12
Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 Pagpapahayag ng Sariling Ideya/Damdamin o Reaksiyon tungkol sa Napakinggan/ Nabasang Kwento, Alamat, Tugma o Tula, o Tekstong Pang – impormasyon. Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Rosel T. Cabasag Manunulat Hilario G. Canasa Nelia G. Abejar Mga Tagasuri Rhodora V. Mandap Melesa L. Calapano Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 2 Pagpapahayag ng Sariling Ideya/Damdamin

o Reaksiyon tungkol sa Napakinggan/

Nabasang Kwento, Alamat, Tugma o Tula,

o Tekstong Pang – impormasyon.

Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Rosel T. Cabasag

Manunulat

Hilario G. Canasa

Nelia G. Abejar

Mga Tagasuri

Rhodora V. Mandap Melesa L. Calapano

Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan

Mga Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

2

INAASAHAN

Ang aralin na ito ay kusang binuo para magamit sa

pagpapalalim ng iyong pang-unawa at pagkatuto.

May mga pagsasanay ang modyul na ito. Dapat

mong basahing mabuti ang bawat bahagi upang iyong

maintindihan.

Kailangang matapos mo at maunawaan ang aralin

na ito. Kung nahihirapan ka pwede kang magpatulong sa

magulang, sa mga kapatid o kaya’y tumawag sa iyong

guro para magtanong.

Ingatan at panatilihing malinis ang modyul na ito.

Pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang;

1. Naipahahayag ang sariling ideya, damdamin o

reaksyon tungkol sa napakinggan o nabasang

kwento, alamat, tugma o tula, o tekstong pang –

impormasyon (F2PS-Ig-6.1)

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang letrang nagsasaad ng tamang

damdamin sa bawat bilang.

1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas, “Ay,

kabayo!” dahil sa matinding gulat.

A. lungkot C. panghihinayang

B. pagkabigla D. pagkamangha

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

3

2. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang may

ibang gumamit ng kaniyang damit.

A. galit B. inis C. tuwa D. takot

3. “Naku, kinikilabutan at naninindig ang aking

balahibo! Anong lugar kaya ito?”

A. gulat B. inis C. takot D. lungkot

4. “Aha! Diyan ka lang pala nagtatago. Ikaw na ang

bagong taya.”

A. inis B. pagkagulat C. tuwa D. takot

5. “Yehey, tumama at nanalo ng malaking halaga ang

Nanay ko sa paligsahan!”

A. pagkabigla C. tuwa

B. lungkot D. pagkatakot

BALIK-TANAW

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang

mga tanong gamit ang graphic organizer.

Si Lito

Si Lito ay batang palasagot. Isang araw, maagang

umuwi mula sa paaralan si Gng. Santos. Narinig niyang

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

4

sinisigawan ni Lito ang kasambahay. Pinagsabihan niya

itong pumasok sa kuwarto at kinausap. Paglabas nila sa

silid, pinuntahan ni Lito si Aling Sonya na kasambahay at

humingi ng paumanhin.

Pamagat

Tauhan Tagpuan

Problema Solusyon

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

5

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Lilinangin ng araling ito ang inyong kahusayan sa

pagpapahayag ng sariling ideya/damdamin o

reaksiyon tungkol sa napakinggang/nabasang

kwento, alamat, tugma o tula, o tekstong pang

impormasyon.

Ito ay makatutulong sa ating buhay sa pang araw

– araw na pakikipag-usap natin sa ating pamilya,

katrabaho at kalaro naipahahayag natin ang ating

sariling ideya/damdamin o reaksiyon tungkol sa ating

napakinggan/nabasang kwento, alamat, tugma o

tula, o tekstong pang impormasyon o base sa ating

karanasan at kaalaman.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

6

GAWAIN

A. Panuto: Basahin ang kwentong “Ang Magkaibigan”.

Ang Magkaibigan

Sina Ben at Lino ay magkaibigan. Isang araw,

nagkita sila sa palaruan. Dala-dala ni Lino ang laruang

padala ng kaniyang ama. Basahin natin ang kanilang

usapan.

Ben: Wow! Ang ganda naman ng laruan mo!

Lino: Padala ito sa akin ni Tatay.

Ben: Bakit parang hindi ka masaya? Sabihin mo sa akin

at ako’y makikinig.

Lino: Gusto ko na kasing makita si Tatay. Sa isang taon pa

siya makauuwi. Palagi namin siyang iniisip at

ipinagdarasal.

Ben: Malungkot ka pala. Halika at paglaruan na lang

natin ang mga maliliit na kotseng iyan. Tingnan

natin kung alin sa mga kotseng iyan ang

pinakamabilis.

Lino: Sige, iyo na ang kotseng pula at akin ang kotseng

asul.

Nag-unahan sa pagkarera ng kotse ang mga bata.

Ben: Hayan, masaya ka na.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

7

Lino: Oo, mag-unahan tayo sa pagkarera ng kotse.

Ben: Yehey! Tiyak mananalo ako.

Mga Tanong:

________________1. Sino ang magkaibigan?

________________2. Ano ang dala-dala ni Lino sa palaruan?

________________3. Ano ang damdamin ni Ben nang

sabihin niyang “Wow! Ang ganda naman ng laruan mo?”

________________4. Ano ang sinambit ni Ben sa pahayag ni

Lino na “Gusto ko kasing makita si Tatay?”

________________5. Paano naipahayag ni Lino ang

kaniyang kalungkutan kay Ben?

6. Kung ikaw ay binigyan ng paborito mong laruan ng

iyong mga magulang, ano ang iyong mararamdaman?

Iguhit mo ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng

pagguhit ng emoji.

_____________________________________________

7. Paano mo masusuklian ang kasiyahang dulot sa iyo ng

mga bagay na ibinibigay sa iyo ng iyong mga magulang?

______________________________________________________

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

8

Karagdagang Gawain:

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming

ipinahihiwatig ng pahayag sa bawat

bilang.

pagkagalit pagkahiya pagkainip

pagkatuwa paninisi

1. “Bakit mo iniwan ang nakasalang na sinaing?

Nasunog tuloy.” _______________

2. “Yehey! Mataas ang nakuha ko sa pagsusulit.”

_____________

3. “Pasensiya na po. Narumihan ko ang inyong

sapatos.” ___________________

4. “Bakit ang tagal – tagal nila? Kanina pa ako rito.”

________________

5. “Ilang ulit ko nang sinasabi sa iyo na bawal dito ang

aso?” ____________________

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

9

TANDAAN

May iba’t ibang damdaming nadarama katulad ng

tuwa, galit, pagka – yamot, saya, takot, gulat, lungkot at

iba pa. Mahalaga na alamin natin ang iba’t ibang

damdamin para naipahahayag natin ang sariling

ideya/damdamin o reaksiyon tungkol sa ating

napakinggan/ nabasang kwento, alamat, tugma o tula at

sa tekstong pang – impormasyon.

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letrang akma sa

damdaming ipinahahayag ng bawat

pangungusap.

______1. “Hay, umalis na si Tatay patungong Saudi Arabia.

Matagal na naman bago kami magkita.”

______2. “Yehey, manonood kami ng sine!”

______3. “Ay! Nawalan ng kuryente.”

A. nagalit B. natakot C. nagulat

D. natuwa E. nalungkot

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

10

______4. “Gabi na. Bakit nasa lansangan ka pa?”

______5. “Naku! Ang dilim-dilim dito. Bakit parang may

matang mapupula sa may dulo ng lagusan.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang tamang letra na nagsaad ng

tamang damdamin sa bawat bilang.

_____1. Yehey! Nanalo kami sa laro.

A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot

_____2. Nawawala ang pitaka ko.

A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot

_____3. Ha! Nasunog ang bahay nila?

A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot

_____4. “Bakit kaya hindi ako isinama ni Ate sa parke?

A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot

_____5. “Ang tataas ng mga marka ko. Tiyak matutuwa si

Nanay.”

A. gulat B. lungkot C. tuwa D. takot

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

11

Sanggunian

Ang Bagong Batang Pinoy (Filipino 2)

Kagamitan ng Mag-aaral

Teacher Guide sa Filipino 2

Susi ng Pagwawasto

Unang Pagsubok

1.B 2.A

3.C

4.A

5.C

Pag- alam sa Natutunan

1.E

2.D 3.C 4.A

5.B

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - DepEd Muntinlupa

12

Gawain

A.1. Ben at Lino 2..laruan

3..masaya

4.malungkot

5.Sa pamamagitan ng pagkukwento

B.1. Paninisi

2. Pagkatuwa

3. Pagkahiya

4. Pagkainip

5. Pagkagalit

Pangwakas na Pagsusulit

1.C 2.B 3.A

4.B

5.C

Balik – Tanaw

Pamagat – Si Lito

Tauhan – Lito, Gng. Santos at Aling Sonya

Tagpuan – Sa loob ng bahay

Problrema – Sinigawan ni Lito ang kasambahay

Solusyon – Kinausap ni Gng. Santos si Lito at si

Lito ay humingi ng paumanhin kay Aling Sonya.