9
Kabanata IX: Mga Bagay Bagay ng Bayan Mga Tauhan: “Maria Clara - paalis ng araw na iyon upang kuhanin ang kagamitan nito sa kumbento Tiya Isabel - kasama ni Maria Clara sa anumang lakad nito Padre Damaso - ang simula ng muling panghihimasok ng Padre sa buhay ni Maria Clara Padre Sybila - dumalaw sa kaibigang pari na maysakit at naghatid ng maling impormasyon dito Matandang paring may sakit - naniniwalang natututo na ang mga Pilipino sa pangangalaga sa sarili nitong kapakanan kaya’t ito ay magdudulot ng suliranin sa mga prayle” Paglalahad: “Ang ika-siyam na kabanata ng Noli Me Tangere ay ang paglalahad ng mga suliranin sa bayan, na binabalikat ng mga prayle hindi upang magkaroon ng repormasyon sa kapakanan ng mga Pilipino kundi para sa kanilang pansariling interes.”

Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Kabanata IX: Mga Bagay Bagay ng Bayan

Mga Tauhan:“Maria Clara - paalis ng araw na iyon upang kuhanin ang kagamitan nito sa kumbento Tiya Isabel - kasama ni Maria Clara sa anumang lakad nito Padre Damaso - ang simula ng muling panghihimasok ng Padre sa buhay ni Maria Clara Padre Sybila - dumalaw sa kaibigang pari na maysakit at naghatid ng maling impormasyon dito Matandang paring may sakit - naniniwalang natututo na ang mga Pilipino sa pangangalaga sa sarili nitong kapakanan kaya’t ito ay magdudulot ng suliranin sa mga prayle”

Paglalahad:•“Ang ika-siyam na kabanata ng Noli Me Tangere ay ang paglalahad ng mga suliranin sa bayan, na binabalikat ng mga prayle hindi upang magkaroon ng repormasyon sa kapakanan ng mga Pilipino kundi para sa kanilang pansariling interes.”

Page 2: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Kabanata IX: Mga Bagay Bagay ng Bayan

May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Padre Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiyago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon.

Page 3: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Nahalata kaagad ni Kapitan Tiyago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.

Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Padre Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit.

Page 4: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito.Ikinuwento ni Padre Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Padre Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Padre Sibyla na si Ibarra ay isang mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiyago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.

Page 5: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa. Bago umalis si Padre Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay

Page 6: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan. Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Padre Damaso. Sinisi ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara.

Page 7: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.

Page 8: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Mahahalagang Pangyayari:> May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago.> Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria Clara.> Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago.> Tutol si Padre Damaso sa pakikipagmabutihan ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra.> Ang tinyente ay hindi nagsumbong sa Kapitan Heneral at nangako pang makikiisa ng tapat kay Padre Damaso.> Pinatay ni Kapitan Tiyago ang mga ilaw at kandilang patungkol sa paglalakbay ni Ibarra.

Page 9: Kabanata IX: Mga Bagay Bagay Ng Bayan (Noli Me Tangere)

Kym Arvin A. Reñon9-Rizal