14
Kabanata 34: Ang Kasal Nina Paulita at Juanito Mariella Nacino & Jay Pascual IV - St. Matthew

Kabanata 34 El Filibusterismo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 34 El Filibusterismo

Kabanata 34: Ang Kasal Nina Paulita at Juanito

Mariella Nacino & Jay Pascual

IV - St. Matthew

Page 2: Kabanata 34 El Filibusterismo

Layunin:

Talakayin ang Kabanata 34: Ang Kasal Nina

Paulita at Juanito.

Maipaunawa na ang kaibahan ng pagiging sunod-

sunuran sa kapwa at ng pagkakaroon ng tiwala sa

sarili.

Makasasagot ng 5 tanong patungkol sa kabanata.

Page 3: Kabanata 34 El Filibusterismo

Pagganyak

Pumili ng isa sa bawat kategorya.

I. Cellphones

B. MyPhone

A. Apple

Page 4: Kabanata 34 El Filibusterismo

PagganyakII. Sapatos

A. Advan

B. Nike

Page 5: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Ikapito na ng gabi at nasa daan pa din si Basilio.

Makikituloy sana ang binata sa bahay nila Isagani

ngunit wala ang kaibigan doon.

Bukod sa pag-iisip kung saan siya pupunta,

pumasok sa isip ng binata na dalawang oras na

lamang at magaganap na ang pagsabog na siyang

hudyat ng simula ng himagsikan.

Page 6: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Napaisip si Basilio na nakalimutan niyang tanungin

si Simoun kung saan magsisimula ang himagsikan

at bigla niyang naalala na pinapalayo siya ni

Simoun sa daang Anloague.

Ang bahay ni Kapitan Tiago ay nasa daang

Anloague.

Sa daang Anloague magsisimula ang

himagsikan.

Page 7: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Nakita ni Basilio ang hanay ng mga sasakyan na

dumaraan sa kanyang harap at ikinagulat ni Basilio

ng makita ng pinakasalan ni Paulita sa Juanito,

naalala at nahabag siya para kay Isagani.

Nagunita din niya ang kanyang pagkabilanggo, ang

kabiguan sa pag-aaral at ang nangyari kay Huli.

Page 8: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Napansin ng binata si Simoun na palabas sa bahay

nito, dala ang lampara at sumakay sa sasakyan na

sumusunod sa ibang mga sasakyan.

Ikinamangha ni Basilio nang makilala niyang si

Sinong ang kutsero ni Simoun.

Page 9: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Kaagad na nagpunta sa daang Anloague si Basilio.

Siksikan at puno ng guwardiya sibil ang dating bahay ni

Kapitan Tiago.

Masayang-masaya si Don Timoteo dahil:

Ikinasal ang anak sa heredera ng mga Gomez

Pinautang siya ni Simoun

Ninong sa kasal ng kanyang anak si Kapt. Heneral

Page 10: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Binago ni Don Timoteo ang pagkakaayos ng bahay

ni Kapitan Tiago:

Nilagyan niya ng magagarang paper at

aranya ang dingding.

Inilagay ang malaking salamin sa sala at

nilatagan ng karpet na galing pa sa ibang

bansa

Page 11: Kabanata 34 El Filibusterismo

BUOD

Ang kurtina naman ay binurdahan ng unang

titik ng pangalan nina Juanito at Paulita.

May mga nakabitin na artipisyal na bulaklak

ng suha at sa mga sulok ay may malalaking

paso na gawa ng hapon.

Pinalitan ng mga kromo ang mga inukit na

larawang santo ni Kapitan Tiago.

Page 12: Kabanata 34 El Filibusterismo

Makabuluhang Tanong

Sa iyong pananaw, tunay na

nga bang malaya

ang mga Pilipino?

Page 13: Kabanata 34 El Filibusterismo

Makabuluhang Tanong

Ikaw, bilang isang mag-aaral

paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa gawa at talento

ng kapwa mo Pilipino?

Page 14: Kabanata 34 El Filibusterismo

CHECK-UP

I. Mga Katanungan

1. Sino ang nakita ni Basilio na kutsero ni Simoun?

2. Saang lugar magsisimula ang himagsikan?

3-5. Ibigay ang 3 dahilan kung bakit napakasaya ni

Don Timoteo sa araw na iyon.