ang dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Page 151: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwartel.

Page 152: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa mga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.

Page 153: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatapos pa lamang ang misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman niya ay daig pa ang sinabungkay na dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig nang takasan ang katinuan

Page 154: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagabag ang damdamin ni Alperes. Iniutos niya na palayain na si Sisa. Ngunit hinang-hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalandra sa isang sulok.

Page 155: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Daling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik pababa ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay.

*gulod- hill top

Page 156: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, bumaba siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nang nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Page 157: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.

Page 158: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

KAISIPAN

Kabanata 21 KUWENTO NG ISANG INA

Page 159: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Marahil habang tinatalakay ang kabanatang ito ay iniisip mo rin ang mga sakripisyong ginagawa sa iyo ng iyong ina. Gaya ni Sisa, maaring isuko ng isang ina ang anumang pag-aari o mahalagang bagay na mayroon siya huwag lamang mawala o masaktan ang minamahal na anak. Bilang ganti sa ginagawang pagsasakrapisyo ng mga magulang, mahalagang matutuhan ng mga anak na magampanan din nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin sa pamilya

Page 160: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 161: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 22DILIM AT LIWANAG

Page 162: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

ipahiwatig lihis

punglo

ipahayagmaling gawihinahangaan; minamahalkinagigiliwan

bala ng barilnagpapasan nakakaranas

Page 163: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 22 DILIM AT LIWANAG

Page 164: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Don Crisostomo Magsalin Ibarra

Page 165: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Maria Clara delos Santos Anak ni Kapitan Tiago at

Pia Alba delos Santos Kababata at kasintahan

ni Crisostomo Ibarra Kumakatawan sa isang

uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon

Page 166: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Padre Hernardo Salvi

Page 167: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Tiya Isabel Ang hipag ni Kapitan Tiago

na nag-alaga kay Maria Clara mula sanggol pa lamang

Page 168: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 22 DILIM AT LIWANAG

Page 169: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansin ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.

Page 170: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Lalong pinag-usapan si Maria Clara, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria Clara na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria Clara sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan.

Page 171: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ipinakiusap ni Maria Clara sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Page 172: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria Clara sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego. Naputol ang kanilang pag-uusap sa biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria Clara sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.

Page 173: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya. Lumaganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw nang naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak. Ang lalaki ay si Pedro  

Page 174: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Kabanata 23PANGINGISDA

Page 175: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Talasalitaan

nagsigayak kaagapay

umamalikbay

naghandakasamahinangaanpinipintuho

lumitaw

Tangang nakahawak

Page 176: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

MGA TAUHAN

Kabanata 23 PANGINGISDA

Page 177: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Don Crisostomo Magsalin Ibarra

Page 178: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Maria Clara delos Santos

Page 179: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Tiya Isabel

Page 180: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Elias Isang

piloto/bangkero Magsasakang tumulong kay Don Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang suliranin ito. Isang tunay na maginoo at hindi mapaghiganti

Ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami at may pambihirang tibay na loob

Page 181: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Mga kaibaigan ni Maria Clara Victoria

Iday Sinang Neneng Leon Andeng

Page 182: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

BUODKabanata 23 PANGINGISDA

Page 183: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga kabataan, kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli.

Page 184: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Page 185: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Nagtig-iisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .

Page 186: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.

Page 187: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisinigang na isda. Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.

Page 188: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalokom.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa. Sagwan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.

Page 189: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’

Page 190: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sina Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.

Page 191: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan.  

Page 192: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

SULIRANINKabanata 23 PANGINGISDA

Page 193: Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Page 194: Noli Me Tangere Kabanata 14-23

Sa kalukauyan, isa sa mga itinuturing na problema sa lipunan ang isyu ng teenage pregnancy at pag-aasawa sa murang edad ng kabataan. Ito ay dulot na rin ng malawakang epekto ng media sa buhay nang kabataan. Idagdag pa rito ang pagiging maluwag ng ibang magulang sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak.