6
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Unang Araw) Bb. Jenny Rose S. Basa I. Yunit III Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa Paksa Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at nasa Awtoridad Sanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Baitang. Pasig City: Vibal Publishing, Inc. Kagamitan Kartolina, makukulay na papel II. Mga Layunin A. Mga Kasanayang Pampagkatuto KP1. Nakikilala ang: Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal. Bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at awtoridad. KP2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa awtoridad. KP3. Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad ay dapat gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan.

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Paksa: Pagsunod at Paggalang K-12 Curriculum

Citation preview

Page 1: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

(Unang Araw)

Bb. Jenny Rose S. Basa

I. Yunit III Mga Pagpapahalaga at Birtud sa PakikipagkapwaPaksa Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at nasa

AwtoridadSanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Baitang. Pasig City: Vibal Publishing, Inc.Kagamitan Kartolina, makukulay na papel

II. Mga LayuninA. Mga Kasanayang Pampagkatuto

KP1. Nakikilala ang: Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng

katarungan at pagmamahal. Bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa

magulang, nakatatanda at awtoridad.

KP2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakatatanda at nasa awtoridad.

KP3. Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad ay dapat gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim

na pananagutan at sa pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang

mga pagpapahalaga ng kabataan.

KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa

kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito.

B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto1. a. Nakapagmumungkahi ng iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang

sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad. b. Naibibigay ang mga bunga ng hindi pagpapamalas ng paggalang sa mga

magulang, nakatatanda at nasa awtoridad.2. Natutukoy ang mga umiiral na paglabag sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad.

Page 2: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

III. Paunang PagtatayaPanuto: Basahin at tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa papel.

1. Gumagabay at nagdidisiplina sa loob ng tahanan.2. Nagpapatupad ng mga batas para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad.3. Naipapakita sa kanila ang paggalang sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga

pangangailangan.4. Nagbubuklod sa susunod na henerasyon at nagtuturo ng tamang asal at

pagpapahalaga.5. Naipapakita sa kanila ang paggalang sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang

programa at proyekto.

Mga Tamang Sagot:

1. A2. C3. B4. A5. C

IV. Mga Gawain sa Pagtuturo at Pampagkatuto

A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Gawain 1

Panuto: 1. Magpapaskil ang guro ng tatlong (3) kartolina.

2. Magsisilbing “Freedom Wall” ang mga kartolina. Sa loob ng tatlong minuto (3), isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga mungkahi ng iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad.

A. MagulangB. NakatatandaC. Awtoridad

Magulang Nakatatanda Awtoridad

Page 3: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga magulang? Nakatatanda? Nasa awtoridad?

2. Sapat na kaya ang mga kakayahang ito upang mapagpatibay at mapanatili ang kakayahan mong maging masunurin? Bakit?

Gawain 2

Panuto: Magpapakita ang guro ng mga “speech balloons”. Sa loob ng mga “speech balloons”, mababasa ang mga pahayag na karaniwang naririnig sa magulang, nakatatanda at nasa awtoridad. Ibibigay ng mga mag-aaral ang mga bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunog at paggalang s autos ng mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad.

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong naramdaman kapag nasunod mo ang mga ipinaguutos sa iyo?2. Ano ang iyong nararamdaman kapag hindi mo nasunod ang mga ipinaguutos sa iyo?3. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga bagay na maaaring maging hadlang sa iyong hindi

pagsunod?4. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad?

“Huwag masyadong seryoso sa

pakikipagnobyo/nobya!”

“Bawasan mo ang sobrang paglalaro ng

dota!”

“Seryosohin mo naman ang pag-aaral mo!”

“Ugaliin mong magsabi ng “po” at “opo”!”

“Huwag kang magtapon ng basura kung saan-

saan!”

Page 4: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

B. Paglinang ng mga kakayahan, kaalaman at pag-unawa

Panuto:

1. Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay magtatalaga ng tatlong (3) kinatwan ng kanilang grupo. Isa sa tatlong kinatawan ay bubunot ng isang papel na naglalaman ng aksyon o kilos na nagpapakita ng mga umiiral na paglabag sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad. Narito ang mga nilalaman ng mga papel na bubunutin:

Pagdadabog kapag inuutusan Hindi pagsunod sa batas trapiko Hindi pagmamano sa lolo at lola Pagtatapon ng basura sa kung saan-saan Pagbulyaw o pagsigaw sa mga magulang kapag kausap

2. Pahuhulaan ng tatlong (3) kinatawan ng bawat pangkat ang kanilang nabunot na papel sa pamamagitan ng pagsadula nito na hindi ginagamita ng anumang salita o tunog (charade). Bawat pangkat ay mayroon lamang isang (1) minuto para tukuyin ang mga umiiral na paglabag sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad.

Mga Tanong:

1. Para sa mga kinatawan ng bawat pangkat, naging madali o mahirap ba ang pagsasadula? Bakit?2. Alin sa mga paglabag ang labis mong hindi sinasang-ayunan? Bakit?3. Sa iyong pagmamasid sa paligid, ano-ano ang mga umiiral na paglabag sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad?4. Ano ang iyong mararamdaman kung sa iyo ginawa ang hindi pagsunod at paggalang?5. Sa iyong palagay, bakit umiiral ang paglabag sa paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at nasa awtoridad?6. Ano-ano ang mga hakbanging iyong maimumungkahi upang maiwasan ang paglabag sa pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda ta nasa awtoridad?

V. Takdang AralinPanuto: Bilang paghahanda sa susunod na aralin, dalhin ang mga sumusunod:

Dalawang (2) oslo paper Lapis Krayola at iba pang gamit pangkulay