10
1 1 Araling Panlipunan Baitang 8

Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

111

Araling Panlipunan Baitang 8

Page 2: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

222

Page 3: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

333

Sa mga minamahal naming guro,

Hindi maikakaila na ang Araling Panlipunan ay isa sa mga naapektuhan ng mga pagbabago sa kurikulum. Nakita natin ang mga pagbabago sa mga pamantayan, kompetensiya, at tema sa bawat antas o baitang. Isa na rito ang pagbaba ng Araling Asyano sa ikapitong baitang sa halip na Kasaysayan ng Pilipinas ang pag-aaralan. Nakatakda na ring pag-aralan ang Kasaysayan ng Daigdig sa ikawalong baitang at Ekonomiks naman sa ika-siyam na baitang. Samantala, idinagdag naman ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Ang ganitong pagbabago ay nagdulot ng kalituhan sa aspeto ng implementasyon. Nitong taon lamang na ito, nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng DepEd Order na nagbigay paliwanag ukol sa implementasyon ng binagong kurikulum. Makikita sa ibaba ang bahagi ng DepEd Order No. 20, s. 2012 na ipinalabas noong Abril 14, 2014.

Para matugunan ang ilang pagbabago sa mga pamantayan at kompetensiya partikular sa Araling Asyano at Kasaysayan ng Daigdig, minarapat naming gumawa ng mga karagdagang aralin at gawain. May mga ilang aralin na idinagdag para sa ikapitong baitang para tugunan ang ilang pagbabago sa kompetensiya o learning competencies. Sa ikawalong baitang ay may mga karagdagang pagtatayang gawain na tutugon naman sa mga pagbabago sa mga pamantayan sa pagganap or performance standards. Layon ng mga karagdagang aralin at pagtatayang gawain na ito na mapagyaman ang mga kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral ng K to 12. Sa pamamagitan ng mga ito, nawa’y matulungan namin kayo sa inyong masigasig at makabuluhang pagtuturo.

HS

Year School Year K-12 BEC

K to 12

Grade 7

Grade 8

Grade 9

Grade 10

2nd 3rd 4th

1 2012-2013 7 2, 3, 4 SK AS KD EK

2 2013-2014 7, 8 3, 4 SK AS KD EK

3 2014-2015 7, 8, 9 4 AS AS KD EK

4 2015-2016 7, 8, 9, 10 AS KD KD EK

5 2016-2017 7, 8, 9, 10, 11 AS KD EK EK

6 2017-2018 7, 8, 9, 10, 11, 12

AS KD EK EK

Legend:

SK – Saksi ng Kasaysayan ng Pilipinas AS – Araling Asyano KD – Kasaysayan ng Daigdig EK – Ekonomiks MK – Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan

Ang inyong kasamang maaasahan,

Instructional Product Design Department

Rex Book Store, Inc.

Page 4: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

444

Pangunahing Pang-unawa:

• Ang kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig ay isang pananagutan na dapat isapuso ng bawat bansa.

Mga Pangunahing Tanong:

• Paano nauugnay ang kapayapaan at pagkakaisa sa pag-unlad ng pamumuhay sa daigdig?

• Paano ako nagiging instrumento ng kapayapaan?

• Naging mas payapa ba ang aking pamayanan nang dahil sa aking mga gawa at pagpapasya?

Ikaapat na Markahan Baitang 8Karagdagang Aralin

Layunin:

• Nasusuri ang bahaging ginampanan ng mga pan-daigdigang organisasyon sa pagsusulong ng pan-daigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulu-ngan, at kaunlaran

A. Panimula

1. Dugtungan: Hatiin ang klase sa limang pangkat.

2. Atasan ang bawat pangkat na isulat ang lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa gusot sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ukol sa Scarborough (Panatag) Shoal. Bigyan sila ng 2 minuto para sa nasabing gawain.

3. Simulan ang larong “dugtungan.” Tumawag ng isang kasapi sa unang pangkat upang magbahagi ng kanilang sagot na susundan naman ng iba pang pangkat. Bawat tama at bagong kaalaman ay bibigyan ng isang puntos. Hindi maaaring mag-ulit ng sagot. Itigil ang laro matapos ang 3 minuto. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang panalo.

4. Isulat sa pisara ang mahahalagang salita (keywords) na babanggitin ng mga mag-aaral na magagamit sa talakayan.

5. Bigyang-diin sa mga mag-aaral ang pagdulog ng Pilipinas sa UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) sa halip na gumamit ng dahas sa paglutas ng nasabing isyu.

6. Itanong ang sumusunod:

a. Sa inyong palagay, bakit mas pinili ng Pilipinas na idulog sa UNCLOS ang nasabing usapin?

Paksa: Mga Pandaigdigang Organisasyon at Alyansa

Page 5: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

555

b. Tama ba ang hakbang na ito ng Pilipinas? Pangatuwiranan.

c. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng United Nations at iba pang samahan ng mga bansa sa daigdig? Ipaliwanag.

7. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na bukod sa United Nations, marami pang mga samahan ang naitatag ng mga bansa sa daigdig. Ito ang magiging sentro ng talakayan.

B. Paglinang

1. Ipagpatuloy ang paggamit sa limang pangkat na nabuo sa unang bahagi ng klase. Bawat pangkat ay kakatawan sa isa sa mga samahan ng mga bansa sa daigdig – European Union, Organization of American States, Organization of Islamic Conference, ASEAN, at Organization of African Unity.

2. Peace Flyers/Lea� ets: Atasan ang bawat pangkat na gumawa ng lea� et o � yer na magpapakilala sa kanilang samahan. Dapat ay kompleto ang mga impormasyon tungkol sa samahan at malikhain ang pagkakagawa upang makahimok ng mga bagong kasapi. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.

3. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang gawa at magbanggit ng mahahalagang impor-masyon tungkol sa kanilang samahan.

4. Himukin ang mga kasapi ng ibang pangkat na magtanong o magbigay ng kanilang sariling palagay ukol sa ulat para sa malayang talakayan. Bigyang-diin ang naiambag ng mga samahan sa pag-unlad ng mga kasaping bansa at sa pagpapanatili ng kapayapaan.

C. Pagpapatibay

1. Picture This: Pagkatapos ng pangkatang gawain, sabihin sa mga mag-aaral na isipin kung ano ang mukha o itsura ng mundo kung hindi nagkaroon ng mga samahan ng mga bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ika-21 Siglong Kasanayan:

• Critical thinking

• Re� ective thinking

• Decision making

• Communication

• Collaboration

Mga Kagamitan:

• Batayang aklat

• Papel at art materials

• Mga artikulo ukol sa Scarborough Con� ict

– http://cil.nus.edu.sg/wp/wp-content/up-loads/2013/03/Beckman-Asia-Society-LKY-SPP-March-2013-draft-of-6-March.pdf

– http://www.imoa.ph/tag/panatag-shoal/

– http://harry-roque.com/tag/panatag-shoal/

Page 6: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

666

2. Hayaang umisip ang mga mag-aaral ng mga salitang naglalarawan (adjectives) at isulat ito sa angkop na hanay.

Legend:

– itsura o kalagayan ng daigdig kung hindi nagkaroon ng mga samahan

– itsura o kalagayan ng daigdig nang magkaroon ng mga samahan

3. Itanong sa klase ang sumusunod:

a. Aling bahagi ng larawan ang pipiliin ninyo? Bakit?

b. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig ang isang payapang lipunan?

c. Kayo bilang mag-aaral, ano ang naiambag ninyo upang maging mas payapa ang lipunang inyong ginagalawan?

d. Ano sa inyong palagay ang mga katangian at lakas ng kabataan na dapat ninyong linangin upang mapanatili ang kapayapaan sa daigdig?

Page 7: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

777

Unang MarkahanPagtatayang Gawain

YUNIT 1: Pamana ng mga Sinaunang KabihasnanGoal – Makabuo ang mga mag-aaral ng panukalang proyekto na nagsusulong

sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Role – Ang mga mag-aaral ay bahagi ng pahayagang pampaaralan na masigasig na nagsusulong ng mga programa at gawain sa loob at labas ng paaralan.

Audience – Layon ng proyektong ito na maturuan at mahimok na sumali ang mga kapwa mag-aaral, mga guro, opisyal, at mga tauhan ng paaralan.

Situation – Dahil sa pagkahilig ng mga kabataan ngayon sa makabagong teknolohiya at social media, lubhang nalilimutan na nila ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan. At nakalulungkot din na karamihan sa mga mag-aaral ay napipilitan lamang itong pag-aralan upang maipasa ang mga pagsusulit. Kung kaya’t nararapat lamang na mabuksan ang isipan ng mga kabataan, pati na rin ng mga nakatatanda, sa kahalagahan ng mga pamana mga sinaunang kabihasnan sa ating buhay sa ngayon at kung paano ito makaaapekto sa ating hinaharap.

Product – Dalawang (2) buong pahina ng pahayagang pampaaralan kung saan nakapaloob ang mahahalagang detalye tungkol sa proyekto:a. pangalan ng proyektob. layunin

• mga halimbawa ng pamana ng sinaunang kabihasnan• paano nakatutulong ang mga nasabing pamana sa kasalukuyan• bakit dapat pangalagaan at panatilihin ang mga nasabing

pamanac. lugar at petsa kung saan isasagawa ang proyektod. paano sumali

Standards – Maaaring mabigyan ang produkto (output) ng kabuuang 20 puntos batay sa rubrics sa ibaba.

5Napakahusay na naipakita

4Mahusay na

naipakita

3Naipakita

2Halos

naipakita

1Hindi

naipakita

Wasto ang nilalaman(Accuracy of content)

Tiyak na maisasagawa(Feasibility)

Malikhain at nakagaganyak(Creativity and appeal)

Nasunod ang mga panuto(Compliance)

Kabuuang Puntos(Total)

_____ 20

Page 8: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

888

Ikalawang MarkahanPagtatayang Gawain

YUNIT 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko sa Daigdig Noon at NgayonGoal – Makabuo ng adbokasiya ng nagsusulong ng pangangalaga at pagpapaha-

laga sa mga kontribusyon ng Klasiko at Transisyonal na Panahon na nagka-roon ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.

Role – Ang mga mag-aaral ay bahagi ng pangkat na naatasang gumawa ng adbokasiya ukol sa kontribusyon ng Klasiko at Transisyonal na Panahon.

Audience – Mga mag-aaral, guro, at iba pang opisyal ng paaralan, at mga panauhing dadalo sa pagdiriwang.

Situation – Bilang pagdiriwang ng History Month, ang mga mga-aaral ay hinati sa iba’t ibang pangkat na kumakatawan sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng daigdig. Naatasan ang bawat pangkat na gumawa ng isang adbokasiya na naglalayong pahalagahan at pangalagaan ang mga kontribusyon ng panahong nakaatas sa kanila. Mapagkasunduan ng bawat pangkat na gumawa ng isang awit (jingle) na siyang patutugtugin ng ilang ulit sa buong panahon ng pagdiriwang.

Product – Isang awit (jingle) na sumasagot sa sumusunod na mga tanong:a. Ano-ano ang kontribusyon ng Klasiko at Transisyonal na panahon?b. Paano ito nakabuti sa pamumuhay ng mga tao sa nasabing panahon?c. Paano nakatutulong ang nasabing kontribusyon sa pamumuhay ng

mga tao sa kasalukuyan?d. Bakit dapat linangin at pangalagaan ang mga nabanggit na

kontribusyon?e. Paano makatutulong ang iba pang kabataan sa pangangalaga sa mga

kontribusyong nabanggit?

- Pagtatanghal ng nabuong awit

Standards – Maaaring mabigyan ang produkto (output) ng kabuuang 20 puntos batay sa rubrics sa ibaba.

5Napakahusay na naipakita

4Mahusay na

naipakita

3Naipakita

2Halos

naipakita

1Hindi

naipakita

Wasto ang nilalaman(Accuracy of content)

Lubos na nakagaganyak(Appeal)

Angkop ang tono(Appropriateness of tune/melody)

Nasunod ang mga Panuto(Compliance)

Kabuuang Puntos(Total)

_____ 20

Page 9: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

999

Ikatlong MarkahanPagtatayang Gawain

YUNIT 3: Panahon ng TranspormasyonGoal – Kritikal na masuri ng mga mag-aaral ang naging implikasyon sa

kanilang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon.

Role – Ang mga mag-aaral ay bumuo ng pangkat na magsasagawa ng libreng pagtuturo (tutorial session) para sa mga mag-aaral na naapektuhan ng mga kalamidad.

Audience – Mga mag-aaral na matagal hindi nakapasok sa klase dahil nasira o naapektuhan ng mga kalamidad ang kanilang tahanan o mismong paaralan.

Situation – Dahil sa nagdaang sunod-sunod na mga kalamidad, maraming mag-aaral ang hindi nakapasok sa klase. Kailangan nila ng karagdagang mga araw upang makahabol sa nawalang panahon. Subalit patapos na rin ang taon kaya’t maikli na lamang ang panahong natitira. Kung kaya kailangan din na gawing malikhain ang pagtuturo upang mabilis nilang matutuhan ang mga aralin at masigurong mauunawaan at maisasabuhay nila ang mga ito.

Product – Apat na pahina ng komiks na may tig-aanim (6) na kahon (frame) kung saan nakapaloob ang mahahalagang detalye tungkol sa aralin:a. Mga larawan (drawing o printed) na nagpapakita ng sumusunod:

• Mahahalagang pangyayari (kabilang ang mga lugar at tauhan) sa panahon ng transpormasyon

• Positibo o negatibong epekto ng nasabing mga pangyayari sa mga tao, komunidad, at mga bansa sa panahong iyon

• Positibo o negatibong epekto ng nasabing mga pangyayari sa mga tao, komunidad, at mga bansa sa makabagong panahon

b. Maigsi ngunit malinaw na paliwanag kung paano naapektuhan ng mga nasabing pangyayari sa panahon ng transpormasyon ang mga tao, komunidad, at mga bansa sa makabagong panahon

Standards – Maaaring mabigyan ang produkto (output) ng kabuuang 20 puntos batay sa rubrics sa ibaba.

5Napakahusay na naipakita

4Mahusay na

naipakita

3Naipakita

2Halos

naipakita

1Hindi

naipakita

Wasto ang nilalaman(Accuracy of content)

Wasto ang Pag-uugnay(Accuracy of connection)

Angkop ang mga larawan(Appropriateness of pictures)

Nasunod ang mga Panuto(Compliance)

Kabuuang Puntos(Total)

_____20

Page 10: Araling Panlipunan Baitang 8 - Rex Interactive · 2014. 9. 18. · Araling Panlipunan Baitang 8. 2. 3 Sa mga minamahal naming guro, ... 8 Grade 9 Grade 10 2nd 3rd 4th 1 2012-2013

101010

Ikaapat na MarkahanPagtatayang Gawain

YUNIT 4: Mga Pandaigdigang Organisasyon at AlyansaGoal – Aktibong makilahok sa mga gawain, programa, o proyekto sa antas ng

komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.

Role – Ang mga mag-aaral ay kabilang sa pangkat na napiling ipadala sa ibang bansa upang kumatawan sa Pilipinas para ASEAN Youth Conference.

Audience – Mga mag-aaral at kabataan mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN.Situation – Patuloy na lumalala ang tensyon sa pagitan ng Tsina at iba pang bansang

kasapi ng ASEAN bunga ng pag-aagawan ng teritoryo. Ngunit nais pa rin ng mga pinuno ng mga bansang kasapi na bigyang-diin, lalo na sa mga kabataan, ang paggamit ng diplomasya at mapayapang paraan. Dahil dito, inilunsad ang ASEAN Youth Conference. Pinagsama-sama rito ang mga youth leader mula sa mga bansang kasapi upang maipakilala ang mga samahan o mga programa sa kanilang bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Bawat pangkat ay naatasang magpakita ng � yer o lea� et tungkol sa napili nilang samahan o proyekto.

Product – Flyer o lea� et na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa samahan o proyekto:a. Pangalan ng samahan o proyektob. Layunin ng nasabing samahan o proyektoc. Mga nagawa o ginagawa ng nasabing samahan o proyekto ukol sa

kapayapaand. Paraan ng pagsalie. Paliwanag ukol sa kahalagahan ng pagsali at pagtulong ng mga

kabataan sa nasabing samahan o proyektof. Mga larawan na nagpapakita ng aktuwal na pagsali o pakikiisa sa mga

proyekto o gawain ng napiling samahanStandards – Maaaring mabigyan ang produkto (output) ng kabuuang 20 puntos batay

sa rubrics sa ibaba.

5Napakahusay na naipakita

4Mahusay na

naipakita

3Naipakita

2Halos

naipakita

1Hindi

naipakita

Wasto ang nilalaman(Accuracy of content)

Malinaw ang paliwanag(Clarity of Explanation)

Lubos na nakagaganyak(Appeal)

Nasunod ang mga Panuto(Compliance)

Kabuuang Puntos(Total)

_____ 20