Click here to load reader

Kabanata xxxiv

  • View
    123

  • Download
    1

Embed Size (px)

Text of Kabanata xxxiv

KABANATA XXXIVAng Kasal

KAISIPAN:Ang Taong may direksyon ay may hahantungang destinasyon.

BALIK-TANAW:Hindi lumabas si Simoun nang umagang iyon. Nag-ayos siya ng kanyang mga armas at alahas. Ang ibay naghihinalang natatakot maiwan si Simoun ng Kapitan Heneral. Sasama siya sa pag-alis patungong Espanya. Hinihintay ni Simoun si Basilio. Dumating nga ang binate. Siyay nagpahayag ng pagsang-ayon sa binabalak na paghihimagsik ni Simoun. Binigyan niya ng tungkuling magbantay ang binate sa Arabal. Iniutos niya na patayin ni Basilio ang sinumang ayaw sa kanila. Inabutan ni Simoun ng rebolber ang binata.

BASAHIN: Nasa daan na si Basilio, nagiisip siya kung ano ang maaari niyang gawin bago sumapit ang itinakdang sandali ni Simoun. Ikapito pa lamang ng gabi. Bakasyon noon, kayat nakauwi na ang mga mag-aaral sa kani-kanilang lalawigan. Tanging si Isagani ang hindi umuwi sa kanyang lalawigan, ngunit hindi matagpuan nang umagang iyon. Walang nakaalam kung saan siya naparoon. Ito ang sinabi kay Basilio nang makalaya mula sa bilangguan at dalawin ang kaibigan upang makituloy. Hindi siya malaman kung saan siya tutungo. Wala siyang salapi. Ang tanging nasa lukbutan niya ay ang rebolber. Naalala niya ang lampara na sasabog pagdating ng ikasiyam ng gabi. Ang tingin niya sa mga tao ay parang walang ulo

ang mga ito. Naisip niyang matapos ang malagim na pangyayariy naroon siyang nakatayo sa ibabaw ng bunton ng mga bangkay. Siya na isang patay-gutom ay magiging matayog pagskita ng araw. Muli niyay sinalat ang sandata sa lukbutan.Naglaro sa isipan ng binata ang takbuhan ng kalalakihan at sigawan ng mga kababaihan. Malinaw na malinaw sa utak ni Basilio ang magaganap na kaguluhan. Pansumandaling napahinto siya sa paglalakad nang maalalang di pala niya naitanong kung saan magsisimula ay malaking dramang pandigmaan. Ang tanging ipinaalala sa kanya ni Simoun ay magpakalayu-layo raw siya sa Kalye Anloaque.Iyon ang nagpahiwatig sa kanya ng katotohanan. Pagkagaling niya sa bilangguan nang hapong iyon, nagsadya siya sa dating bahay ni Kapitan Tiyago upang kunin ang ilang kagamitan niya. Nakita niya na ayos na ang

bahay. Inihanda ito upang pagdausan ng isang piging, ang kasal ni Juanito Pelaez. At may nabanggit si Simoun ng isang piging.Isang mahabang hanay ng mga sasakyan ang dumaraan sa kanyang harapan. Lulan ng mga ito ang mga dalagat binata na masayang nag-uusap. Tila namataan niya ang malalaking pumpon ng mga bulaklak, ngunit hindi niya pinansin ang mga ito. Patungo ang mga sasakyan sa daang del Rosario. Dahan-dahan ang mga ito at pahintu-hinto dahil sa trapikosa tulay ng Espanya. Sa isang sasakyan, nakita niya si Juanito na katabi ng isang babaing nakasuot ng puti at manipis na belo. Nakilala niya si Paulita Gomez. Siya nga ang nakasuot ng pangkasal at parang galing sa simbahan na kasama si Juanito Pelaez. Ano kayat ipaalam niya sa kaibigan ang lihim ni Simoun. Ngunit nagbago siya ng pasiya sapagkat hindi papaya sa gayong pagpatay ang

makata. Isa pay hindi nagtiis ng hirap si Isagani tulad ng inabot niya. Naisip ni Basiliong kung hindi siya nabilanggoy kasal na marahil sila ni Huli at isa na siyang doktor. Naalaala niya ang pagkakataon ni Huli mula sa durungan ng kumbento. Sinalat niyang muli ang rebolber. Inip na inip siya sa mabagal na takbo ng oras.Nakita niyang lumalabas ng kanyang bahay si Simoun na dala ang kahon ng lampara, na buong ingat na nababalutan. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at sumunod sa bagong kasal. Ayaw ni Basilio na nawaglit sa kanyang paningin ang sasakyan ni Simoun. Kinilala niya ang kutsero. Di niya akalaing Makita ang sawimpalad na si Sinong, ang kutserong naghatid sa kanya sa San Diego at binugbog ng mga guwardiya sibil. Sapagkat sa kalye Anloague idaraos ang kasalan at dito rin pasasabugin ang lampara ng kamatayan, lalong napabilis ang paglalakad ni

Basilio sa lansangang dinadaanan ng mga panauhing pandangal. Sa pakiwari ng binatay may mga pakpak ang kanyang paa. Naunahan pa niya ang mabibilis na karwaheng takbuhan nang takbuuhan sa daan. Hindi niya nainong siya pa rin pala ay parang kabayong tumatakbo. Nakahinga lang siya nang marating na niya ang bahay sa pagdarausan ng kasayahan.Napatawa si Basilio sa sarili nang Makita ang mga nagbabantay na mga guwardiya sibil. Dahil sa dami ng mga tao mahuhulaan ang kahalagahan ng piging at ng mga panauhin. Punung-puno ng tao ang bahay. Bumabaha sa liwanag ang mga bintana. Nalalatagan ng alpombra ang pasukan at napapalamutian ng mga bulaklak. At sa itaas, sa isang hiwalay na lumang silid, ay tumutugtog ang isang orchestra nfg msayang tugtugin na dimalunod-lunod ang mga di-mawatasang ingay ng halakhak at usapan.

Napakalaki ng ginawang pagbabago sa bahay ni Kapitan Tiyago. Dinikitang muli ng maririkit na papel ang mga dingding. Ang amoy ng apyan ay nawalang lubusan. Ang malaking sala na pinaluwang pang lalo ng mga naglalakihang salaaming nagpaparami sa mga ilaw ng aranya, ay nalatagan ng alpombra na tulad ng mga salon sa Europe. Bagaman makintab na makintab ang malalapad na sahig ay nilagyan pa rin ng mga alpombra. Ang maadornong kasangkapan ni Kapitan Tiyago ay pinalitan ng iba sa may estilong Louis XV. Nakabitin sa pinto ay malalaking kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng mga gintong titik ng pangalan ng mga bagong kasal at natatalian ng mga artipisyal na bulaklak ng suha at asusena.Ang daang papasok sa malaking bulwagan ay napapalamutian ng mga bulaklak at ginawang silid-kainan. Isang malaking mesa na para sa tatlumpung katao ang nasa gitna. Nakahanay sa tabi ng dingding ay maliit na mesang para sa dalawa o tatlong katao. Napapalamutian ng mga

bulaklak, maraming prutas, laso at ilaw ang mga ito. Gayon man, ang mesa para sa mga diyus-diyosan ay wala roon. Nakalagay ito sa gitna ng malapad na azotea sa isang magandang kyosko na sadyang pinagawa para sa padiriwang iyon. Isang sala-salang kahoy na durado na may gumagapang na mabangong halaman ag nagkakanlong sa loob upang huwag matanaw ang balana. Malayang nakapaglalagos ang hangin kaya hindi maalinsanganan ang mga panauhin. Ang hapag na iyoy nasa mataas kaysa iba pa. Pipito lamang ang pinggan. Ang mga kagamitany pawing pilak. Ang alak ay ang pinakamahal at pinakamasarap. Lahat ng mahal at mahirap mabiliy siyang inihanda ni Don Timoteo Pelaez at marahil hindi siya magdadalawang-isip na gumawa ng paraan, kung sabihin ng Kapitan Heneral na siyay maibigian sa laman ng tao.

1. Sino ang nasa daan na nagiisip kung ano ang maaari niyang gawin bago sumapit ang itinakdang sandali ni Simoun?

2. Anong oras pa lamang ng gabi noong nasa daan si Basilio?

3. Sino ang tanging hindi umuwi sa kanyang lalawigan, ngunit hindi matagpuan nang umagang iyon?

13

4. Ano ang tanging nasa lukbutan ni Basilio?

5. Anong oras ng gabi sasabog ang lamparang dala dala ni Simoun?

6. Saang lugar ang tanging ipinaalala ni Simoun na magpakalayu-layo si Basilio?

7. Saang bahay gaganapin ang kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez?

8. Kaninong kasal ang tinutukoy sa Kabanata XXXIV?

9. Saan papunta ang mga hanay ng sasakyang nakita ni Basilio?

10. Sino ang lumabas sa kanyang bahay at dala ang kahon ng lampara na buong ingat na nababalutan?

ANSWERS1.A.2. 73. Isagani4. Rebolber5. 96. B.7. Kapitan Tiyago8. Juanito Pelaez9. C.10. Simoun