View
17
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Kagawaran ng Edukasyon
Filipino 2 Paglalarawan ng mga elemento (tauhan,
tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento (panimula,kasukdulan,katapusan,kakalasan)
Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Roselyn A. Austria
Manunulat
Hilario G. Canasa
Nelia G. Abejar
Mga Validator
Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad
2
INAASAHAN
Binuo ang araling ito para magamit sa
pagpapalalim ng iyong pang-unawa at pagkatuto.
May mga gawain at pagsasanay ang araling ito na
dapat mong basahing mabuti upang iyong
maintindihan ang mga gagawin.
Kailangang matapos mo at maunawaan ang
bawat bahagi ng aralin . Kung nahihirapan ka pwede
kang magpatulong sa iyong mga magulang, mga
kapatid o kaya’y tumawag sa iyong guro para
magtanong.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;
Nailalarawan ang mga elemento (tauhan,
tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento
(panimula, kasukdulan, katapusan/kakalasan)
(F2PN-Ii-j-12.10) (F2PB-IId-4)
3
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang tamang salita mula sa kahon upang
mabuo ang pangungusap.
1. Ang mga nagsisiganap o gumagalaw sa isang
kuwento ay_____________.
2. Ang mga tauhan ay ipinakilala sa _______pa lamang
ng isang teksto.
3. Ang __________ ang nagpapakita kung paano
nagtapos ang kuwento.
4. Ang ______kung saan nagaganap ang pangyayari.
5. Sa _______ naman o sa katawan makikita ang
pangyayari sa kuwento.
simula gitna wakas
tauhan tagpuan
4
BALIK-TANAW
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap.
Tukuyin kung ano ang maaaring susunod
na mangyayari. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa patlang.
1. Mahilig kumain ng matatamis na pagkain si Sean,
halos araw-araw ay kumakain siya nito.
A. magiging malusog si Sean
B. masisira ang ngipin ni Sean
C. magiging maganang kumain si Sean
D. hindi magkakasakit si Sean
2. Namasyal sina Anna at Hazel sa dagat, sila ay
nagtakbuhan at naghabulan, naisipan din nilang
maligo at magtampisaw sa tubig, nang biglang
lumakas ang alon.
A. dali-daling aahon ang magkaibigan at
magpapalit ng tuyong damit
B. mananatili sila sa tubig
C. patuloy silang maliligo
D. pupunta sila sa malalim na bahagi ng dagat
3. Pinabili si Sandy ng kaniyang Nanay sa tindahan ni
Aling Nena, sarado ang tindahan.
A. uuwi na lamang si Sandy at hindi na bibili.
B. maghahanap ng ibang tidahan si Sandy
C. makikipaglaro na lamang siya sa mga kaibigan
D. hindi na lamang bibili si Sandy.
5
4. Maagang pumasok si Gabriel sa paaralan, pagdating
nya sa silid-aralan ay nakita niyang nagkalat ang
ilang basura sa kanilang basurahan.
A. matutulog muna siya sa kaniyang upuan
B. hindi na lang muna siya papasok sa silid.
C. lilinisin niya ang kalat
D. ipapalinis niya sa guro ang kalat
5. Lumabas ng bahay si Kyla ng hindi suot ang kaniyang
face mask.
A. Babalik siya sa bahay upang kunin ang kaniyang
face mask.
B. Hahayaan na lamang niya na wala siyang suot na
face mask.
C. Aawayin na lamang niya ang sisita sa kaniya.
D. Gagamit na lamang siya ng gamit ng face mask
na nasa kaniyang bag.
PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Ang araling ito ay lilinang sa inyong kahusayan sa
paglalarawan ng mga elemento (tauhan, tagpuan,
banghay) at bahagi ng kuwento (panimula,
kasukdulan, katapusan/ kakalasan) na inyong binasa.
Nakatutulong na mailarawan ang mga elemento
(tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento
(panimula, kasukdulan, katapusan/ kakalasan) sa
sariling karanasan at kaalaman.
6
GAWAIN
Titser Gosoy
Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang
Elementarya ng Barangay Lobo. Nakatawag ng pansin
ang kaniyang galing sa pagtuturo, kakaibang kulay, at
paika-ikang paglalakad.
Hindi niya pinapansin ang pangungutya sa kaniya.
Tuloy lamang siya sa pagtuturo, pagtulong sa kapwa, at
pamimigay ng gamit at laruan sa mga bata.
Isang araw, may mga mag-aaral na
nagkuwentuhan tungkol kay Titser Gosoy.
“Alam n’yo ba, si Sir Gosoy, napakagaling magturo!
Mabait pa,” ang wika ni Noel.
“Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtas ni Sir ang
mahigit 400 katao sa Marikina noong nanalanta ang
bagyong Ondoy,” ang sabi ni Janet.
“Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,”
pangungutya ni Yulo.
7
“Huwag kang ganyan, Yulo! Maputi ka lang,”
pasinghal na wika ni Janet na halos tusukin ng hintuturo sa
ilong si Yulo.
“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,” pabulong na
wika ni Nikki.
“Magandang umaga po Sir Gosoy,” sabay-sabay
na bati ng mga bata.
“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May
problema ba?” tanong ni Titser Gosoy sa mga bata.
“Wa, wala po sir. . .” wika ni Janet.
“Narinig ko ang pinag-usapan ninyo,” mahinahong
wika ni Titser Gosoy.
Nagkatinginan ang mga bata saka ibinaling ang
kanilang tingin kay Yulo.
“Kahit bata kayo, dapat matutuhan ninyo ang
magagandang asal na dapat taglayin ng isang bata,”
paliwanag ni Titser Gosoy.
“Huwag kayong mangutya ng kapwa, anuman
ang kasarian, kulay, kalagayan, o kapansanan. Isipin
ninyo, tao silang marunong masaktan,” seryosong sabi ni
Titser Gosoy.
“Lahat ng tao ay likha ng Diyos, kaya dapat
igalang,” paliwanag pa niya.
8
Niyakap ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan naman ito
ng guro ng isang mahigpit na yakap.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
kuwento. Isulat ang bilang na 1- 5 sa patlang.
_____ Niyakap nang mahigpit ng maluha- luhang si Yulo si
Titser Gosoy.
_____ Napag-usapan ng mga bata si Titser Gosoy habang
recess.
_____ Narinig ni Titser Gosoy ang usapan ng mga bata at
pangungutya sa kaniya ng mag-aaral na si Yulo.
_____ Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang
Elementarya ng Barangay Lobo.
_____ Nagpaliwanag si titser Gosoy na ang lahat ng tao
ay likha ng Diyos.
TANDAAN
Ang mga elemento ng isang kuwento ay ang tauhan,
tagpuan at pangyayari.
Tauhan - ay mga gumaganap sa kuwento.
Tagpuan- ito’y naglalarawan kung saan nagaganap
ang mga pangyayari
Pangyayari – ay ang mahahalagang pagkakasunod-
sunod ng aksyon sa isang kuwento.
Ang isang kuwento ay binubuo ng simula, gitna at
wakas.
9
Sa simula ay karaniwang ipinapakilala ang mga
tauhan at ang tagpuan kung saan nagaganap ang
pangyayari.
Sa gitna naman o katawan makikita ang mga
pangyayari sa kuwento.
Ang wakas ang nagpapakita kung paano nagtapos
ang kuwento.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Tukuyin ang sumusunod batay sa nabasang
kuwento.
Pamagat ng Kuwento: ___________________________
Tagpuan: ________________________________________
Mga Tauhan:_____________________________________
Simula:___________________________________________
___________________________________________
Kasukdulan:______________________________________
___________________________________________
Wakas:___________________________________________
____________________________________________
10
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
I. Panuto: Tukuyin at bilugan ang letra ng elemento
ng kuwento.
1. Melissa at Lita
A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan
2. Sa paaralan
A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan
3. Pinasukob ni Melissa sa payong ang babae
hanggang sa pareho na silang nakasakay sa dyip.
A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan
II. Basahin ang kuwento.
Huwarang Magkapatid
Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga
bata. May oras sila sa paglalaro, pag-aaral at sa
pagtulong sa mga magulang. Tumutulong muna sila sa
mga gawaing bahay bago maglaro. Sa gabi naman ay
nag-aaral muna sila bago manood ng telebisyon. Dahil
dito, ang kanilang mga magulang ay natutuwa sa kanila.
11
4. Bilugan ang letra ng simula ng kuwento.
A. Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga
bata.
B. Natuwa ang mga magulang nila sa kanila
C. Tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay bago
maglaro.
5. Bilugan ang letra ng wakas ng kuwento.
A. Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga
bata.
B. Natuwa ang mga magulang nila sa kanila.
C. Tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay bago
maglaro.
Sanggunian
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
Kagamitan ng Mag-aaral
12
Susi ng Pagwawasto
Unang Pagsubok
1.tauhan
2.simula
3.wakas 4.tagpuan
5.gitna
Balik- Tanaw
1.B 2.A
3.B 4.C
5.A
Gawain
5
2
3
1
4
Pag- alam sa Natutunan
Pamagat ng Kuwento: Titser Gosoy
Tagpuan: sa paaralan
Mga Tauhan:Titser Gosoy, Noel, Janet,Yulo at Nikki
Simula: Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang
Elementarya ng Barangay Lobo.
Kasukdulan: Narinig ni Titser Gosoy ang usapan ng mga
bata at pangungutya sa kaniya ng mag-aaral na si
Yulo.
Wakas: Niyakap nang mahigpit ng maluha- luhang si
Yulo si Titser Gosoy.
Pangwakas na Pagsusulit
1.C 2.B
3.A 4.A
5.C
Recommended