60
EL FILIBUSTERISMO Dr. Jose Rizal Iniulat ni: Kristel Doone Pedroza

El Filibusterismo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

report in pan pil 12

Citation preview

Page 1: El Filibusterismo

EL FILIBUSTERISMODr. Jose Rizal

Iniulat ni: Kristel Doone Pedroza

Page 2: El Filibusterismo

Ang Kasaysayan sa likod ng Libro

Page 3: El Filibusterismo

ANG BUHAY NG MANUNULAT

Dahil sa ikinuwento na ang buhay ng manunulat noong tinalakay natin ang una niyang isnulat, ang bahaging ito ay tungkol sa pinadaanan ni Rizal, nung nasa bahagi pa lamang siya nagpagsusulat ng kanyang pangalawang nobela...

Page 4: El Filibusterismo

Bago pa man bumalik si Rizal sa kanilang bayan noong Oktubre 1887....

● Sinampahan ng kaso si Rizal ukol sa paglalathala ng “Makamandag” na Noli me Tangere

● naiba at naudlot ang kanyang plano para sa pangalawang nobela dahil sa mga pangyayaring kinasasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan.

●Nakatanggap ng mga katakot-takot na mga liham ng pagbabanta na karamihan ay walang lagda

Page 5: El Filibusterismo

● Nilisan ang bansa noong Pebrero 3, 1888

● Hindi pa rin natapos ang kanyang problema at umalala ang problema ukol sa lupa ng kanyang pamilya

● Nangulila kay Leonora Rivera, at walang nagawa si Nellie Bousted

● Mababa ang pagkilalang paggawad sa kanya ng kanyang kasama sa Kilusang Propaganda

● Nagkaproblema ukol sa pera

Page 6: El Filibusterismo

● Dumating ang di inasahang tulong galing kay Valentin Ventura

● Natapos mailimbag ang nobela noong

Septyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium

● Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos and Zamora

● Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal.

Page 7: El Filibusterismo

El Filubusterismo

Ang pangalawang libro na naisulat ni Dr. Jose Rizal

Nakasulat ang libro na ito, tulad ng Noli me Tangere sa Español

Inilimbag ito noong 1891 ng F. Meyer van loo Press sa Ghent, Belgium

Ipinadala ito sa Hong Kong kung saan madaming kopya ang ikinumpiska ng mga awtoridad

Page 8: El Filibusterismo

Ito ay “siniryalays” sa El nuevo Regimen sa Madrid

Isinalin sa Ingles, Filipino, Ilonggo, Aleman, Frances, Hapon at iba pa

Nagkaroon ng iba't-ibang komentaryo ukol sa dalawang niyang libro

Sinabi ng Marcelo H. del Pilar sa isang liham na mas mababa raw ang El Filibusterismo kumpara sa Noli me Tangere (naging sanhi ng pagsulat niya ng Makamisa

Page 9: El Filibusterismo

Mga Pangunahing Tauhan:

Simoun - Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay

Isagani - Ang makatang kasintahan ni Paulita

Basilio - Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli

Kabesang Tales - Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle

Ben-zayb - Ang mamamahayag sa pahayagan

Page 10: El Filibusterismo

Tandang Selo - Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo

Padre Camorra - Ang mukhang artilyerong pari

Padre Fernandez - Ang paring Dominikong may malayang paninindigan

Padre Florentino - Ang amain ni Isagani

Don Custodio - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene - Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Page 11: El Filibusterismo

Juanito Pelaez - Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Paulita Gomez - Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez

Juli - Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio

.

Page 12: El Filibusterismo

“Magkwentuhan na tayo!”

Page 13: El Filibusterismo

Kabanata ISa Ibabaw ng Kubyerta

Nagsimila sa isang umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig

Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.

Page 14: El Filibusterismo

Kabanata IISa Ilalim ng Kubyerta

Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta.

Naroon ang dalawang estudyate na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani.

Nagkaroon ng sagutan sina Basilio, Isagani at Simoun

Page 15: El Filibusterismo

“Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamadang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng tubig at di ng

serbesa.”Simoun

“ Sabihin ninyo kay Padre Camorra na

kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan”.

Basilio

“lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan

atgumugunaw ng santinakpan.”Isagani

Page 16: El Filibusterismo

Kabanata IIIMga Alamat

Isinalaysay ni Kapitan Basilio ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.

Si Padre Florentino naman any hiningang magkwento tungkol sa alamat ni Donya Geronima tungkol ito sa magkasintahan galing Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Page 17: El Filibusterismo

Kabanata IVKabesang Tales

Ikwinento ang nakuhang yaman ni Kabesang Tales dahil sa sipag at tiyaga

Dumanas ng paghihirap ukol sa kanyang lupa dahil sa pagaabuso ng mga prayle sa pagkuha ng buwis

Ipinaglaban ang kanyang karapatan at iniharap sa korte ang kanyang kaso

Ang kaso ay nagdulot ng maraming problema, namatay ang isa niyang anak na si Lucia at ang kanyang asawa

Page 18: El Filibusterismo

Kabanata IV pa rin....

Naging kawani ang isang anak na si Tano sapagkat hindi niya binayaran ang kapalit na halaga

nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isangagnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan.

Page 19: El Filibusterismo

Kabanata VAng Noche Buena ng Isang Kutsero

Pinakita ang ginaganap na pagdidiwang sa araw ng pasko, ngunit kahit Pasko, ay malulupit pa rin ang mga guwardiya sibil

Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo.

Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun..

Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan at kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.

Page 20: El Filibusterismo

Kabanata VISi Basilio

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat.Tinungo niya ang libing ng kanyang ina.

Inalala ang mga nangyari nung namatay ang kanyang ina.

Inalala niya, kung paano siya nakarating sa kanyang katayuan ngayon – nagtrabaho sa ilalim ni Kap. Basilio uoang makapag-aral.

Nagdanas ng paghihirap nung siya ay nag-aral sa Letran, dahil sa mataas na marka, ay inilipat na rin siya sa Ateneo.

Doon natapos niya ang kanyang pag-aaral ng Medisina

Page 21: El Filibusterismo

Kabanata VIISi Simoun

Nagkita sina Basilio at Simoun sa gubat kung inilibing ni Basilio ang kanyang ina at at ang kaibigan ni Simoun na si Elias 13 taon nang nakalipas

Nalaman ni Basilio na si Simoun at si Ibarra ay iisa lamang

Isinalaysay ni Simoun ang kanyang paglilibot sa buong daigdig upang magpakayaman

Inanyayahan ni Simoun si Basilio na sumama sa kanyang pakikipaglaban laban sa mga Espanyol

Tumanggi si Basilio sapagkat ayaw niyang masangkot sa gulo

Page 22: El Filibusterismo

“Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga

kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan

lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa

ibang utak.”

“Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyangpaglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan”

Simoun

Page 23: El Filibusterismo

Kabanata VIIIMaligayang Pasko

Unang araw ni Huli, bilang isang katulong sa kamay ni Hermana Panchang.Penchang.

Napipi sa Tandang Selo dahil sa sobrang sama ng loob

Page 24: El Filibusterismo

Kabanata IXAng mga Pilato

Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.

Kung sino-sino ang mga isinisi ng mga tao ang iba ay sinisi ang alperes, tenyente o agn guardia sibil, ang iba naman ay ang asenderong gumgawa ng lupa ni Kabesang Tales at sinisi naman ni Jerman Penchang si Tandang Selo

Nakalaya na ulit sa Kabesang Tales dahil sa perang nautang ni Huli, ngunit sa kanyang pagbalik, nakita niya na marami na ang nabago, kaya naman wala na itong nagawa at nakaupo nalamang sa isang sulok.

Page 25: El Filibusterismo

Kabanata XKayamanan at Karalitaan

Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales

Doon, nakita ni Simoun ang agnos ni Huli na unang galing kay Maria Clara, ang kanyang kasintahan

Sinabi ni Simoun na bibilhin raw niya ang agnos sa halagang 500 o pwede niyang palitan ng kahit anong alahas

Ibinigay ni Kabesang Tales ang agnos kapalit ang rebolber ni Simoun

Tatlong tao ang pinatay ni Kabesang Tales sa gabing iyon, at siya na rin ay sumali sa mga tulisanes

Page 26: El Filibusterismo

Kabanata XILos Baños

Nagtipon-tipon ang Kap. Heneral kasama ang mga prayle at doon naglalaro ng tresilyo

Doon din pinaguusapan ang Akademyang Espanyol na nais ipatayo ng mga estudyante

Page 27: El Filibusterismo

Kabanata XIIPlacido Penitente

Isang estudyante na ibig nang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.

Nagkausap sina Juanito Pelaez at si Placido Penitente, humingi ng abuloy si Pelaez para sa pagpapatayo ng isang monumento, nagbigay naman si Placido sapagkat alam niyang makakatulong ito sa pagtaas ng kanyang grado

Nang pumasok si Placido. Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta.

Page 28: El Filibusterismo

Kabanata XIVSa Bahay ng mga Mag-aaral

Nagtipon-tipon ang mga estudyante sa bahay ni Makaraig. Iaantay nila ang anumang balita tungkol sa paaralan gusto nilang ipatayo.

Nalaman nila na ibinigay sa kamay ni Don Custodio ang pagdesisyon sa proyektong iyon.

Upang pumanig sa kanila si Don Custodio, ay naisipan nilang kausapin si G. Pasta isang manananggol at si Pepay isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio.

Pinili nila ang manananggoldahil ito raw ay masmarangal

Page 29: El Filibusterismo

Kabanata XVSi Ginoong Pasta

Sinadya ni Isagani si Ginoong Pasta upang pakiusapan na mamagitan ng sang-ayon sa kanila sakaling sumangguni sa Don Custodio.

Nabigo siya, sapagkat napagpasyahan niya na hindi makialam dahil maselan daw ang usapan

Page 30: El Filibusterismo

Kabanata XVIAng Kasawian ng Isang Intsik

Naghandog ng isang hapunan ang isang negosyanteng Instik na naghahangad maging isang kosulado.

Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin,at kasama na doon si Simoun. Siningil ni Simoun ang Instik sa utang na 9,000, ngunit walang naibayad si Quiroga,inalok ni Simoun na babawasan niya ng 2,000 kung pumayag si Quiroga na itago ang mga armas sa kaniyang bodega.

Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.

Page 31: El Filibusterismo

Kabanata XVIIAng Perya sa Quiapo

Pagkatapos ng hapunan sa bahay ni Quiroga,tumungo ang mga prayle upang panoorin ang palabas ni Mr. Leeds.

Tuwang-tuwa ang mga prayle dahil sa dami ng magagandang dalagang nakikita sa perya lalo-lalo na si Padre Camorra.

Nung papasok na sana sila sa perya ni Mr. Leeds, ay nawala si Simoun.

Page 32: El Filibusterismo

Kabanata XVIIAng mga Kadayaan

Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita.

Nagsimula na ang palabas at doon na nagpakita ang ulo na si Imuthis, at kinuwento ang kanyang buhay.

Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle.

Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.

Page 33: El Filibusterismo

Ang Kwento ni Imuthis

Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan.

Page 34: El Filibusterismo

Kabanata XIXAng Mitsa

Pagkatpos ng klase ni Placido Penitente sa Pisika, ay tumungo na ito sa kanyan tinitirahan

Dinatnan niya ang kanyang ina at sinabi niya na titigil na talaga siya sa pag-aaral - naiyak ang kanyang ina at hiniling na kausipin ang prayle upang mabigyan ng isa pang pagkakataon- hindi naman sumunod si Placido Penitente, at sinabing tatalon muna siya ng Ilog Pasig bago niya gawin iyon

Sinabi ng ina na siya naang ang makikipagusap, ngunit pinigilan ito ng binata dahil alam niya na magpapabayd ang mga parayle at sinabi niya na siya nalang ang pupunta

Page 35: El Filibusterismo

Naisip niya na tumunong Hong Kong upang magpayaman

Nakita niya si Simoun at nagpatulong siy arito. Isinakay ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe , pero bago pa nun ay may pinuntahan ni Simoun ang isag kaibigan na dating guro at ngayon ay isang manggagawa ng pulbura. Pingausapn ang plano ni Simoun

Sa gabing iyon ay nilalagnat na si Simoun.

Page 36: El Filibusterismo

Kabanata XXSi Don Custodio

Dito kinuwento ang buhay ni Don Custudio at kung bakit siya tinugiriang “Buena Tinta”

Pingpapapasyahan na niya suliranin tungkol sa Akademyang Espanyol na gusto ipatayo ng mga estudyante.

Page 37: El Filibusterismo

Kabanata XXIMga Anyo ng Taga-Maynila

Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses.

Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao.

Page 38: El Filibusterismo

Kabanata XXIIAng Palabas

Hindi nagsimula sa tamang oras ang dual dahil sa di pa dumadating ang Kapitan Heneral

Nung nagsisimula na ang dula, nagpapanggap si Juanito na may alam sa salitang Pranses. Nakikitawa siya, kay naman humanga sa kanya si Dony aVictorinaat hinangad na pakasalan niya ito.

Nalaman na ng mga estudyante ang pdesisyon ni Don Custodio, sinang-ayunan raw ito ngunit ito ay hahawakan ito ng mga Dominikano- at sinabi ni P. Irene na dapat nila itong ipagdiwang

Pumunta sila sa isang panciteria upang magdiwang

Page 39: El Filibusterismo

Kabanata XXIIIIsang Bangkay

Habang pinag-aaralan ni Basilio ang pagpapagaling kay Kap. Basilio ay bumisita si Simoun

Muling inanyayahan si Basilio na sumali sa kanyang pagkikipaglaban para sa kalayaan- at nagpatulong siya,upang mapalaya si Maria Clara

Nalaman ni Simoun na nagpakamatay na pala si Maria Clara

Page 40: El Filibusterismo

Kabanata XXIVMga Pangarap

Nagkita sina Isagani at si Paulita sa Luneta upang pag-usapan ang nangyari sa teatro.

Tinanong ni Donya Victorina kung nasaan na ang kanyang asawa dahil gusto ni niya itong ipapatay upang makapag-asawa ulit at pakasalan si Pelaez

Page 41: El Filibusterismo

Kabanata XXVTawanan at Iyakan

Idinaos ng mga estudyante ang kanilang selebrasyon sa Panciteris Macanista de Buen Gusto

Nagtalumapti ang mga estudyante at doon inihayag nila ang sama ng loob nila sa mga prayle- habang nagtatalumpati ay may dumaan na utusan ni P. Sibyla at nirinig niya lahat na sinabi ng ma estudyante.

Page 42: El Filibusterismo

Kabanata XXVIMga Paskil

Nagsimula na ang paghuhuli sa mga estudyante na sinasabing kasama sa panciteria nung isang gabi

Nasangkot din si Basilio sa gulo at siya ay nahuli nung dumating siya sa bahay ni Makaraig

Si Juanito Pelaez ay tumatakbo at sinasabing hindi siya kasama sa gulo

Page 43: El Filibusterismo

Kabanata XXVIIAng Prayle at ang Estudyante

Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa- as matinding galit ay umalis si Isagani at tumungo sa bayan at sumali sa pakikipaglaban

Page 44: El Filibusterismo

“Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi

mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagka’t balang araw ay magpapahayag kami ng paglaya. Ito’y pagtanggi na

ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na

maging amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan”.

Isagani

“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” “Ipagkaloob iyan sa mga walang

tibay ngloob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”.

Padre Fernandez

Page 45: El Filibusterismo

“Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong

magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang

mga estudyante ay mgawalangdakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa

loob ng may tatlong siglo? Kungpagkatapos ng panahong iyon ay walang nangyari

ang manggagawa ng palayok kundi mga sira siya’y napakatanga marahil.”

Isagani

Page 46: El Filibusterismo

Kabanata XXVIIIPagkatakot

Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil.Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik.

Page 47: El Filibusterismo

Kabanata XXIXAng Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante.Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.

Page 48: El Filibusterismo

Kabanata XXXSi Huli

Dala ni Hermana Bali ang balita tunkol kay Basilio, at nung nalaman ito ni Huli siya ay nahimatay

Inisip na tulungan niya si Basilio tulad ng pagtulong ni Basilio upang makaalis siya sa kamay ni Hermana Penchang

Sinabi na si Padre Camorra lamang ang makakatulong- nagdaan muna ang ilang araw bago pumayag si Huli na lumapit sa prayle

Pagkatapos ay nagpakamatay si Huli dahil sa ginawa ni Padre Camorra

Page 49: El Filibusterismo

Kabanata XXXIAng Mataas na Kawani

Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot, ngunit lahat ng sinasabi ay tinututulan ng Heneral Dapat raw matakot ang Heneral sa bayan. Natawalamang ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.

Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na kore

Page 50: El Filibusterismo

Kabanata XXXIIAng Bunga ng mga Paskil

Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y masaka.

Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Nabatid ni Basilio ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.

Si Simoun ay mabuti at siya ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.

Napagpasyahan na ikasal si Paulita kay Juanito Pelaez

Page 51: El Filibusterismo

Kabanata XXXIIIAng Huling Matuwid

Huling araw na ni Simoun bago siya umalis- at handa na laht ng kaniyang kailangan

Pumunta si Basilio sa bahay ni Simoun at doon sinabi ni Basilio na gusto niyang sumama sa laban ni Simoun

Nabuhayan ulit ng loob si Simoun at ikinuwento niya ang plano niya na magaganap sa kasal nina Paulita at at Juanito Pelaez

Page 52: El Filibusterismo

Kabanata XXXIV Ang Kasal ni Paulita at Kabanata XXXV Ang Piging

Nasa sa daan si Basilio, at pinapanood ang piging sa bahay ni Kap. Basilio. Nakahanda na ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.

Nagdalawang isip si Basilio at naisip na dapat niyang sabihan ang mga tauhan sa bahay- papunta na sana si Basilio ngunit nakita niya sa Simoun paalis ng bahay kaya nagmadali siyang lumayo sa bahay.

Page 53: El Filibusterismo

Nakita niya sa Isagani, sinabihan niya ang kanyang kaibigan na umalis ngunit hindi ito pinakinggan, kaya sinabi ni Basilio ang mangyayaring pagsabog at dalin-daling na siyang umalis

Nang marining niya ito ni Isagani ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay at agad na kinuha ang lampara ni pagmumulan ng pagsabog at itinapon sa ilog at siya rin ay tumalonmay

Page 54: El Filibusterismo

Kabanata XXXVIMga Kapighatian ni Ben Zayb

Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral. Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.

Page 55: El Filibusterismo

Kabanata XXXVIIAng Hiwagaan

Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay niKapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.

Page 56: El Filibusterismo

Kabanata XXXVIIIKasawiang-palad

Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Siya’y pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani,

May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales.

Nagkaroon ng kaguluhan at doon huling nakita si Tandang Selo- na nabaril ng sarili niyang apo na si Tano

Page 57: El Filibusterismo

Kabanata XXXIXKatapusang Kabanata

Nakatanggap ng isang telegrama si Padre Florentino na nagsasabing:“Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.

Tinatago ni Padre Florentino si Simoun- gustong ipagamot ni Padre Florentino si Simoun ngunit tumanggi ito

Inilahad ni Simoun ang mga nangyari sa kanya at binigyan siya ng huling bendisyon ni Padre Florentino

Nung namatay si Simoun- tinapon ni P. Florntino ang mga alahas sa karagatan.

Page 58: El Filibusterismo

“Nasaan ang kabataang naglalaan ngmagagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at

kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan

ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na

sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa nanarumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa

aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

Padre Florentino

Page 59: El Filibusterismo

Tunggalian

● Ang mga Pilipino vs pamahalaan● Sariling prinsipyo vs Takot sa awtoridad● Pilipino vs Ang Simbahan● Pilipino vs Turo sa kanila at ang kanilang nalalaman

Page 60: El Filibusterismo

Quiz● Kelan nailimbag ang El Filibusterismo?

● Sino ang naging kasintahan ni Rizal sa loob ng 11 na taon?

● Sino ang tinatawag na Matanglawin?

● Ilang taon na ang lumipas simula nung huling pagkikita nila Basilio at Simoun/ Ibarra ?

● Bakit nais mahanap ni Doña Victorina si Don Tiburcio?