8
HUNYO 2015 UNANG EDISYON Datos ng CHED sa taas-matrikula, mali-mali at mapanloko Edukasyong nakamamatay sa ilalim ng rehimeng Aquino Labanan ang panunupil ng militar sa paaralan ng mga katutubo sa Talaingod K-12 magreresulta sa pagtaas ng matrikula, isang milyong high school dropouts Ilantad ang huwad na BBL ni Aquino, itaguyod ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa sariling pagpapasya Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay! Ka Marlon: artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng sambayanan 3 4 4 5 6 7 8 >>>Ituloy sa p2 Ilunsad ang pambansang walkout! Palakasin at palawakin ang paglaban sa tuition hike, other school fees at K-12 ni Aquino! Dapat tapatan ng malakas at malawak na pambansang protesta ang mga pahirap, bulok at makadayuhang patakaran ng rehimeng US-Aquino sa edukasyon. Tinatawagan ang mga mag-aaral, kaguruan, kawani at magulang sa buong bansa na kumilos sa libu-libong bilang at ilunsad ang serye ng mga pambansang walkout sa mga susunod na linggo. Dapat malakas na ipanawagan ang pagtigil ng tuition increase, pagbasura sa other school fees, pagtigil ng programang K-12 at iba pang mga patakaran ni Aquino na higit pang nagpapasahol sa kolonyal, komersyalisado at pasistang edukasyon. Dapat kondenahin ang muli na namang pag-apruba ng pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa mga pamantasan. Dapat ipanawagan ang kagyat na pagtigil ng anumang porma ng pagtaas-matrikula. Ngayong taon, muling pinayagan ng gubyerno ang pagtataas ng mahigit 400 paaralan sa kolehiyo. Lagpas 1,200 naman ang pinayagang magtaas sa elementarya at hayskul. Sabi mismo ng gubyerno, aabot ang mga taas-singil ng hanggang 30%. Aabot na sa P60,000 SINALUBONG ANG UNANG ARAW NG KLASE NG MALAWAK NA PROTESTA SA MENDIOLA AT SA MGA MAYOR NA LUNGSOD SA IBA’T IBANG PANIG NG BANSA.

Tinig (Hunyo 2015 Unang Edisyon)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Tinig ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan.

Citation preview

  • HUNYO 2015UNANG EDISYON

    Datos ng CHED sa taas-matrikula, mali-mali at mapanloko

    Edukasyong nakamamatay sa ilalim ng rehimeng Aquino

    Labanan ang panunupil ng militar sa paaralan ng mga katutubo sa Talaingod

    K-12 magreresulta sa pagtaas ng matrikula, isang milyong high school dropouts

    Ilantad ang huwad na BBL ni Aquino, itaguyod ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa sariling pagpapasya

    Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay!

    Ka Marlon: artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng sambayanan

    3

    4

    4

    5

    6

    7

    8

    >>>Ituloy sa p2

    Ilunsad ang pambansang walkout!Palakasin at palawakin ang paglaban sa tuition hike, other school fees at K-12 ni Aquino! Dapat tapatan ng malakas at malawak na pambansang protesta ang mga pahirap, bulok at makadayuhang patakaran ng rehimeng US-Aquino sa edukasyon.

    Tinatawagan ang mga mag-aaral, kaguruan, kawani at magulang sa buong bansa na kumilos sa libu-libong bilang at ilunsad ang serye ng mga pambansang walkout sa mga susunod na linggo.

    Dapat malakas na ipanawagan ang pagtigil ng tuition increase, pagbasura sa

    other school fees, pagtigil ng programang K-12 at iba pang mga patakaran ni Aquino na higit pang nagpapasahol sa kolonyal, komersyalisado at pasistang edukasyon.

    Dapat kondenahin ang muli na namang pag-apruba ng pagtataas ng matrikula

    at iba pang mga bayarin sa mga pamantasan. Dapat ipanawagan ang kagyat na pagtigil ng anumang porma ng pagtaas-matrikula.

    Ngayong taon, muling pinayagan ng gubyerno ang pagtataas ng mahigit 400 paaralan sa kolehiyo. Lagpas 1,200 naman ang pinayagang magtaas sa elementarya at hayskul. Sabi mismo ng gubyerno, aabot ang mga taas-singil ng hanggang 30%. Aabot na sa P60,000

    SINALUBONG ANG UNANG ARAW NG KLASE NG MALAWAK NA PROTESTA SA MENDIOLA AT SA MGA MAYOR NA LUNGSOD SA IBAT IBANG PANIG NG BANSA.

  • 2 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANDapat abutin ang pinakamarami sa ibat ibang porma ng propaganda edukasyon at ahitasyon. Dapat tiyakin ang kalakhang bahagi, kundi man ang buong populasyon sa mga paaralan ay inaabot ng mga panawagan at propaganda. Dapat pagkumbinahin ang ibat ibang porma: verbal, biswal, kultural, online, written at iba pa. Dapat masalag ang mga pambabaluktot at pananakot na pinalalaganap ng estado at mga bayarang ahensya nito para pahinain ang paglaban.

    Dapat buuin ang masaklaw na plano, disenyo at kondukta ng pagkilos. Dapat paghusayan ang mga build-ups sa mga lokalidad, hanggang sa aktwal na kondukta ng pagrurok ng mga protesta sa mga walkout. Tiyakin ang paglahok ng kalakhang mga mag-aaral sa mga pagkilos. Sa pambansang antas, inaasahang mailatag ng mga pambansang organisasyon ng kabataan ang plano para sa malaking koordinadong protesta na may ilang linggong paghahanda.

    Dapat sumalig sa mga balangay ng organisasyong masa at mga progresibong institusyon na higit pang lumalakas at lumalawak sa paglulunsad ng mga kampanyang masa. Susi sa pagtatagumpay ang pagpapakilos ng pinakamaraming mga masang aktibista, mga kampanyador at mga lider mag-aaral sa pagpupukaw at pagpapakilos sa mas malawak pang bilang ng mag-aaral at mamamayan. Dapat igpawan ang tendensiyang balikatin lamang ng iilan ang maraming tungkulin ng paglulunsad ng kampanya.

    Dapat isanib ng mga mag-aaral ang kanilang laban sa pakikibaka ng masang manggagawa, magsasaka at sambayanan. Ang mga atake sa karapatan sa edukasyon ay bahagi ng pangkalahatang atakeng neoliberal para itulak pababa ang sahod ng manggagawa at higit na pagsamantalahan ang mamamayan.

    Dapat tumulong ang mga mag-aaral sa pagpapalakas ng paglaban ng mga kabataan sa komunidad at mga kabataang manggagawa para sa P16,000 pambansang minimum na sahod at laban sa kontraktwalisasyon. Ang malalaking pagkilos ng kabataan at mag-aaral ay mag-aambag sa nagpapatuloy na kilusan para patalsikin ang rehimeng US-Aquino at para sa panlipunang pagbabago. Dapat asamin ang papalaking mga pagkilos sa State of the Nation Address at mga protestang bayan sa mga darating na buwan.

    Sa sama-sama at militanteng pagkilos, makakamit ng kabataan at mamamayan ang mga tagumpay at makakahakbang pasulong sa pakikibaka para wakasan ang bulok na sistemang panlipunan.

    hanggang P100,000 kada taon ang matrikula at mga bayaring pinapasan ng mga magulang at mag-aaral.

    Kahit sa mga state universities and colleges, itinataas din ang matrikula at mga bayarin. Sa mga pampublikong elementarya at hayskul, patung-patong ang mga bayarin kahit sinasabing libre ang matrikula.

    Dapat itulak ang pagbabasura ng lahat ng other school fees sa mga pamantasan sa buong bansa. Ngayong taon, bukod sa taas-matrikula, inapruba pa ang CHED ng pagtataas sa samut saring other school fees. Ang mga singiling ito ay malaking pabigat, gatasan ng kita at masahol na porma ng tuition hike.

    Ang panibagong pagtataas ng matrikula at mga bayarin ay higit pang magpapahirap sa maraming pamilya at magtutulak sa mas marami na magdrop-out. Nakagagalit na kamakailan, itinulak na naman sa pagpapatiwakal ang ilang mga kabataan dahil sa lumbay na hindi na sila makapagpapatuloy ng pag-aaral. Samantala, patuloy namang lumolobo ang kita ng malalaking paaralan na aabot ng bilyun-bilyon at patuloy na ibinubulsa at kinukurakot ang pondong pampubliko na para sana sa edukasyon. Dapat itulak ang pagbabasura ng Education Act of 1982, CHED Memo Order 3 at iba pang mga patakarang nagpapatuloy

    ng deregulasyon ng matrikula at komersyalisasyon ng edukasyon.

    Dapat malakas na labanan ang panunupil at pasismo sa mga paaralan at salagin ang mga pananakot, harasment, at ibat ibang porma ng panunupil sa mga mag-aaral kapag sila ay kumikilos para sa karapatan sa edukasyon. Dapat ding labanan ang militarisasyon ng mga pamantasan: pagkakampo sa mga kampus, pananakot sa mga mag-aaral at panghihimasok sa pamamagitan ng student intelligence at Reserve Officers Training Corps (ROTC).

    Dapat kumilos ang malawak na hanay ng mga mag-aaral, magulang at guro para itigil at ibasura ang K-12 program. Ang K-12 program ay higit na magpapababa sa sahod ng mga manggagawa at magpapasahol sa komersyalisasyon ng edukasyon. Pasasahulin pa nito ang makadayuhan at kontra-mamamayang tunguhin ng edukasyon sa bansa.

    Ang mga progresibong organisasyon ng kabataang mag-aaral at mga kasapi nito ay dapat manguna sa malapad na hanay para ilunsad ang mga pambansang koordinadong protesta sa mga kampus. Dapat makaisa ang mga konseho at institusyon, publikasyon, mga samahang masa, mga unyon ng guro at kawani sa pagpapanawagan at pagkilos. Dapat ipaloob ang maraming grupo sa Rise for Education Alliance na tipunan ng malawak na paglaban.

    Dambuhalang kita ng mga pribaDong pamantasan

    Ang Far Eastern University (FEU) ay nagkamal ng kita ng P1.7 bilyon noong 2013 at P1.5 bilyon noong 2014. Ang Ateneo de Manila University (ADMU) ay nagkamal ng P2.9 bilyon na kita noong 2013 at 2014. Ang University of the East (UE) ay nagkamal ng kita na P1.9 bilyon para sa mga taong 2013 at 2014.

    Kumolekta naman ang University of Sto. Tomas (UST) ng net revenue na P1.4 bilyon noong 2013 habang nagkamal naman ng P600 milyon na net revenue ang De La Salle University (DLSU) sa nasabing taon.

    Sanggunian: Securities and Exchange Commission, Kabataan Partylist, at Rise for Education

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015

    bilyon ang kanilang kinikita, ani Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan.

    Sa ulat, makikitang ang gross profits ng Far Eastern University ay P1.7 bilyon noong 2013 at P1.5 bilyon noong 2014. Ang Ateneo de Manila University naman ay may P2.9 bilyon na gross profits sa parehong 2013 at 2014. Ang University of the East, may P1.9 bilyon na gross profits noong 2013 at 2014.

    Samantala ang University of Santo Tomas ay may koleksyon na P2.8 bilyon at P672 milyon at nagtala ng net revenue na P1.4 bilyon. Ang De La Salle University ay nagtala ng P1.8 bilyong koleksyon sa matrikula at P540 milyon sa other school fees at may P600 milyon na net revenue noong 2013.

    Samantala, kinundena din ng Anakbayan ang pag-aapruba ng other school fees increase at sinabing sa pag-aapruba nito ng dagdag-singil sa mga kinukuwestyon at ipinapabasurang bayarin, ginawa pang lehitimo ng CHED ang bagong porma ng tuition increase.

    Tumungo naman ang mga estudyante sa harap ng punong tanggapan ng CHED noong Mayo 22 kung saan kinalampag at hinagisan ng pintura ang tarangkahan ng opisina bilang protesta. Nagbabanta ng mas malalaking mga protesta ang mga mag-aaral sa mga susunod na linggo.

    Matapos umani ng pambabatikos ang Commission on Higher Education (CHED) dahil sa pag-apruba nito sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa 313 pamantasan, lumalabas na mali-mali at mapanlinlang pala ang datos na inilabas ng ahensya.

    Sa datos ng ahensya, pinalabas ng CHED na aabot lang sa P29.86 kada yunit o 6.17 porsyento lamang ang average na pagtaas ng matrikula habang P135.60 o 6.55 porsyento naman ang average na pagtaas ng ibang mga bayarin sa pambansang antas.

    Ngunit kung ikukumpara mismo sa inilabas na listahan ng mga paaralang nagtaas ng matrikula at iba pang bayarin, kasinungalingan ang mga ito. Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), lumalabas na P37.47 kada yunit ang average na pagtaas ng matrikula habang P212.20 naman ang average na pagtaas ng singil sa iba pang bayarin sa mga pamantasan sa buong bansa.

    Malinaw, ani NUSP national president Sarah Elago, na sadyang pinababa ng CHED ang sariling mga average na pagtaas ng matrikula ng P7.61 kada yunit habang binawasan ng P76.60 ang datos sa pagtaas ng ibang mga bayarin.Sa National Capital Region (NCR) naman, ibinaba ito mula sa totoong pigura ng P58.48 kada yunit patungong P32.34 kada yunit ang average na pagtaas ng matrikula. Pinalabas din ng

    CHED na P34.79 lamang ang average na pagtaas sa iba pang bayarin mula sa P56.40 na tunay na halaga nito.

    Ayon sa NUSP, kung tutuusiy mas malaki pa ang datos ng pagtaas ng matrikula at mga bayarin.

    Ang mga datos ng CHED ay mali-mali, sadyang pinepeke at pinaliliit para pagtakpan ang pagtataas ng matrikula. Desperado silang pagtakpan ang tumataas na matrikula at mga bayarin sa pamantasan, ani Elago.

    Kinundena naman ng Anakbayan ang patuloy na pagtataas ng matrikula at bayarin habang lumolobo ang kita ng malalaking mga kapitalista-edukador.

    Ayon sa datos mula sa Securities and Exchange Commission at Kabataan Partylist, lalagpas sa P10 bilyon ang kita ng limang paaralan pa lamang nitong 2013 hanggang 2014.

    Walang puso ang gubyernong ito. Malinaw na pagnanakaw sa mga magulang at mag-aaral ang mga dagdag-singil habang bilyun-

    National Average Tuition Increase

    Maling Datos ng CHED Corrected Datos P29.86 P37.47

    National Average Other School Fees Hike

    Maling Datos ng CHED Corrected Datos P135.60 P212.20

    NCR Average Tuition Increase

    Maling Datos ng CHED Corrected Datos P32.34 P58.48

    NCR Average Other School Fees Hike

    Maling Datos ng CHED Corrected Datos P34.79 P55.23 Datos ng CHED sa taas-matrikula,

    mali-mali at mapanloko

    www.anakbayan.orgbisitahin ang

  • 4 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    estudyante mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science And Technology (EARIST) na si Jhomary Azaula ang nagpakamatay.

    Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), dapat na seryosong imbestigahan ng pangulo ang mga naganap na kaso ng pagpapakamatay, gayundin ang kalagayan ng mga mag-aaral na kabilang sa mga mahihirap na pamilya.

    Nanawagan ng hustisya ang grupo para sa pagkamatay ni Habibun at ng iba pang mga bikitma ng tuition increase at atake sa karapatan sa edukasyon.

    Kinundena din ng grupo ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) sa pag-aapruba ng pagtataas ng mga matrikula at iba pang bayarin sa mga paaralan.

    Duguan ang kamay ni Noynoy Aquino sa higit na pagpapatindi ng nabubulok na sistema ng edukasyon sa bansa. Hanggat nagpapatuloy ang deregulasyon sa edukasyon, lalong dadami pa ang mga kagaya nila Nilna, Jhomary, Kristel at Rosanna, diin ng NUSP.

    Ayon sa kanyang ama, hindi na niya kaya pang suportahan ang pag-aaral ng kanyang anak sa darating na pasukan.

    Ang kaso ni Habibun ay ikalawang insidente na para sa buwan ng Mayo ng pagpapakamatay bunsod ng kawalan ng kakayahang makapagbayad ng matrikula.Noong Mayo 18 lamang, isa namang

    Edukasyong nakamamatay sa ilalim ng rehimeng AquinoIsa na namang estudyante ang nagpakamatay dahil sa kawalan ng pag-asa na makapag-aral. Noong Mayo 25, 2015, natagpuang nakabitin at wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Don Andres, Ipil, Zamboanga Sibugay si Nilna Habibun, isang 17-anyos na estudyante ng Dr. Aurelio Mendoza Memorial College.

    Labanan ang panunupil ng militar sa paaralan ng mga katutubo sa TalaingodMariing kinukundena ng Anakbayan ang nagpapatuloy na operasyong kontra-insurhensiya ng rehimeng US-Aquino sa ilalim ng Oplan Bayanihan na sa pangunahin ay mga ordinaryong mamamayan ang natatamaan, lalo na sa kanayunan.

    Nitong nakaraang linggo lamang ay inutusan ng mga sundalo ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga lider-katutubo ng Salugpungan Ta Tanu Igkanugon sa Sitio Tibukag, Talaingod, Davao del Norte na sunugin ang sarili nilang katutubong paaralan.

    Ayon kay Datu Ginom Andel ng Salugpungan Save Our Schools Network, nagpapatuloy ang mga pagbabanta laban sa Salugpungan Ta Tanu Igkanugon Community Learning Center (STTICLC) na inaakusahan ng mga militar na paaralan ng mga rebelde.

    Hindi lamang pagsunog ng paaralan ang utos ng mga sundalo kundi ang pagpatay sa mga guro ng Salugpungan na binansagan naman nilang mga komunista, ani Datu Ginom. Dahil sa pagbabanta ng militar, nanganganib na mahinto ang pasukan sa paaralan ng Salgpungan sa Hunyo.

    Sa halip na ipagtanggol ang karapatan ng mga katutubo na makapag-aral, inirekomenda pa ng Department of Education (DepEd) ang pagsara ng mga paaralan ng STTICLC dahil sa mga paratang ng militar laban sa mga ito.

    Kasama rin sa rekomendasyon ni Dr. Josephine Fadul, Schools Division Superintendent ng DepEd sa Davao del Norte, ang pagtayo ng mga paaralang pinangangasiwaan ng mga sundalong magsisilbing guro. Isa itong lantarang paglabag sa karapatan ng bata laban sa militarisasyon ng mga paaralan.

    Sa katabing bayan naman ng Kapalong, sa Sitio Muling, Barangay Gupitan ay hindi makasimula ang klase sa susunod na buwan matapos magbanta ang mga sundalo laban sa pagpaaral ng mga bata sa paaralan. Ito ang tanging paaralan sa Muling, isang baryo na maaabot matapos ang dalawang araw ng paglalakad.

    Pinatutunayan lamang ng mga kasong ito na hindi kapayapaan at kaunlaran ang dala ng Armed Forces of the Philippines sa pagpapatupad nito ng Oplan Bayanihan ni Aquino, kundi takot, karahasan, at kahirapan para sa mga komunidad katulad ng mga Lumad ng Mindanao at sa iba pang mga bahagi ng bansa.

    Ibasura ang Oplan Bayanihan ni Aquino! Edukasyon, hindi bala!

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015

    K-12 magreresulta sa pagtaas ng matrikula, isang milyong

    high school dropoutsMagreresulta sa pagtaas ng matrikula at pagdami ng mga high school dropouts ang programang K-12, ayon sa grupong Anakbayan, sa kabila ng pag-anunsyo ng Department of Education (DepEd) na inaprubahan nito ang pagtaas ng matrikula sa mahigit 1,200 pribadong paaralan sa buong bansa.Ang programang K-12 ni Aquino ay magbibigay ng lisensya sa mga pribadong paaralan na magtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin, ayon sa Anakbayan. Aabot sa 29 na porsyento ang pagtaas ng halaga ng matrikula, ayon mismo sa datos na inilabas ng DepEd.

    Kinundena ng Anakbayan ang K-12 na lubusang ipatutupad sa susunod na taon, sa pagiging isang privatized na programa na magtutulak sa mga magulang na magbayad ng mataas na matrikula sa mga pribadong paaralan para sa edukasyon ng kanilang mga anak. Aabot sa P35,000 hanggang P100,000 kada taon ang halaga ng matrikula at ibang bayarin sa mga pribadong elementarya at high school.

    Kahit ang mga pampublikong paaralan ay nababalitaang magpapataw na rin ng dagdag na mga bayarin para diumano sa mga module, workshop, at elective courses sa ilalim ng K-12. Sa Polytechnic University of the Philippines, halimbawa, na sumisingil lamang ng P12 per unit sa kolehiyo, ay may planong magpatupad ng P16,000 tuition rate para sa senior high.

    Aabot sa 1 milyong dropouts

    Sa isang pahayag, inamin din ng DepEd na 3,839 sa 7,976 o 48 porsyento lamang ng mga pampublikong high schools ang isinumite para sa pagpopondo at pagdagdag ng pasilidad para sa K-12. Sa plano ng DepEd, 800,000 hanggang 1.1 milyon o kalahati lamang ng 2.2 milyong mag-aaral na kasalukuyang nasa 4th

    year high school ang maaaring maipasok sa mga pampublikong paaralan.

    Sa madaling salita, mayorya ng mga paaralang nagbibigay ng senior high ay mga pribadong paaralan. Aabot ng isang milyong mag-aaral ang mapipilitang pumasok sa mga pribadong paaralan at magbayad ng mas mataas na matrikula o magdropout na lamang.

    Tiyak na mas tataas ang numero ng out-of-school-youths at mga dropout sa lubos na pagpapatupad ng K-12, ani Anakbayan. Lalong lumubha ang dati nang mataas na dropout rate sa bansa, dagdag ng grupo. Sa kasalukuyan, kalahati ng populasyon ng kabataan na may edad 11-15 ay out-of-school habang 20 lamang sa 100 na pumasok sa Grade 1 ang nakatakdang makapagtapos ng kolehiyo.

    Karamihan sa mga di makapagtapos ng K-12 ay mahihirapan ding makapaghanap ng trabaho dahil ituturing na silang mga high school dropouts. Mangangahulugan din ito ng pagtaas sa numero ng mga walang trabaho sa bansa.

    Vouchers, hindi solusyon

    Kinundena rin ng Anakbayan ang ipinangako na vouchers ng DepEd dahil hindi nito mapupunan ang lahat ng gastos at mataas na tuition rates sa mga pribadong paaralan.

    K-12 at drop-outs

    Bilang ng public high schools: 7,976

    Mga paaralang may planong magpatupad ng senior high:

    3,83948 % lamang ito

    Estudyanteng 4th year high school na kailangang magsenior high: 1.95 M-2.2 milyon

    Estudyanteng matatanggap sa mga paaralang DepEd:

    800,000-1.1 milyonMaaaring umabot sa

    800,000-1.4 M ang mga drop-outs.

    Mga daratnang kakulangan sa pasukan Klasrum: 210,000 Guro: 114,304 Sanitation Facilities: 2 milyon Libro: 60 milyon

    Sanggunian: mga pahayag ng DepEd at ulat nito sa Senado>>>Ituloy sa p6

  • 6 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ilantad ang huwad na BBL ni Aquino, itaguyod ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa sariling pagpapasya

    Ang katotohanan, ang BBL na kondisyon ng grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa usapang pangkapayaan nito sa gobyerno ay nagbibigay lamang ng ilusyon na tutugunan ang mga aspirasyon ng mamamayang Moro. Lumalabas na ang BBL pa mismo ang magpapahamak sa mga ito.

    Una sa lahat, hindi saklaw ng BBL ang paglutas sa mga sosyo-ekonomikong ugat ng kahirapan at inhustisya na dahilan ng rebelyong Moro at digmaan sa Mindanao.

    Hindi bahagi sa mga probisyon ng BBL ang pagwasak sa monopolyo sa lupang agrikultural at mineral ng mga dayuhan at iilang naghaharing uri, ang pamamahagi nang libre ng lupa sa mga magsasaka, at ang pagkilala sa mga lupaing katutubo ng Bangsamoro at ibang pambansang minorya.

    Wala ring probisyon ang BBL para sa pagtatayo ng mga pambansang industriya na magbibigay ng sapat na trabaho sa mamamayang Moro. Mistulang hindi nito layunin ang pag-angat sa kahirapan ng mamamayang Moro, katutubo at iba pang naninirahan sa Bangsamoro.

    Minamadali ngayong ipasa ng mga alyado ni Aquino sa Kongreso ang BBL. Pinapaasa ng rehimeng Aquino ang MILF na madaling ipagkaloob ng mga reaksyunaryong institusyon katulad ng Kongreso,

    Hudikatura, at ng mga naghaharing uri ang tunay na awtonomiya para sa Bangsamoro.Ngunit malinaw ngayon na ginagamit lamang ng gobyernong Aquino ang BBL para sa pagpapahina at lubusang pasipikasyon ng pakikibaka ng mamamayang Moro.

    Gayunman, kahit na mapasa ang BBL sa Kongreso malamang na hahamunin pa rin ito sa Korte Suprema tungkol sa pagiging konstitusyonal nito. Hinahadlangan sa ngayon ng iilang mambabatas ang BBL dahil sa paglabag nito sa Konstitusyon, lalo na sa paksa ng pagtatayo ng sariling gobyerno ng Bangsamoro. Nariyan din ang implementing rules and regulations na malamang ay susunod na administrasyon na ang gagawa.

    Hinding-hindi isusuko ng naghaharing uri ang kanilang awtoridad sa Bangsamoro lalo na sa lupang ninuno at mga likas na kayamanan nito. Sa halip ay gagamitin lamang ang BBL upang pabilisin ang pagpasok ng dayuhang kapital at pandarambong ng kayamanan ng rehiyon.

    Kaya hindi kataka-taka na nililimitahan pa rin ng mga kontra-mamamayang patakaran ng pambansang gobyerno ang lahat ng maaaring ipasa at ipatupad ng mga opisyal ng Bangsamoro sa ilalim ng BBL. Mapapasailalim pa rin ang Bangsamoro sa mapaminsalang Oil Deregulation Law, Electric Power Industry Act, 1995 Mining

    Act, foreign investment law, mga di-pantay na kasunduan sa dayuhan, at iba pang mapagsamantala at mapang-aping mga batas sa pambansang saklaw.

    Walang magiging pinagkaiba kung gayon ang gobyernong Bangsamoro ng BBL sa bigong pagsubok sa awtonomiya ng Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM. Ang hindi paglutas ng BBL sa laganap na kahirapan at kawalan ng katarungan sa Bangsamoro ay magsisilbi lamang panlipunang batayan sa pagpapatuloy ng armadong rebelyon ng mamamayang Moro sa hinaharap.

    Naninindigan ang Anakbayan na hindi makakamit ang mga hinahangad ng mamamayang Moro sa ilalim ng BBL ni Aquino. Nakikiisa kami sa mga mamamayan sa Mindanao sa pagsusulong ng pakikibaka para sa tunay na kapayapaan at kalayaan at para sa sariling pagpapasya.

    Ang DepEd vouchers ay may halaga lamang ng P8,750 hanggang P22,500 kada estudyante habang aabot sa P35,000 hanggang P80,000 ang mga bayarin sa pribadong paaralan, di pa kasali ang ibang gastos para sa transportasyon at pagkain.

    Malaki rin ang posibilidad na ang pondo para sa DepEd vouchers na maghahaalga ng P19.8 bilyon ay maibubulsa lamang ng mga pribadong paaralan at kakuntsabang korap na opisyal habang ang mga mag-aaral at mga magulang ay magdurusa sa mas mataas na bayarin para sa edukasyon.

    Pinangungunahan ng Anakbayan, League of Filipino Students, at iba pang mga grupo ng kabataan at estudyante ang Stop K-12 Movement, isang pambansang alyansa ng mga mag-aaral, magulang, at guro. Plano ng mga grupong ito na batiin ang pagbukas ng klase sa pambansang protesta laban sa K-12 at pagtaas ng matrikula.

    Isang malaking kasinungalingan ang pinalalabas ng rehimeng US-Aquino na isusulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pakikibaka ng mamamayang Moro para sa sariling pagpapasya at na ihahawan nito ang landas para sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015

    Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay!

    Nakikiisa ang Anakbayan sa pakikibaka ng mga manggagawa ng Tanduay, na pinamumunuan ng Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA), para sa regular na hanapbuhay at makataong kondisyon sa paggawa. Ang Tanduay Distillers Inc. ay pagmamay-ari ng kilalang malaking negosyante na si Lucio Tan.

    Ikinasa ng mga manggagawa ng Tanduay ang kanilang welga noong Mayo 18, 2015.

    Lumahok dito ang 397 na kontraktwal na mga manggagawa na bumubuo ng 90% ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Tanduay Distiller Inc. sa Cabuyao, Laguna. Karamihan sa mga manggagawang kontraktwal ay 5 hanggang 11 taon nang nagtatrabaho sa Tanduay pero nananatili pa ring kontraktwal. Ang mga manggagawang kontraktwal ng Tanduay ay sumasahod lamang ng P315 kada araw, at maaari pang bumaba ang mababa na ngang sahod sa P255 floor wage dahil sa iskemang Two-Tiered wage system na isang anti-manggagawang polisiya na pinapatupad ng rehimeng US-Aquino.

    Ang mga manggagawa sa Tanduay ay malapit sa peligro dahil sa kawalan ng safety protocols. Ayon nga mismo sa mga manggagawa ng Tanduay, kapos din sila sa mga Personal Protective Equipment (PPE). Madalas ikinakaltas pa ng management sa kanilang sahod ang pagkuha sa PPE.

    Wala ding nakukuhang benepisyo mula sa management ang mga manggagawa na maaari sanang makapagpataas ng kalidad ng kanilang buhay sa kagyat at sa kanilang pagreretiro. Dagdag pa, wala din silang kaseguruhan sa trabaho dahil sa iskemang Labor Only Contracting (LOC) na ipanatutupad ng Tanduay.

    Kahit napakarami na ng kasalanan ng management ng Tanduay sa kanilang manggagawa, hindi tumindig ang kasalukuyang nakatayong unyon sa loob ng pagawaan. Pinaasa ng dilawang unyon na ito ang mga manggagawa ng Tanduay. Ang unyon na ito ay nag bingi-bingihan sa mga hinaing ng mga manggagawa. Bago ikinasa ang welga, nagpetisyon na para sa regularisasyon ang mga manggagawa sa Department of Labor and Employment (DOLE). Subalit pumanig ang DOLE sa management ng Tanduay, pinagtanggol ng DOLE ang paggamit ng LOC ng kumpanya.

    Samut saring panunupil na ang nararanasan ng mga manggagawa mula sa management. Kabilang na rito ang 5 araw na forced leave simula noong Abril 24, sapilitang pagpapapirma sa waiver na mag-aatras sa paglaban ng mga manggagawa para sa regularisasyon, at bago pa man magsimula ang welga, kumpirmado nang higit sa 200 manggagawa ang tatanggalin ng management dahil lamang sa kanilang paninindigan na ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa mismong pagputok ng welga, binomba ng tubig, pinagbabato at sapilitang pinaalis ang mga manggagawa, pero nanaig ang lakas ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawa laban sa panunupil ng management at ng gobyerno.

    Ang kalagayan ng mga manggagawa sa Tanduay ay naglalarawan sa kabuuang kalagayan ng mga manggagawa sa buong Pilipinas. Ang mga manggagawa

    na siyang nagpapagod para umunlad ang ating bayan ay patuloy na pinapahirapan ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, kawalan ng maayos na benipisyo sa trabaho, delikadong kundisyon sa paggawa, at kawalan ng karapatan sa pag-uunyon. Habang patuloy na lumulubog sa kahirapan ang mga manggagawa, nagpapakasasa sa yaman na nililikha nila ang mga kapitalista gaya ni Lucio Tan.

    Sa kabila ng kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa patuloy parin ang ang atake ng rehimeng US-Aquino sa mga manggagawa. Patuloy ang paglikha at pagpapatupad sa kontra-manggawang mga polisiya sa ilalim ni Aquino. Lagi ring nakaantabay ang gobyerno ni Aquino na ipagtanggol ang mga kapitalista, at supilin ang mga manggagawang nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan.

    Nararapat lang na makiisa tayo sa laban ng mga manggagawa ng Tanduay para sa regular na hanapbuhay at makataong kondisyon sa paggawa. Tulungan natin ang mga manggagawa ng Tanduay na ilantad and kanilang kalunus-lunos na sitwasyon, at ang sabwatan ng ganid na management ng Tanduay at ng bulok na gobyerno ni Aquino. Manghimok din tayo ng mas marami pang tao na tumungo sa piket upang makiisa sa welga. Tiyak na maipapanalo ang welgang ito sa sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at ng sambayanan.

    Ang tagumpay na makakamit ng welgang ito ay hindi lamang tagumpay ng mga manggagawa ng Tanduay Distiller Inc., ito ay tagumpay din ng lahat ng mga manggagawa sa Pilipinas at isang hakbang pasulong sa tunay na pagbabago sa lipunan.

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: A

    RK

    IBO

    NG

    BA

    YAN

    .OR

    G

  • 8 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

    MGA KAWANIAndrea Lim, Bethany Pascua, Richard James Mendoza, Ina Nacario, Issa Baguisi, Jaems Relativo, Jaque Eroles, Karlo Mikhail Mongaya,

    Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

    PAGLALAPATEdward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

    Ka Marlon: artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng sambayanan

    Ipinapaabot ng Anakbayan ang pinakamataas na pagpupugay para kay Ka Marlon Caacbay, artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng sambayanan.

    Taong 2004 nang marekluta sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa organisasyon ng Musicians for Peace, si Ka Marlon o mas kilala sa tawag na Lon. Sa simula, hindi gaanong aktibo at mahiyain. Noong taong 2005, sustinido itong lumahok sa ibat-ibang mga aktibidad at masikhay na gumampan ng gawain ng organisasyon kaya nahalal itong vice chairperson noong 2006. Dito, aktibong gumampan si Lon ng gawaing edukasyon at organisasyon.

    Dahil sa mga positibong resulta ng kanyang mga gawain, taong 2007 nagpasya si Lon na lumabas sa apat na sulok ng pamantasan upang mag-organisa sa mga komunidad sa Maynila sa kasagsagan ng kainitan ng paglaban ng mamamayan sa tabing riles. Nakatulong ang mga karanasan niya sa panahong iyon upang makapagpasya siya na kumilos ng buong panahon bilang manggagawang pangkultura.

    Tuloy-tuloy siyang naging aktibo sa paglahok sa mga malalaking kampanya at pagkilos sa buong Metro Manila tulad ng Peoples Caravan for Truth, Justice and Change. Naging mabisa ang kampanyang ito sa pag-abot sa malawak na bilang ng maralitang tagalungsod, mga paaralan at maging ang simbahan. Tugon ito upang patalsikin ang naghaharing rehimeng US-Arroyo.

    Noong 2009, nakipamuhay si Lon sa mga manggagawa ng Advan na nakapiket din noong mga panahong iyon. Nagbigay siya ng mga pag aaral at nag-ambag para mapataas ang kanilang ahitasyon. Naging bahagi din siya ng paglaban sa demolisyon ng mamamayan ng San Juan, Corazon de Jesus noong 2010.

    Sa kalakhan ay nagpatuloy si Lon na kumilos lalo na bilang manggagawang pangkultura. Noong taong 2014, nagpasya siyang tumungo sa kanayunan at mag-organisa sa malawak na hanay ng magsasaka.

    Nitong ika-10 ng Mayo, pinaslang ng mga kaaway si Ka Marlon o Ka Ope. Namartir siya sa edad na 27.

    Maiksi man ang buhay ni Ka Marlon, kasimbigat ng bundok ang kanyang kamatayan. . Martir

    at bayani ng kabataan at mamamayan si Ka Marlon. Mananatili ang kanyang mga kontribusyon at inspirasyon. Mas marami pang tatangan ng armas niyang nabitawan at magpapatuloy ng pambansa-demokratikong pakikibaka hanggang sa tagumpay.

    Mabuhay si Ka Marlon Ka Ope Caacbay! Mabuhay ang lahat ng martir ng sambayanan!Kabataan tumungo sa landas ng paglaban!

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: P

    IXEL OFFEN

    SIVE