5
ABRIL 2015 Panawagang ibasura ang K-12, lumalakas Sagipin ang buhay ni Mary Jane Veloso! Mga estudyante ng PUP nag-walkout at barikada laban sa ambang pagtataas ng matrikula Walkout sa SLU-Baguio laban sa tuition hike Tsismis tungkol sa kalusugan ni Aquino: preparasyon para sa “hospital arrest”? Mga sagot ni Aquino sa 20 tanong Higit pang ilantad ang pagkatuta ni Aquino sa US sa Mamasapano 2 3 4 5 5 6 8 Higit na lumalawak ang pagtutol sa programang K-12 ng rehimeng Aquino. Dumarami ang mga mag-aaral, magulang, guro at mamamayan na nananawagang itigil ang pagpapatupad ng dagdag na taon sa edukasyon na nakatakda sa school year 2016-2017. Nauna nang ipinatupad ang dagdag taon sa kindergarten at mga panimulang paghahanda para sa dagdag taon sa hayskul na nagdulot na ng patung-patong na mga problema sa pamantasan. Mas malaking trahedya pa para sa edukasyon at kabataang Pilipino ang naghihintay sa lubos na pagpapatupad ng programa. Makadayuhang edukasyon para sa murang lakas-paggawa Ang K-12 ay makadayuhang patakaran sa edukasyon na naglalayong lalong hatakin pababa ang sahod ng mga manggagawang Pilipino. Mas maaga nitong pagagradweytin ang mga kabataan para maging “semiskilled” na lakas paggawa na lalo pang magpapalobo sa bilang ng walang trabaho sa bansa. Ipinatutupad ito ng rehimeng US- Aquino kasabay ng pagpapatupad ng iba pang mga neoliberal na patakaran sa atas ng International Monetary Fund at World Bank. Nagsisilbi din ito sa patakaran ng rehimeng Aquino na itulak ang manggagawang Pilipino para mangibang bayan bilang makitid na solusyon sa malawak na disempleyo. Sa praymer mismo ng K-12, sinasabing ang isang layunin ng pagdadagdag ng taon ay para magtapos ang kabataan sa edad na 18, minimum na edad na lehitimo na silang makakapasok sa kontrata ng paggawa. Ang dalawang taon na idadagdag sa hayskul ay nakatuon sa mga pagsasanay na teknikal o bokasyunal na itutugma sa Puspusang labanan at biguin ang K-12 ni Aquino pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon. Nais itulak ng K-12 ang mga kabataan na sa maagang edad ay grumadweyt mula sa edukasyon at sumabak agad sa paggawa. Itutulak nito ang mas maraming kabataan na magkumpetensya sa paghahanap ng kakaunting trabaho. Kung mas marami ang mga kabataang naghahanap ng trabaho, mabilis nitong palolobohin ang bilang ng mga walang trabaho at itutulak pababa ang halaga ng sahod.

Tinig Abril 2015 Final

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Tinig ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan.

Citation preview

  • ABRIL 2015

    Panawagang ibasura ang K-12, lumalakas

    Sagipin ang buhay ni Mary Jane Veloso!

    Mga estudyante ng PUP nag-walkout at barikada laban sa ambang pagtataas ng matrikula

    Walkout sa SLU-Baguio laban sa tuition hike

    Tsismis tungkol sa kalusugan ni Aquino: preparasyon para sa hospital arrest?

    Mga sagot ni Aquino sa 20 tanong

    Higit pang ilantad ang pagkatuta ni Aquino sa US sa Mamasapano

    2

    3

    4

    5

    5

    6

    8

    Higit na lumalawak ang pagtutol sa programang K-12 ng rehimeng Aquino. Dumarami ang mga mag-aaral, magulang, guro at mamamayan na nananawagang itigil ang pagpapatupad ng dagdag na taon sa edukasyon na nakatakda sa school year 2016-2017.

    Nauna nang ipinatupad ang dagdag taon sa kindergarten at mga panimulang paghahanda para sa dagdag taon sa hayskul na nagdulot na ng patung-patong na mga problema sa pamantasan. Mas malaking trahedya pa para sa edukasyon at kabataang Pilipino ang naghihintay sa lubos na pagpapatupad ng programa.

    Makadayuhang edukasyon para sa murang lakas-paggawa

    Ang K-12 ay makadayuhang patakaran sa edukasyon na naglalayong lalong hatakin pababa ang sahod ng mga manggagawang Pilipino. Mas maaga nitong pagagradweytin ang mga kabataan para maging semiskilled na lakas paggawa na lalo pang magpapalobo sa bilang ng walang trabaho sa bansa.

    Ipinatutupad ito ng rehimeng US-Aquino kasabay ng pagpapatupad ng iba pang mga neoliberal na patakaran sa atas ng International Monetary Fund at World Bank. Nagsisilbi din ito sa patakaran ng rehimeng Aquino na itulak ang manggagawang Pilipino para mangibang bayan bilang makitid na solusyon sa malawak na disempleyo.

    Sa praymer mismo ng K-12, sinasabing ang isang layunin ng pagdadagdag ng taon ay para magtapos ang kabataan sa edad na 18, minimum na edad na lehitimo na silang makakapasok sa kontrata ng paggawa. Ang dalawang taon na idadagdag sa hayskul ay nakatuon sa mga pagsasanay na teknikal o bokasyunal na itutugma sa

    Puspusang labanan at biguin ang K-12 ni Aquino

    pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon.

    Nais itulak ng K-12 ang mga kabataan na sa maagang edad ay grumadweyt mula sa edukasyon at sumabak agad sa paggawa. Itutulak nito ang mas maraming kabataan na magkumpetensya sa paghahanap ng kakaunting trabaho. Kung mas marami ang mga kabataang naghahanap ng trabaho, mabilis nitong palolobohin ang bilang ng mga walang trabaho at itutulak pababa ang halaga ng sahod.

  • 2 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL 2015ABRIL 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANmatrikula at mga bayarin. Sa mga paaralan, mas mataas ang sisingilin para sa mga dagdag taon sa K-12, labas pa sa mga ispesyal na modyul, requirements at trainings na babayaran din kaugnay nito.

    Ang kolehiyo o edukasyong tertiary ay pinalalabas din na luho na dahil sa K-12. Lalong magtataas ang matrikula at mga bayarin sa kolehiyo kasabay ng pagbabawas ng pondo ng gubyerno at pagpapaubaya rito sa malalaking kapitalista-edukador na bilyun-bilyon ang kinikita sa paniningil sa mga pamantasan.

    Pahirap at pabigat sa mga mag-aaral, magulang at guro

    Malinaw na pahirap at pabigat ang K-12. Ang dagdag-taon ay mangangahulugan din ng dagdag-gastos sa naghihirap na ngang mga pamilya, dagdag na drop-outs at dagdag na pasakit sa sistema ng edukasyon sa bansa.

    Dahil sadyang depektibo, kaguluhan at pabigat ang dulot nito sa mga guro at mga administrador na siyang pinababalikat ng pagtutuloy ng programa. Tinataya ding aabot sa 100,000 ang mga guro at kawani sa kolehiyo na mawawalan ng trabaho sa pagpapatupad ng dagdag-taon. Lalo ring pasasahulin ng programa ang mga kakulangan sa klasrum, pasilidad at mga guro sa pamantasan.

    Dapat puspusang labanan ng mga kabataan at mamamayan ang K-12 ni Aquino. Lagpas sa panawagan na i-suspinde o ipagpaliban ang pagpapatupad ng programa dahil sa kakulangan sa paghahanda o pagpopondo, dapat ilantad na isasadlak nito ang kabataan at manggagawa sa mas matinding pagsasamantala ng malalaking dayuhang kapitalista at dahil nagsisilbi ito sa kontra-mamamayan, neoliberal at pahirap na mga patakaran ng rehimeng US-Aquino.

    Dapat labanan ang edukasyong kolonyal, komersyalisado at pasista at ipaglaban ang edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa. Dapat labanan ang mga patakarang neoliberal na lalong nagpapatindi ng pagsasamantala sa mamamamayan at igiit ang tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.

    Sagipin ang buhay ni Mary Jane Veloso!

    Nanawagan ang Anakbayan ng hustisya para kay Mary Jane Veloso na kasalukuyang nakakulong (simula 2010) at nasa death row sa Indonesia dahil sa panloloko ng isang illegal recruiter. Nahulihan si Veloso ng heroin (na nagkakahalaga ng US$500,000) na nakatago sa kanyang maleta na ipinahiram ng kanyang recruiter.

    Si Veloso ay nanggaling sa mahirap na pamilya sa Nueva Ecija. Bata pa lang siya, napilitan na siyang magpulot ng mga plastik na pwedeng ibenta para makatulong sa pamilya dahil kulang ang sahod ng kanyang ama na isang pana-panahong manggagawa sa Hacienda Luisita. Dahil sa hirap ng buhay hanggang first year high school lang ang kanyang natapos, at agad na bumuo ng pamilya.

    Taong 2009 nang subukan ni Veloso na makipagsapalaran sa Dubai bilang domestic worker upang matulungan ang pamilyang naghihikahos sa Pilipinas. Hindi pa natatapos ang kanyang kontrata, bumalik na siya agad sa Pilipinas dahil pinagtangkaan siyang gahasain ng kanyang amo.

    Taong 2010 naman nang lapitan si Veloso ng kaibigan niyang si Ma. Cristina Serio at nirekrut siya para maging kasambahay daw ng kaibigan nitong Malaysian. Pinagbayad ni Serio si Veloso ng P20,000, isang motorsiklo, at isang cellphone na para daw sa kanyang employment cost. Ang hindi alam ni Veloso ay siya na pala ay ilegal na narekrut.

    Pagdating sa Malaysia, sinabihan ni Serio si Veloso na wala na raw ang trabaho na dapat na papasukan niya sa Malaysia. Pinilit ni Serio si Veloso na pumunta sa Indonesia dahil may naghihintay daw na trabaho para sa kanya doon. Binigyan ni Serio si Veloso ng isang maleta para paglagyan ng mga gamit at konting pera para panggastos.

    Hinuli sa Yogiakarta Airport sa Indonesia si Veloso dahil sa natagpuan na heroin sa loob na parte ng kanyang maleta. Hindi nakasagot nang maayos si Veloso sa mga pulis at sa mismong trial niya dahil ang lenggwaheng ginamit ay Bahasa Indonesia (na hindi naiintindihan ni Veloso). Sa paglilitis ng kanyang kaso, binigyan naman siya ng translator ng hukuman, ngunit sa Bahasa Indonesia-Ingles (isang lenggwahe na hindi siya bihasa) lang ang kaya nitong i-translate.

    Sa loob ng 5 taon, ni hindi man lang lumapit ang DFA at ang gobyerno ng Pilipinas sa pamilya ni Veloso upang magbigay ng mga ulat tungkol sa kanyang kaso. Dalawang taong nagpabalik-balik mula Cabanatuan papunta sa opisina ng DFA sa may Maynila ang pamilya ni Veloso upang kausapin ito. Ngunit ang ibinunga lang ng kanilang pagkontak sa DFA ay mga charge sheet at confidential report, na hindi naman nagbibigay ng mga ulat sa pag-unlad ng kaso ni Veloso.

    Pinapakita lamang ng kaso ni Veloso ang matinding pagpapabaya ng

    gobyerno sa mga kababayan nating nasa ibang bansa. Pinapakita rin nito kung paanong itinutulak sa panganib ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers. Hindi sana mangyayari ang ganitong mga kaso kung tutugunan ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas sa halip na itulak palabas ng bayan ang mga manggagawa. Ang patuloy na kawalan ng trabaho at kahirapan ay nagtutulak sa ating mga kababayan sa bitag ng mga kriminal at sindikato. Ang kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas at ang labor export policy ng administrasyong Aquino ang nagbibigay-daan sa mas marami pang kaso ng human trafficking.

    Nanawagan ang Anakbayan sa lahat ng mga kabataan at mamamayang Pilipino na kumilos at ipanawagan ang pag-aalis siya sa death row.Dapat manawagan ng pananagutan sa ginawang kapabayaan ng gobyerno sa kanyang kaso. Ang patuloy na pagsasapanganib sa napakarami nating kababayan dahil sa labor export policy ay lalong nagbibigay dahilan sa ating panawagan para sa pagbibitiw ni Aquino sa pwesto.

    Nakikipagkumpetensya ang rehimeng Aquino sa ibang mga karatig-bansa sa pababaan ng sahod dahil sa pagkakandarapa nito para sa foreign investments at sa patakaran ng pambubugaw sa manggagawa sa labor export. Sa pagsasabi na may mismatch sa kasanayan at sa mga trabahong mayroon, itinatago din nito ang tunay na dahilan ng kawalang trabaho: ang atrasadong sistema ng agrikultura at kawalan ng mga batayang industriya sa bansa na sanhi ng kawalang kakayanan ng ekonomiya na lumikha ng sapat na empleyo.

    Sa ganitong balangkas, hindi kataka-taka na lalo pang pasasahulin ng K-12 ang kolonyal na nilalaman at katangian ng edukasyon. Lalo nitong patitindihin ang mga anti-patriyotiko, pyudal at mapanupil na mga aralin. Lalo nitong ipagkakait sa kabataan ang kasayasayan ng paglaban ng mamamayan para ipilit sa kanila na ang tanging landas ay ang magpaalipin sa imperyalismo. Halimbawa, idudulot din

    ng K-12 ang pagtatanggal ng mga aralin hinggil sa Filipino maging sa kolehiyo.

    Pagpapatindi ng pribatisasyon at komersyalisasyon ng edukasyon

    Patitindihin ng K-12 ang pribatisasyon at komersyalisayon ng edukasyon at itutulak ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin sa mga paaralan.

    Dahil hindi naman masasalo ng mga pambulikong paaralan na dati nang kulang ang klasrum at pasilidad ang dagdag na mga mag-aaral at klase, itinutulak ang mga mag-aaral na tapusin ang junior at senior high school sa mga pribadong hayskul at kolehiyo. Titiyakin pa ng gubyerno ang kita ng mga pribadong paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng DepEd ng vouchers at scholarship para sa dagdag taon.

    Ngayon pa lamang, ginagawa nang dahilan ang K-12 para magtaas ng

    Sa kabila ng pagmamatigas ng Pangulong Benigno Aquino III na ipatupad ang programang K-12 sa susunod na taon, higit na umigting ang panawagan ng mga mag-aaral, magulang, guro at mamamayan para ibasura ito.

    Naglunsad ng kilos-protesta ang ilang grupo ng kabataan at estudyante sa punong tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City noong Marso 23 bilang tugon sa naturang programa.

    Kaugnay nito, muling nabuksan ang debate sa loob ng Kongreso hinggil sa K-12. Ipinahayag na mismo ng Chairman ng House Committee on Higher and Technical Education na si Pasig City Rep. Roman Romulo na hindi handa ang rehimeng Aquino para sa lubos na pagpapatupad ng K-12.

    Binigyan ng bagsak na grado ni Manila Public School Teachers

    Panawagang ibasura ang K-12, lumalakas

    Association (MPSTA) president Benjie Balbuena ang K-12 sa isang porum hinggil sa K-12 noong Marso 18. Nagpahayag din ng pagtutol dito si Bishop Broderick Pabillo ng Maynila sa isang bukas na liham.

    Sa isang petisyon, hiniling naman sa Korte Suprema ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang isang temporary restraining order (TRO) upang masuspinde ang implementasyon ng K-12. Nagrali sa harap ng Korte Suprema sa Maynila ang grupo bago nila isinumite ang kanilang petisyon.

    Saklaw din ng petisyon ang pagpawalang-bisa sa Republic Act (RA) 10533 o Enhanced Education of 2013, ang batas na responsable sa pagpapatupad ng K-12. Kasama na rin dito ang Department of Education Memorandum 2, Series of 2015, na ipinalabas para sa pagpapatupad ng RA 10533.

    Photo C

    redits: pinoyweekly.org

  • 4 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL 2015ABRIL 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    masakdal siya para sa kaniyang mga krimen sa Mamasapano at Disbursement Acceleration Program, dagdag ni Crisostomo.

    Natatakot na diumano si Aquino sa mga kasong nakaambang idemanda sa kanya sa panahong bababa siya sa pwesto: Hindi kami masusurpresa kapag makita namin siya sa wheelchair a-la Gloria, ani Crisostomo.

    Mapatoo man o hindi ang balita tungkol sa pag-collapse ni Aquino, ang totoong bumagsak ay ang kanyang popularidad at approval ratings. Darating ang panahon na mapapanagot rin siya sa kanyang mga krimen, aniya.

    Sa huli, nanaig ang lakas ng sama-samang pagkilos ng mga estudyante laban sa pagtataas ng bayarin sa PUP. Hindi natuloy ang P16,000 mula sa P1000 na pagtataas ng matrikula para sa incoming senior high school.

    Patuloy pa rin ang paglaban at paggigiit na ibasura ang ibat-ibang mga bayarin (gaya ng lab fee, sports development fee, cultural fee, etc.) na nagsisilbing pabigat sa mga estudyante at mga magulang.

    Ang naging tagumpay na ito, kasama ng pananatili ng mababang matrikula sa PUP sa kabila ng mga banta ng mga dagdag singil at komersyalisasyon ay malinaw na larawan kung paanong sa sama-samang pagkilos, naigigiit ang mga karapatan at nasasalag ang mga bulok at pahirap na mga patakaran.

    PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

    MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo,

    Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua,Karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio

    PAGLALAPATEdward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

    Walkout sa SLU-Baguio laban sa tuition hikeDaan-daang mga estudyante ng Saint Louis University (SLU) sa Baguio City ang nagwalkout sa kanilang mga klase noong Marso 20 at 28 upang magprotesta laban sa nakaambang 5-10% tuition hike sa susunod na school year.

    Ang walkout sa SLU ay bahagi rin ng serye ng mga protesta ng mga kabataan laban sa komersyalisason ng edukasyon para sa pagpapabitiw kay Aquino na ikinasa nitong nakaraang buwan sa mga pangunahing lungsod sa buong bansa.

    Ayon sa Rise for Education-SLU, hindi makatwiran ang 5 porsyentong pagtaas ng matrikula na kapwa ipatutupad sa higher years, habang 10 porsyento naman sa mga freshmen. Hindi rin daw nagdaan sa konsultasyon sa mga mag-aaral ang tuition hikes.

    Nagsumite na ng reklamo sa Commission on Higher Education (CHED) ang mga estudyante ng SLU noong Pebrero 27 laban sa pagtaas ng freshmen tuition. Ang taunang tuition hike mula 2006 ay nagresulta ng pagtaas ng SLU tuition sa halagang P500 kada unit.

    Kinundena rin ng mga estudyante ang patuloy na pagkolekta ng other school fees. Bukod sa development fees, nangongolekta rin ng 37 iba-ibang bayarin katulad ng P1,146 registration fee, P1,509 admission fee, P820 qualifying exam fee, atbp.

    Ilang araw bago ang walkout, naglibot sa kampus ang mga security guard upang pagbawalan ang mga estudyante mula sa pagsali sa protesta. Kinumpiska rin ang mga pins at badges laban sa tuition hikes ng mga estudyante.

    Sa araw mismo ng walkout noong Marso 20, ikinandado ang main gate ng SLU upang pigilan ang mga estudyante na lumahok sa protesta. Nagsagawa rin ng emergency fire drill at kumalat ang mga bomb threat. May mga pagbabanta rin ng pagsampa ng disciplinary action laban sa mga lider-estudyante na namuno sa protesta.

    Ngunit bigo ang mga tangkang panunupil. Ang mga kasinungalingan, pananakot, at sabotahe na ginawa ng SLU administration ay lalo lamang nagpasiklab sa diwang mapanlaban ng mga mag-aaral na tumindig laban sa pagtaas ng matrikula at para sa karapatan sa edukasyon.

    Mga estudyante ng PUP nag-walkout at barikada laban sa ambang pagtataas ng matrikulaNoong Marso 10, 2015 sabay na nag-walkout at nagbarikada ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa at Taguig para labanan ang panukalang pagtataas ng bayarin sa PUP, gaya ng P16,000 na pagtataas ng matrikula ng incoming senior high school at mga iba pang bayarin.

    Pinangunahan ng Samasa-PUP, Anakbayan, at League of Filipino Students ang protesta ng mga estudyante. Isinabay ang kilos-protesta ng mga estudyante sa mismong araw ng PUP Board of Regents meeting, kung saan pag-uusapan ang pagpapatupad sa pagtaaas ng bayarin sa PUP.

    Sa PUP Sta. Mesa, daan-daang estudyante ang nagsilabasan mula sa kanilang mga klase upang lumahok sa walkout at barikada laban sa pagtaas ng bayarin. Ginamit ng mga estudyante ang mga luma at sira-sirang mga upuan at iba pang kagamitan sa kanilang classroom sa pagbabarikada ng gate ng PUP Sta. Mesa.

    Naglunsad din ang mga estudyante ng simbolikong pagpunit ng mga mock registration form, para ipakita ang kanilang pagtutol sa pagtataas ng bayarin at pagkokondena sa PUP admin.

    Sa PUP Taguig naman, kung saan dapat ilulunsad ang PUP BOR meeting, nagbarikada ang mga estudyante upang hindi matuloy ang meeting. Kinompronta ng mga galit na estudyante si PUP President Emmanuel De Guzman.

    Nanawagan ang mga estudyante na dapat ibasura ang panukalang pagtataas ng bayarin sa PUP, habang sa kabilang panig kinukumbinse ni De Guzman ang mga estudyante na itigil na ang barikada.

    Upang takasan ang protesta, inilipat ang meeting sa Technological University of the Philippines (TUP) Taguig, kung saan sumunod ang mga estudyante upang ituloy ang protesta.

    Sa kabila ng pandarahas ng pulisya at security, itinuloy pa rin ang protesta laban sa pagtataas ng bayarin. Ang pinakitang pagpipilit ng administrasyon ng PUP sa pagtuloy ng pagtataas ng mga bayarin sa PUP ay nagpapakita lamang ng pagsunod nito sa dikta ng rehimeng US-Aquino. Sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, pilit na ipinapasok ang mga neoliberal na mga patakaran sa edukasyon, kung saan ginagawang negosyo ang edukasyon imbis na karapatan.

    Photo C

    redits: Stop S

    LU Tuition and O

    ther Fee Increase F

    acebook Page

    Tsismis tungkol sa kalusugan ni Aquino: preparasyon para sa hospital arrest? Sa gitna ng lumalakas na panawagan para sa pagpapanagot at pagbibitiw ni Aquino, pinaghihinalaan ng Anakbayan na pinapalaganap ng Malakanyang ang mga pekeng tsismis tungkol sa kalusugan ng pangulo bilang preparasyon sa hospital arrest sa panahong makasuhan siya para sa madugong labanan sa Mamasapano at iba pang krimen.

    Maaaring ang mga tsismis sa diumanoy pag-collapse ni Aquino ay isang dibersyon. Naubusan na siya ng kasinungalingan, ani Vencer Crisostomo, Pambansang Tagapangulo ng Anakbayan. Mas masahol pa, posibleng paghahanda ito sa kanyang hospital arrest sa sandaling

    www.anakbayan.orgbisitahin ang

  • 6 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ABRIL 2015ABRIL 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    17. Why did you lie in your first speech on January 28 about the involvement of Purisima during the period of his suspension?

    AQUINO: Ganon ba? Basta si Alan at si Napeas ang may kasalanan. Wala akong kasalanan. At hindi ako marunong magsinungaling.

    18. Why did you allow US intervention from the planning, funding, training, ISR, and during the very conduct of the operation and the subsequent evacuation, as is obvious from the presence of six Americans at the tactical command post?

    AQUINO: Ang mga Amerikano naman ang nakaaalam ng lahat. Hindi ako naging President kung hindi dahil sa kanila. Kumikilos lamang ako sa ilalim ng mga patakaran nila. They are our friends.

    19. What is your legal basis for allowing this intervention by the US military in a PNP law enforcement operation a purely internal matter even though this is not covered by the MDT, VFA, and EDCA?

    AQUINO: Kayo naman. Nagbibiro lang ako kung sabi ko ang mga Pilipino ang boss ko. Ang US ang tunay na boss ko.

    20. What was the extent of the participation of the Joint Special Operations Task Force Philippines in the Mamasapano operations? Why did JSOTF close down on February 24, 2015?

    AQUINO: Tanungin ninyo sila. Wala akong pakialam. Sige, maiwan kayo. Magyoyosi na ako. Sobrang dami ng inyong mga tanong-tanong. Busy ako. Magtitingin-tingin muna ako ng cars sa Mitsubushi.

    Ang sumusunod ay isang classified document na nakalap ng Tinig. Pinasagot umano si Aquino sa 20 tanong na inihain ng koalisyong Makabayan at narito ang kanyang isinagot:

    Mga sagot ni Aquino sa 20 tanong

    1. Why did you authorize or allow the participation of then PNP Chief Alan Purisima in Oplan Exodus even though you were fully aware that he was already suspended at that time?

    AQUINO: Wala kayong paki, barkada ko yon. BFF kami. Matalik kaming magkarelasyon. So what kung suspendido? Advice, advice lang kunwari. Masama ba yun?

    2. If he were only an expert adviser, why did you say that you ordered him to coordinate with PNP OIC Espina and AFP Chief of Staff Catapang and that he did not follow said order?

    AQUINO: Ang tawag dun, messenger. Kayo naman. Bata ko si Alan. Wala kayong paki kung inutusan ko siya. Anong masama kung mensahero ko siya kina Espina at Catapang. Pero lintek si Alan kung bakit hindi tumupad sa komand ko e. Ang sarap kurutin e.

    3. Why didnt you, as the commander-in-chief, direct Espina and Catapang to support the SAF, instead of delegating the task to a suspended official?

    AQUINO: E sinabi ko na nga e. Si Alan talaga ang may kasalanan. Siya na nga sinabihan ko e. Di niya sinunod. My goodness.

    4. When you let a suspended official head an operation, received reports from him, and ordered the SAF director Napeas to report to him, did you not violate the chain of command?

    AQUINO: Chain of command? Whats that? Ask Leila de Lima.Walang chain of command sa PNP o kahit saan pa yan. Wala yan.

    5. Did you not violate the suspension order issued by the Ombudsman against Purisima when you allowed the latter to head the operation?

    AQUINO: Hindi naman pumapalag ang Ombudsman eh. May sinabi ba Ombudsman? Di ba wala?

    6. What did you and Purisima talk about during the January 9 meeting at Bahay Pangarap, after Napeas left and before Purisima told Napeas, Sabihan mo na ang dalawa (referring to Sec. Mar Roxas and PNP OIC Gen. Espina) kapag andun na. Ako na ang bahala kay Catapang?

    AQUINO: Secret. Wala kayong paki sa aming tsikahan. Amin-amin na lang yon. Wala akong paki sa kung anumang ibinulong ni Alan sa kung kanino man.

    7. How many times did you text Purisima and other officials about the operation on Mamasapano? What are the contents of these messages, if any? Was there an instance that you made voice calls to Purisima and other officials on the matter?

    AQUINO: Private messages yun. Wala kayong pakialam. Ako nga hindi ko pinakikialaman ang mga text ninyo ng mga misis at kasintahan ninyo.

    8. You said that you were irked at Purisima because you could not make sense of his conflicting texts. Why did you not call him to clarify matters? Why did you not call other officials to know what was happening?

    AQUINO: Magulo siya kasi may pagka jejemon. Dahil kung minsan naglalambing siya, may mga smiley.Halatang nambobola. Basta nabuwisit ako nang sinabing nakatakas si Usman.

    9. You were aware of the probability of pintakasi, that the SAF troopers will be attacked by any and all armed locals in the area. Why did you not order coordination with the CCCHH even just hours before the operation was launched?

    AQUINO: Ang tinutukoy kong pintakasi ay yong pagtutulungan sa development sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

    10. Were you not informed in the morning that the 55th SAC was being engaged in an encounter?

    AQUINO: Tiyak akong magtatagumpay ang operation. Kaya gumising ako nang 7 a.m. Nagyosi muna ako at umetsas bago tumawag ako kay Alan nang 7:30 a.m. Nabuwisit ako na nakatakas si Usman at iniutos kong tugisin siya hanggang utasin nila.

    11. Westmincom Commander Lt Gen. Guerrero testified that you were getting updates throughout the day at his headquarters in Zamboanga. Who were the officials updating you and what was the information they gave you?

    AQUINO: Wala akong gana sa mga updates bastat hindi sinabi na nahuli o patay na si Usman. Nabuwisit ako nang husto na nakatakas si Usman. Walang kwenta sa akin ang mga updates habang walang balita na patay na ang hayop na Usman. Wala ring nagsabi sa akin na inuubos na pala ng MILF ang mga SAF sa maisan.

    12. What were your orders to Guerrero or Catapang, if there were any?

    AQUINO: Wala. Wala naman silang pakialam sa operation.

    13. Were you aware that the CCCHH was working towards a ceasefire in the middle of the fighting? When were you informed of this?Did you give any guidance in consideration of the peace talks with the MILF?

    AQUINO: Pinabayaan ko lang silang makipag-usap sa CCCHH. Standing policy naman na pangalagaan nila ang ceasefire agreement sa MILF.

    14. Did you give any orders to stand down? Did you not give order/s to Catapang and/or Pangilinan not to fire the artillery in Mamasapano, Maguindanao where the 55th SAC were engaged with the MILF and other armed locals in consideration of the peace talks with the MILF?

    AQUINO: Okay lang yong stand down dahil patay pa rin ang mga bata kahit lumaban. Patas lang kami sa mga pinatay dahil ganoon din ako nang patayin ang aking ama at wala akong magawa para iligtas siya. Tabla-tabla na tayo ngayon.

    15. Why was there no air support during the Mamasapano operation?

    AQUINO: Para sa aking security ang mga helicopter at eroplano at wala sa operational plan na ginawa namin ni Alan.

    16. What can you say about Napeass statement that you left them hanging (iniwan kami sa ere) and that this is the highest form of betrayal?

    AQUINO: Buwisit ang Napeas na yan. Siya ang may kasalanan sa lahat. Pinatakas niya si Usman. Siya ang nag-betray sa pangako ko kay US Ambassador Goldberg na matitiklo pareho sina Marwan at Usman.

  • 8 ABRIL 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Sa kabila ng tahasang pagtanggi ng gobyernong Aquino at Estados Unidos, higit na nalalantad ang pangunahing papel ng US sa Oplan Exodus, ang plano para patayin sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman na humantong sa madugong labanan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

    Ayon kay Jose Maria Sison, Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines, dapat pang maibunyag nang lubusan direktang ang pagbibigay kay Pangulong Aquino ng utos mula sa pinakamataas na antas ng gobyernong US sa katauhan ni US Ambassador Philip Goldberg.

    Si Goldberg ang pinakamataas na operatiba sa Pilipinas ng gobyernong US at Central Intelligence Agency o CIA.

    Maaalalang pinaalis si Goldberg sa Bolivia noong taong 2008 matapos ang panunungkulan nito sa nasabing bansa bilang ambassador dahil sa kanyang punong papel sa pagtangka ng US na pabagsakin ang makabayang gobyerno ni Evo Morales.

    Pagbisita nia Negroponte at pag-alis ng JSOTF-P

    Ani Sison, palatandaan ng pagpapahalaga na ibinigay ng US sa Oplan Exodus at ang madugong kinahihinatnan nito ang mga emergency trippapuntang Maynila nina John Negroponte at John Maisto, kapwa nagtatandaang operatiba ng CIA, noong Enero 29-31.

    Ayon sa balita, dumalo diumano sina Negroponte at Maisto sa isang pagtitipon ng US-Philippines Society. Bahagi sa itineraryo ng nauna ang pagpulong kay Aquino.

    Mahaba at madugo ang kriminal na rekord ni Negroponte sa pangangasiwa ng mga operasyong paniktik ng US, kabilang ang pagtayo ng mga death squad at pagsasanay sa torture, magmula pa noong 1960s sa Vietnam, Central America, Pilipinas, Mexico at kamakailan lamang sa Iraq.

    Isa pang indikasyon sa mataas na prayoridad na binibigay ng US sa Oplan Exodus ang biglaang pag-alis ng mga kontraktor ng Joint Special Operations Task Force-Philippines (JSOTF-P) matapos ang kapalpakan sa Mamasapano.

    Ang JSOTF-P ay isang espesyal na operasyon ng gobyernong US sa Pilipinas na nagsimula noong taong 2002 bilang bahagi ng War on Terror. Naiulat na aabot 600 tauhang militar ng US kaugnay sa JSOTF-P ang nakabase sa bansa.

    Ang nakatagong kamay ng imperyalistang US

    Nauna nang naisiwalat ang papel ng JSOTF-P sa pagsasanay ng mga tropa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na lumusob sa Mamasapano sa La Vista Del Mar Beach Resort, Zamboanga City.

    Nariyan rin ang pagbigay sa daliri ng target nilang si Marwan sa US Federal Bureau of Investigation (FBI), ang paggamit ng US drone command center sa Zamboanga, at ang presensya ng mga ahente ng US sa Cotabato command post ng SAF.

    Dagdag pa rito ang kumalat na litrato ng retrieval operation ng mga sundalong Amerikano gamit ang Evergreen helicopter ng CIA.

    May papel din ang JSOTF-P sa pagpasa ng intelligence packet kay suspended PNP Chief General Allan Purisima. Laman nito ang mga ulat hinggil sa real-time electronic surveillance at reconnaissance gamit ang mga drone, mga makinang lumilipad nang walang nakasakay na tao na nagmamaneho.

    Mahirap paniwalaan na ipinasa ng JSOTF-P ang pinakahuling intelligence packet kay suspended General Purisima na walang top-level na kasunduan sa pagitan ni Aquino at kanyang mga among Amerikano, ani Sison.

    Kung ang US ang nagpondo sa Oplan Exodus, malinaw na gumanap bilang mga pawang bayaran sina Aquino, Purisima, at ang mga isinangla nilang SAF, dagdag na paliwanag ni Sison. Kung hindi, may kriminal na pananagutan sina Aquino at Purisima sa pagkurap ng pampublikong pondo labas sa inawtorisang badyet at chain of command na nagresulta sa trahedya sa Mamasapano, aniya.

    Higit pang ilantad ang pagkatuta ni Aquino sa US sa Mamasapano

    SUMAMA SA PAGKILOS SA MAYO UNO! Tuta ng Kano, Pahamak sa Pilipino, Pahirap sa Obrero: Patalsikin ang rehimeng US-Aquino!

    Ipaglaban P16,000 National Minimum Wage! Ibasura ang kontraktwalisasyon!

    Photo C

    redits: pinoyweekly.org