38
Buwan ng Oktubre nang maghandog ng isang piging sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Kabilang sa mga bisita sina Padre Damaso, Padre Sibyla, mag- asawang de Espadaña at iba pang makapangyarihan. Dumating din si Crisostomo Ibarra na ipinakilala kapitan Tiyago. Habang pauwi ang binata ay naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang sinapit ng kanyang ama Si Don Rafael Ibarra. Nang Makadalaw si Ibarra kay Maria Clara, Napag-usapan nila ang mga walang kawawaang bagay na tanging sila lang ang nakapagpapaphalaga.

Noli Me Tangere

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere

Buwan ng Oktubre nang maghandog ng isang piging sa bahay ni Don Santiago de los

Santos. Kabilang sa mga bisita sina Padre Damaso, Padre Sibyla, mag-asawang de Espadaña at iba pang makapangyarihan.

Dumating din si Crisostomo Ibarra na ipinakilala kapitan Tiyago.

Habang pauwi ang binata ay naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang sinapit ng kanyang

ama Si Don Rafael Ibarra.

Nang Makadalaw si Ibarra kay Maria Clara, Napag-usapan nila ang mga walang

kawawaang bagay na tanging sila lang ang nakapagpapaphalaga.

Nagtungo si Ibarra sa San Diego upang dalawin ang puntod ng kanyang ama at

natuklasan niyang iniutos ng kurang malaki na ilibing si Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga

Intsik.

Page 2: Noli Me Tangere

Nakausap ni Ibarra ang isang guro sa San Diego at naipagtapat nito ang kanyang mga

karanasan sa partuturo.

Si Sisa naman noon ay hinuli ng mga guardia civil dahil sa nak na si Basilio na

pinagbintangang magnanakaw.

Sa lawa nagsama-sama ang mga magkakaibigan kasama na dito sina Ibarra at

Maria Clara. Habang nagkakatuwaan ang lahat sa pamamangka, biglang tumalon si Elias para

huliin ang buwaya.

Nagtungo si Ibarra sa Bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo.

Plano ng taong madilaw na patayin si Ibarra sa pamamagitan ng paglalagay ng bato sa

Page 3: Noli Me Tangere

panulukan at ihulog sa kanya, ngunit ng dumating na ang puntong iyon tumalon si Elias

at ang taong madilaw ang nadagan sa paghugos.

Sa Pananghalian ay muling nagkaharap Si Ibarra at Padre Damaso, Nagdilim ang

Paningin ng binata dahil sa panlalait ng pari sa alaala ng ama kaya’t sinunggaban niya ito at

tinutukan ng patalim.

Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga

taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa.

Sinalakay ng taong bayan ang kwartel at pinagbintangan si Ibarra na siya ang namuno

nito.

Hinuli si Ibarra ng mga Guardia Civil, ngunit nakatakas ito sa tulong ni Elias.

Page 4: Noli Me Tangere

Nagtungo sa Asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang

ibabaw ng Bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Dumaan

lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito.

Sakay ng Bangka binagtas nila ang Ilog Pasig subalit inabutan sila ng mga guardia civil

sa Lawa bai.

Sa pagtugis ng Guardia Civil sa kanila, naisipan ni Elias na tumalon sa tubig upang

mailigtas si Ibarra. Kaya’t ang inakala ng lahat ay patay na si Ibarra dahil sa mga Bahid ng

dugo sa tubig.

Nadatnan ng Naghihingalong si Elias sina Basilio at Sisa na noon ay naghihingalo na rin. Iniutos ni Elias na susunugin nito ang bangkay

nila ni Sisa.

Page 5: Noli Me Tangere

PASASALAMAT AT PAGHAHANDOG

Ang Noli Me Tangere ay isa sa mga pinakisakat na likha ng ating Pambansang bayani na si Dr.

Jose P. Pizal na siyang naging gabay at instrumento ng mga Pilipino upang makalaya

sa mga pang aalipusta ng mga dayuhang kastila.

Ang aklat na ito ay isinaayos, at isinakomiks ng sa gayon ay mas madaling maintindihan at maunawaan ng mga kabataan at upang mas

lalong mapalawak ang ating kaalaman at kakayahan sa pakikinig, pagsusulat at

pagbabasa.

Aming inihahandog at taos puso kaming nagpapasalamt sa aming mapagmahal na tagapagturo Gng. Evelyn Pasibi dahil sa

pagtitiwalang kanyang ibinigay, sa aming mga pamilya, na nagsilbing insipasyon sa bawat isa sa amin at higit sa lahat ang Panginoong Diyos

na gumabay, at nagbigay ng lakas upang matapos ang proyektong ito.

Page 6: Noli Me Tangere

MGA TAUHANJuan Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias - bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.

Page 7: Noli Me Tangere

Padre Salvi o Bernardo Salvi - kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Don Anastacio o Pilosopo Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

Page 8: Noli Me Tangere

Donya Victorina de de Espadaña - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin

Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Page 9: Noli Me Tangere

Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan

Page 10: Noli Me Tangere

Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo

Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang

Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

Noli me Tangere

Page 11: Noli Me Tangere

Ang Noli me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa

ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila

ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El filibusterismo,

isa pang nobela ni Jose Rizal.

Kasaysayan

Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang

makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon

subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong

yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya.

Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na

alkalde.

Page 12: Noli Me Tangere

Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-

Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng

Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.

Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litoměřice: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako

ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck,

sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat

ng dilim ... "

Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda

(Ika-19 ng Hunyo 1861–Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora.

Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.

Page 13: Noli Me Tangere

Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.

Mga Akda

Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo (Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang

Page 14: Noli Me Tangere

pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.

Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.

Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.

PINATUTULA AKO

Iyong hinihiling, lira ay tugtuginbagaman sira na't laon nang naumid

ayaw nang tumipa ang nagtampong bagtingpati aking Musa ay nagtago narin.

malungkot na nota ang nasnaw na himigwaring hinuhugot dusa at hinagpis

Page 15: Noli Me Tangere

at ang alingawngaw ay umaaliwiwsa sarili na ring puso at damdamin.

kaya nga't sa gitna niring aking hapisyaring kalul'wa ko'y parang namamanhid.

Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunayang mga araw na matuling nagdaan

nang ako sa akong Musa'y napamahallagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.

ngunit marami nang lumipas na arawsa aking damdamin alaala'y naiwan

katulad ng saya at kaligayahankapag dumaan na'y may hiwagang taglay

na mga awiting animo'y lumulutangsa aking gunitang malabo, malamlam.

Katulad ko'y binhing binunot na tanimsa nilagakan kong Silangang lupainpawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw

manirahan doo'y sayang walang maliw.

ang bayan kong ito, na lubhang marikitsa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit

ibong malalaya, nangagsisiawitmulang kabundukan, lagaslas ng tubigang halik ng dagat sa buhangin mandin

Page 16: Noli Me Tangere

lahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhangmasayang batiin ang sikat ng araw

habang sa diwa ko'y waring naglalatangsilakbo ng isang kumukulong bulkan.

laon nang makata, kaya't ako nama'ylaging nagnanais na aking tawagan

sa diwa at tula, hanging nagduruyan:"Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,

angking kabantugan ay ipaghiyawanmataas, mababa'y, hayaang magpisan".

SA KABATAANG PILIPINO

Itaas ang iyong noong aliwalasngayon, Kabataan ng aking pangarap!

ang aking talino na tanging liwanag

Page 17: Noli Me Tangere

ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhanmagitang na diwang puno sa isipan

mga puso nami'y sa iyo'y naghihintayat dalhin mo roon sa kaitaasan.

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliwna mga silahis ng agham at siningmga Kabataan, hayo na't lagutin

ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan ang putong na lubhang makinangsa gitna ng dilim ay matitigan

maalam na kamay, may dakilang alaysa nagdurusa mong bayang minamahal.

Ikaw na may bagwis ng pakpak na naiskagyat na lumipad sa tuktok ng langit

paghanapin mo ang malambing na tinigdoon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Ikaw na ang himig ay lalong mairogTulad ni Pilomel na sa luha'y gamot

at mabisang lunas sa dusa't himuntokng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan

Page 18: Noli Me Tangere

matigas na bato'y mabibigyang-buhaymapagbabago mo alaalang taglay

sa iyo'y nagiging walang kamatayan.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apelessa wika inamo ni Pebong kay rikitsa isang kaputol na lonang maliit

ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Humayo ka ngayon, papagningasin moang alab ng iyong isip at talino

maganda mong ngala'y ikalat sa mundoat ipagsigawan ang dangal ng tao.

Araw na dakila ng ligaya't galakmagsaya ka ngayon, mutyang Pilipinaspurihin ang bayang sa iyo'y lumingap

at siyang nag-akay sa mabuting palad.

HULING PAALAM

Paalam, bayan kong minamahallupa mong sagana sa sikat ng araw;Edeng paraiso ang dito'y pumanaw

at Perlas ng dagat sa may Silanganan.

Page 19: Noli Me Tangere

Buong kasiyahang inihahain kokahiman aba na ang buhay kong ito.maging dakila ma'y alay rin sa iyokung ito'y dahil sa kaligayahan mo.

Ang nakikilabang dumog sa digmaaninihahandog din ang kanilang buhay.kahit kahirapa'y hindi gunamgunamsa kasawian man o pagtatagumpay.

Maging bibitaya't, mabangis na sakito pakikilabang suong ay panganib

titiising lahat kung siyang naisng tahana't bayang aking iniibig.

Mamamatay akong sa aking pangmalassilahis ng langit ay nanganganinag

ang pisgni ng araw ay muling sisikatsa kabila nitong malamlam na ulap.

Kahit aking buhay, aking hinahangadna aking ihandog kapag kailangan

sa ikaririlag ng yong pagsilangdugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang

Mulang magkaisip at lumaking sukatpinangarap ko sa bait ay maganap;

ikaw'y mamasdan kong marikit na hiyasna nakaliligid sa silangan dagat.

Page 20: Noli Me Tangere

Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningningsa mata'y wala nang luhang mapapait

wala ka ng poot, wala ng ligaligwalang kadungua't munti mang hilahil.

Sa aba kong buhay, may banal na naiskagaling'y kamtan nang ito'y masulit

ng aking kaluluwang handa nang umalisligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.

Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan

ng isang buhay na lipos ng kariktansa ilalim ng langit ikaw ay mahimlay.

Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansinsa gitna ng mga damong masisinsinnipot na bulaklak sa ibabaw ng libing

ito'y halikan mo't, itaos sa akin.

Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamispagsintang sa dibdib may tanging angkin

hayaang noo ko'y tumanggap ng initpagka't natabunan ng lupang malamig.

Hayaang ang buwan sa aki'y magmasidkalat na liwanag, malamlam pa mandin;

Hayaang liwayway ihatid sa akinang banaag niyang dagling nagmamaliw.

Hayaang gumibik ang simoy ng hanginhayaan sa himig masayang awitin

Page 21: Noli Me Tangere

ng ibong darapo sa kurus ng libingang payapang buhay ay langit ng aliw.

Hayaang ang araw na lubhang maningasgawing parang ulap sa patak ng ulanmaging panganorin sa langit umakyat

ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.

Hayaang ang aking madaling pagpanawiluha ng mga labis na nagmahal

kapag may nag-usal sa akin ng dasalako'y iyo sanang idalangin naman.

Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,mga nangamatay pati naghihirap

mga dusa't sakit ina'y tumatanggapng tigib ng lungkot at luhang masaklap.

Ipagdasal mo rin mga naulilaat nangapipiit sakbibi ng diwa;

ipagdasal mo rin tubusing talagaang pagka-aliping laging binabata.

Kapag madilim na sa abang libinganat nilalambungan ang gabing mapanglaw

walang nakatanod kundi pulos patayhuwag gambalain, ang katahimikan.

Magbigay-pitagan sa hiwagang lihimat mauulinig wari'y mga tinig

ng isang salteryo, ito'y ako na rin

Page 22: Noli Me Tangere

inaawitan ka ng aking pag-ibig.

Kung nalimutan na yaring aking libingkurus man at bato'y wala na rin mandin

bayaang sa bukid lupa'y bungkalinat ito'y isabong sa himpapawirin.

Limutin man ako'y di na kailanganaking lilibuting iyong kalawakan

at dadalhin ako sa 'yong kaparanganmagiging taginting yaring alingawngaw.

Ang samyo, tinig at himig na masayakulay at liwanag may lugod sa mata

paulit-ulitin sa tuwi-tuwinaang aking taimtim na nasa't pag-asa.

Page 23: Noli Me Tangere

SA MGA BULAKLAK NG HEIDELBERG

Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal,O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay,At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,

Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay,

Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglayNg abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan.

Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa,Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad

na,Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon

siya,At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang

estatuwa,Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya.

Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwaywayAng buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw,

Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay

Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!"

Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan,

Page 24: Noli Me Tangere

Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.

At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik naAng mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,

At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niyaSa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,

Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligayaSa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.

At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakadSa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng

landas,Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng

lumipas,Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.

Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol,Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,

At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom,Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.

Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong

hiling,Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim;Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiinAng mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama

Page 25: Noli Me Tangere

namin.

At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog,Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot

Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot,Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos

Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos.

Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay,Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang

pumanaw,Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang

yaman,Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng

buhay;Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan

Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.

Isang Alaala Ng Aking Bayan

Nagugunita ko ang nagdaang arawng kamusmusang kong kay sayang pumanaw

sa gilid ng isang baybaying luntianng rumaragasang agos ng dagatan;

Kung alalahanin ang damping marahanhalik sa noo ko ng hanging magaslaw

ito'y naglalagos sa 'king katauhanlalong su

Page 26: Noli Me Tangere

Kung aking masdan ang liryong busilakanimo'y nagduruyan sa hanging marahas

habang sa buhangin dito'y nakalatagang lubhang maalon, mapusok na dagat

Kung aking samyuin sa mga bulaklakkabanguhan nito ay ikinakalat

ang bukang liwayway na nanganganinagmasayang bumabati, may ngiti sa lahat.

Naalaala kong may kasamang lumbayang kamusmusan ko nang nagdaang araw

Kasama-sama ko'y inang mapagmahalsiyang nagpapaganda sa aba kong buhay.

Naalaala kong lubhang mapanglawbayan kong Kalambang aking sinilangan

sa dalampasigan ng dagat-dagatansadlakan ng aking saya't kaaliwan

Di miminsang tumikim ng galaksa tabing-ilog mong lubhang mapanatag

Mababakas pa rin yaong mga yapakna nag-uunahan sa 'yong mga gubatsa iyong kapilya'y sa ganda ay salatang mga dasal ko'y laging nag-aalab

habang ako nama'y maligayang ganapbisa ng hanging mo ay walang katulad.

Ang kagubatan mong kahanga-hangaNababanaag ko'y Kamay ng Lumikhasa iyong himlayan ay wala nang luhawala nang daranas ni munting balisa

ang bughaw mong langit na tinitingaladala ang pag-ibig sa puso at diwabuong kalikasa'y titik na mistula

Page 27: Noli Me Tangere

aking nasisinag pangarap kong tuwa.

Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliwdito'y masagana ang saya ko't aliw

ng naggagandahang tugtog at awitinsiyang nagtataboy ng luha't hilahil

Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawinang katauhan ko'y dagling pagsamahin

tulad ng pagbalik ng ibon sa hardinsa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako'y magpupuyatako'y magbabantay, walang paghuhumpay

ang kabutihan mo na sa aking pangarapNawa'y daluyan ka ng biyaya't lingapng dakilang Diwa ng maamong palad;tanging ikaw lamang panatang maalab

pagdarasal kita sa lahat ng orasna ikaw ay laging manatiling tapat.

Page 28: Noli Me Tangere

BUOD NG NOLI ME TANGERE

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.

Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiyago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan.

Page 29: Noli Me Tangere

Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama.

Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.

Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiyago. May humahanga at natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiyago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiyago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.

Page 30: Noli Me Tangere

Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiyago sa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiyago bago at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.

Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan.

Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.

Page 31: Noli Me Tangere

Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura’. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya, makatao, at maka-Diyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.