20
KABANATA 8 Ang Mamamayang Pilipino ARALIN 22 -ANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS

Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

  • Upload
    joywapz

  • View
    3.363

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

KABANATA 8 Ang Mamamayang Pilipino

ARALIN 22 -ANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS

Page 2: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Ang Pagiging Mamamayang Pilipino Ang isang bansa ay tulad ng isang pamilya na

ang mga kasapi ay ang mga mamamayan nito. Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging miyembro ng bansang Pilipinas.

Ayon sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV ,Seksiyon I, ang mga mamamayang Pilipino ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa pagkakatibay ng Saligang Batas na ang ina o ama ay mga mamamayan ng Pilipinas, yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino , at yaong mga naging naturalisadong Pilipino.

Page 3: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Uri Ng Mamamayang PilipinoDalawa ang uri ng mamamayang Pilipino.

MGA KATUTUBONG MAMAMAYANG PILIPINO Ang mga taong natamo ang

pagkamamamayan simula sa kanilang kapanganakan ay mga katutubong mamamayang Pilipino.

Dalawa ang basehan ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan – ang Jus Sanguinis at ang Jus Soli.

1. Kapanganakan

2. Naturalisasyon

Page 4: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Jus Sanguinis

Jus SoliAng pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan

Ang pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo.

NEXT

Page 5: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Jus Sanguinis- Ang Jus Sanguinis ay ang pagkamamamayan ayon sa relasyon sa dugo. Ayon dito, ang batang isinilang ay sumusunod sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o ng isa man lang sa kanila. Ang batang isinilang ng isang Pilipinong magulang ay isang Pilipino kahit na iya’y isinilang sa ibang bansa.Kapag isinilang naman sa Pilipinas na ang mga magulang ay parehong dayuhan , ang pagkamamamayan ng sanggol ay ibabatay sa pagkamamamayan ng kanyang mga magulang nila.

Jus Soli- Ang Jus Soli ay ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan.Ang mga magulang ay walang kanalaman sa pagkamamamayan ng batang isinilang.Ang halimbawa nito ay ang batang ipinanganaksa United States. Ang mga batang isinilang sa U.S ay kinikilalang mamamayan ng America anuman ang pagkamamamayn ng mga magulang nila.BACK

Page 6: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

MGA NATURALISADONG PILIPINO Ang mga taong nakuha ang pagkamamamayan sa

pamamagitan ng batas ng naturalisasyon ay mga naturalisadong Pilipino.

NATURALISASYON Ang bansa ay may kapangyarihang magbigay ng

pagkamamamayan sa mga dayuhan sa pamamagitan ng naturalisasyon. Ito ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng mga karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.

Maaring makamit ang naturalisyon sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng kongreso. Dapat masusing alamin ang pagkatao ng isang banyaga na nais maging mamamayang Pilipino.

Page 7: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

MGA KATANGIANG KAILANGANG TAGLAYIN NG ISANG DAYUHAN PARA SA NATURALISASYON:

1. EDAD NA 21 TAONG GULANG SA ARAW NG PAGDINIG SA KASO2. SAMPUNG TAONG NAKAPANIRAHAN SA PILIPINAS NANG TULOY-TULOY3. MAY MAHUSAY AT MALINIS NA RECORD NG PAGKATAO4. NANINIWALA SA SALIGANG BATAS NG PILIPINAS5. NAGMAMAY-ARI NG LUPAIN O MATATAG NA TRABAHO6. NAKAPAGSASALITA NG ISA SA MGA PANGUNAHING WIKA SA BANSA7. NAGNANAIS NA MATUTUHAN AT TANGGAPIN ANG KULTURANG PILIPINO8. NAGPAPAARAL NG MGA ANAK SA PAARALANG KASAYSAYAN AT KULTURA NG PILIPINAS

Page 8: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Maaring gawing limang taon ang kailangang bilang ng taon ng paninirahan kung ang dayuhan ay ipinanganak sa Pilipinas, nakapag-asawa ng mamamayang Pilipino,nakapagtatag ng bagong imbensyon o industriiya,nakapagturo ng dalawang taon sa paaralang pribado, o may hinahawakan siyang katungkulang pampubliko sa bansa. Mahalaga para sa ating bansa ang seguridad o kaligtasan ng ating mga mamamayan, kung kaya ipinatutupad nang mabuti at maayos ang mga panuntunan para sa pagkamamamayang Pilipino.

Page 9: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO

Ang mga sumusunod ay sitwasyon na maaaring maging dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino:1. Pagtataksil sa Armed Forces of the Philippines sa oras ng digmaan.2. Tahasang pagtakwil sa pagkamamamayan.3. Pagsumpa ng katapatan sa konstitusyon ng ibang bansa.4. Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.5. Pagsisilbi o pagtanggap ng komisyon sa hukbong sandatahan ng ibang bansa.

Page 10: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

MULING PAGKAKAMIT NG PAGKAMAMAMAYAN

Ang nawalang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring makamit muli sa pamamagitan ng alinman sa mga ito:

1.Muling naturalisasyon2.Pagbabalik sa sariling bansa at pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas3.At tuwirang aksyon ng kongreso

Page 11: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Pagkakamit ng Pagkamamamayang

Pilipino

Pagkawala ng Pagkamamamayang

Pilipino

Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang

Pilipino1.Muling naturalisasyon2.Pagbabalik sa sariling bansa3.Pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas4.At tuwirang aksyon ng kongreso

1. Edad na 21 taong gulang sa araw ng pagdinig sa kaso

2. Sampung taon na nakapanirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy

3. May mahusay at malinis na record ng pagkatao

4. Naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas

5. Nagmamay-ari ng lupain o matatag na trabaho

6. Nakapagsasalita ng isa sa mga pangunahing wika sa bansa

7. Nagnanais na matutuhan at tanggapin ang kulturang Pilipino

8. Nagpapaaral ng mga anak sa paaralang itinuturo ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas

1. Pagtataksil sa Armed Forces of the Philippines sa oras ng digmaan2. Tahasang pagtatakwil sa pagkamamamayan3. Pagsumpa ng katapatan sa konstitusyon ng ibang bansa4. Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa5. Pagsisilbi o pagtanggap ng komisyon sa hukbong sandatahan ng ibang bansa

Page 12: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

PAGLALAGOMA. Lagyan ng tsek ( ̸ ) ang mamamayan ng Pilipinas.

1. Ang magulang na lalaki ayisang Espanyol at ang ina ay Pilipina.

2. Ang mga magulang ay parehong Amerikano at ipinanganak sa Pilipinas.

3. Ang ina ay ipinanganak sa Mindoro at ang ama ay isinilang sa Bisayas.

4. Ang tatay ay tubong Canada at ang ina ay tubong Vietnam.

5. Ipinanganak sa Pilipinas noong 1969 at ang ina ay Pilipinas.

Page 13: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

II. Sagutin ang mga tanong. 5 puntos bawat isa.1. Ano ang kaibahan ng

naturalisdong Pilipino sa katutubong Pilipino?

2. Ano ang kaibahan ng Jus Soli sa Jus Sanguinis?

Page 14: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

“Ako ay Mamamayang Pilipino”

Page 15: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

A. Suriin at sagutin

1. Pilipino ang ama mo at Chinese ang ina mo. Ano ang pagkamamamayan mo?

2. Isinilang si Patricia sa United States, kapwa Pilipino ang mga magulang niya. Amerikano ba siya? Bakit?

B. Talakayin

1-3. Paraan ng pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino 4-6. Paraan ng pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino 7-10. Paraan ng muling pagkakamit ng pagkamamamayang Pilipino

ANSWERS KEY(CLICK HERE)

Page 16: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

UNANG PANGKAT----Mga Mamamayang Pilipino

PANGALAWANG PANGKAT---Pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino

PANGATLONG PANGKAT---Muling pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino

Gumawa ng Comic strips;

Page 17: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Halimbawa ng COMIC STRIPS

Page 18: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

TAKDANG ARALINMag interbyu sa ilang naturalisadong Pilipino na naninirahan sa inyung sariling pamayanan.

Ito ay mga gabay sa inyong pakikipanayam: 1. Magpakilala sa kapapanayamin.2. Maging magalang sa pagkikipag-usap.3. Gawing malinaw ang pagtatanong.

Mga halimbawa ng tanong:a. Kailan po ninyo nakamit ang pagkamamayang Pilipino?b. Anu-ano po ang inyong ginawa upang maging mamamayang Pilipino?c. Bakit po ninyo ninais na maging mamamayang Pilipino?d. May balak ba kayong bumalik sa inyong dating pagkamamamayan?

Bakit po?e. Paano po ba kayo nakikiisa sa inyong pamayanan?4. Magpasalamat.

Page 19: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

Susi sa Pagwawasto sa PagtatayaA. 1. Pilipino 2. Amerikano- Iyon ang patakaran sa United States. Ang lugar ng kapanganakan ng magulang ay walang kinalaman sa pagkamamayan ng batang isinilang.

B. Paraan ng pagkamit ng pagkamamamayang Pilipino:1. Yaong mga mamamayan ng Pilipino sa pagkatibay ng Saligang batas ng

1987 2. Yaong isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino

pagsapit sa karampatang gulang3. Mga nagging naturalisadong Pilipino

Paraan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino:4. Nagtaksil sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa oras ng digmaan5. Tahasang nagtakwil sa pagkamamayan6. Pagsumpa ng katapatan sa kontitusyon ng ibang bansa

Paraan ng muling pagkamit:7. Muling naturalisasyon8. Pagbabalik sa sariling bansa at sa Republika ng Pilipinas9. Pagsumpa ng katapatan10. Tuwirang aksyon ng kongreso

back

Page 20: Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino

THANKS FOR LISTENING !!

MERRY JOY A. TOKONG