22
Plastic Bottles 1 Running head : EPEKTO NG MARAMIHANG PAGGAMIT NG PLASTIC BOTTLES Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles Astronomia, Cammhel Cansino, Ma. Arvina S. Garces, Lovely Crecel C. Martin, Irish Lee B. Ramirez, Jayson F. Unibersidad ng San Luis Gng. Amparo Cato (Instructor Filipino II) Sa kahingian ng asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) Ika-16 ng Pebrero, 2011

Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 1

Running head : EPEKTO NG MARAMIHANG PAGGAMIT NG PLASTIC BOTTLES

Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles

Astronomia, Cammhel

Cansino, Ma. Arvina S.

Garces, Lovely Crecel C.

Martin, Irish Lee B.

Ramirez, Jayson F.

Unibersidad ng San Luis

Gng. Amparo Cato

(Instructor Filipino II)

Sa kahingian ng asignaturang Filipino 2

(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Ika-16 ng Pebrero, 2011

Page 2: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 2

Abstrak

Sa panahong milenyo, parte na ng ating buhay ang plastik. Isa sa pinakamadalas na ginagamit ay

ang plastic bottle na tulad ng C2, Sting, at iba pa. Sa kaalamang puwede itong i-recycle,

nakagawian na ng karamihan na gamitin ito ng paulit-ulit. Ang PET o Polyethylene terephthalate

na isang uri ng kemikal ay kadalasang sangkap sa paggawa ng mga plastic bottles lalung-lalo na

ng mga clear bottles. Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga hindi mabuting epekto sa ating

kalusugan ang paulit-ulit na paggamit ng mga plastic bottles dahil sa taglay nitong PET. Ngunit

maaari nating iwasan ang mga problemang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa impormasyon at

pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa nasusulat sa ilalim ng bote.

Keywords:

Polyethylene terephthalate

Phthalates o Phthalate Esters

Page 3: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 3

Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng mga

Plastic Bottles

Sa araw-araw na gawain, hindi maiiwasan na hindi tayo gumamit ng plastic. Magmula sa

mga parte ng sasakyan, hanggang sa kusina, sa palengke, at ang ga karaniwang ginagamit, ang

plastic bottle. Ang salitang “plastics” ay nagmula sa salitang Griyego na “plastikos” na

nangangahulugang “to form or fit for molding” ( Richardson, T., 1983 ). “Any one of a large and

varied group of materials consisting of carbon with oxygen, nitrogen, hydrogen, and other

organic or inorganic elements which, while solid in the finished state, at some stage in its

manufacture is made liquid, and thus capable of being formed into various shapes, most usually

through the application either singly or together, of heat and pressure” ( Society of the Plastic

Industry ). Base sa ibinigay na kahulugan ng Society of the Plastic Industry tungkol sa plastic, ito

ay may kakayahang mahulma sa anumang hugis o korte sa tulong ng init at presyur.

Ang plastic na karaniwang ginagamit ay gawa sa iba’t ibang polymers at resins. A

polymer is a substance that has large molecules made by joining many small molecules of one or

more several substances. Resins are gum-like solid or semi-solid substances used in making such

products as paints, varnishes, and plastics. A resin is not a plastics unless and until the resin has

become a “solid in the finished state” ( Richardson, T. 1983 ). Isa sa mga polymers na ginagamit

ay ang vinyl chloride na unang ginawa ni H.V. Regnault noong 1835 ngunit ang paggamit ng

plastic noon ay hindi pa tanggap sa lipunan. Pinaboran lamang ang paggamit ng plastic noong

1909 nang unang ilabas ang Bakelite plastic na mula sa phenolformaldehyde at ginawa ni Leo

Hendrik Baekeland kung saan ang nasabing material ay unang ginamit sa paggawa ng telephone

handset. Ang plastic bottle naman na hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit ay nabuo noong

taong 1962 at ang material na ginamit para dito ay phenoxy.

Page 4: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 4

Ikonsidera natin ang paggamit ng plastic bilang container o lagayan ng inumin. Ang

walong galon ng juice ay maaaring ilagay sa 4.5 kilos ng plastic, 6.5 kilos ng aluminum at 27

pounds ng glass. “The strength of plastic allows less packaging to be used, decreasing

production, shipping, and energy costs. “Improvements in plastics themselves have resulted in

soda bottles and milk jugs that use less material today than used 20 years ago” ( Anastas, P.T.

et.al. ). Patunay ito na sa paggamit natin ng plastic o ng plastic bottle ay gumagaan ang ating

buhay. Sa tulong ng paggamit ng mga plastic bottles ng higit sa isang beses ay nababawasan ang

mga basura, at dahil dito, hindi maikakailang kailangan natin ang mga ito sa ating pamumuhay.

Ang pag-re-recycle ng plastic gaya ng paulit-ulit na paggamit dito bilang inumin ay

pangkaraniwan nang gawain ng mga Pilipino ngunit lingid sa ating kaalaman na mayroon itong

mga hindi mabuting epekto na nakakasama sa ating kalusugan.

Sa kasalukuyan, ang Polyethylene terephthalate ay ang uri ng polymer na kadalasang

ginagamitsa paggawa ng mga plastic bottles nabibili ng isang indibidwal kahit saan.

O

Ang simbolo ng Polyethylene terephthalate

Karaniwang nakikita ang simbolong ito sa ilalim ng mga clear plastic bottles na binibili tulad ng

C2, Absolute, Nature’s Spring at iba pang inuming nakalagay sa clear plastic bottles.

Karamihan sa mga gumagamit ng mga plastic bottle ay walang sapat na kaalaman sa

kung ilang beses lamang dapat gamitin ang mga ito bilang mga inuin. Kaakibat ng pag-aaral na

ito ay ang tatlong mga katanungang binuo upang maging pokus ng mga mananlilksik at upang

Page 5: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 5

maging gabay sa pag-aaral. Ang bilang ng dami ng dapat na paggamit ng plastic bottles ay

nakabase sa bilang na nasa loob ng tatsulok o recycle sign na makikita sa ilalaim ng bote o sa

katawan nito. Isa sa mga ginagamit sa paggawa ng plastic bottle ay ang phthalates. “In studies of

rodents exposed to certain phthalates, high doses have been shown to change hormone levels and

cause birth defects. ( http://en.wikipedia.org/wiki/Phthalate ) Commentary published in

Environmental Health Perspectives in April 2010 suggested that PET might yield endocrine

disruptors under conditions of common use and recommended research on this topic. Proposed

mechanisms include leaching of phthalates as well as leaching of antimony. Other authors

(FRANZ and WELLE) published evidence based on mathematical modeling, indicating that it is

quite unlikely that PET yields endocrine disruptors in mineral water ( http://en.wikipedia.org/

wiki/Environmental_Helath_Perspectives ). Maiiwasan ang mga hindi mabuting epekto ng

maramihang paggamit ng plastic bottle sa pagkakaroon ng kaalaman ukol sa PETE o PET na

nakalagay sa plastic bottle.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay maipararating sa nakararami ang mga tamang

paggamit ng plastic bottles. Sa tulong nito ay mabibigyan ng sapat na kaalaman ang nakararami

at ang mga makakaalam o makakabasa ng pag-aaral ukol sa mga plastic bottles na ginagamit

araw-araw upang mapangalagaan na rin ang kalusugan ng katawan laban sa mga hindi mabuting

epekto ng mga ito nang sa gayon ay mabago ang paraan ng pamumuhay ng isang indibidwal sa

paggamit ng plastic bottles. Ito ay upang maging gabay sa patuloy na paggamit ng nakararami ng

plastic bottles bilang inumin man o iba pa.

Ang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay nakatuon lamang sa epekto ng maramihang

paggamit ng plastic bottles sa kalusugan ng tao. Hindi rin nakasaad sa pag-aaral na ito ang

epekto ng paggamit ng plastic bottles sa kapaligiran o saan pa man. Para sa ikatatagumpay ng

Page 6: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 6

nasabing pananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan ang mga mananaliksik na sinagutan ng

limampung (50) mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng San Luis na bumibili ng mga inuming

nakalagay sa plastic bottles sa kantina ng nasabing Unibersidad. Sa tulong ng kasagutan ng mga

kasangkot ay malalaman ng mga mananaliksik ang karaniwang uri ng plastic bottle na ginagamit

bilang lagayan ng inumin. 

METODO

Kasangkot sa Pag-aaral

Ang mga nakibahagi sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng San Luis na

nagmula sa kolehiyo ng School of Engineering and Architecture (SEA)  at School of Nursing

(SON). Ang mga napiling mag-aaral ay mga konsyumer o mga bumibili ng inuming nasa plastic

bottle sa kantina ng nasabing unibersidad.

Ang mga mag-aaral ay nasangkot sa pag-aaral upang sagutin ang sampung(10) mga

katanungan na kailangan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ay ginamit ang Desciptive Method o Palarawang Paraan

ngPananaliksik sapagkat sumasaklaw ito sa kasalukuyan. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang

mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan ng napiling paksa upang maipaalam

ang layunin at kahalagahan ng isinagawang pag-aaral.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay nakalikom ng mga datos sa pamamagitan ng talatanungan

(questionnaire – checklist). Nangalap ng ang mga mananliksik sa mga mag-aaral

Page 7: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 7

ng Pamantasan ng San Luis na bumibili sa kantina ng mga inuming nakalagay sa plastic bottle.

Bukod sa resulta na nakuha sa datos mula sa talatanugan (questionnaire – checklist), kumuha rin

ang mga mananaliksik ng ilang mahahalagang detalye at importanteng impormasyon sa internet

at ang mga librong matatagpuan sa silid – aklatan ng nabanggit na unibersidad. Ang mga ito ay

siyang gagamitin ng mga mananaliksik upang makabuo ng konklusyon na basehan ng

rekomendasyon.

Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

Ang mga sumusunod na grap ay ang paglalahad ng mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik mula sa limampung (50) mga tagapagtugon na pawing mga mag-aaral ng

Unibersidad ng San Luis. Sa ibaba ng bawat grap ay nakalagay ang interpretasyon upang mas

lalong maintindihan ang mga sinasaad nito.

Fig. 1 Bumibili Ka Ba ng Inuming Nakalagay sa Plastic Bottle?

Ayon dito, buong porsyento (100%) ng mga tagapagtugon ay bumibili ng inuming

nakalagay sa plastic bottle sa kantina ng SLU.

Page 8: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 8

Fig.2 Bahagdan ng Brand ng Inuming Binibili ng mga Tagapagtugon

Ayon sa pie graph, ang karaniwang brand na binibili ng mga mag-aaral ay ang C2 na may

16%. Sumusunod naman dito ang Absolute na may 10% at Sting na may 9%. Ang Powerade,

Sprite, Royal , Twist, Tropicana, MinuteMade at Real Leaf naman ang pinakamababa na may

1% lamang.

Page 9: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 9

Ang iba pang mg brand ng inuming binibili ng mga mag-aaral ay ang Cobra at Coca-

cola(6%), Nature spring (5%); Summit, Wilkins, Gatorade at fit and right (4%); Nestea,

Aquavita, Mountain Dew, Pepsi at Hidden Spring (3%); at ang Samurai, Vitwater, 7up at

Refresh (2%).

Fig. 3 Bahagdan ng Dalas ng Pagbili ng Bottled Drinks sa Isang Araw

Ayon sa grap, 75% sa mga tagapanayam ay bumibili ng bottled waterisang beses sa isang

araw. Sumunod naman dito ay tatlong beses sa isang araw o kaya nama’y minsan madalas o higit

sa tatlong beses at iba pa na may 9%. At dalawang beses naman sa isang araw ang pinakamababa

na may 7%.

Fig . 4 Nagagastos sa Pagbili ng Bottled Drinks sa Isang Araw

Page 10: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 10

Ayon sa bilog na grap, 56% sa mga tagapagtugon ay gumagastos ng 10 – 20 pesos sa

pagbili ng bottled drinks sa isang araw. Sumusunod naman dito ay 34% na gumagastos ng 21-30

pesos kada araw. Ang 6% naman ay gumagastos ng 31-30 pesos. At ang pinakamababa naman

na may 4% ay gumagastos ng 30 pesos pataas.

Fig. 5 Bahagdan ng Bilang ng Muling Paggamit

Batay sa bilog na grap, 53% ang nagsabing isang beses lang nila inuulit ang paggamit ng

mga plastic bottles, 31% ang umuulit ng dalawang beses, 11% ang nagsabing apat pataas inuulit

ang plastic bottles at 5% ang nag-uulit ng tatlong beses.

Fig. 6 Bahagdan ng Ginagawa sa Plastic Bottle Pagkatapos Gamitin

Page 11: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 11

Ayon dito, 35% ng mga tagapagtugon ay tinatapon na ang ginamit na plastic bottle. May

27% naman na nagsasabing ginagamit nila ulit ito. May 245 din na nagsabing iniipon nila ang

mga ito upang ibenta. At ang 14% naman ay ginagamit ang mga ito sa iba pang mga

pangangailangan nila.

Fig. 7 Bahagdan ng Muling Pinaggagamitan ng Plastic Bottle

Ang mga plastic bottles na muling ginagamit bilang pinag-iinuman ay 94%. At 6%

naman ang nagsabi na sa ibang bagay ginagamit ang mga plastic bottles.

Fig. 8 Bahagdan ng Tagal ng Paulit-ulit na Paggamit ng Plastic Bottles

Page 12: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 12

Nakasaad sa grap na 77% ang nagsabing tatlong buwan na nila inuulit ang paggamit ng

plastic bottles, sinundan naman nito ng anim na buwan pataas na may 15% at nahuli ang apat

hanggang limang buwan na may 8%.

Fig. 9 Bahagdan ng Dahilan Kung Bakit Ginagamit Ulit ang mga Plastic Bottles

Ang pinakaunang dahilan kung bakit ginagamit muli ang plastic bottles ay upang

makatipid na may 43%, sumunod na dahilan ay kawalan ng tumbler na pwedeng paglagyan ng

inumin na may 36% at nahuli ang rason na upang makabawas sa basura na may 21%.

Fig. 10 Bahagdan ng Pagkakuha ng Sakit Dahil sa Paulit-ulit na Paggamit ng Plastic Bottle

Page 13: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 13

Sa paulit-ulit na paggamit ng plastic bottles, 97% sa kanila ang nagsabing hindi

nagkaroon ng sakit, samantalang may 3% naman na nagsabing nagkaroon sila ng sakit dahil sa

paulit-ulit na paggamit ng plastic bottles.

Diskusyon

Sa pangkalahatan ng isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, napag-alaman na

karamihan sa mga ginagamit na plastic bottle ay gawa mula sa Polyethylene terephthalate na

kilala rin bilang Polyester ay may daglat na PET o PETE. Maliban sa gamit nito sa paggawa ng

plastic bottle, ginagamit din ito sa paggawa ng bote ng mouthwash, catsup, salad dressing

bottles, at food and beverage containers. “The majority of the world's PET production is for

synthetic fibers (in excess of 60%) with bottle production accounting for around 30% of global

demand… Health advocates also recommend not reusing bottles made from plastic #1

(polyethylene terephthalate, also known as PET or PETE), including most disposable water, soda

and juice bottles. According to The Green Guide, such bottles may be safe for one-time use, but

re-use should be avoided because studies indicate they may leach DEHP—another probable

human carcinogen—when they are in less-than-perfect condition” ( Wikipedia ).

Batay sa ilang isinagawang pag-aaral, ang mga plastic bottle na gawa sa PET ay ligtas

lamang na gamitin ng isang beses bilang inuman dahil sa maaring idulot nito kapag ginamit ng

higit sa nakasaad na bilang ng paggamit. Dahil ang PET ay nagtataglay ng phthalates, ang

paggamit ng ibang uri nito ay ipinagbawal na ng mga bansang tulad ng United States, Canada, at

European Union. Batay sa isang pag-aaral na inilimbag sa Journal of Pediatrics noong taong

2009, ang prenatal phthalate exposure ay may kinalaman sa mababang timbang ng mga

ipinapanganak na mga bata. Ang mga phthalates din ay nagdudulot ng asthma, kahirapan sa

paghinga o wheezing, at mga sintomas ng allergy.

Page 14: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 14

Sa kabuuan, ang mga clear plastic bottles ay isang beses lamang dapat gamitin lalong lalo

na bilang inuman dahil sa taglay nitong phthalates na nagdudulot ng iba’t ibang sakit kapag

masyadong naexpose ang isang indibidwal dito. Upang maiwasan ang mga nasabing epekto,

marapt lamang na tignan ang ilalim ng bote kapag bumibili ng inumin. Iwasan din ang

maramihang paggamit nito sa anumang paraan sapagkat ang mga ito ay nakakakuha ng mga

flavors at bacteria na hindi natin natatanggal.

Page 15: Isang Pag-aaral sa mga Epekto ng Maramihang Paggamit ng Plastic Bottles (Autosaved)

Plastic Bottles 15

Mga Sanggunian:

Aklat:

Anastas, P.T., Bickart, P.H., Kirchhoff, M.M.Designing Safer Polymers.John Wiley and Sons,

Inc., Publication, Canada.

Baird, R.J.(1971) Industrial Plastics.The Goodheart-Willcox Co., Inc.U.S.A.

Powers,P.O.(1943).Synthetic Resins and Rubbers.John Wiley and Sons, Inc.,U.S.A.

Richardson, Dr. T.L.(1983)Industrial Plastics:Theory and Applications.South-Western

Publishing, Co.,U.S.A.

Internet:

http://environment.about.com/od/healthenvironment/a/plastic_bottles.htm

http://ehp03.niehs.nih.gov/article/

fetchArticle.action;jsessionid=E501FE8821E6C3697DE2F511DBE02544?articleURI=info

%3Adoi%2F10.12a89%2Fimage.ehp.v118.i04

http://ehp03.niehs.nih.gov/article/info:doi/10.1289/ehp.118-a172b

http://en.wikipedia.org/wiki/Phthalate