4
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal I.PAKSA: Tinatalakay nito ang paghihiganti ng pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra o Simoun sa mga Kastila lalo na sa mga prayle dahil sa mga ginawa nito sa kanya na nagdulot sa kanyan ng miserableng buhay. II. TAGPUAN/PANAHON: sa Pilipinas, panahon ng pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. III. MGA TAUHAN SA BUHAY SA AKDA: Simoun Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani Ang makatang kasintahan ni Paulita Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal Ben-Zayb Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari

El Filibusterismo

Embed Size (px)

Citation preview

El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal I.PAKSA: Tinatalakay nito ang paghihiganti ng pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra o Simoun sa mga Kastila lalo na sa mga prayle dahil sa mga ginawa nito sa kanya na nagdulot sa kanyan ng miserableng buhay. II. TAGPUAN/PANAHON: sa Pilipinas, panahon ng pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. III. MGA TAUHAN SA BUHAY SA AKDA: Simoun Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani Ang makatang kasintahan ni Paulita Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo Ginoong Pasta Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal Ben-Zayb Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra Ang mukhang artilyerong pari Padre Fernandez Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino Ang amain ni Isagani Don Custodio Ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Makaraig Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita Paulita Gomez Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez Quiroga Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas Juli Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio Hermana Bali Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra Hermana Penchang Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli Ginoong Leeds Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya Imuthis Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds IV. TUNGGALIAN: Tao sa tao. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa

isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. V. NAGING WAKAS NG AKDA: Sa katapusan, makikita natin na inamin ni Simoun na siya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtan ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapag[arusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na siya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isang paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun. VI. URI NG DULA: Trahedya- dahil sa ipinapakita dito ang paghihiganti ni Simoun sa mga Kastila. Sa Noli Me Tangere ay hindi siya nagtagumpay at sa akdang ito ay dito na niya ginawa ang paghihiganti sa mga mapagsamantalang Kastila para sa ikalalaya ng bansang kanyang minamahal at para na rin sa mahal niyang si Maria Clara. VII. DAMDAMING NABUO SA AKDA: Lungkot, at pagka galit. Dahil sa pinapakita dito ang kasakiman ng mga Kastila sa mga Pilipino noong tayoy sakop pa nila. VIII. KAISIPANG NABUO SA AKDA: . Ang pagsasakripisyo ay may maidudulot na kabutihan lalo na kung itoy para sa kapakanan ng lahat. IX. BUOD: Si Ibarra ay nagpanggap bilang isang mayamang mag aalahas at kinilala bilang si Simoun. Ginawa niya ito upang maghiganti sa mga Kastilang mapangalipusta at upang maisalba ang mga Pilipino at Pilipinas sa pagkaapi. Marami siyang naging katulong sa kanyang paghihiganti , sa gitna ng kwento ay mamamatay si Maria Clara kaya mas titindi ang galit nito sa mga prayle lalo na sa mga nang aabuso sa mga kababaihan at sa kanyang minamahal na si Maria Clara. Sa katapusan, makikita natin na inamin ni Simoun na siya ay nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtan ng mga Pilipino ang kalayaan sa mapag[arusang kamay ng mga Kastila. At hindi pinahintulot na siya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan nito. Nakita din natin ang kabutihan ng isang paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.