Upload
john-carlo-cabilao
View
1.219
Download
68
Embed Size (px)
DESCRIPTION
First Draft Only
Citation preview
Pamantasang Normal ng PilipinasAng Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Kolehiyo ng Pagpapaunlad PangguroFAKULTI NG MGA SINING AT WIKA
Daang Taft, Maynila
Plano ng Pagkatutosa Filipino 8
(Batay sa K-12 Kurikulum)
Inihanda ni:
John Carlo B. CabilaoIII-4 BSE Filipino
Ipinasa kay:
Dr. Alita I. TepaceDalubguro, S-Fil 17
Pakitang-turo
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 8
(Batay sa Kurikulum na K-12)
Yunit I – Aralin 1
TUKLASIN (Sesyon 1)
Introduksyon sa Aralin
Panitikan: “Ibalon” – Epiko ng mga Bikolano
Wika: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,
sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
Mga Kasanayang Pampagtuturo:
Pag-unawa sa binasa
Pagsasalita
Pagsulat
I. Batayang Kasanayan:
Inaasahang ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayang:
1. Natutukoy ang kahulugan o mensahe ng isang pahayag
2. Nakikilala ang mga katangian at katuturan ng isang epiko
3. Nakasusulat ng isang talatang nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
hinggil sa katangian ng mga epiko sa Pilipinas
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Pagganyak
Pagpapakita ng isang malalim, kritikal at linyadong pahayag. Ipapaskil ang
cartolina na binalutan ng plastic cover kung saan nakasulat ang pahayag
sa ibaba:
Tanong ng guro: Ano kaya ang nais ipabatid ng pahayag na ito? Ano naman
sa tingin niyo ang kinalaman nito sa ating aralin?
B. Panimulang Gawain
Pagkilala sa katuturan at katangian ng isang epiko. Gamit ang projector,
tatayain ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng PowerPoint
Presentation kung saan ipo-project ang sumusunod na teksto:
Panuto: Kilalanin kung ang sumusunod na paglalarawan ay nagpapakita ng
katangian ng isang epiko. Isulat sa espasyo bago ang numero ang salitang
EPIKO kung ang sagot ay nagpapakita ng katangian ng isang epiko at EPIC
FAIL naman kung hindi.
1. Ang paksa ng mga Epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kanyang paglalakbay at pakikidigma.
2. Ang salitang Epiko ay galing sa Griyego na “epos” na nangangahulugang
salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na
kabayanihan.
3. Ang pangkalahatang layunin ng tulang Epiko, samakatwid ay gumigising
sa mga damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan.
4. Ang epiko ay itinuturing din na uri ng maikling kwento.
“Inutil, hilaw at mapagpanggap ang kabayanihang hindi iniaalay para sa mas malawak na hanay ng mamamayan.”
5. Ang epikong masining ay tinatawag ding “Epikong Makabago” o” Epikong
pampulitika.”
C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapakita ng Tularawan (Tula at Larawan) ng isang mandirigma o
sundalo na ipapaskil ng guro sa pisara.
2. Tatawag ang guro ng ilang mga mag-aaral upang basahin ang tula at
magbigay ng kanilang palagay hinggil sa sinisimbolo ng larawan.
3. Iuugnay ng mga mag-aaral ang larawan sa pangunahing katuturan at
katangian ng epiko sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang talata na
sumasagot sa tanong na:
A. Maihahalintulad mo ba ang mga mandirigma o sundalo sa isang
bida o pangunahing tauhan ng isang epiko? Bakit?
B. Bakit itinuturing na bayani ang mga mandirigma o sundalo?
D. Pangkatang Gawain
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Mula sa mga naisulat na talata ng
mga mag-aaral hinggil sa Tularawang pinaskil ng guro, bibigyan ang bawat
pangkat ng cartolina at pentel pen upang bumuo ng isang talata na
kakatawan sa kanilang komparatibong pagsusuri o pag-aanalisa hinggil sa
katangian ng mga epiko sa Pilipinas batay sa sarili nilang palagay o kaisipan.
Paggabay ng guro sa pagsusulat ng mga mag-aaral.
Pagtataya sa mabubuong talata ng mga mag-aaral.
III. Takdang-Aralin
Basahin ang epikong Ibalon ng mga Bikolano.
Pakitang-turo
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 8
(Batay sa Kurikulum na K-12)
Yunit I – Aralin 1
TUKLASIN (Sesyon 2)
Pagbasa ng Panitikan
Panitikan: “Ibalon” – Epiko ng mga Bikolano
Wika: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,
sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
Mga Kasanayang Pampagtuturo:
Pag-unawa sa binasa
Paglinang ng Talasalitaan
Pagsulat
I. Batayang Kasanayan:
Inaasahang ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayang:
1. Nailalahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko
2. Natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita sa
tekstong binasa
3. Nakikinig nang may pang-unawa sa tektong binasa ng kamag-aral
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Pagganyak
Pagpapaskil ng mga inimprentang larawan na sinaliksik gamit ang Internet
mula sa Google na nagpapakita ng kultura ng mga Bikolano at ng pangkat
etnikong Ibalon.
Gabay na tanong: bakit mahalagang ingatan ang kultura at tradisyon ng isang
bansa? Sa paanong paraan maisasagawa ang preserbasyon ng kultura na
kinapapalooban ng katutubong panitikan?
B. Paglalahad ng Aralin sa Panitikan (Input ng Guro)
Pagbasa sa epikong Ibalon mula sa Batayang Aklat sa paraang ang mgamag-aaral ay magbabasa nang papangkat chorale reading:
Kilala ang Bicol sa kanilang matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin Fr. Jose Castaño. Ang nasabing epiko ay nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana.
Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.
Binubuo ng sampung saknong na may tig-4 na linya o talutod. May sukat na lalabindalawahin. May dalawang bahagi ang epiko. Naglalaman ng kahilingan ni Iling (isang ibong laganap sa kabikulan at kung inaalagaan ay madaling turuang bumigkas ng ilang salita) kay Cadugnung na awitin ang mga pangyayaring magpakilala sa kabayanihan ni Handyong.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang awit ni Cadugnung na naglalaman ng mga pangyayaring naganap noong matagal na panahon. Sa pagsisimula ng epiko, si Baltog ang kauna-unahang lalaking nakarating sa Kabikulan buhat sa lupain ng Botavara. Dahil sa mayamang lupain ng Bicol at sa likas nitong kagandahan, naakit si Baltog. Isang gabi, tinambangan ni Baltog ang baboy-ramo. Sinaksak niya ang mabangis na hayop sa pamamagitan ng kanyang sibat. Pagkatapos ay sinunggaban niya ang mga panga at binali ang buto. Isinabit ni Baltog ang dalawang panga sa puno ng Talisay. Labis na humanga ang mga
mangangasong buhat sa ibang lugar nang kanilang makilala at makita ang pangit at panga ng baboy-ramo gayundin ang panga nitong nakausli. Ang baboy-ramong ito ay buhat daw sa bundok ng Lingyon at tinatawag na Tandayag.
Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang nasasakupan. Matapos ang panahon ng kapayapaan at kasaganaan, naghari naman sa buong Ibalon ang lagim at kapinsalaan dahil sa poot ng mga dambuhalang tulad ng mga pating na may pakpak, kalabaw na lumilipad at higanteng buwaya. Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga tao ay muli siyang naging tagapagligtas.
Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak. Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan.
Binanggit din sa epiko na si Handyong ang kauna-unahang gumawa ng bangkang naglayag sa ilog Bicol na si Cuinantong. Lalong naging kahanga-hanga si Cuinantong nang magdagdag siya ng timon at layag sa bangkang gianwa niya. Ginawa rin ni Cuinantong ang araro, suyod, pagalong, singkaw, gulok, asarol at salop. Ang iba pang nagsigawa ng kasangkapan ay si Hablom na tumuklas ng habihan, ang unanong si Dinahon naman ang lumikha ng tapayan, kalan, palayok at iba pa. Si Surat naman ang gumawa ng ABAKADA at inukit sa batong libon. Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog” sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy.
Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa pamilya. Sa gitna ng kapayapaang naghahari sa lupain ay nagkaroon ng isang delubyo. Ang baha ay kagagawan ni Inos. Isang nakasisisndak na bagyo na may kasamang malakas na ulan ang nasabing delubyo. Pagkatapos ng delubyo, isang tangway ang lumitaw na ngayon ay tinatawag na Pasacao. Nagbago rin ang takbo ng agos ng ilog Inarihan. Ang epiko ay nagwakas sa kasaysayan ni Bantong, isang batang-batang kaibigan ni Handyong na lagi niyang kasa-kasama. Sa panahong iyon, ang katahimikan ng Ibalon ay muling binulabog ni Rabut, isang dambuhalang kalahating tao at kalahating hayop ang katawan. Siya’y isang mangkukulam at nagagawa niyang bato ang sinuman.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong bayan. Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang dambuhala
at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr. Jose Castaño: Nangako si Cadugnung na ipagpapatuloy niya ang kuwento sa ibang araw. Subalit maaaring hindi na naisalin ang iba pang bahagi ng epiko o kaya hindi na natapos kung kaya’t nananatiling walang karugtong ang epiko.
C. Pagtalakay sa Panitikan
Tanong:
1. Saang rehiyon sa Pilipinas nagmula ang epikong Ibalon?
2. Ano ang kahulugan ng “ibal” o “ibay” na kauna-unahang tangway
ng Bicol?
3. Dapat bang kilalanin si Baltog na pinuno ng kanilang pook?
Bakit?
4. Sang-ayon ka ba sa pagtaga ni Bantong sa dambuhala habang
ito ay natutulog?
5. Makatarungan ba ang pagpapahintulot ni Handyong na
pagsasama ng alipin at umaalipin nang may katiwasayan at
karangalan sa pamilya? Bakit oo? Bakit hindi?
6. Paano mo isasabuhay ang mga pagpapahalaga sa akda sa iyong
pag-aaral, pakikitungo sa pamilya at ibang tao?
III. Paglinang sa Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita sa
ibaba:
Salita Kasingkahulugan Kasalungat na Kahulugan
1. Tinambangan
2. Namilipit
3. Dambuhala
4. Katiwasayan
5. Lugod
IV. Gamit ang Flow Chart, pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang
pangyayari sa binasang epiko.
Pangyayari 1:
Pangyayari 2:
Pangyayari 3:
Pangyayari 4:
Pangyayari 5:
V. Takdang-Aralin
Gamit ang mga materyales sa pagguhit, iguhit ang pinakanaibigan mong
tauhan sa nabasang epiko. Iprepresenta ang nagawa sa susunod na
pagkikita.
Pakitang-turo
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 8
(Batay sa Kurikulum na K-12)
Yunit I – Aralin 1
PAGNILAYAN AT UNAWAIN (Sesyon 3)
Pagtalakay sa Aralin sa Wika
Panitikan: “Ibalon” – Epiko ng mga Bikolano
Wika: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,
sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
Mga Kasanayang Pampagtuturo:
Pagsasalita
Pakikinig
Pagsulat
I. Batayang Kasanayan:
Inaasahang ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayang:
1. Naipapahayag ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nabasang epiko
sa pamamagitan ng mga hudyat ng sanhi at bunga
2. Nakikinig nang may pang-unawa sa balitang panradyo
3. Nakasusulat ng sanaysay na sumusuri sa mga epikong bayan ng Pilipinas
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Pagtataya
1. Ibabahagi na ng mga mag-aaral ang naibigan nilang tauhan na
iginuhit nila at ipapaliwanag kung bakit ang partikular na tauhan
ang naibigan.
2. Hahatiin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay magtatalaban ng
memorya at kaisipan hinggil sa nabasang epiko. Pipili ng isang
kinatawan ang bawat pangkat na siyang muling magbabahagi ng
kanilang napag-usapan. Tatayain ng guro ang may
pinakamahusay na pagbabahagi batay sa nilalaman at
katumpakan ng ibininagi ng pangkat sa klase.
B. Pagganyak
Magpaparinig ang guro ng balita gamit ang nirekord na balita sa radyo. Ang
balita ay hinggil sa walang-awang pagpaslang sa mga Lumad. Habang
nakikinig ang mga mag-aaral ay magtatala sila ng mga mahahalagang
impormasyon na kalaunan ay gagamitin nila para sa kanilang presentasyon
at analisis ng mga datos.
Tanong ng guro: Ano ang kaugnayan ng napakinggang balita sa epikong
nabasa? Bakit mahalagang ipaglaban ang karapatan ng mga katutubo na
siyang pangunahing nagpapanatili ng mga katutubong panitikan?
C. Aralin sa Wika at Gramatika
Upang maayos na mapadaloy ang pagpapahayag ng mga saloobin at ideya,
kinakailangang gumamit ng mga hudyat: ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Nasa ibaba ang listahan ng mga salitang maaaring magpakita ng sanhi at bunga
ng mga phenomena.
Dahil, sapagkat, ngunit, kaya, kaya nga, bunga nito, bilang resulta, subalit,
nangyari nga
D. Sintesis
Sumulat ng limang pangungusap na gumagamit ng mga salitang
nagpapakita ng sanhi at bunga.
1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
3. ____________________________________________________
4. ____________________________________________________
5. ____________________________________________________
Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng epikong Ibalon,
ano ang maimumungkahi mo? Muling gamitin ang mga salitang
nagpapakita ng sanhi at bunga sa pagsulat ng isang talatang
alternatibong waka.
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
E. Presentasyon
Ilalahad ng mga mag-aaral ang nalikom nilang datos mula sa napakinggang
balita at ang pagsusuri nila rito. Sasagutin nila ang tanong ng guro.
F. Pagpapayaman
Pagbibigay input ng guro hinggil sa balitang ipinakinig.
G. Ibigay ang hinihingi ng tsart sa ibaba:
3 Tatlong bagay na natutuhan mo
2 Dalawang bagay na nakapukaw ng iyong interes
1 Isang katanungan na nais mong masagot
III. Pangwakas na pagtataya
Suriin ang epiko batay sa mga sumusunod na salik:
1. Tauhan
2. Daloy ng naratibo
3. Superficial na mga pangyayari
4. Kalakasan
5. Kahinaan
IV. Takdang-aralin
Kaugnay ng isinagawang pagsusuri sa binasang epiko ng mga Ibalon,
magbasa ng iba pang epiko at suriin ito batay sa mga ibinigay na
pamantayan ng guro.
Pakitang-turo
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 8
(Batay sa Kurikulum na K-12)
Yunit I – Aralin 1
ILIPAT (Sesyon 4)
Panitikan: “Ibalon” – Epiko ng mga Bikolano
Wika: Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,
sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa)
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
I. Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng sariling naratibo hinggil sa kultura at tradisyon ng mga katutubo
sa bansa.
II. Proseso ng Pagkatuto
A. Balik-aral
Balik-aral sa epikong tinalakay
B. Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay iaarte ang ilang mahahalagang bahagi ng epiko.
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
Unang pangkat – Simula
Ikalawang pangkat – Gitna
Ikatlong pangkat – Kasukdulan
Ikaapat na pangkat – Wakas
Pamantayan:
Katumpakan - 20%
Kasiningan - 30%
Kahusayan - 30%
Paggamit ng Props - 20%
Kabuuan: 100%
C. Pagsulat
Sumulat ng sariling sariling hinggil sa kultura at tradisyon ng mga katutubo
sa bansa. Iugnay sa mga epikong nabasa.
III. Takdang-aralin
Gamit ang mga unang titik ng salitang EPIKO, bumuo ng isang tula na
nagpapahayag ng kahalagan ng epiko sa kabihasnan ng Pilipinas.
E-
P-
I-
K-
O-