9
SALAYSAY

Salaysay at Kayarian ng Salita

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Salaysay at Kayarian ng Salita

SALAYSAY

Page 2: Salaysay at Kayarian ng Salita

• Isang paraan ng pagpapahayag ng nagkukuwento ang pagsasalaysay.

• Ang isang salaysay ay nagpapahayag ng magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring pinagagalaw patungo sa isang tiyak na katapusan.

• Ito ay may simula, may gitna at may wakas.

• Bago lumikha ng isang salaysay, dapat isaalang-alang ang tatlong hakbang – pagpili ng paksa, pagsusuri ng paksa at pagbubuo ng paksa.

Page 3: Salaysay at Kayarian ng Salita

URI NG SALAYSAY1. Pangkasaysayan (historical

narrative)2. Pantalambuhay (biographical

narrative)3. Pakikipagsapalaran (narrative of

adventure)4. Paglalakbay (travel narrative)5. Nagpapaliwanag (expository)6. Pampanitikang salaysay

a. Parabula d. Maikling Kwentob. Pabula e. Nobelac. Anekdota

Page 4: Salaysay at Kayarian ng Salita

Karaniwang paraan na ginagamit sa pagsasalaysay

• Panauhan• Paggamit ng usapan• Pangyayari• Kongkretong Detalye

Page 5: Salaysay at Kayarian ng Salita

KAYARIAN NG

SALITA

Page 6: Salaysay at Kayarian ng Salita

1. PAYAK: ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal at hindi inuulit. Binubuo ito ng salitang-ugat lamang.

2. MAYLAPI: ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang-ugat na maykasamang panlapi.

Page 7: Salaysay at Kayarian ng Salita

2a. UNLAPI: panlaping kinakabit sa unahan ng salita.

2b. GITLAPI: panlaping nasa gitna ng salita.

2c. HULAPI: panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita.

2d. KABILAAN: panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita.

2e. LAGUHAN: panlaping ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salita.

Page 8: Salaysay at Kayarian ng Salita

3. INUULIT: ang kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.*Inuulit na ganap- buong salitang-ugat ang inuulit*Inuulit na parsiyal- isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.*Magkahalong ganap at parsiyal- buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit.

Page 9: Salaysay at Kayarian ng Salita

4. TAMBALAN: ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.

*Tambalang di ganap- kapag ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili.*Tambalang ganap- kapag nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.