12
Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 Paglalarawan ng mga elemento (tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento (panimula,kasukdulan,katapusan,kakalasan) Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Roselyn A. Austria Manunulat Hilario G. Canasa Nelia G. Abejar Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 2 Paglalarawan ng mga elemento (tauhan,

tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento (panimula,kasukdulan,katapusan,kakalasan)

Ikalawang Markahan – Ikaapat na Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Roselyn A. Austria

Manunulat

Hilario G. Canasa

Nelia G. Abejar

Mga Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

2

INAASAHAN

Binuo ang araling ito para magamit sa

pagpapalalim ng iyong pang-unawa at pagkatuto.

May mga gawain at pagsasanay ang araling ito na

dapat mong basahing mabuti upang iyong

maintindihan ang mga gagawin.

Kailangang matapos mo at maunawaan ang

bawat bahagi ng aralin . Kung nahihirapan ka pwede

kang magpatulong sa iyong mga magulang, mga

kapatid o kaya’y tumawag sa iyong guro para

magtanong.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;

Nailalarawan ang mga elemento (tauhan,

tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento

(panimula, kasukdulan, katapusan/kakalasan)

(F2PN-Ii-j-12.10) (F2PB-IId-4)

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

3

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang tamang salita mula sa kahon upang

mabuo ang pangungusap.

1. Ang mga nagsisiganap o gumagalaw sa isang

kuwento ay_____________.

2. Ang mga tauhan ay ipinakilala sa _______pa lamang

ng isang teksto.

3. Ang __________ ang nagpapakita kung paano

nagtapos ang kuwento.

4. Ang ______kung saan nagaganap ang pangyayari.

5. Sa _______ naman o sa katawan makikita ang

pangyayari sa kuwento.

simula gitna wakas

tauhan tagpuan

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

4

BALIK-TANAW

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap.

Tukuyin kung ano ang maaaring susunod

na mangyayari. Piliin ang letra ng tamang

sagot at isulat sa patlang.

1. Mahilig kumain ng matatamis na pagkain si Sean,

halos araw-araw ay kumakain siya nito.

A. magiging malusog si Sean

B. masisira ang ngipin ni Sean

C. magiging maganang kumain si Sean

D. hindi magkakasakit si Sean

2. Namasyal sina Anna at Hazel sa dagat, sila ay

nagtakbuhan at naghabulan, naisipan din nilang

maligo at magtampisaw sa tubig, nang biglang

lumakas ang alon.

A. dali-daling aahon ang magkaibigan at

magpapalit ng tuyong damit

B. mananatili sila sa tubig

C. patuloy silang maliligo

D. pupunta sila sa malalim na bahagi ng dagat

3. Pinabili si Sandy ng kaniyang Nanay sa tindahan ni

Aling Nena, sarado ang tindahan.

A. uuwi na lamang si Sandy at hindi na bibili.

B. maghahanap ng ibang tidahan si Sandy

C. makikipaglaro na lamang siya sa mga kaibigan

D. hindi na lamang bibili si Sandy.

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

5

4. Maagang pumasok si Gabriel sa paaralan, pagdating

nya sa silid-aralan ay nakita niyang nagkalat ang

ilang basura sa kanilang basurahan.

A. matutulog muna siya sa kaniyang upuan

B. hindi na lang muna siya papasok sa silid.

C. lilinisin niya ang kalat

D. ipapalinis niya sa guro ang kalat

5. Lumabas ng bahay si Kyla ng hindi suot ang kaniyang

face mask.

A. Babalik siya sa bahay upang kunin ang kaniyang

face mask.

B. Hahayaan na lamang niya na wala siyang suot na

face mask.

C. Aawayin na lamang niya ang sisita sa kaniya.

D. Gagamit na lamang siya ng gamit ng face mask

na nasa kaniyang bag.

PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang araling ito ay lilinang sa inyong kahusayan sa

paglalarawan ng mga elemento (tauhan, tagpuan,

banghay) at bahagi ng kuwento (panimula,

kasukdulan, katapusan/ kakalasan) na inyong binasa.

Nakatutulong na mailarawan ang mga elemento

(tauhan, tagpuan, banghay) at bahagi ng kuwento

(panimula, kasukdulan, katapusan/ kakalasan) sa

sariling karanasan at kaalaman.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

6

GAWAIN

Titser Gosoy

Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang

Elementarya ng Barangay Lobo. Nakatawag ng pansin

ang kaniyang galing sa pagtuturo, kakaibang kulay, at

paika-ikang paglalakad.

Hindi niya pinapansin ang pangungutya sa kaniya.

Tuloy lamang siya sa pagtuturo, pagtulong sa kapwa, at

pamimigay ng gamit at laruan sa mga bata.

Isang araw, may mga mag-aaral na

nagkuwentuhan tungkol kay Titser Gosoy.

“Alam n’yo ba, si Sir Gosoy, napakagaling magturo!

Mabait pa,” ang wika ni Noel.

“Tama ka, at nabasa ko sa diyaryo, iniligtas ni Sir ang

mahigit 400 katao sa Marikina noong nanalanta ang

bagyong Ondoy,” ang sabi ni Janet.

“Wow! Ang galing! Pero baluga pa rin siya,”

pangungutya ni Yulo.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

7

“Huwag kang ganyan, Yulo! Maputi ka lang,”

pasinghal na wika ni Janet na halos tusukin ng hintuturo sa

ilong si Yulo.

“Si Titser Gosoy! Nasa likuran natin,” pabulong na

wika ni Nikki.

“Magandang umaga po Sir Gosoy,” sabay-sabay

na bati ng mga bata.

“Bakit parang nakakita kayo ng multo? May

problema ba?” tanong ni Titser Gosoy sa mga bata.

“Wa, wala po sir. . .” wika ni Janet.

“Narinig ko ang pinag-usapan ninyo,” mahinahong

wika ni Titser Gosoy.

Nagkatinginan ang mga bata saka ibinaling ang

kanilang tingin kay Yulo.

“Kahit bata kayo, dapat matutuhan ninyo ang

magagandang asal na dapat taglayin ng isang bata,”

paliwanag ni Titser Gosoy.

“Huwag kayong mangutya ng kapwa, anuman

ang kasarian, kulay, kalagayan, o kapansanan. Isipin

ninyo, tao silang marunong masaktan,” seryosong sabi ni

Titser Gosoy.

“Lahat ng tao ay likha ng Diyos, kaya dapat

igalang,” paliwanag pa niya.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

8

Niyakap ni Yulo si Titser Gosoy. Ginantihan naman ito

ng guro ng isang mahigpit na yakap.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa

kuwento. Isulat ang bilang na 1- 5 sa patlang.

_____ Niyakap nang mahigpit ng maluha- luhang si Yulo si

Titser Gosoy.

_____ Napag-usapan ng mga bata si Titser Gosoy habang

recess.

_____ Narinig ni Titser Gosoy ang usapan ng mga bata at

pangungutya sa kaniya ng mag-aaral na si Yulo.

_____ Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang

Elementarya ng Barangay Lobo.

_____ Nagpaliwanag si titser Gosoy na ang lahat ng tao

ay likha ng Diyos.

TANDAAN

Ang mga elemento ng isang kuwento ay ang tauhan,

tagpuan at pangyayari.

Tauhan - ay mga gumaganap sa kuwento.

Tagpuan- ito’y naglalarawan kung saan nagaganap

ang mga pangyayari

Pangyayari – ay ang mahahalagang pagkakasunod-

sunod ng aksyon sa isang kuwento.

Ang isang kuwento ay binubuo ng simula, gitna at

wakas.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

9

Sa simula ay karaniwang ipinapakilala ang mga

tauhan at ang tagpuan kung saan nagaganap ang

pangyayari.

Sa gitna naman o katawan makikita ang mga

pangyayari sa kuwento.

Ang wakas ang nagpapakita kung paano nagtapos

ang kuwento.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Panuto: Tukuyin ang sumusunod batay sa nabasang

kuwento.

Pamagat ng Kuwento: ___________________________

Tagpuan: ________________________________________

Mga Tauhan:_____________________________________

Simula:___________________________________________

___________________________________________

Kasukdulan:______________________________________

___________________________________________

Wakas:___________________________________________

____________________________________________

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

10

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

I. Panuto: Tukuyin at bilugan ang letra ng elemento

ng kuwento.

1. Melissa at Lita

A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan

2. Sa paaralan

A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan

3. Pinasukob ni Melissa sa payong ang babae

hanggang sa pareho na silang nakasakay sa dyip.

A. pangyayari B. tagpuan C. tauhan

II. Basahin ang kuwento.

Huwarang Magkapatid

Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga

bata. May oras sila sa paglalaro, pag-aaral at sa

pagtulong sa mga magulang. Tumutulong muna sila sa

mga gawaing bahay bago maglaro. Sa gabi naman ay

nag-aaral muna sila bago manood ng telebisyon. Dahil

dito, ang kanilang mga magulang ay natutuwa sa kanila.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

11

4. Bilugan ang letra ng simula ng kuwento.

A. Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga

bata.

B. Natuwa ang mga magulang nila sa kanila

C. Tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay bago

maglaro.

5. Bilugan ang letra ng wakas ng kuwento.

A. Ang magkapatid na Alice at Luis ay huwarang mga

bata.

B. Natuwa ang mga magulang nila sa kanila.

C. Tumutulong muna sila sa mga gawaing bahay bago

maglaro.

Sanggunian

Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2

Kagamitan ng Mag-aaral

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 2 - depedmuntinlupa.ph

12

Susi ng Pagwawasto

Unang Pagsubok

1.tauhan

2.simula

3.wakas 4.tagpuan

5.gitna

Balik- Tanaw

1.B 2.A

3.B 4.C

5.A

Gawain

5

2

3

1

4

Pag- alam sa Natutunan

Pamagat ng Kuwento: Titser Gosoy

Tagpuan: sa paaralan

Mga Tauhan:Titser Gosoy, Noel, Janet,Yulo at Nikki

Simula: Si Titser Gosoy ay bagong guro sa Paaralang

Elementarya ng Barangay Lobo.

Kasukdulan: Narinig ni Titser Gosoy ang usapan ng mga

bata at pangungutya sa kaniya ng mag-aaral na si

Yulo.

Wakas: Niyakap nang mahigpit ng maluha- luhang si

Yulo si Titser Gosoy.

Pangwakas na Pagsusulit

1.C 2.B

3.A 4.A

5.C