8
BANGHAY-ARALIN sa MAKABAYAN Ikalawang Baitang I. LAYUNIN: Nakikilala ang mga karapatan ng bata na mabigyan ng iba pang pangangailangan. II. PAKSANG ARALIN: Pagkilala sa mga karapatan ng bata na mabigyan ng iba pang pangangailangan. Sanggunian: BEC Handbook sa Makabayan 2 III.A.,1.2, p.22, Sibika at Kultura 2, Pagsibol ng Lahing Pilipino 2 Kagamitan: Pinalaking mga larawan, Diorama, Tarpaulin, Cartolina, Krayola, Lapis, Pentel Pen at iba pa Integrasyon: Sining, Musika, P.E. at Matematika Pagpapahalaga: Kooperasyon at Palakaibigan III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain: 1. Balitaan: Mga bata, nanood ba kayo ng balita kagabi? Ano ang balita na narinig o napanood nyo kagabi? Tungkol saan? Magaling! Kahit kayo ay mga bata pa, kailangang maging alerto kayo sa lahat ng bagay o balita? 2. Balik Aral: Mga bata, sino s inyo ang makapagsasabi kung tungkol saan ang ating napag-aralan kahapon? Magaling! Ano pa?

BANGHAY Aralin s Makabayan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

lesson plan

Citation preview

Page 1: BANGHAY Aralin s Makabayan

BANGHAY-ARALIN sa MAKABAYANIkalawang Baitang

I. LAYUNIN:Nakikilala ang mga karapatan ng bata na mabigyan ng iba pang

pangangailangan.

II. PAKSANG ARALIN:Pagkilala sa mga karapatan ng bata na mabigyan ng iba pang pangangailangan.

Sanggunian:BEC Handbook sa Makabayan 2 III.A.,1.2, p.22, Sibika at Kultura

2, Pagsibol ng Lahing Pilipino 2Kagamitan:

Pinalaking mga larawan, Diorama, Tarpaulin, Cartolina, Krayola, Lapis, Pentel Pen at iba pa

Integrasyon:Sining, Musika, P.E. at Matematika

Pagpapahalaga: Kooperasyon at Palakaibigan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan:Mga bata, nanood ba kayo ng balita kagabi?Ano ang balita na narinig o napanood nyo kagabi?Tungkol saan?

Magaling!Kahit kayo ay mga bata pa, kailangang maging alerto kayo sa lahat ng bagay o balita?

2. Balik Aral:Mga bata, sino s inyo ang makapagsasabi kung tungkol saan ang ating napag-aralan kahapon?

Magaling!

Ano pa?

Tama!

Ibig sabihin, hindi ninyo nkalimutan an gating pinag-aralan kahapon. Ngayon, bigyan ninyo ng masigabong palakpakan ang inyong mga sarili…

3. Talasalitaan/Pag-aalis ng mga Sagabal na mga Salita:

Karapatan - ito`y ang mga bagay na dapat nating madama o maranasan

Page 2: BANGHAY Aralin s Makabayan

Magandang-asal – mabuting pag-uugali

Pangangailangan - ito ang mga bagay na mahalaga sa isang nilalang upang mabuhay gaya ng tubig, pagkain atbp.

Tungkulin - mga dapat gawin na mga gawain.

4. Pagganyak:Mga bata, tingnan ang tula na nakapaskil sa pisara. Ito ay pinamagatang “Tayong mga Bata”.Babasahin ko muna ang tula at saka kayo sumunod sa aking pagbabasa.

“Tayong mga Bata”

Munting mamamayan, May karapatang Dapat ingatan.

Subali’t tandaan, Tayo’y may layunin, Sa bawat karapatan Tayo’y may tungkulin.

Magaling! Bigyan natin ng 5 libong palapak ang inyong mga sarili.

B. Panlinang na Gawain:1. Paglalahad:

a. Gawain 1: Guro(Pagtatalakay ng tulang binigkas.)

Batay sa tulang ating binasa, ano ang dapat ingatan?(Karapatan)

Magaling!

Pero, alam nyo ba kung anu-ano ang inyong mga karapatan?

2. Pagtatalakay:a. Gawain 2: Guro at mga Bata

(Pagtatalakay ng mga Karapatan ng mga Bata.)Mga Karapatang ng mga Batang Pilipino

1.2.3.4.5.6.7.8.9.10.

Page 3: BANGHAY Aralin s Makabayan

Okay, ngayong hapon/umaga pag-aaralan natin kung anu-ano ang inyong

May inihanda akong mga larawan para sa inyo, tingnan ang unang larawan.

Ano ang masasabi nyo sa unang larawan?(larawan ng mga pangunahing pangangailangan ng mga bata halimbawa ng mga damit, pagkain, bahay at iba pa.)

Magaling!

Ito ang unang karapatan ninyo.

Basahin natin ng malakas at sabay-sabay?Magaling!Ngayon, anu-ano ang pangunahing pangangailangan ng

mga bata?

Magaling!

Sa pangalawang larawan, ano man ang masasabi nyo?

Magaling!

Ito naman ang pangalawang karapatan ninyo na maging malusog at malakas.

Basahin nga nang sabay-sabay ang pangalawang karapatan.

Magaling!Ngayon, Pupunta tayo sa pangatlong larawan.Ano naman ang masasabi ninyo?

(larawan ng isang bahay)

Magaling!Itong larawang ito ay nagpapahiwatig sa pangatlong

karapatan ninyo na ang karapatang mabigyan ng maayos na tahanan.

(Ilalahad ng guro ang ibang karapatan ng mga batang Pilipino hanggang sa pinakahuli.)

Magaling!

Mga tanong na dapat itanong sa mga bata:*Bakit kailangang magkaroon ang mga bata ng sariling pangalan?*Bakit kailangang mong mag-aral?*Bakit kailangan ng batang lumaki sa isang malinis, maayos at mapayapang lugar?

Page 4: BANGHAY Aralin s Makabayan

b. Gawain 3: (Pagsasanib ng Sining, Musika at P.E.)a. Gawaing Pangrupo

Ngayon, magsasagawa kayo ng pangkatang Gawain.Papangkatin ko kayo sa apat na grupo/pangkat.Magtatalaga ako ng lider sa bawat pangkat.Ang lider o pinuno ang siyang magsusulat sa pisara.

Pero ninyo sisimulan ang inyong pangkatang gawain, mayroon akong mga batayan sa pagbibigay ng grado sa inyo habang kayo ay nagsasagawa ng pangkatang gawain.

Mga Panuntunan

10 8 6 4

1. Kalidad ng ginawa

Tama ang ibinigay o ipinakita

Tama ang ginawa ngunit may kulang.

Tama ang ginawa ngunit maraming kulang.

May kalayuan sa topiko, dapat bigyan pansin.

2.Ugali habang gumagawa.

Lahat ng miyembro ng pangkat ay masayang gumagawa ng kanilang Gawain.

May isa o dalawang miyembro ang hindi masayang lumahok sa Gawain.

Tatlo o apat na miyembro ang hindi lumalahok sa Gawain.

Kalahati ng miyembro ng pangkat ay hindi masayang lumahk sa Gawain.

3. Napakalinis at medaling mabasa/mahusay gumanap sa dula-dulaan.

Mabasa at malinis/may isa o dalawang hindi maayos gumanap sa dula-dulaan.

Malinis ngunit hindi masyadong mababasa/may tatlo na hindi maayos gumaganap sa dua-dulaan.

Hindi malinis at hindi mabasa/halos kalahati sa pangkat ay hindi gumaganap sa dula-dulaan.

Ang unang grupo ay mag-uusap-usap kung anu-ano yung mga pangunahing pangangailangan ng bawat bata.

Sa pangalawang pangkat naman ay iguguhit ninyo ang pangunahing pangangailangan ng bawat bata.

Sa pangatlong pangkat, pumili ng isang karapatan at isadula ito.

Sa pang-apat naman na grupo ay umawit kayo ng kantang inilaan ako tungkol sa karapatan ng bawat batang Pilipino.

(Pagsasagawa ng mga gawain.)(Magsusubaybay naman ang guro sa mga bata sa kani-kanilang mga ginagawa.)

Magaling!

Page 5: BANGHAY Aralin s Makabayan

b. Pang-isahang Gawain:(Pagpapakita ng mga bata ng kanilang natatanging kakayahan sa pag-awit, pagsayaw at pagguhit ng isahan.)

Magaling!

4. Kgandahang Asal/Pagpapahalaga:Kailangang ingatan ang mga karapatan na ipinagkaloob sa atin

at wag aabusuhin.Sa pagsasagawa naman ng pangkatang Gawain, ano ang

inyong ipinamalas?Kayo ba ay nakipagtulungan sa inyong mga kaklase habang

kayo ay nagsasagawa ng inyong mga Gawain?

Magaling!

5. Paglalahat:Ngayon, anu-ano ang mga karapatan ng mga batang Pilipino?

Magaling!

C. Pangwakas na Gawain:a. Paglalapat:

Mga bata, paano mo/ninyo mapahahalagahan ang mga karapatang iyong tinatamasa?

Sige nga, sino ang makapagsagot sa aking katanungan?

Magaling!Sa ating leksiyon ngayon, kayo ba ay naliwanagan o naintindihan

ninyo ang ating leksyon?May mga tanong ba kayo tungkol sa ating leksiyon?

Magaling!

Kung gayon, kumuha kayo ng isang buong papel para sagutin ang mga katanungan.

Paalala mga bata, bago sagutin ang mga tanong, kailangang basahing mabuti muna ang mga tanong. Huwag magmadali.

IV. PAGTATAYA:Panuto: Piliin ang titik ng karapatan ng bata na isinasaad sa pangungusap.1. Inaalagaan ang isang bata ng kanilang mga magulang, mahal ng kanyang

mga kapatid at mga pinsan. Karapatan niyang tumira sa …..a. Masayang tahanan c. malayong tahananb. Kapitbahay d.

2. Naglalaro ang mga bata sa palaruan. Naring mo ang kanilang tawanan at masayang usapan. Karapatan nilang maging……a. Malusog c. malakasb. Masaya d. magandang asal

3. Kumakain ng masusustansiyang pagkain si Jessica. Karapatan niyang maging…..

Page 6: BANGHAY Aralin s Makabayan

a. Malusog c. sakitinb. Matalino d. mayaman

4. Ang bata ay itinawid ng kanyang ina sa tamang tawiran. Karapatan niyang…..a. Maging ligtas sa panganib c. mapabayaanb. Magkaroon ng pabayang ina d. maging malusog

5. Naglalaro si Rexel sa parke pagkatapos magsimba. Karapatan niyang….a. Gamitin ang pook pampubliko c. manggulo sa parkeb. Hindi maglaro d. hindi gamitin ang pook

pampubliko

Tapos na ba mga bata?

Kung gayon, pakipasa ng inyong mga papel sa akin at pagkatapos, pakikuha ng inyong makabayan na kuwaderno at kopyahin ang inyong takdang-aralin para bukas.

V. TAKDANG ARALIN:Gumupit ng tatlong larawang nagpapakita ng pagtatamasa sa mga karapatan ng batang Pilipino. Idikit ang mga ito sa inyong kuwaderno.