24

Click here to load reader

Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

1.) Mga halimbawa ng Katutubong panitikan:

Bugtong

 Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari-sari. Sagot: Sampayan

2. Nagbibigay na'y sinasakal pa. Sagot: Bote

3. Ako ay may kaibigan kasa-kasama, saan man, Mapatubig ay di nalulunod, Mapaapoy ay di nasusunog. Sagot:Anino

4. May binti, walang hita, May tuktok, walang mukha. Sagot: Kabute

5. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi. Sagot: Gagamba

6.nagtago si pedro nakalabas ang ulo.sagot:pako

Tula

Katitibay ka, tulosSakaling datnang agosAko ay mumunting lumotNa sa iyo’y pupulupot.

Buto’t balatLumilipad

Bumbong kung liwanagKung gabi ay dagat

Epiko

EPIKO ng BIAG NI LAM ANG 

Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag.

Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan ito naroroon, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglay ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nangamatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ang kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng doteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila ni Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay

Page 2: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sumunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urin ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso.

2.) Panahon ng Mga Kastila:

Urbana At Feliza

Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto

de Castro na ipinanganak sa Biñan, Laguna, noong

unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa

Colegio Real de San Jose, naging Kura sa Catedral

ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod

sa “Urbana at Feliza” ay sinulat din niya ang

“Pláticas Doctrinales” (1864), “Exposicion de las

Siete Palabras en Tagalo”, at “Novena a San Isidre en

Tagalo”, atb. Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza”

ay natagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa

Tagalog”.

Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay

“Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana

at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng

dalawang magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay

nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa

Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay

puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung

ano ang dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon.

Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa

landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan

ang mga ito. Sa “Paunaua sa Babasa” ng aklat ay

ipinaliliwanag ni P. Modesto de Castro ang

nilalaman:

“Sa pangalang ‘Urbana’ mababasa ang magaling na

pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga sulat sa

kapatid na Feliza, ay maka pupulot ang dalaga, maka

pag aaral ang bata, maka aaninao ang may asawa,

maka tataho ang binata nang aral na bagay sa

kalagayan nang isa,t, isa.

“Kay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pag ilag sa

panganib na ikasisira nang kalinisan; at ang kaniyang

magandang asal ay magagauang uliran nang ibig mag

ingat nang cabaitan at loob na mataimtiman.

“Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap

nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, maca pag

aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot

nang hatol na dapat alinsunorin bago lumagay sa

estado, at cun na sa estado na.

“Sa manga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay:

ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si

Honesto, maca pag aaral ang bata, at maca tatanto

nang caniyang catungkulan sa Dios, pagka tanao

nang kaliuanagan nang canilang bait…”

Ang mga pangalan ng mga panauhan sa “Urbana at

Feliza” ni P. Modesto de Castro ay mga sagisag ng

aral na nais maparating ng sumulat sa mga

mambabasa. Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng

Urbanidad o kabutihang asal (good manners). Ang

pangalang “Feliza” ay galling sa Kastilang “feliz”

(maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang

natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-masunurin.

Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang-

budi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa

aklat na kung ang mga aral ng kaniyang “Urbana at

Feliza” ay pakinabangan ng mga tao:

“Ang uiuicauin co,i, pinapalad aco, at ang

cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang

tinamaan co ay mabuting lupa.

“At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i,

isang magsasacang cumita nang alio, uupo sa isang

pilapil, nanonood ng kaniyang halaman, at sa

kaniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang

hangin, at sa bungang hinog na anaqui butil na

guintong nagbitin sa uhay, ay cumita nang saya.

Page 3: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

“Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at

palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan,

nguni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na

ibayuhan…”

Barlaan at Josaphat

Ang kasaysayan ng barlaan at josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa kristyano ang anak na prinsipe. naituro ni tomas Apostol ang aral ng diyos sa indya, na pinaghaharian noon ni abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito. sa paglaki ni Josaphat. Narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayn nang matanaw niya ang isang taong kahabag-habag.

Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kya nakatagpo niya si Josaphat, na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir hanggang sa makaalis na sa palasyo si Barlaan.

Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa ank, iniutos niyang dakpin si barlaan, ngunit di ito matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y nagging daan para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama. Napagkillala ni Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito. Nanalo sina Josaphat.

May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng mga Mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan.

Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,kya naisip ni Abenir na marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang

kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay. Ibig din naming manahimik ni Josaphat kya iniwan niya ang kaharian sa isang tapat na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito.

Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si Barlaan bago mamatay.

Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.

Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na napabantog mula noon, kya naman marami pa ang nagpabinyag.

Doctrina Christiana

Iba't ibang kasagutan:Isa sa pinakauna ng libro na nailathala sa Pilipinas noong pananhon ng mga Kastila . Libro na nauukol sa pananampalatayang Kristiyano o Kristiyanismo. 

Ito ang kauna una unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga aral at turo ng Kristiyanismo. 

Ang ibig sabihin nito ay ang aral ng ating Panginoong Hesu Kristo na dapat nating sundin sa araw araw ng ating buhay na nakasulat sa Biblia. 

Unang aklat na naisulat sa Pilipinas. 

Mga halimbawa ng PasyonPanalangin sa Diyos

Oh Diyos sa kalangitan Hari ng sangkalupaan Diyos na walang kapantay, mabait lubhang maalam at puno ng karunungan.

Ikaw ang Amang tibobos ng nangungulilang lubos

Page 4: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

amang di matapus-tapos, maawi't mapagkupkop sa taong lupa't alabok.

Iyong itulot sa amin Diyos Amang maawain mangyaring aming dalitin, hirap, sakit at hilahil ng Anak mong ginigiliw.

Panalangin sa Mahal na Birhen

At ikaw Birheng Maria Ina't hari ng awa ka bukod sa tanang sampaga, di matuyo't di malanta dikit mong kaaya-aya.

Ikaw rin po't siya lamang Sedes Serpientine ang ngalan; luklukan ng karunungan at kaban kang sinusian ng Diyos sa kalangitan.

Toreng walang pangalawa ni David, bunying Propeta bahay na ganitong sinadya, pinamahayang talaga ng ikalawang Persona.

Ikaw rin Birheng Mahal bituin sa karagatan mapag-aliw sa may lumbay, kuta ng makasalanan matibay sa katibayan.

Reynang walang kahulilip ng sanlangitan angheles pinupuring walang patid, ng Tronos, Dominaciones, Virtudes at Potestades.

Emperatris na mataas ng Patriarkas, Propetas Birheng walang makatulad, bukod sa babaing lahat ng nag-iwi sa Mesias.

Yayang ikaw ay di iba batis ng Misericordia binabalungan tuwi na, ng awa't mahal na grasya ng bunying tatlong persona.

Kami po ay uod lamang sa lupa ay gumagapang

lipos ng dilang kasamaan, Birhen, kundi mo tulungan anong aming kapakanan?

Ang paglalang ng Panginoong Diyos nitong buong mundo

Ang lupa't sampu ng langit hangin at ang himpapawid hayop, isdang nasa tubig, taong hamak na bulisik may karamdaman at bait.

Ano pa't ang balang bagay na di nating natitignan dapat sampalatayanan, na ang isang Diyos lamang ang may gawa at may lalang.

Dili iba't at siya nga lubos na may manukala ng gawang hindi mahaka, kusa niyang inadhika sa taong hamak na lupa.

Kaya ngayon at ang dapat tayo'y maniwala't sukat sa Santisima Trinidad, tatlo sa pagka-Personas iisang Diyos na wagas.

Ito ring Diyos na tunay walang punong pinagmulan wala namang katapusan, ganap na kapangyarihan ganda't kaluwalhatian.

Mistulang Diyos na isa tatlo sa pagka-persona walang huli't walang una, bait at omnipotensia paraparang maligaya.

Na kung sa bilang ng tao una ang Amang totoo ikalawa ay ang Berbo, at ang personang ikatloDiyos Espiritu Santo.

3.) Panahon ng Propaganda at Paghihimagsik

NOLI ME TANGERE

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos

Page 5: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay.

Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato

habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na

Page 6: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias.

Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay.

Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila.

Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre.

Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.

Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

EL FILIBUSTERISMO

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa

pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga

pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at

si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula

nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang

makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun

na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng

libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay

si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang

ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si

Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang

binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa

Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil

gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los

Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng

isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang

Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito

ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang

mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa

gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang

makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing

akademya.

Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at

muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak

niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong

na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara

upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi

naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria

Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag

ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang

natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria

Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating

binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang

tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito

ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari:

Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto

ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay

mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang

pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga

kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay

ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na

ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang

kasintahan.

Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak

na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si

Page 7: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang

tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay

ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan

siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong

ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng

pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa

durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na

paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay

Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong

paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal

nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong

sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din

niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga

may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga

litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay

nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad

siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa

paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong

pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na

kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis

Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang

ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na

sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang

lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan

na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay

ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at

pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo.

Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin,

ay puputok ang isang kapsulang fulminato de

mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay

ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong

kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga

naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na

pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging

hudyat upang simulan ang paghihimagsik na

pangungunahan ni Simoun.

Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at

si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng

pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si

Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di

malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si

Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang

dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni

Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di

siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat

kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin

napatinag ang binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di

mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,

ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at

inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang

pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa

sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino,

sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit

nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-

aalahas,

uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang

buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang

pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na

kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay

bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong

taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria

Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa

pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti

sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos

na mangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang

naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging

kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na

Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan

ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang

kayamanan ni Simoun.

Katapusang Hibik ng Filipinas

Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. 

Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. 

Page 8: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. 

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? 

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? 

Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. 

Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. 

Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip. 

Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. 

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. 

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. 

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. 

Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. 

Paalam na Ina, itong Pilipinas, 

paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.

ANG NINGNING AT LIWANAG

Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang

Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang

mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-

bagay.

 

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat

ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa

kamay ng nagaganyak na dumampot.

 

Ang ningning ay madaya.

 

Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani

sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian:

Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na

hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay

at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan.

Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw;

marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na

kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago

ang isang pusong sukaban.

 

Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa

pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan

kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating

nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng

kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at

kapagaLang tunay.

 

Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit

ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag.

 

Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao

at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at

daLita.

 

Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob

na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay

nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-

Page 9: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na

pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang

mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang

mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at

ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng

kapangyarihang ito.

 

Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag

nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng

ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning.

 

Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng

puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-

asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang

mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at

ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi

hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng

katwiran.

 

Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay

humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas

ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang

kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na

daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na

napatatanaw sa paningin.

 

MapaLad ang araw ng Liwanag!

 

Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo

kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa

pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NG DIYOS

Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo

sa lahat n~g bagay: ang Dios na siyang bucal n~g

boong catotohanan, n~g boong catuiran at boong

lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang siya lamang

macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing

manuto sa catuiran at magtaglay n~g casipagan.

Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong

minamatuid at minamarapat n~g iyong bait at sariling

calooban, na cun tauagui'y consiensia; sa pagca't sa

iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama

at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap

ang iyong Dios.

Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam

at talas n~g isip na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa

pamamagitan n~g pagaaral, at pagsaquitan mo sa

boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g

iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan

n~g magaling at n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang

lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin at sa

paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g

calahatan: cun gayo'y magaganap mo ang

ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na ito, at cun

ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun maypuri

ca na'y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong

Dios.

Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan

na ca-icalaua n~g Dios at n~g iyong puri at higuit sa

iyong sarili, sa pagca't siya ang nacaisa-isang

Paraisong pinaglaguian sa iyo n~g Dios sa buhay na

itó; bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang

mamamana mo sa iyong m~ga pinagnuno; at siya

lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil sa caniya'y

humahauac ca n~g buhay, pagibig at pagaari;

natatamo mo ang caguinhauahan, capurihan at ang

Dios.

Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g

iyong bayan n~g higuit sa iyong sarili at pagpilitan

mong siya'y pagharian n~g cabaitan, n~g catuiran at

n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit

ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at

camaganacan.

Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong

bayan. Sa pagca't icao lamang ang tunay na

macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at

icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang

Page 10: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

siya mong sariling caluagan at calayaan, ang

caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo n~g

lahat mong cailan~gan at ang caniyang pagcatanghal

ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang

hangan.

Icapitó. Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa

capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay

ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong

capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa

consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang

sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g

lahat na mamamayan ang siya lamang

macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan.

Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República,

yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g

man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan

man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari;

sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan

cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang

maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang

pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi

ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan

at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang

pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at

n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g

casipagan.

Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g

pag ibig mo sa iyong sarili, pagca't biniguian siya

n~g Dios at gayon din naman icao n~g catungculang

tulun~gan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na

gauin mo sa caniya; n~guni't cun ang iyong capua ay

nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at

nagtatangca n~g masama sa iyong buhay at calayaan

at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca't

ang mananaig n~gayo'y ang cauna-unahang utos n~g

Dios na mag in~gat ca at ini-in~gatan quitá.

Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang

iyong cababayan at lagui namang aariin mo siyang

tunay na caibigan at capatid ó cundi ma'y casama,

palibhasa'y iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman

ang inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon

ding nagcacaayon ang inyong m~ga hinahan~gad at

pag-aari.

Caya't habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga

bayan na ibinan~gon at inaalagaan n~g

pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at angcan, ay sa

caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na

maquipagisa sa hinahan~gad at pagaari, upang

magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong

dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan

sa cabuhayan n~g tauo.

PANAHON NG AMERIKANO

Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

ako’y tila isang nakadipang kurus; 

sa napakatagal na pagkakaluhod, 

parang ang paa ng Diyos.

Organo sa loob ng isang simbahan

ay nananalangin sa kapighatian, 

habang ang kandila ng sariling buhay 

magdamag na tanod sa aking libingan.

Sa aking paanan ay may isang batis, 

maghapo’t magdamag na nagtutumangis; 

sa mga sanga ko ay nangakasabit 

ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, 

asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; 

at saka ang buwang tila nagdarasal, 

ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Page 11: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Ang mga kampana sa tuwing orasyon, 

nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, 

ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon, 

batis sa paa ko’y may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

natuyo, namatay sa sariling aliw.

Naging kurus ako ng pagsuyong laing 

at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, 

panakip sa aking namumutlang mukha! 

Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga 

ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.

At iyong isiping nang nagdaang araw, 

isang kahoy akong malago’t malabay. 

Ngayon, ang sanga ko’y kurus sa libingan, 

dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

Bugtong ni Inigo Ed Regalado

May isang dalagang may buwan sa dibdib, 

may tala sa noo na kaakit-akit, 

nang aking makita’y natutong humibik, 

nabinhi sa puso ang isang pag-ibig. 

May isang binatang may luha sa mata,

may tinik sa puso at tigib ng dusa, 

ang binatang ito nang iyong makita 

nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa

May isang babaing matigas aug puso,

sa ano mang taghoy, hindi kumikibo, 

kapag nag-iisa, luha’y tumutulo 

may lihim na awa sa namimintuho... 

May isang lalaking matibay aug dibdib, 

sa bayo ng dusa’y marunong magtiis; 

ma-gabi, ma-araw walang iniisip 

kundi makarating sa pinto ng langit.

Ito’y isang bugtong na may-kagaanan,

nguni’t pusta tayo, di mo matuturan,

ang dalihan ay di sa hindi mo alam 

kundi sa ugaling matimpiing tunay.

Nguni’t balang araw di mo matitiis 

na di ipagtapat ang laman ng dibdib, 

ang bugtong ko naman sabay isusulit 

na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig.

Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,

katawang marupok, aniya'y pagsuko,

damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi't walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Page 12: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang

sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;

kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -

bilangguang mandi'y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita'y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulog

at di habang araw ang api ay api,

tanang paniniil ay may pagtutuos,

habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw

sa sandipang langit na wala nang luha,

sisikat ang gintong araw ng tagumpay...

layang sasalubong ako sa paglaya!

Panitikan sa Panahon ng Hapon

Ang guryon ni Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak, itong munting guryonna yari sa patpat at papel de Hapon;magandang laruang pula, puti, asul,na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;ang solo't paulo'y sukating magalingnang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabasat sa papawiri'y bayaang lumipad;datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaway mapapabuyong makipagdagitan;makipaglaban ka, subali't tandaanna ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,matangay ng iba o kaya'y mapatid;kung saka-sakaling di na mapabalik,maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,dagiti't dumagit, saanman sumuot...O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!

Agahan ni Virgilio Almario (tanaga)

Isang pinggang sinangag,Isang lantang tinapa;Isang sarting salabat,Isang buntonghininga.

Gagamba sa Uhay ni Rogelio Mangahas (Haiku)

Lingkaw ko’y pigîl:may gagamba sa uhay,bilot ang balang.

Panitikan sa Panahon ng Relbousyon at Kasalukuyan (kontemporaneong panahon)

Isang tula ni Jose Lacaba

Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhing puta.

Ipokrito ang pari, pero may ginintuang pusoang puta.

Nagpapaaral ng kapatid na magpapariang puta.

Page 13: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang malaswang bibigng puta.

Nalululong sa droga ang anakng puta.

Ayaw ng putang ina na ang anak niyang babae’y masadlaksa pagpuputa.

Ang unang tikim sa luto ng Diyos ay ipinapatikimng puta.

Bukas ang simbahan kahit madaling-araw tuwing magdadasalang puta.

Nagbubulungan ang mga manang na nakakasalubongng puta.

Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siyanagputa.

Talak ng kahirapan kung kaya nagputaang puta.

Hindi nagpapahalik sa labiang puta.

Kapwa puta ang mga kabarkadang puta.

Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibigsa puta.

Masungit na ina ng magandang lalaki ang nag-aalok ng pera para lumayoang puta.

Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at tinatamaanang puta.

Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa kaputahanng puta.

Sigaw ng puta: Pare-pareho naman tayongputa!

Dekada ’70 ni Lualhati Bautista

Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan. 

Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan. 

Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian. 

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. 

Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo. 

Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason. 

Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. 

Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. 

Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang

Page 14: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

bilanggong pulitikal. 

May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan. 

Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang

sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.

Page 15: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."

Ginugunita Kita #2 ni Maningning Miclat

Marikit na tala ang tanglaw sa dilim,Sa halimuyak ng matamis na hangin,Sa gubat ng gabi ay hinihintay ko,Mga kislap ng nilimot na pangako.

Habang may hapdi ang sugat ng kahapon,Di maalpasan ang diwang nakakahon,Inaawit ang kundiman ng pagsintaSa dalamhati ng pusong umaasa.

Ginuguni-gunita kita,Binubuo sa alaala.Pinapanga-pangarap ka,Inuukit sa haraya.

Mahabang mahabang mahaba ni Genaro Gojo-Cruz

  Kapag isinusulat ko na ito, para na rin akong

naglalakbay sa malayung-malayong lugar.  Para

akong naglalakbay sa mahabang-mahabang

kabundukan, naglalakad sa mga baku-bako at paliku-

likong daan, tumutulay sa walang katapusan at

nakakalulang tulay, o nagpapagewang-gewang sa

pagbibisikleta.     

      Kaya nga pagkatapos kong isulat ang pangalan

ko, pagod na pagod na rin ako. 

      Madalas, ako rin ang laging naiiwan sa aming

klasrum tuwing rises.  Sabi kasi ni Titser, di

puwedeng magrises kung di natatapos isulat ang

buong pangalan. 

      Kaya pagkatapos kong maisulat ang mahabang-

mahabang-mahaba kong pangalan, tapos na ring

kumain ang aking mga kaklase.   Di tuloy ako

makasali sa masasaya nilang kuwentuhan at di ko rin

sila nabibigyan ng masarap na tinapay at juice na

pabaon sa akin ni Nanay. 

      Di ko rin tuloy malasahang mabuti ang masasarap

na pagkain na pabaon ni Nanay.    Mag-isa na lang

ako kung magrises kung kaya binibilisan ko ang

pagkain. 

      Bakit nga ba kay haba-haba ng pangalan ko? 

      Lagi tuloy di magkasya sa isang linya ang aking

pangalan.  Madalas, kulang na kulang ang haba ng

papel para maisulat ko sa isang linya ang mahabang-

mahabang-mahabang pangalan ko.  Kung maikli lang

sana ang pangalan ko, madali rin sana akong

matatapos sa pagsulat. 

      Di sana ako parang naglalakbay sa mahabang-

mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku-

bako at paliku-likong daan, tumutulay sa walang

katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang-

gewang sa pagbibisikleta.  Di sana sumasakit at

pinagpapawisan ang aking mga kamay. 

      At di sana nababasa ng pawis ang aking makinis

na papel.  Sana sinasabi na lang ang pangalan kaysa

isinusulat.

      Sana, may lapis ding maimbento na nagsusulat

nang mag-isa.    Ibubulong ko lang ang mahabang-

mahabang-mahabang pangalan ko, kayang-kaya na

nitong isulat.  

      Kung maikli lang sana ang tunay kong pangalan

—kasing-ikli ng isa ko pang pangalan na EJ, sana’y

maaga akong natatapos sa pagsulat at maaga rin

akong nakakauwi ng bahay.  

      “Titser, puwede po bang ‘yung isang pangalan ko

na lang ang aking isulat?” tanong ko kay Titser.

      “Aba! Emmanuel Juanito Maria R. del Rosario

ang tunay mong pangalan kaya ito ang dapat mong

Page 16: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

matutuhang isulat.  Ang EJ ay palayaw mo lamang,”

sagot ni Titser.

      Kaya maglalakbay na naman ako sa mahabang-

mahabang kabundukan, maglalakad sa mga baku-

bako at paliku-likong daan, tutulay sa walang

katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang-

gewang sa pagbibisikleta.

      Hay naku! 

      Kaya sa uwian, ako pa rin ang laging naiiwan sa

aming klasrum—ang laging pinakahuling

nakakauwi.  Di tuloy ako makasali sa masasayang

kuwentuhan at paglalaro ng mga kaklase ko. 

      Buti na lang ang sinasamahan ako ni Titser. 

PAGDATING KO SA bahay, ipasusulat na naman sa

akin ni Nanay ang mahabang-mahabang pangalan

ko.  Di ko tuloy malasahang mabuti ang kanyang

inihandang miryenda at di ko rin mapanood ang

paborito kong kartun sa hapon.   

      “O sige nga EJ, isulat mo ang iyong buong

pangalan nang walang kopyahan.  Tingnan ko nga

kung kabisado mo na?” aya sa akin ni Nanay. 

      Akala ko’y makapagpapahinga na ako sa aming

bahay.

      Nasa bahay na ako, pero para na naman akong

naglalakbay sa mahabang-mahabang kabundukan,

naglalakad sa mga baku-bako at paliku-likong daan,

tumutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay

o nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta.  

      Sa tagal ng aking pagsusulat, para ko na ring

nakikita ang mahabang-mabahang sampayan ni

Nanay, ang mahabang-mabahang linya ng kuryente at

telepono, at mga paliku-likong tubo ng tubig.   

      Pero aalalayan ni Nanay ang aking kamay.

      “Hayaan mo EJ, matututunan mo ring isulat nang

maayos at mabilis ang iyong pangalan.  Basta lagi ka

lang magsasanay,” ang sabi sa akin ni Nanay.

      “’Nay, bakit ba kasi ang haba-haba ng pangalan

ko?”

      “Lagi tuloy akong huli kung magrises!”

      “Lagi rin akong huli kung uwian!”

      “’Yung pangalan ng mga kaklase ko isa lang kaya

madali silang natatapos at madali rin silang

nakakauwi!”

      “’Yung pangalan nina Jayson, Paul, Christian,

Michael, Joan, Gladys, Bianca, at Lara isa lang. 

Kaya madaling tandaan, lalo madaling isulat!”  

      “’Yung pangalan ng ibang kaklase ko galing sa

pangalan ng mga hari’t reyna—Edward, Henry,

Phillip, Isabela, Ann, at Elizabeth.  Yung iba naman,

pangalan ng mga sikat na artista—Sharon, Robin,

Angel, at Judy Ann.”  

      “Kung EJ na lang sana ang pangalan ko, mas

maikli pa sa kanilang lahat.  Kahit nakapikit pa ako

kayang-kaya kong isulat.”

      “Bakit ba kasi kay haba-haba ng pangalan ko?”

      “Emmanuel-Juanito-Maria-R.-del-Rosario.”

      Sunud-sunod—walang prenong sinabi ko kay

Nanay. 

      Parang kakapusin ako ng paghinga sa pagbigkas

sa aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan.

      “Aba! Alam mo bang espesyal ang iyong

pangalan? Alam mo bang matagal naming pinag-

isipan at pinagtalunan ng iyong Tatay ang ang

pangalan mo?”

      “Espesyal?  Paano po naging espesyal ang kay

haba-haba kong pangalan?”

      “Ang Emmanuel ay galing sa pangalan namin ng

Tatay mo.  Ang pangalan ko ay Gemma at ang Tatay

mo naman ay Manuel, kaya naging Emmanuel ang

pangalan mo.  God is with usang ibig sabihin din ng

Emmanuel.  Di ba’t maganda?” ang sagot sa akin ni

Nanay.

Page 17: Mga halimbawa ng katutubong panitikan

      “E, san naman po galing ang Juanito?” ang

tanong ko uli kay Nanay.

      “Aba, galing naman sa Lolo mo ang Juanito sa

iyong pangalan.  Paboritong anak ng iyong Lolo Juan

ang Tatay mo.  Masipag at matalino kasi ang iyong

Tatay, manang-manang sa iyong Lolo Juan.  Noong

bata pang tulad mo ang Tatay mo, tawag sa kanya ay

Juanito—ibig sabihin, maliit o batang Juan,” sagot ni

Nanay.

      “E, bakit po may Maria pa sa aking pangalan?”  

       “Galing naman ito sa Birheng Maria.  Inialay ka

namin sa Kanya para lumaki kang mabait na bata.  At

kahit saan ka man magpunta, lagi ka niyang

babantayan.  Iingatan ka niya palagi kahit wala kami

ng tatay mo sa iyong tabi.”

      “At s’yempre ang R ay galing sa Ruiz.  ‘Wag

mong kalilimutang isulat ito dahil ito ang apelyido ko

noong dalaga ako—ito ang aking apelyido noong

bata pa akong tulad mo.  At saka anak ‘ata kita kaya

dapat mong isulat kahit ang unang titik lang ng aking

apelyido,” sunod na sinabi ni Nanay.

      Napakunot ang aking noo.

      Kinuha pa ni Nanay sa ilalim ng aming damitan

ang isang papel.  Birth Certificate raw ang tawag

do’n sabi ni Nanay.  Ipinakita pa niya ang ispeling ng

mahabang-mahabang-mahaba  kong pangalan.   

      Naisip ko, may mahabang-mahabang-mahaba rin

palang kuwento sa likod ng aking mahabang-

mabahang pangalan. 

      Nasa pangalan ko ang pangalan ng mga espesyal

na tao para sa akin, ang aking Nanay at Tatay, ni

Lolo Juan at ni Birheng Maria—ang kanilang mga

pangalan ang bumubuo sa aking pangalan. 

      “Ang galing-galing naman ‘Nay!”

      Tama si Nanay, espesyal nga ang aking

mahabang-mahabang-mahabang pangalan. 

KAYA MULA NOON, sa tuwing isusulat ko ang

aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan, di

na ako parang naglalakbay sa malayung-malayong

lugar, di na parang naglalakbay sa mahabang-

mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku-

bako at paliku-likong daan, di na parang tumutulay sa

walang katapusan at nakakalulang tulay, at lalong di

na parang nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta,

kundi lagi-lagi kong naaalala ang walang hanggang

pagmamahal nina Nanay at Tatay. 

      At kahit di ko naabutan si Lolo Juan, dala-dala ko

namang lagi ang kanyang makinang na pangalan. 

      At higit sa lahat, nasa pangalan ko ang dakilang

pangalan ng Birheng Maria.

      Naisip ko, ang bawat bata pala’y mahalagang

magkaroon ng pangalan, maikli man o maging

kasing-haba ng aking mahabang-mahabang-

mabahang pangalan.   

      Salamat sa aking mahal na Nanay at Tatay, kay

Lolo Juan, at sa Birheng Maria, sa mahabang-

mahabang-mahaba at tunay na espesyal kong

pangalan!