37
Saknong 126 – 135 Learner Centered Learning Environment Modyul Para sa Ikalawang Taon – Filipino 2 Inihanda ni Bb. Ana Ria B. Aguilar

Aladin Kabanata

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Florante at Laura

Citation preview

Page 1: Aladin Kabanata

Saknong 126 – 135

Learner Centered Learning EnvironmentModyul Para sa Ikalawang Taon – Filipino 2

Inihanda ni Bb. Ana Ria B. Aguilar

Page 2: Aladin Kabanata

Si Dem ay isang binatang nagtatrabaho sa umaga at estudyante naman sa gabi. Habang pauwi at naglalakad, nakakita siya ng grupo ng mgakabataan na pilit na kinakaladkad ang isang babae upang pagsamantalahan.Dahil dis oras na ng gabi, wala nang ibang taong nakapansin at siya na lamang ang maaaring tumulong. Dahil delikado ang kanyang susuunging pagtulong, nagdadalawang isip siya kung tutulungan niya ang babae o pababayaan na lamang niya ito. Kung ikaw si Dem, ano ang iyong gagawin?

Page 3: Aladin Kabanata

Mga Mungkahi sa pagtulong

Tatawag ng tulong o pulis

Tutulong ka sa pamamagitan ng pagsugod

Magkukunwari na lamang akong

walang nakita

Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo bilang si Dem? Bilugan ang mapipiling gawain. Kung may maiisip pang ibang suhestyon, isulat ito sa espasyong nakatakda para rito.

Iba pangsuhestiyon:

______________________________________________________

Page 4: Aladin Kabanata

1. Bakit mo pinili ang gawaing iyon para kay Dem?

____________________________________________________

2. Bakit iyon ang napili mong kasagutan?

____________________________________________________

3. Paano mo masasabing ang iyong napiling kasagutan ang higit na makakatulong ? Ipaliwanag.

____________________________________________________

4. Pagkatapos makapagmuni – muni sa iyong kasagutan, ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong napiling pagtulong? Bakit?

____________________________________________________

5. Anu – ano ang mga dahilan kung bakit madalas o ayaw tumulong ang isang nakasaksi sa isang krimen ?

___________________________________________________

Mga Pangtulong na Katanungan

Page 5: Aladin Kabanata

Ngayon,kumuha ka ng iyong ka-partner at ikumpara ang iyong mga kasagutan. Pagkatapos ng iyong pagbabahaginan, sagutin ang mga sumusunod .

1. Pareho ba kayo ng napiling kasagutan?

_________________________________________

2. Pagkatapos malaman ang kasagutan ng iyong ka-partner, may tiwala ka pa ba sa iyong napiling kasagutan? OO o HINDI?

________________________________________________________________________________

3. Ano sa tingin mo ang dapat gawin upang malaman ang pinakamainam o epektibong pamamaraan ng pagtulong?

________________________________________________________________________________

Page 6: Aladin Kabanata

Pag - uugnay

Ang ginawa ni Aladin sa pagliligtas kay Florante ay isang dakilang gawain.Maging ang huli ang kanyang kaaway. Sa ating Banal na Bibliya, marami ring pangyayari na nagpapamalas ng taos-pusong pagtulong sa kapwa. Isa rito ang kwento ng “ Mabuting Samaritano”. Naaalala mo pa ba? Tunghayan mo ang kwento.

I-click ang larawan upang mabasa ang kwento ng “Ang Mabuting

Samaritano”.

Page 7: Aladin Kabanata

Ang Mabuting Samaritano

May eskribang lumapit kay Jesus upang siya’y subukin.” Guro,” aniya, “Ano ang dapat kong gawin upang makamit ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso,nang buong kaluluwa nang buong lakas,at nang buong pag –iisip at “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” “Tama ang sagot mo,” wika ni Jesus. “Gawin mo iyan at mabubuhay ka.” Sa hangad ng eskriba na huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, tinanong niya uli si Jesus,”Sino naman ang aking kapwa?” Sumagot si Jesus:” May isang taong naglalakbay buhat sa Jerusalem,patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan,kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya’y lumihis at nagpatuloy ngkanyang lakad.

Ngunit may isang Samaritanong Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na naparaan doon. Nakita naglalakbay na naparaan doon. Nakita niya ang hinarang at siya’y nahabag. niya ang hinarang at siya’y nahabag. Lumapit siya, binusan ng langis at alak Lumapit siya, binusan ng langis at alak ang mga sugat at tinalian. Saka ang mga sugat at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinakyang isinakay ang tao sa kanyang sinakyang hayop,dinala sa bahay-panunuluyan at hayop,dinala sa bahay-panunuluyan at inalagaan doon. Kinabukasan,dumukot inalagaan doon. Kinabukasan,dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may – ari ng bahay – panunuluyan at may – ari ng bahay – panunuluyan at sinabi. “Alagaan mo siya, at kung sinabi. “Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik.” babayaran ko sa aking pagbabalik.” Sino ngayon sa palagay mo ang Sino ngayon sa palagay mo ang nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa nagpakita ng kanyang pakikipagkapwa sa taong hinarang ng mga tulisan?” sa taong hinarang ng mga tulisan?” tanong ni Jesus.” Ang nagpakita ng tanong ni Jesus.” Ang nagpakita ng habag sa kanya, “tugon ng eskriba. habag sa kanya, “tugon ng eskriba. Sinabi sa kanya ni Jesus,” Humayo ka’t Sinabi sa kanya ni Jesus,” Humayo ka’t gayon din ang gawin mo.” gayon din ang gawin mo.”

Page 8: Aladin Kabanata

Ngayon natunghayan ninyo ang kwento ng Mabuting Samaritano… Tunghayan naman natin ang saknong 126 – 135. Alamin ninyo sa araling ito kung may pagkakahawig ang inyong naunang binasa sa mga saknong. Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong at humanda sa talakayan

Page 9: Aladin Kabanata

126Sa tinaghuy – taghoy na kasindak- sindak,

gerero’y hindi na napigil ang habag;Tinunton ang boses at siyang hinanap,Patalim ang siyang

nagbukas ng landas.

127Dawag na masinsi’y

naglagi – lagitikSa dagok ng

lubhang matalis na kalis,

Moro’y di tumugot hanggang di nasapitAng binubukalan

ng maraming tangis

Page 10: Aladin Kabanata

128Anyong pantay –

mata ang lagay ng araw

Niyong pagkatungo sa kalulunuran;

Siyang pagkataos sa kinalalagyan

Nitong nagagapos na kahambal –

hambal.

129Nang malapit siya’t abutin ang sulyapAng sa pagkatali’y

linigid ng hirap,Nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,Katawan at puso’y

nagapos ng habag.

Page 11: Aladin Kabanata

130Malaong natigil na

di nakakibo,Hininga’y hinabol

na ibig lumayo;Matutulog disin

sa habag ang dugo,Kundangan nagbangis

leong nangagtayo.

131Naakay ng gutom at

gawing manila,Nag – uli sa ganid at

nawalang – awa;Handa na ang

ngipin’t kukong bagong hasa

At pagsasabayan ang gapos ng iwa.

Page 12: Aladin Kabanata

132Tanang balahibo’y

pinapangalisag,Nanindig ang buntot

na nakagugulat;Sa bangis ng anyo at nginasab –ngasab,

Puryang nangangalit ang siyang katulad.

133Nagtaas ng kamay at

nangakaakmaSa katawang gapos ang kukong pansira;Nang darakmain na’y

siyang pagsagasaNiyong bagong

Marteng lumitas sa lupa.

Page 13: Aladin Kabanata

134Inusig ng taga ang

dalawang leon,Si Apolo mandin sa Serp’yente Piton;Walang bigong

kilos na di nababaon

Ang lubhang bayaning tabak na

pamutol.

135Kung ipamilantik ang

kanang pamatayAt saka isalag ang

pag–adyang kamay,Maliliksing leon ay

nangalilinlang,Kaya di nalao’y nangagumong

bangkay.

Page 14: Aladin Kabanata

Pinatunayan nina Aladin at ng Samaritano na kahit sinuman ay dapat tulungan sa panahon ng paghihirap maging iba man ang iyong relihiyon o iba ang iyong kulay.

Ngayong, nabasa mo na ang tungkol sa “Mabuting Samaritano,” Gusto kong sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

1.Bakit ito pinamagatang “ Mabuting Samaritano”?

2. Paano siya tumulong sa kanyang kapwa?

3. Sa paanong paraan nahahawig ang kanyang buhay kay Aladin?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 15: Aladin Kabanata

4. Pagkatapos sagutin ang mga tanong, sumulat ka ng maikling sanaysay ng iyong naging karanasan sa pagtulong sa kapwa.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 16: Aladin Kabanata

Alam mo ba na may mga salita tayong nakukuha ang kahulugan batay sa taglay nitong tunog. Ang mga tunog na ito ay nagbabadya ng kahulugan ng salita. Tinatawag ang mga tunog na ito na ………………

Onomatopeia

??

?

?

TALASALITAAN

Hal. Tiktak ng orasan Ang kahulugan ng tiktak ay tunog na nalilikha ng tumitiktik na orasan.

Page 17: Aladin Kabanata

Ngayon,bigyang-kahulugan mo ang mga salitang may salungguhit sa parirala. Isulat sa ibaba ng bawat bilang ng iyong kasagutan.

1. Naglalagi – lagitik na mga dawag - ________________

2. Tinaghuy – taghoy sa pag – iyak - ________________

3. Nginasab – ngasab na pagkain - __________________

4. 4. Kahambal –hambal na gawain - __________________

Page 18: Aladin Kabanata

PANUTO: Malinaw na ba sa iyo ang onomatopeia? Ngayon, subukin natin kung nauunawaan mo ang mga saknong. Sagutin ang bawat tanong sa loob ng isang pangungusap.1.Sino ang Apolong binanggit na naglitas kay Florante? Bakit tinawag rin siyang “ bagong Marte?” ______________________________________________________________________________________________________________

2. Paano iniligtas ni Aladin ang kaawa – awang binata? Ilarawan angpakikipaglaban niya sa dalawang leon. ____________________________________________________________________________________________________________

3.Ibigay ang isinasagisag ng mga leon sa tula. __________________________________________________________________________________________________________

4.Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aladin, ipagtatanggol mo rin ba ang yong kaaway na nasa bingit ng kamatayan? Bakit? ____________________________________________________________________________________________________________

Page 19: Aladin Kabanata

A. Indibidwal na Gawain: Bilang isang mag – aaral na mulat na sa mga pangangailangan ang inyongKapwa sa paligid, anu – ano kaya ang iyong maitutulong sa kanila? Punan ang tsart sa ibaba.

Mga Tutulungan Mga Tutulungan Paano Mo Paano Mo MatutulunganMatutulungan

1.Mga Kabataang Di 1.Mga Kabataang Di Nakapag – aral Nakapag – aral

2. Mga Pulubi 2. Mga Pulubi

3. Mga Kabataang 3. Mga Kabataang Biktima ng Biktima ng Ipinagbabawal na Ipinagbabawal na Gamot Gamot

Page 20: Aladin Kabanata

Pangkatang Gawain: Napakaraming paraan ang magagawa natin upang makatulong sa kapwa at ito ay naitala mo sa Gawain A. Ngayon naman ay pag –usapan ninyo sa pangkat kung paano ninyo hahatiin ang pie chart sa ibaba ayon sa bahagdan batay sa mga taong tutulungan. Pagkatapos mong itala sa loob ng pie chart ang bahagdang ibibigay na napagkasunduan ng pangkat, isulat sa ibaba ang grap ang inyong mga kadahilanan.

Mga Tutulungan:

Kaibigan Kapatid

MagulangIba pa

Page 21: Aladin Kabanata

Gawain: Tingnang mabuti ang larawan at isulat sa thought bubble ang eksenang nagaganap sa larawan.

Page 22: Aladin Kabanata

Ngayon magpangkat sa anim. Alam ba ninyo na lahat tayo aymaaaring maging bayani? Magagawa ninyo ito kahit sa munting paraan lamang. Pag –usapan ninyo kung paano ang bawat isa sa inyo ay magiging bayani at pag –asa ng bayan. Itala ang mga kasagutan sa dayagram sa ibaba.

Pangkatang Gawain:

Page 23: Aladin Kabanata

Suriin ang caricature sa ibaba. Sa ilalim nito, sumulat ng isang maikling editoryal ukol dito.

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 24: Aladin Kabanata

1.1. Nang makita ni Aladin ang Nang makita ni Aladin ang kinalalagyan ni Florante, kinalalagyan ni Florante, nakaramdam siya ng awa.nakaramdam siya ng awa.

TAMA TAMA MALI MALI

2.2. Dahil sa taglay na tapang at lakas ni Dahil sa taglay na tapang at lakas ni Aladin, napatay niya ang dalawang Aladin, napatay niya ang dalawang leon.leon.

TAMA TAMA MALI MALI

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay hango sa mga binasang saknong at MALI kung hindi.

Page 25: Aladin Kabanata

3. Sinabi ni Florante na di niya kailangan 3. Sinabi ni Florante na di niya kailangan ang habag ni Aladin.ang habag ni Aladin.

TAMA TAMA MALIMALI

4. Hindi nakatiis ang Moro na nakikinig 4. Hindi nakatiis ang Moro na nakikinig sa hinagpis ni Flerida kaya hinanap sa hinagpis ni Flerida kaya hinanap niya ito.niya ito.TAMA TAMA MALIMALI

5.5. Naipakita ni Aladin ang kanyang taus Naipakita ni Aladin ang kanyang taus – pusong pagtulong kay Florante– pusong pagtulong kay Florante TAMA TAMA MALI MALI

Page 26: Aladin Kabanata

Naku, Mali ka!!! Pag – igihin sa susunod na katanungan .

Page 27: Aladin Kabanata

Naku! Basahin muli ang saknong at suriin kung bakit mali ang sagot mo !!!

Page 28: Aladin Kabanata

Naku, Mali ang sagot Mo! Siguro nagmamadali kang sumagot…. Ayan tuloy….Sa susunod basahin at intindihin muna nang mabuti!

Page 29: Aladin Kabanata

Wow Tama ang iyong sagot. Sige nga, tingnan natin sa susunod na pagsasanay kung talagang nag – aral ka!

Susunod na Katanungan

Page 30: Aladin Kabanata

May TAMA ka sa pagsasanay na ito!

Susunod na Katanungan

Page 31: Aladin Kabanata

Bilib na ako sa iyo. TAMA na naman ang sagot mo!

Susunod na Katanungan

Page 32: Aladin Kabanata

Bilib na ako sa iyo. TAMA na naman ang sagot mo!

Susunod na Katanungan

Page 33: Aladin Kabanata

Mahusay! Tapos na ang pagsusulit!

Susunod na Gagawin

Page 34: Aladin Kabanata

Indibidwal na Gawain: Naunawaan mo ba ang aralin? Subukin mong punan ang bawat bilog sa hinihinging detalye. Isagawa ito sa pamamagitan ng caterpillar technique

Page 35: Aladin Kabanata

Gawain: Sumulat ng isang maikling sanaysay na naglalahad ng pagtulong sa kapwa.Maaaring ibahagi ninyo ang inyong mga karanasan hinggil sa paksang ito.

Pagtulong sa Kapwa

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 36: Aladin Kabanata

Kriterya Mahusay Kasiya – siya Nagsisimula Marka ng Mag – aaral 30 %

Marka ng Guro

70%

Nilalaman Ang ideya, halimbawa at kuru –kuro ay naaayon at akmang – akma sa paksa

(12 – 15)

Ang mga ideya ay akma sa paksa (8 – 11)

Kaunti lamang na mga ideya ang naibigay

(1 – 7)

Organisasyon Maayos at magkakaugnay ang mga talata

Napakahusay at maayos ang pagkakaugnay - ugnay ng mga talata

( 8 – 10 )

Mahusay at maayos ang pagkakaugnay - ugnay ng mga talata

( 4 – 7 )

May mga talatang hindi magkakaugnay – ugnay at di maintindihan ayon sa daloy ng pagpapahayag

( 1 – 3 )

Wastong gamit ng

mga bantas at baybay

Nagamit nang wasto ang lahat ng bantas at baybay ayon sa pagkakapahayag

( 4 – 5 )

Nagamit nang wasto ang ilang mga bantas at baybay ayon sa pagkakapahayag

( 2 – 3 )

May mga salitang di – wasto ang pagkakagamit ng baybay at bantas (1)

Kabuuan

Page 37: Aladin Kabanata

Maraming Salamat sa inyong kooperasyon! Nawa’y marami kayong natutunan!!!

Hanggang sa susunod na pagkikita!!!