5
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Unang Araw) Bb. Jenny Rose S. Basa I. Yunit III Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa Paksa Ang Kagandahang-loob sa Kapwa Sanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao (Ikalawang Baitang). Pasig City: Vibal Publishing, Inc. Kagamitan kartolina, larawan, makukulay na papel at kahon II. Mga Layunin A. Mga Kasanayang Pagkatuto KP1. Nagugunita ang kagandahan-loob na ginawa sa kapwa at mga pangangailangan nila na natugunan. KP2. Nasusuri ang mga kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kapwa. KP3. Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa kapwa at makapagbibigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng maganda sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso, tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa nang walang kapalit at may pagsasakrispisyo para sa kapakanan ng iba. KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng kagandahang-loob sa kapwa. B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto 1. Nakagugunita ng mga karanasang may kinalaman sa kagandahang-loob na ginagawa sa kapwa.

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Paksa: Kagandahan Loob sa Kapwa Ito ay nakabase sa k-12 Curriculum

Citation preview

Page 1: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

(Unang Araw)

Bb. Jenny Rose S. Basa

I. Yunit III Mga Pagpapahalaga at Birtud sa PakikipagkapwaPaksa Ang Kagandahang-loob sa KapwaSanggunian Bognot, R. M., et al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao

(Ikalawang Baitang). Pasig City: Vibal Publishing, Inc.Kagamitan kartolina, larawan, makukulay na papel at kahon

II. Mga LayuninA. Mga Kasanayang Pagkatuto

KP1. Nagugunita ang kagandahan-loob na ginawa sa kapwa at mga pangangailangan nila na natugunan.

KP2. Nasusuri ang mga kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kapwa.KP3. Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa

kapwa at makapagbibigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng maganda sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso, tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa nang walang kapalit at may pagsasakrispisyo para sa kapakanan ng iba.

KP4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng kagandahang-loob sa kapwa.

B. Mga Layunin sa Pagtuturo at Pampagkatuto1. Nakagugunita ng mga karanasang may kinalaman sa kagandahang-loob na ginagawa

sa kapwa.2. Naipapamalas ang iba’t ibang pamamaraan ng kagandahang-loob sa kapwa.

III. Paunang Pagtataya

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga isinasaad ng pangungusap. Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at letrang M

naman kung mali.

1. Nararapat lamang na tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya sa abot ng makakaya.

2. Ang pagkilala nang mabuti sa mga kapit-bahay ay isang halimbawa ng paggawa ng kabutihan sa pamayanan.

3. Dapat ay pinipili lamang ang mga pinakikitunguhang mabuti sa loob ng paaralan.

Page 2: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

4. Naibibigay natin ang tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng mga organisasyon at institusyon.

5. Ang pagbati nang magalang ay dapat sa mga guro lamang at mga opisyal ng paaralan.

Mga Tamang Sagot:

1. T2. T3. M4. T5. M

IV. Mga Gawain sa Pagtuturo at PampagkatutoA. Pagtuklas ng Dating Kaalaman

Panuto:1. Magpapakita ang guro ng isang malaking kahon na tatawaging “Kahon ng

Kabutihan”2. Gugunitain ng mga mag-aaral ang mga kagandahang-loob na ginawa nila sa

kapwa. Matapos nito, isusulat ng mga mag-aaral sa colored paper ang ginawa nilang kabutihan sa kapwa.

3. Ihuhulog nila sa “Kahon ng Kabutihan” ang kanilang isinulat.4. Bubunot ang guro ng limang papel sa loob ng “Kahon ng Kabutihan” upang

basahin at alamin ang mga kagandahang-loob na ginawa sa kapwa.

Mga Tanong:

1. Kailan ka huling gumawa ng mabuti sa kapwa?2. Ano ang iyong naramdaman sa tuwing nakakagawa ka ng mabuti sa kapwa?3. May maganda bang bunga ang paggawa mo ng kabutihan? Bakit?

B. Paglinang ng mga Kakayahan, Kaalaman at Pag-unawa

Panuto:1. Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay isasadula ang

iba’t ibang pamamaraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kapwa. Pangkat 1 – Pamamaraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa

kasapi o miyembro ng pamilya.

Page 3: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw

Pangkat 2 - Pamamaraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kamag-aral.

Pangkat 3 - Pamamaraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kasapi ng lipunan.

Pangkat 4 - Pamamaraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa nakaalitan o kaaway.

Pangkat 5 - Pamamaraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa mga biktima ng kalamidad (halimbawa: bagyo, giyera at iba pang kalamidad)

2. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng sampung minuto (10) upang mapaghandaan ang kanilang gawain. Samantalang tatlong minuto (3) lamang upang ibahagi ito sa klase.

Pamantayan sa Paglinang ng mga Kakayahan, Kaalaman at Pag-unawa

Kraytirya PuntosOrihinalidad at pagiging malikhain 35%

Naipapakita nang mahusay ang paksa ng gawain

35%

Pagtapossa itinakdang oras 30%Kabuuan 100%

Mga Tanong:

1. Sa mga ipinakitang mga paraan ng pagpapamalas ng kagandahang-loob, alin sa mga ito ang pinakagusto mo? Bakit?

2. Sa iyong palagay, ang pagtulong ba ay para lamang sa mga kaibigan at malapit sa iyo? Bakit?

3. Papaano mo tutulungan ang mga taong nakasamaan mo ng loob o nakagalit?4. Sa iyong palagay, saan nag-uugat ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?5. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?6. Anu-ano ang iyong pamamaraan ng pagpapakita ng kabutihan sa kapwa?

V. Takdang Aralin

Bilang paghahanda sa susunod na aralin, dalhin ang mga sumusunod:

Dalawang (2) stationary na may kasamang sobre o envelope. Pluma o ballpen