21
UNCORRECTED and INCOMPLETEPROOF KABANATA 25 TAWANAN-IYAKAN Ang salas ng Panciteria Macanista de Buen Gusto nang gabing iyon ay may anyong di-pangkaraniwan. 1 Labing-apat na binata, ng mga pulong lalong tanyag ng Sangkapuluan, mula sa Indiyo na walang ibang dugong halo (kung mayroong walang halo) 2 hanggang sa Kastilang taga-Espanya, na nangagkatipon upang isagawa ang piging na ipinayo ni Padre Irene, alang-alang sa naging maayos ng kinalabasan ng mga usapin ukol sa pagtuturo ng wikang Espanyol . 3 Inupahan nila ang lahat ng lamesa para sa kanila, pinaragdagan 1 MGA PALIWANAG Ang binabanggit na panciteria sa kabanatang ito ay isang tunay na establisemento sa kapanahunan ni Rizal na nakunan pa ng larawan sa mga unang taon ng 1900’s. Nasa ibaba ng tulay ng Binondo at ang isang bahagi ng gusali na mayroong mga bintana ay nakaharap sa ilog ng Binondo. Ginamit sa pangalan ng establisemento ang salitang Macanista na ibig sabihin ay mga Tsino nan a taga Macao. – Isa ito sa pinagmulan ng pariralang “lutong Macao” na tanyag pa rin sa ating mga Pilipino. 2 Hindi naniniwala sa pagiging puro ng lahi, ito ay sa dahilang ang pagkasalinglahi sa loob ng 300 taon ng pananakop. 3 Para kay Padre Irene ay dapat na ipagdiwang ng mga kabataang Pilipino sa nobelang ito ang pagpapahintulot ng pagtatayo ng isang akademiya ng wikang Espanyol.

El Fiblibusterismo Deciphered - Kabanata 25- Tawanan at Iyakan

Embed Size (px)

Citation preview

Invalid document format