Upload
others
View
8
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Department of Education
Agham 3 Pangunahing Pangangailangan ng Tao,
Hayop at Halaman at Kailangang Bagay sa
Kapaligiran
Ikalawang Markahan-Ikaanim na Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Aurea P. Gascon
Manunulat
Felipe W. Marapao Jr.
Tagapagsuri
Edward R. Montojo
Armida S. Oblinada
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
Inaasahan
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat alang-alang sa
iyong pagkatuto. Ito ay para tulungan ka na maunawaang lubos
ang pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman at
kailangang bagay sa kapaligiran. Ang saklaw ng modyul na ito ay
maaaring gamitin sa iba’t ibang sitwasyon ng pagkatuto. Ang
wikang ginamit ay kinikilala ang malawak na antas ng bokabularyo
ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay nakaayos ayon sa standard
na pagkakasunod ng kurso ngunit ang pagkakasunod nito ayon sa
iyong pagbabasa ay maaaring mabago ayon sa aklat na iyong
kasalukuyang ginagamit.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:
1. Makikilala ang mga pangunahing pangangailangan ng tao,
hayop at halaman
2. Maipaliwanag kung paano naka depende ang tao, hayop
at halaman sa kailangang bagay sa kapaligiran.
Unang Pagsubok
Panuto: Bilugan ang mga larawan na pangunahing
pangangailangan ng mga may buhay.
3
HANGIN – Ang mga tao at hayop ay nangangailangan ng
hangin na kung tawagin ay oxygen (ok-si-jen) upang
makahinga. Ang mga halaman naman ay nangangailangan
ng carbon dioxide (kar-bon da-yok-sayd).
Balik-tanaw
Ang mga bagay sa ating paligid ay maaring may buhay o
wala. Ang katangian ng mga bagay na may buhay ay: tumutubo
isinisilang, lumalaki , dumarami, gumagalaw mag-isa, humihinga at
nangangailangan ng pagkain. Samantalang ang mga bagay na
walang buhay ay hindi nangangailangan ng tubig, hangin at
pagkain. Sila rin ay walang kakayahang gumalaw mag-isa at
magparami.
Panuto: Isulat ang MB kung ang pangungusap ay tumatalakay sa
bagay na may buhay at WB naman kung walang buhay.
_____1. Hindi kayang gumalaw ng kusa ng mga bagay na ito.
_____2. May kakayahang tumubo o magparami ng kanilang uri.
_____3. Halimbawa ng mga bagay na ito ay sapatos, damit,
laruan at aklat.
_____4. Ang mga bagay na ito ay hindi nangangailangan ng
pagkain at oxygen upang huminga.
_____5. Iba’t ibang uri ng halaman at hayop kabilang din ang
mga tao ang nakapaloob sa pangkat na ito.
Maikiling Pagpapakilala ng Aralin
Ang mga tao, hayop at halaman ay may pangunahing
pangangailangan upang mabuhay sa kanilang piniling tahanan.
Kailangan ang pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran upang
matugunan ang mga kailangang ito.
4
TUBIG – Ang tubig ang isa sa napakahalagang kailangan ng
mga may buhay. Ito ay pumapawi sa uhaw at naglilinis ng
katawan.
PAGKAIN – Ang tao at hayop ay kumikilos. Upang patuloy
itong makagagawa, nangangailangan ng lakas, sustansya at
resistensya ang katawan. Ang mga ito ay makukuha mula sa
pagkain.
TIRAHAN – Ang tao at hayop ay nangangailangan ng lugar
na matitirahan upang sila ay magkaroon ng proteksyon at
maging ligtas.
Gawain
Gawain 1.1 Pangunahing Pangangailan ng May Buhay
Panuto: Punan ang patlang ng tamang mga salita.
1. Ang mga may buhay ay kumukuha ng enerhiya sa
a_______.
2. Lahat ng may buhay ay nangangailangan ng t_____.
3. ANg mga may buhay ay nangangailangan ng
t_____ upang lumaki at manatiling ligtas
4. Nangangailan ng p_______ang mga may buhay
upang maging malusog at masigla
5. Ang h_______ ay kailangan ng mga may buhay
upang huminga.
5
Gawain 1.2 Pangunahing pangangailangan ng Tao, Hayop at
Halaman
Panuto: Ano ang kailangan ng tao, hayop at halaman? Kumuha
ng sagot sa word bank upang mabuo ang Venn Diagram.
Tao at Hayop Halaman
Parehas
1. ____________ 2. __________ 3. ______________
4. ____________ 5. __________ 6. ______________
Gawain 1.3 Pangangailangan o Hindi
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang angkop na katangian ng bagay.
Bagay Pangunahing
Pangangailangan
Hindi Pangunahing
Pangangailangan
1. laruan
2. gulay
3. tubig
4. ice cream
5. bahay
Hangin Pagkain Tubig
Tirahan Araw Lupa
6
Kailangan natin ang bawat isa!
Panuto: Basahin at unawain ang usapan ng mga bagay na may
buhay at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ako ang haring araw, sa
pamamagitan ng aking enerhiya
ay tinutulungan ko ang mga
halaman para lumaki at
mabuhay.
Kami ang ulan, nagdadala
kami ng tubig sa mga
halaman na tumutulong sa
kanilang paglaki.
Kaming mga halaman at puno ay
nangangailangan ng araw at tubig galing
sa ulan. Tinutulungan nila kami sa aming
paglaki.
Ako ay isang uod. Ako ay nagugutom
at kailangan kong kumain ng dahon
mula sa puno at halaman
Gutom na gutom din ako. Kakainin ko
ang prutas mula sa mga puno. Kakainin
ko din ang uod.
Ang mga tao ay nagugutom din. Kami ay
kumakain ng bigas, prutas at gulay mula
sa mga puno at halaman. Kumakain din
kami ng ibat’t ibang uri ng karne mula sa
mga hayop.
7
Gawain 1.4
PANUTO: Iguhit ang (araw) kung ang pangungusap ay TAMA
at iguhit naman ang (ulap) kung hindi.
_____1. Ang mga tao, hayop at halaman ay nagtutulungan upang
ibigay ang mga pangangailangan ng bawat isa.
_____2. Maaring mabuhay ang mga tao, hayop at halaman kahit
wala ang araw at tubig.
_____3. Kinakailangan ng tao at hayop ang tubig upang palakasin
at linisin ang katawan.
_____4. Upang patuloy na lumago, lumaki at mamunga ang mga
puno at halaman, makukuha ang mga kinakailangan nito sa
kapaligiran.
_____5. Ang mga tao at hayop ay hindi umaasa at mabubuhay
kahit wala ang mga puno at halaman sa kapaligiran.
Tandaan
Ang mga tao, hayop at halaman ay may pangunahing
pangangailangan upang mabuhay sa kanilang piniling
tahanan. Kailangan ang pangangalaga at pag-iingat sa
kapaligiran upang matugunan ang mga kailangang nito.
Ang pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at
halaman ay enerhiya na nagmumula sa araw, pagkain,
tubig, hangin, at maging ang tirahan.
Ang mga bagay na may buhay, tulad ng tao, hayop at
halaman ay umaasa at nakadepende sa kapaligiran
upang matugunan ang kanilang mga pangunahing
pangangailangan.
8
Pag-alam sa mga Natutunan
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang kahon kung ito ay
pangangailangan ng tao, hayop at halaman.
Pangangailangan
Mga Tao
Mga Hayop
Mga Halaman
Pagkain
Tubig
Hangin
Tirahan
Damit
1. Ano ang magkaparehong pangangailangan ng tao, hayop
at halaman? _____________________________________________
2. Magkatulad ba ang hangin nanilalanghap ng tao, hayop at
halaman? San nila kinukuha ang hangin na nalalanghap?
__________________________________________________________
3. Magkatulad ba ang pagkain na kinakain ng tao at hayop?
Saan nagmumula ang pagkain?
__________________________________________________________
4. Pareho bang umiinom ng tubig ang mga tao, hayop at
halaman? Saan nagmumula ang tubig na ito?
__________________________________________________________
5. Magkakatulad ba ang pook na tirahan ng mga tao, hayop
at halaman? Makikita ba natin sila sa iisang kapaligiran? ___________________________________________________________________
9
Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng
pangangailangan ng tao, hayop at halaman. idikit ito sa loob ng
kahon. Magbigay ng dalawang (2) pangungusap kung bakit ito ay
kailangan.
l. Pangangailangan ng Tao
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
ll. Pangangailangan ng Halaman
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
10
lll. Pangangailangan ng Hayop
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
11
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing pangangailangan ng
tao, hayop at halaman?
A. C.
B. D.
2. Ano ang hangin na kailangan ng mga tao at hayop?
A. tubig B. oxygen C. carbon dioxide D. tirahan
12
3. Ano sa sumusunod ang pangunahing pangangailangan ng mga bagay
na may buhay?
I – Tirahan II – Laruan III – Pagkain IV – Tubig V- Kotse
A. I – III – IV C. II – III – IV
B. III – IV – V D. I – II – IV
4. Alin ang nagpapakita na ang mga bagay na may buhay ay naka
depende sa kalikasan upang matugunan ang kanilang pangangailangan?
A. Batang mahilig maglaro ng manika.
B. Hayop na umiinom ng tubig sa sapa.
C. Punong natumba dahil sa lakas ng bagyo.
D. Mga taong bumibili ng gamit sa paaralan.
5. Ano ang mangyayari sa mga halaman kung hindi maibibigay ang mga
pangunahing pangangailangan nito?
A. mamumunga B. lalago C. malalanta D. mauuhaw
Sanggunian:
Aklat Science III, Kagamitan ng mga Mag aaral 3 p. 106-110 Power Tools in Science III p. 63-70
Susi sa Pagwawasto
Balik Tanaw
1. WB 2. MB 3. WB 4.WB 5.MB
Pangwakas na Pgsusulit
1. C 2.B 3.A 4. B 5.C