Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab057

  • View
    227

  • Download
    14

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab057

KABANATA 57 VAE VICTIS!1 Ang aking kaligayahan ay nasa loob ng balon

Ang mga guwardiya sibil na may mabangis na anyo ay palakad-lakad sa harapan ng tribunal at nagbabalang kakulatain ang mga batang nakatiyad o nagpapasanan upang makita ng anumbang bagay sa pagitan ng rehas na bakal. Ang bulwagan ay hindi na taglay ang masaya niyang anyo noong pinagtatalunan ang palatuntunan ukol sa kapistahan; ngayon ito ay mapanglaw at nawalan ng kahinahunan. Ang mga guwardiya sibil at mga kuwadrilyerong naroroon ay bahagya nang mag-usap, mahina kung magsalitaan, at maikli ang sagutan. Sa ibabaw ng mesa ay nagsusulat ang direktorsilyo, ang dalawang tagasulat at ilang sundalo; ang alperes ay palakad-lakad sa magkabilang dulo at malimit na nagtatapon ng mabangis na sulyap sa dako ng pintuan; maaring hindi mahihigitan ang kanyang pagmamalaki sa ipinamalas ni Temistokles2 nangMGA PALIWANAG 1 Vae Victis wikang Latin na ang kahulugan sa wikang Pilipino ay Sa aba ng mga nagapi. Ang kasabihang ito ay nagmula kay Brenus na pinuno ng tribong Senones na sumalakay at gumapi sa mga Romano noong 390/387 BC. Sa ganitong kalagayan ay napilitan ang mga Romano na makipagkasundo sa pamamagitan ng pagtubos ng ginto na may bigat na 1,000 libra. Ayon sa alamat nakita ng mga Romano na mayroong daya ang ang timbangan at nakipagtalo sila upang ito ay itama. Sa gitna ng pagtatalo, si Brennus ay tumayo at inilagay ang kaniyang mabigat na espada sa timbangan at sinambit ang walang kamatayan pahayag vae victis kinakailangan na tanggapin ng mga nagapi ang kondisyon ng mga nagwagi. http://en.wikipedia.org/wiki/Brennus_%284th_century_BC%29 2 Themistocles (527?-460?BC), Isang heneral ng Athens na namuno ng hukbo ng Athens sa mapagpasiyang Labanan ng Salamis, noong 480 BC na nagresulta sa pagkawasak ng hukbong dagat ng Persia, na noong panahong iyon ay pinakamakapangyarihang imperyo sa mundo. Pagpapakita ni Rizal ng labis na kayabangan ng anyo ng opisyal ng hukbong Espanyol isang napakaliit na kaguluhan ang kaniyang nasugpo ay parang isang dakilang labanan na ang pinagwagihan

648

dumating sa Larong Olympiada matapos ang labanan sa Salamis. Si Donya Consolacion ay naghihikab sa isang sulok, na parang ipinatatanaw ang isang maitim na bunganga at mga sungkisungking ngipin;3 ang kanyang mata ay natititig na mabangis at malamlam sa pintuan ng piitan na puno ng mga mahahalay na larawan.4 Naipaki-usap niya sa kanyang asawa, na naging masuyo magmula nang magtagumpay, na kanyang mapanood ang inbestigasyon at kung maaring ay pati na ang mga pagpapahirap na maaringgawin. Naaamoy ng hyena ang bangkay, dinidilaan niya ang kaniyang labi at ikinayayamot ang pagkakabalam ng gagawing pagpapahirap.

Ang kapitan sa bayan ay malungkot: ang kanyang silya na nakalagay sa ilalim ng larawan ng Hari ay walang laman at parang nakahanda upang gamitin ng ibang tao.5 Nang malapit na ang ikasiyam, dumating na namumutla ang kura at kunot ang kilay. Napakatagal ninyo, palibhasa ay hindi kayo ang naghihintay! ang sabi sa kanya ng alperes.

3 Napakahusay ng paglalarawan ni Rizal kay Donya Consolacion ang salitang bunganga ay pantukoy sa hayop at ang sungi-sunging ngipin ay kalimitan na taglay ng mabangis na hayop. 4 Maging ang pintuan na may nakaguhit na kabastusan ay nagawang ma-idetalye ni Rizal. 5 Tandaan na siya ang kapitan ng bayan ng San Diego, ngunit makikita na ang kaniyang kapangyarihan ay kaniyang ipapaubaya sa kaninuman na hihiling sa kaniya.

649

Ibig ko sanang huwag ng humarap, ang mahinang sagot ni Padre Salvi na hindi pinuna ang paninisi ng alperes, nerbisyoso ako. Sa dahilang walang pumaritong sinuman, upang huwag maiwan ang pagtatanod, inakala kong kayo Alam na ninyong ngayong hapon sila iaalis. Ang binatang si Ibarra at ang tiniente-mayor?6 Tumuro ang alperes sa lugar ng bilangguan. Walo ang nariyan, anya, ang nagngangalang Bruno ay namatay kagabi ng hatinggabi, ngunit naitala na ang kanyang mga pahayag.7 Binati ng kura si Donya Consolacion na sumagot ng isang paghihikab at isang aah! at umupo sa silyong nasa ilalim ng larawan ng Hari.8 Masisimulan na natin! ang sabi. Kunin ninyo ang dalawang nasa pangawan! ang utos ng alperes na ginawang ang tinig niya ay higit na mabalasik, at matapos ay lumingon sa kura at idinugtong na binago ang pagsasalita. Nangakalagay na dalawang butas ang pagitan! Sa mga hindi nakakaalam sa mga kasangkapan sa pagpapahirap ay masasabi namin na ang pangawan ay isa sa pinakamagaan. Ang layo ng bawat butas na pinaglalagyan ng paa ng mga pinipiit ay humigit-kumulang sa isang dangkal; kung lalaktawan ng dalawang butas, ang bilanggo ay malalagay sa isang hirap na ayos, masasaktan ang mga binti at mabibikaka ang paa nang higit sa kalahating dipa: hindi nakamamatay na bigla gaya nang maaring isipin.9

6 Makikita sa tanong ni Padre Salvi ang paniniyak na naroon si Ibarra at si Don Filipo na hindi niya mapatawad sa hindi pagsunod sa kaniya sa panahon na inuutusan niya ito na paalisin si Ibarra sa dulaan. Makikita sa bahaging ito ang personal na galit ng kura sa dalawang tauhan na ito. 7 Ang walong katao na nasa loob ng piitan ay sina Ibarra, Don Filipo, Albino, Tarsilo, Andong, Antonio, at ang kambal na anak na lalaki ni Kapitana Maria 8 Sa pag-upo ni Padre Salvi sa silya ng kapitan ng bayan, ay naiipakita ang simbolismo ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng mga prayle sa pamahalaang sibil. 9 Paglalarawan ng pangawan na karaniwang paraan ng kaparusahan sa mga bilanggo sa Pilipinas sa panahon ng Espanya. Hindi nakakamatay ng bigla isa sa kabalighunaan/paradox ng mga instrumento sa

650

Ang tagapagbantay ng bilangguan na may kasunod na apat na sundalo ay inalis ang sagka at binuksan ang pinto. Magkahalo ang mabahong alingasaw at isang malamig na simoy ang nanggaling sa kadiliman na sabay sa pagkakarinig sa ilang taghoy at iyak. Ang isa sa mga sundalo ay nagsindi ng posporo ngunit namatay ang apoy dahil sa masamang singaw na iyon kaya hinantay muna nilang mapalitan ang hangin. Sa bahagyang liwanag ng isang ilaw ay mababanaag ang ilang anyo ng tao: mga lalakeng nakayapos sa kanilang mga tuhod at itinatago rito ang ulo, nakataob, patayo, nakaharap sa dingding, atbp. Nadinig ang ilang pukpok at langitngit na may kasamang tungayaw: nabuksan ang pangawan. Nakadukwang na nanghahaba at lumalabas ang mga litid sa leeg ni Donya Consolacion, ang mga usli niyang mata ay nakapako sa nakabukas na pintuan. Sa gitna ng dalawang sundalo ay inilabas ang isang mapanglaw na anyo, si Tarsilo, na kapatid ni Bruno. May posas sa mga kamay; ang pananamit ay walat-walat ay nagpapakita ng isang mainam na pangangatawan. Ang kanyang paningin ay walang pitagang napako sa babae ng alperes. Ito ang nanlabang mabuti at nag-utos na tumakas ang iba niyang kasamahan, ang sabi ng alperes kay Padre Salvi. Sa likod ni Tarsilo ay lumitaw ang isang tao na anyong kaawa-awa, naghihinagpis at umiiyak na parang bata; Papilaypilay at mantsado ng dugo ang salawal. Maawa po kayo, ginoo, maawa kayo! Hindi na po ako muling papasok sa patio! ang sigaw.10 Iyan ay isang pusakal! ang sabi ng alperes sa kura, nagtangkang tumakas ngunit nasugatan sa pigi. Ang dalawang ito lamang ang natirang buhay. Ano ang pangalan mo? ang tanong ng alperes kay Tarsilo. Tarsilo Alasigan. Ano ang pangako sa inyo ni Ginoong Crisostomo para ninyo salakayin ang kuwartel?

pagpapahirap ay ang hindi ito makamatay agad nanatiling buhay ang biktima at nararamdaman ang masakit na pahirap ang katawan. 10 Ipinasok ni Rizal ang tauhang ito sa layunin na pagaangin ang napakabigat at malagim na paglalarawan sa kabanatang ito.

651

Hindi namin kailanman nakausap si Ginoong Crisostomo. Huwag mong ipagkaila! Kaya mo tinangkang kami ay biglain. Nagkakamali kayo: pinatay ninyo sa palo ang aming ama, iginanti lamang namin, at wala na. Hanapin ninyo ang dalawa ninyong kasamahan. Ang alperes ay napatingin sa sarhentong nabigla. Naroon sa isang bangin, doon namin inihagis kahapon, doon nabubulok. Ngayon ay patayin ninyo ako; wala na kayong malalamang iba pang bagay.11 Isang katahimikan at pagkabigla ang naghari sa lahat. Sasabihin mo sa amin kung sino pa ang iba mong kasabwat, ang babala ng alperes na iwinasiwas ang isang yantok. Isang maalipustang ngiti ang lumabas sa labi ng salarin. Saglit na nakipag-usap ng mahina ang alperes sa kura, pagkatapos ay hinarap ang mga sundalo. Dalhin ninyo iyan sa kinaroroonan ng mga bangkay! ang utos. Sa isang sulok ng patyo, sa ibabaw ng isang lumang kariton ay nakabunton ang limang bangkay na bahagyang natatakpan ng isang sirang banig na puno ng dumi. Isang sundalo ang naglalakad-lakad sa magkabilang dulo at dura nang dura sa bawat sandali. Nakikilala mo ba ang mga iyan? tanong ng alperes na itinaas ang takip. Si Tarsilo ay hindi sumagot: nakita niya ang bangkay ng asawa ni Sisa,12 ang sa kanyang kapatid na maraming sugat ng bayoneta at ang bangkay ni Lucas na nakalagay pa ang tali sa leeg.13 Ang kanyang tingin ay naging mapanglaw at isang buntung-hininga ang tumakas sa kanyang dibdib.

11 Nagawa ng magkapatid na Tarsilo at Bruno na makapatay ng dalawang guwardiya sibil at inihagis ang bangkay ng mga ito sa isang bangin. 12 Tandaan na namatay sa nasabing pag-aalsa ang asawa ni Sisa. Isang pabayang asawa, na ang paglimot sa kaniyang responsibilidad ay nagbunga ng kasawian ng kaniyang buong pamilya. 13 Mapapansin na isinama sa mga biktima si Lucas ang katotohanan si Francisco Saldua na isa sa mga sumasksi laban sa GOMBURZA ay pinangakuan ng malaking halaga at kapatawaran ng mga prayle ay kasama rin sa mga binitay na kasama ng GOMBURZA, sa layunin na patahimikin sa kaniyang nalalaman sa tunay na kaganapan sa likod ng Pag-aalsa sa Cavite noong 1872.

652

Kilala mo ba ang mga iyan? ang muling tanong sa kanyang. Si Tarsilo ay patuloy sa kawalan ng imik. Isang hugong ang pumutol sa hangin at ang yantok ay tumama sa kanyang likod. Nanginig siya at ang kanyang mga ugat at litid ay nagsigalaw. Ang mga p